You are on page 1of 17

Unang Markahan

Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1


Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng
Isip at Kilos-loob
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Janeth A. Bonifacio
Editor: Marlonito C. Padillo at Victor M. Javeña, Ed.D.
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD., Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Vernette R. Ortiz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
10
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng
Isip at Kilos-loob
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa


Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang:

Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob,


na may tiyak na layuning:
A. natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob;
B. naiaangkop ang mga kilos na ginawa batay sa gamit at tunguhin
ng isip at kilos-loob; at
C. nakabubuo ng plano ng pagbabago gamit ang isip at kilos-loob.

PAUNANG PAGSUBOK

Mga Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat


aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang kakayahan ng isip?


A. kumilos
B. makakita
C. makaramdam
D. mangatwiran

2. Bakit itinuturing na tao ang pinakamataas sa lahat ng uri?


A. Ang tao ay may kakayahang mag-isip at piliin ang kilos.
B. Maaaring alagaan ng tao ang iba pang nilalang.
C. Huling nilikha ng Diyos bago siya nagpahinga.
D. Ang tao ay nakapag-aaral.

3. Alin sa sumusunod ang kakayahan ng kilos-loob?


A. magalit
B. magmahal
C. makaunawa
D. malito
4. Alin ang itinuturing na mataas na tunguhin ng isip?
A. magmahal
B. makaunawa
C. malaman ang katotohanan
D. pumili

5. Alin ang itinuturing na mataas na tunguhin ng kilos-loob?


A. magmahal
B. makaunawa
C. malaman ang katotohanan
D. pumili

BALIK-ARAL

Madalas kang makapanood o makabasa ng balita ng mga indibidwal


na nagtatagumpay sa kanilang buhay. May mga kapitbahay at kamag-
anak ka rin na natutupad ang kanilang pangarap. May kilala ka bang
tao na sa kabila ng pinagdaraanan sa buhay ay nagagawa pa rin ang
magtagumpay?

Narito ang larawan ng ilang mga indibidwal, subukan mong


kilalanin ang bawat isa sa kanila. Pagtapatin ang larawan sa mga
pangalan at deskripsiyong nakasulat.
(www.rappler.com/move-ph) (www.goodnewspilipinas.com)

1 2
a. Albien Gacias b. Jarred Gaviola
11 taon na ang nakalipas nang Isang mag-aaral sa Grade
siya ay makipagbuno sa lung 9 mula sa Muntinlupa
cancer. Napilitang tumigil sa City. Sa kabila ng
pag-aaral, ngunit sa kabila nito pagiging estudyante ay
ay nagsumikap pa rin na
gumawa ng paraan upang
maging isang doktor. Ngayon
makatulong sa kapwa
ay kasama sa mga bagong
bayani na inilalaan ang buhay Pilipino na naaapektuhan
upang mapagaling ang mga ng umiiral na ECQ dahil
nakikipaglaban sa sakit na sa COVID-19 pandemic.
COVID-19.

Pagsusuri:

1. Nagawa ba nilang kumilos nang naaayon sa pagkakalikha sa kanila?

2. Ano ang nagpapabukod-tangi sa kanila upang makamit ang layunin


ng pagkakalikha bilang isang tao?
ARALIN

Ang Tao
Ikaw ay nilikhang pinagkalooban ng buhay. Palaging sinasabi na ikaw
ay natatangi at mahalaga sa lahat ng nilikhang may buhay. Ano-anong mga
katangiang taglay mo ang nagpapaiba sa iyo sa ibang nilikha?

Kung ikukumpara mo ang iyong sarili sa isang hayop, makikita mo na


napakalaki ng inyong pagkakaiba. Mula sa pisikal na kaanyuan, kakayahan,
at pagtugon sa mundong ginagalawan, higit na makikita ang pagkatangi ng
tao. Magagawa mong paunlarin ang iyong sarili at baguhin ang iyong
kapalaran.

Ang Tao ay may Isip at Kilos-loob


Ang tao ay pinagkalooban ng isip na may kakayahang:

1. ________ 3. ________
2. ________
4. ________
5. ________ 6. ______
• mag-isip

• makapagbuod ng esensiya

• makapagmuni-muni

• maghusga

• mangatwiran

• magsuri

• mag-alaala

• umunawa ng kahulugan ng mga bagay

• matuklasan ang katotohanan


Ang tao ay pinagkalooban ng kilos-loob na may kakayahang:

1. ____________
2. ____________

3. ____________
4. ________

• pumili

• gumawa

• makatuwirang pagkagusto

• naaakit sa mabuti

• nagpapahalaga

• nagmamahal

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Pagsusuri ng Sariling Kakayahan


Panuto: Tunghayan ang Quarantine Bingo Card. Suriin ang mga
kakayahang isinagawa habang ikaw ay nanatili sa loob ng bahay sa
panahon ng Enhanced Community Quarantine sa bansa. Lagyan ng marka
ang mga gawaing natapos sa panahon na ito.
Pagsusuri:

1. Naging makabuluhan ba sa iyo ang panahon ng ECQ sa bansa?

2. Ano-ano ang mga bagong kakayahan ang natuklasan mo tungkol sa


iyong sarili?

3. Paano makatutulong ang mga pagtuklas na ito sa iyong buhay?


Gawain 2
Panuto: Basahin at tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpakita ng
paggamit ng isip at kilos-loob. Lagyan ng tsek ang kahon.

Nagpakita ng
Nagpakita ng
Sitwasyon Paggamit ng Kilos-
Paggamit ng Isip
loob
1. Hindi pagsunod sa
panuntunan ng ECQ
2. Nagbigay ng hindi
magandang komento sa
kamag-aral na nag-post ng
larawan sa Facebook
3. Nagluto ng meryenda upang
maipamahagi sa mga
baranggay frontliner
4. Masayang tinutulungan ang
mga magulang sa gawaing-
bahay
5. Nahilig sa paggawa ng mga
makabuluhang video at
ibinabahagi sa social media

Gawain 3:
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang mag-
aaral ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga nasabing sitwasyon. Isulat
sa loob ng “Thinking Cloud” ang iniisip mo at isulat naman sa “Speech
Balloon” ang gagawin mo sa mga sitwasyong nabanggit.

Sitwasyon 1

Dahil sa pandemya ng COVID 19 sa Pilipinas, ang mga mag-aaral ay


hinihikayat na manatili sa bahay. Sa pagbubukas ng klase ang lahat ay
susunod sa “online class” na tinatawag. Mas ninanais mo ang pisikal na
pumasok sa paaralan upang makaugnayan ang iyong mga kaibigan at
kaklase. Kahit ang iyong mga magulang ay tutol sa online class na ito.
Ano ang iisipin at gagawin mo sa panahong ito?

Sitwasyon 2

Sa New Normal, ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nananatili sa loob ng


tahanan. Maraming mga pagkakataon na ikaw ay palaging nauutusan ng
iyong nanay na gumawa ng gawaing-bahay. Kinaiinisan at madalas na
nakikipagtalo ka pa sa iyong mga magulang

Pagsusuri:

1. Ano ang maaaring maging epekto sa iyo ng gagawin mo?

2. Makaaapekto rin ba sa ibang tao ang iniisip at gagawin mo?

3. Paano maaaring maiba ang epekto ng kilos ng tao?


PAGLALAHAT

Bakit kinikilalang obra maestra ng Diyos ang tao?

Bilang kawangis ng Diyos, ang tao ay may ______________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

DAPAT TANDAAN:
❖ Ang tao ay may isip upang malaman ang katotohanan.
❖ Ang tao ay may kilos-loob upang mahalin ang kapwa.
❖ Ang tao ay may kakayahang buuin ang sariling pagkatao gamit ang
isip at kilos-loob.

PAGPAPAHALAGA

Journal Entry: GOAL-SETTING


Ngayon nakilala mo na ikaw ay may kakayahang buuin ang pagkatao
gamit ang isip at kilos-loob, sa iyong dyornal, sumulat ng plano ng
pagbabago na nais mo mangyari sa iyong buhay. Sundin ang SMART
bilang pamantayan ng iyong layunin.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Tukuyin ang ipinahahayag ng sitwasyon. Isulat ang salitang ISIP


kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggamit ng kaisipan. Isulat naman
ang salitang KILOS-LOOB kung ang pahayag ay kumakatawan sa paggamit
ng kilos-loob.

1. Nalalapit na ang pagsusulit sa EsP 10 kaya nagdagdag ng


oras si Matthew sa pag-aaral ng mga natapos na aralin.
2. Pinagsabihan ni Katrina ang kaklase na pilit umaagaw sa
pagkain ni Maricar.
3. Kalat sa balita na maraming Pilipino ang nahirapan sa
panahon ng pandemya. Nagluto ng kanin at ulam ang
pamilya mo upang maibigay sa mga kapus-palad sa inyong
barangay.
4. Ginugol mo ang iyong oras sa pagsisiyasat ng mga
impormasyon patungkol sa COVID-19.
5. Masusi mong sinubaybayan ang mga pangyayari sa Pilipinas
habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga
naapektuhan ng COVID 19.
6. Pinili ni Albert ang manatili sa loob ng kaniyang tahanan sa
kabila ng pamimilit ng mga kabarkada na tumambay.
7. Maraming naririnig na hindi magandang kuwento si Allen
patungkol sa kaniyang kasintahan, sa kabila nito ay
nagtitiwala pa rin siya sa kasintahan.
8. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Mylene. Ngayon
nasa ikasampung baitang na siya ay inalam niya ang mga
pangyayari mula sa kaniyang mga magulang.
9. Pinahahalagahan ni Karina ang relasyon niya sa ibang tao
kaya’t iniingatan niya ang mga salitang binibitiwan.
10. Hinasa ni Michael ang kaniyang talento sa pagguhit
habang kailangang manatili sa loob ng tahanan.

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Paglalahat Panapos na


Pagsubok Pagsusulit

10. KILOS-LOOB
A 5. sa kaniyang kabuuan. 9. KILOS-LOOB
C 4. kinabukasan patungo 8. ISIP
B 3. buuin ang kaniyang 7. ISIP
A 2. kakayahan ang tao na 6. KILOS-LOOB
D 1. lahat ng nilalang. May 5. ISIP
siyang nagpapaiba sa 4. ISIP
pumili at gumusto na 3. KILOS-LOOB
Balik-aral kakayahang mag-isip, 2. KILOS-LOOB
ang tao ay may 1. ISIP

2. A
1. B
Sanggunian
Mula Sa Aklat
Edukasyon, Kagawaran ng. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa
Mag-aaral. FEP Printing Corporation.

Mula Sa Internet
Agustin, Marclee A. 2019. www.goodnewspilipinas.com. May 29. Accessed June 4,
2020. https://www.goodnewspilipinas.com/meet-dr-albien-emmanuel-
gacias-cancer-survivor-now-healer/.
Baizas, Gaby. 2020. www.rappler.com. May 22. Accessed June 4, 2020.
https://www.rappler.com/move-ph/261725-muntinlupa-student-
scholarship-allowance-coronavirus-relief-goods.

You might also like