You are on page 1of 12

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 16: Mga Katangian ni Simoun
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 16 na: Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Raymart N. Santiago
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagasuri: Lorna S. Mansanido at Salve Regina O. Piezas

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Katangian ni Simoun
Manunulat: Raymart N. Santiago
Tagasuri: Lorna S. Mansanido at Salve Regina O. Piezas Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P .Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 16 para
sa araling Mga Katangian ni Simoun !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 16 ukol sa Mga


Katangian ni Simoun !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at


damdamin.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Naiuugnay ang mga kaisipang namayani sa binasang nobela.


B. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda.
C. Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobela bilang isang
Obra Maestrang pampanitikan.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Tukuyin ang sagot sa bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga bansag kay Simoun maliban sa .


A. Alperes C. Indiong Ingles
B. Eminencia Negra D. Kardinal Moreno
2. Nagbalik sa San Diego si Simoun makalipas ang taon.
A. 10 C. 12
B. 11 D. 13
3. Si Simoun at si ay iisa.
A. Basilio C. Isagani
B. Ibarra D. Padre Sibyla
4. Si ay iniibig ni Simoun.
A. Donya Victorina C. Maria Clara
B. Huli D. Pepay
5. Si Simoun ay kilalang kaibigan at ng Kapitan Heneral.
A. Abogado C. Kanang Kamay
B. Bise Presidente D. Tagapayo

6
BALIK-ARAL

PANUTO: Ibigay ang simbolo ng mga bagay na makikita sa larawan ni Reyna


Sentensiyada. Isulat ito sa loob ng kahon.

ARALIN

Simoun – ang pangunahing tauhan sa El


Filibusterismo. Makalipas ang 13 taon ay nagbalik
siya sa bayan ng San Diego upang maghiganti.

Pisikal na Kaanyuan:

Siya ay namumukod tangi at tunay na


nakakaagaw pansin dahil sa salamin niyang kulay
asul. Inilarawan si Simoun bilang matangkad,
matipuno, may kapayatan, may kaitiman ang balat
at laging nakasuot ng damit pang-Ingles.

Mga Bansag kay Simoun

Ilang taguri sa kanya ay Indiong Ingles,


Eminencia Negra, Kardinal Moreno, at maitim na
tagapayo ng Kapitan Heneral.

7
Si Simoun ay isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at
tagapayo ng Kapitan Heneral. Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at
pinangangalagan ng mga Indio at maging ng mga prayle. Ngunit nagpapanggap
lamang si Simoun dahil ang totoo siya ay si Crisostomo Ibarra na inakala ng lahat
na yumao na dahil sa nangyaring engkwentro sa Ilog Pasig.

Nagpapanggap siya upang mailigtas si Maria Clara na pumasok sa


kumbento upang magmongha. Nais niya ring maghiganti sa mga Espanyol at mga
Prayle na siyang dahilan ng mga bangungot na nangyari sa kanya at sa kanyang
ama noong siya pa si Crisostomo Ibarra, at ganoon na rin upang ipaghiganti ang
kanyang kasawiang palad.

Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa


palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipulin
ang lahat ng masasama kahit siya mismo ay inuusig din ng kaniyang budhi sa
paraang kanyang ginagawa.

Masasabing si Simoun ay mayroong matatag na pag-iisip at katapangan na


hindi mapapantayan. Hindi siya nagpapatinag anuman ang gawin o sabihin ng iba.
Mayroon din siyang paninindigan. Hindi siya sumusuko hanggang hindi
naisasakatuparan ang kanyang paghihiganti laban sa mga Kastila. Magaling din
siya makipag-usap sa mga tao. Nahihikayat niya ang mga ito na kumampi sa
kanya o paniwalaan anuman ang sabihin niya. Panghuli, si Simoun ay matalino at
magaling dumiskarte. Alam niya ang bawat kilos niya at maigi niyang kinakalkula
ang lahat.

Katangian ni Simoun

Mapaghiganti – natatangi ang dahilan ni Simoun sa kanyang paghihiganti at iyon


ay ang makuha si Maria Clara sa kumbento ngunit nabago ito noong nalaman niya
mula kay Basilio na wala na si Maria Clara, naging puro ang kaniyang,
paghihiganti at ito ay dahil sa naranasan niya at ng kaniyang ama sa kamay ng
mga may kapangyarihan noong siya pa si Ibarra at ang pagkawala ng kanyang
yaman at pangalan.

Masama – binalot ng kasamaan si Simoun dahil sa mga naranasan niya noong siya
pa ay si Crisostomo Ibarra.

Matapang – nagpakita ng katapangan si Simoun dahil sa kabila ng marami at


makapangyarihan ang mga taong kanyang kinakalaban ay hindi siya nagpakita ng
kahit na anong pag-aalinlangan.

Mapanlinlang – nagbalat-kayo siya sa ibang pagkatao upang maisaktuparan ang


kanyang planong paghihiganti.

Matalino – maayos ang plano ng paghihiganti ni Simoun, malinaw at maingat ang


kanyang mga hakbangin.

Mapagmahal – tanging si Maria Clara lamang ang inibig niya sa paglipas ng


panahon.

8
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG. 1
PANUTO: Piliin sa kahon ang mga angkop na salita na kukumpleto sa talata.

13 taon asul
balat El Filibusterismo pang-Ingles

Si Simoun ang pangunahing tauhan ng 1. .


Makalipas ang 2. ay bumalik siya sa bayan ng San Diego upang
maghiganti.
Siya ay namumukod tangi at tunay na nakakaagaw pansin dahil
sa salamin niyang kulay 3. . Inilarawan si Simoun bilang
matangkad, matipuno, may kapayatan, may kaitiman ang 4.
at laging nakasuot ng damit 5. .
PAGSASANAY BLG. 2
PANUTO: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI.
_________1. Si Simoun ay isang mag-aalahas.

_________2. Kilala si Simoun bilang matalik na kaibigan ng Kapitan Heneral.


_________3. Bukod sa pagiging kaibigan ng Kapitan Heneral, si Simoun din ang
Bise Presidente.
_________4. Si Simoun ay nagbalik sa San Diego makalipas ang 14 na taon.
_________5. Tinaguriang Indiong Ingles si Simoun.
PAGSASANAY BLG. 3.
PANUTO: Tukuyin ang katangiang ipinakita ni Simoun sa mga pahayag sa ibaba.

Mapagmalaki Matapat Mapaghiganti


Mapanlinlang Mapagmasid

_____________1. "Maaaring kakaiba ang pamamaraan ko sa paglutas sa mga


problema ng lipunan, subalit higit itong mabilis kaysa naiisip ng
mga titinging-tingin lamang"
_____________2. "Ang mga amang duwag ay mag-aanak lamang ng mga Alipin."

_____________3. "At sapagkat ang bayan ay tulad nga ng bangkay na wala nang
magawa, pinalala ko ang kabulukan, dinagdagan ko ang lason
upang mamatay ang lawin na sa kaniya'y nanginginain. Pinasigla
ko ang kasamaan ng pamahalaan, ang kanyang kalupitan, ang
kanyang pangangangamkam, at pininsala ko ang kabuhayan nang
sa gayon ay kumilos at maghimagsik ang bayan!"

_____________4. "Totoo nga. Ako ang taong naparito labintatlong taon na ang
nakararaan, may sakit at kaawa-awa ang anyo, upang bigyan ng
huling pitagan ang isang dakilang kaliliwang sadyang namatay
9
para sa akin. Biktima ng isang tiwaling pamahalaan. Naglagalag
ako at nagpunyaging makaipon ng malaking halaga upang
maisakatuparan ang aking mga balak."

____________5. "Sa aking palagay, ang mga tulisan ang mga pinakamatapat na
mamamayan sa buong bayan. Sila lamang ang nagpapakapagod
para sa araw-araw nilang pagkain"

PAGLALAHAT
Ang bawat isa sa atin ay may katangiang tinataglay at namumukod-
tangi. Sagutin mo ang tanong na ito.

________________________________________
Isa-isahin ang mga
katangiang ________________________________________
nangingibabaw kay ________________________________________
Simoun.

PAGPAPAHALAGA

Sa tulong ng mga likhang nobela ni Dr. Jose Protacio Rizal ay


nabuhay ang pagiging makabayan ng mga Pilipino kaya’t ang mga nobelang
ito ay itinuring na Obra Maestra at lubhang pinahahalagahan. Sagutin ang
tanong na ito.
Paanong ang nobelang El Filibusterismo ay
nakapagmulat sa’yo sa nararanasan nating
pandemya sa kasalukuyan?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI.


_________1. Kaya nagbalik si Simoun sa bayan ng San Diego ay upang makuha si
Maria Clara sa kumbento.

_________2. Mapanlinlang si Simoun sapagkat itinatago niya ang kanyang tunay na


pagkatao.
_________3. Si Simoun at si Crisostomo Ibarra ay iisa.
_________4. Maayos at maingat ang planong paghihiganti ni Simoun.
_________5. Nalaman ni Simoun na patay na si Maria Clara kay Kapitan Heneral.

10
11
ARALIN 4.7
MODYUL 16 : Mga Katangian ni Simoun
PAUNANG PAGSUBOK PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A 1. TAMA
2. D 2. TAMA
3. B 3. TAMA
4. C 4. TAMA
5. D 5. MALI
PAGSASANAY BLG 1
1. EL FILIBUSTERISMO
2. 13 TAON
3. ASUL
4. BALAT
5. PANG-INGLES
PAGSASANAY BLG.2
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. MALI
5. TAMA
PAGSASANAY BLG.3
1. MAPAGMALAKI
2. MATAPAT
3. MAPAGHIGANTI
4. MAPANLINLANG
5. MAPAGMASID
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
 "Simoun (Crisostomo Ibarra)". 2020. Facebook.Com.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=169490023160574&id=1
61664920609751.
 2020. [online] Available at: <https://brainly.ph/question/1257877> [Accessed
27 August 2020].
 "El Filibusterismo – Tauhan At Katangian | Panitikan.Com.Ph".
2020. Panitikan.Com.Ph. https://www.panitikan.com.ph/el-filibusterismo-
tauhan-at-katangian.
 Doble Ramos, Euchel Pauline. 2019. "ANG PAGLALARAWAN KAY
SIMOUN.Docx". Scribd. https://www.scribd.com/document/405220973/ANG-
PAGLALARAWAN-KAY-SIMOUN-docx.
 "Santacruzan/Flores De Mayo 2012". 2012. Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=m2v3UAd67IU.
 Ocay, Bea. 2017. "Simoun". Bea Ocay.
https://beatriocy.wordpress.com/2017/01/27/simoun/.
 "Mga Pahayag Sa El Filibusterismo". 2020. Facebook.Com.
https://www.facebook.com/pages/category/Education-Website/Mga-Pahayag-
sa-El-Filibusterismo-187332031993079/.
 2020. https://quizlet.com/145439081/mga-piling-pahayag-ng-mga-tauhan-sa-
el-filibusterismo-flash-cards/.

12

You might also like