You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
PANREHIYONG PAGTATAYA SA NATAMONG KASANAYAN
SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
SY 2023-2024
Pangalan: ___________________________________________ Marka: _____________
Baitang at Pangkat: _________________________________ Petsa: ______________

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra nang tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Anong kasanayan ang kinapapalooban ng pagkilala, pagkuha at pag-


unawa ng anumang anyo ng impormasyon o ideya na sinasagisag ng mga
salita at simbolo?
A. Pagbasa B. Pakikinig C. Pagsasalita D. Pagsusulat

2. Ayon sa “Ama ng Pagbasa” na si William S. Gray, may apat na proseso


ang pagbabasa. Alin ang tamang pagkasunod-sunod nito?
A. Asimilasyon, Komprehensyon, Persepsyon, Reaksyon
B. Komprehensyon, Persepsyon, Reaksyon, Asimilasyon
C. Persepsyon, Komprehensyon, Reaksyon, Asimilasyon
D. Reaksyon, Asimilasyon, Komprehensyon, Persepsyon

3. Upang ganap na maging interaktibo ang pagbabasa, anong ugnayan o


interaksyon ang kinakailangan?
A. Mambabasa at Teksto C. Manunulat at Teksto
B. Mambabasa at Tagapakinig D. Manunulat at Mambabasa

4. Habang nagbabasa si Lea ng kuwentong pag-ibig sa wattpad,


nahuhulaan
na niya ang susunod na mangyayari. Anong istilo ito ng pagbabasa?
A. Iskiming B. Iskaning C. Interpreting D. Predikting

5. Sa inyong panimulang pananaliksik sa Filipino, si Bb. Domingo ay


nagbigay ng paksa ukol sa Epekto ng social media sa Kabataan. Anong
istilo ng pagbabasa ang iyong gagamitin upang makapaggalugad ka ng
mga
materyal na mga susing salita o key word lamang o pamagat at sub-titles
agad ang iyong mahahanap sa internet?
A. Iskaning B. Iskiming C. Interpreting D. Predikting
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa
pamamagitan ng pagsulat ng letra nang tamang sagot sa sagutang papel.

Para sa bilang 6-8


Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos
ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa
paghinga, at pagsusuka.
Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa ng
hanggang sa 18 na iba pa, bata o matanda. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang
mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay
lalo na sa mga sanggol.
https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/

6. Anong uri ng teksto ang binasang sipi mula sa balita?


A. Deskriptibo C. Persweysib
B. Impormatibo D. Prosidyural

7. Batay sa binasang teksto, ano ang pangunahing kaisipan ang nakapaloob


sa talata?
A. Ang mga sintomas ng sakit na Pertussis
B. Ang bakuna kontra sa sakita na Pertusis
C. Ang benepisyo ng bakuna laban sa Perstussis
D. Ang mga kumplikasyon ng sakit na Perstussis sa bata at matanda

8. Bakit mahalagang mabakunahan ang mga sanggol ng Kontra Pertussis?


A. upang hindi mahawaan ang mga matatanda
B. upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit na Pertussis
C. upang mabigyan ng babala ang mga Pilipino sa kumakalat na sakit na
Pertussis.
D. upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon
at kamatayan sa mga sanggol

9. Alin sa mga sumusunod na sintomas ang HINDI kabilang sa binasang


teskto?
A. pangangati C. pagkahirap sa paghinga
B. pagsusuka D. apnea o pagtigil sa paghinga

Para sa bilang 10-13

https://jeininallysie.wordpress.com/2016/08/24/first-blog-post/

10. Anong uri ng teksto ang binasang akda?


A. Argumentatibo C. Naratibo
B. Deskriptibo D. Persweysib
11. Alin sa pangungusap ang naglalarawan ng magkasalungat na katangian
ng isang tao?
A. Masipag siya ngunit isang dakilang tamad rin.
B. Siya ay maraming nagawang mali sa buhay pero tanggap ko siya.
C. Alam ko kung ano gusto niyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin.
D. Hindi ko siya maintindihan minsan pero alam ko kung ano ang
kanyang iniisip.

12. Batay sa mga paglalarawan na nakasaad sa talata, kanino pinatutungkulan


ng may-akda ang kaniyang paglalahad?
A. Sa kaniyang sarili C. Sa kaniyang kaibigan
B. Sa kaniyang kapatid D. Sa kaniyang kakambal

13. Anong mahalagang mensahe ang nangibabaw sa huling bahagi ng talata?


A. Kalabanin ang sarili C. Kaawaan ang sarili
B. Pagtanggap sa sarili D. Pagpapalaya sa sarili

Para sa bilang 14-17

“Joy Cologne”
Ito ang aking produkto, na sa inyo ay magbibigay-aliwalas at bangong walang
kapantay. Gamit ito sa araw-araw at ang wisik nito'y tunay na nakaaakit ang amoy. Sa mga
tao na sa iyong paligid ay tiyak mapasusunod at mahahalina nang husto. Sa mga kabataan,
lalo na sa mga kababaihan, ito'y angkop na pabangong dapat gamitin sa araw- araw.
Isandaang porsyentong ang bango ay tumatagal. Kasiyahan ay mapapasaiyo, kumpiyansa sa
pakikipaghalubilo at walang kapantay na bango. Sa amoy palang ay walang pagsisisi, maging
sa presyo ay sulit man din, sa murang halaga lamang na apatnapung peso (P40.00). Kaya sa'n
ka pa? Sulit na mabango pa. Bili na! Masisiguro ko sa inyo, na ang"Joy Cologne" tunay na
mabango, tinatangkilik pati ng mga artistang Pilipino, at higit salahat sulit ang presyo.
https://en.wikipedia.org/wiki/Joy_(perfume)

14. Anong uri ng teksto ang binasang akda?


A. Deskriptibo C. Persweysib
B. Naratibo D. Prosidyural

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI benepisyo ng pagtangkilik ng


produktong “Joy Cologne”?
A. sulit ang presyo C. nakaaakit ang amoy
B. mataas ang kalidad D. bango ay tumatagal

16. Kung ikaw ay mamimili, tatangkilikin mo ba agad ang produkto?


A. Oo, sapagkat maraming magandang dulot ang “Joy Cologne”.
B. Hindi, sapagkat hindi ko pa naman ito nasusubukang gamitin.
C. Maaari, susubukan ko muna saka ako bibili kapag nagustuhan ko.
D. Mag-aalangan ako, kasi masyadong mabulaklak ang pagsasalita ng
Nagtitinda.
17. Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga nabanggit na katangian ng
produkto upang mahikayat ang mga mamimili?
A. Mabisa ito sapagkat may istratehiya at datos na ginamit sa pag-
aalok.
B. Hindi ito mabisa, kulang ang kaniyang mga paglalarawan sa
produkto.
C. Hindi ito mabisa, sapagkat mabulaklak ang ginamit nitong
paglalarawan.
D. Mabisa ito sapagkat nakawiwili ang kaniyang mga pahayag at tunay
na nakaaakit sa mamimili.

18. Anong uri ito ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat


ang posisyon sa isang paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa
personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensiyang pangkasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik?
A. Argumentatibo C. Persweysib
B. Naratibo D. Prosidyural

19. Kung ikaw ay magbibigay ng pagsang-ayon na pahayag. alin sa mga


sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng pahayag na pagsang-
ayon?
A. “ayaw ko ang pahayag na sinabi mo”
B. “maling-mali ang kaniyang inihaing pagbabago”
C. “lubos akong nananalig sa sinabi mong pagpapaliwanag na iyan.”
D. “ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabi ng hindi maganda sa
Kapwa.”

20. Kung ang Tekstong Persuweysib ay may layuning manghikayat ng


mambabasa, ang Tekstong Argumentatibo ay may layunin din
na mangumbinsi ngunit batay sa anong aspeto?
A. katotohanan B. narinig C. naunawaan D. sariling opinyon

21. I. IV.
II. III.
Manaliksik at Piliing mabuti
alaming mabuti Kilalanin at Sa kongklusyon,
ang panig ng
ang lahat ng suriin ang uri ng ipahayag muli
isyu ng
anggulo o mambabasa na ang panig na
pananaw ukol sa suliraning
nais hikayatin. tinalakay.
isyu. ilalahad.

Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng


pagsulat ng tekstong persuweysib?

A. I, II, III, IV B. II I, III, IV C. III, II, IV, I D. IV, II, I, III


Para sa bilang 22-25

Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malamig at madilim ang lugar na aking


kinalalagyan. Hinigpitan ko ang kapit sa rehas na bakal upang maibsan ang lamig na
nararamdaman ko. Di ko man masyadong maaninag ay ramdam na ramdam ko ang mga
sugat na nakalatay sa buo kong katawan. Ngunit ang sakit na dulot ng mga sugat ay
walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa aking kalooban. Ipinikit ko ang
aking mga mata upang balikan ang nakaraan at alalahanin ang dahilan ng akin ngayo’y
kinalalagyan. https://mgapiraso.wordpress.com/category/maikling-kuwento/

22. Anong uri ng teksto ang binasa?


A. Deskriptibo C. Persweysib
B. Naratibo D. Prosidyural

23. Batay sa paglalarawan at pagsasalaysay sa teksto, saang lugar kaya


naroroon ang pangunahing tauhan?
A. sa kaniyang silid C. sa sementeryo
B. sa loob ng kulungan D. sa gitna ng kagubatan

24. Kung ikaw ay nasa ganoong sitwasyon o kinalalagyan, ano ang iyon
dapat maramdaman?
A. Iiyak na lamang ako sa sitwasyon na aking kinalalagyan.
B. Matatakot ako dahil madilim, masikip at malamig ang lugar.
C. Mananaig ang kagustuhan kong makatakas agad sa lugar na iyon.
D. Hindi ako mawawalan ng pag-asa, sapagkat habang may buhay ay
may pag-asa.

25. “Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malamig at madilim ang lugar na aking
kinalalagyan. Hinigpitan ko ang kapit sa rehas na bakal upang maibsan
ang lamig na nararamdaman ko”. Anong elemento ng maikling
kuwento ang nakaitalisadong pangungusap?
A. Banghay B. Paksa C. Tagpuan D. Tauhan

26. Sa pagsulat ng Tekstong Naratibo, ano ang dapat isaalang-alang ng


nagsasalaysay upang mabisa ang kaniyang akdang gagawin?
A. Mahalagang malinaw na alam kung saan sasang-ayon sa paksang
tinatalakay.
B. Mahalagang malinaw sa paglalarawan ng tauhan ng kuwento o
akdang gagawin.
C. Mahalagang malinaw na naisasalaysay ang layunin ng kuwento o
akdang gagawin.
D. Mahalagang malinaw na makapanghikayat ng mga manonood o
tagapakinig sa iyong sasabihin.
Para sa bilang 27-30
Panuto: Lagyan ng letrang A, B, C at D ng tamang pagkasunod-sunod ang
pamamaraan ng paggamit ng social media. Isulat ang letra nang tamang
sagot sa sagutang papel.
_____27. Iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga artikulo o memes
at maging responsable sa lahat nang oras.
_____28. Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong
lugar.
_____29. Ugaliing basahin muna nang buo at maigi ang nilalaman ng
artikulo bago magkomento o mag-share.
_____30. Ito ay lugar lamang para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.

31. Ano ang tawag sa sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na


pagsusuri sa mga haypotetikal na proposisyon ukol sa pagkakaugnay-
ugnay ng mga bagay sa isang phenomena?
A. Pananaliksik C. Sulating-pang-agham
B. Akademikong Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat

32. Gustong malaman ng iyong guro kung may pakinabang ba ng iyong


pananaliksik sa buong institusyon. Saan bahagi ng pananaliksik siya
titingin?
A. Kalahok sa pag-aaral C. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
B. Kahalagahan ng pag-aaral D. Mga Terminong ginamit sa pag-
aaral
33. Sa pananaliksik na may tiyak na paksang: “Antas ng Kaalaman ng mga
Mag-aaaral sa Kursong Humanities and Social Sciences sa Mariposa
National High School,” sa anong larangan ito nabibilang?
A. Edukasyon B. Komersyo C. Pilosopiya D. Siyensya
34. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pananagutan ng
isang matapat na mananaliksik.
A. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng
karampatang tala.
B. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos o
impormasyon.
C. Ikinikiling niya sa kanyang pag-aaral ang partikular na pananaw sa
isang paksa.
D. Maingat na tinatala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya
ng datos o impormasyon.
Para sa bilang 35

Mananaliksik: “Sa tingin po ninyo, Sir, paano nakaiimpluwensiya ang


Katutubong Dumagat sa Kultura ng Bulacan?”
G. Pabalan: “Malaki ang impluwensya nito sapagkat, sa pag-aaral na
ito malalaman natin ang yaman ng wika ng Katutubong
Dumagat.”
35. Anong instrumento ang ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng
impormasyon?
A. Case Study B. Obserbasyon C. Panayam D. Sarbey

36. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasulat ng Saklaw at


Hanggan
ng Pag-aaral sa isang pananaliksik?

A. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng


kaalaman patungkol sa Sex Education ng mga mag-aaral ng
Malhacan National High School sa Senior High School para sa
Taong Panuruan 2023-2024.
B. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng
kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa Sex Education sa Senior
High School ng Malhacan National High School para sa Taong
Panuruan 2023-2024
C. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng
kaalaman patungkol sa Sex Education ng mga mag-aaral sa Senior
High School ng Malhacan National High School para sa Taong
Panuruan 2023-2024.
D. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng
kaalaman patungkol sa Sex Education ng mga mag-aaral ng
Malhacan National High School para sa Taong Panuruan 2023-2024
sa Senior High School.

37. Ayon sa pag-aaral ni Adesope et al. (2010), ang WordSift ay isa pang
libreng word cloud tool na magagamit sa Internet. Tulad ng Wordle,
isang
salita sa loob ng ulap ay nilikha batay sa teksto na pinutol at ipinasok
bilang application? Anong layunin ng pananaliksik ang mahahalaw
mula
rito?
A. Ma-satisfy ang kuryosidad ng pananaliksik.
B. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
C. Makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas.
D. Mapalawak pa, mapatunayan at magamit ang mga umiiral na
kaalaman.
38. Alin ang wastong pagkasunod-sunod na bahagi ng isang pananaliksik?
A. Ang Suliranin at Sanligan nito, Mga Kaugnay na Literatura at Pag-
aaral, Metodolohiya at Pamamaraan, Resulta at Diskusyon, Lagom,
kongklusyon at Rekomendasyon
B. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral, Metodolohiya at Pamaaraan,
Resulta at Diskusyon, Lagom, kongklusyon at Rekomendasyon, Ang
Suliranin at Sanligan nito
C. Ang Suliranin at Sanligan nito, Resulta at Diskusyon, Mga Kaugnay na
Literatura at Pag-aaral, Metodolohiya at Pamamaraan, Lagom,
kongklusyon at Rekomendasyon
D. Ang Suliranin at Sanligan nito, Mga Kaugnay na Literatura at Pag-
aaral, Metodolohiya at Pamamaraan, Lagom, kongklusyon at
Rekomendasyon, Resulta at Diskusyon
Para sa bilang 39-41
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na bahagi ng pananaliksik. Piliin ang
letra nang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

39.

A. Abstrak C. Pahina ng Pamagat


B. Fly Leaf D. Dahon ng Pasasalamat

40.
A. Dahon ng Pasasalamat C. Talaan ng Nilalaman
B. Pahina ng Pamagat D. Talaan ng Talahanayan

41.

A. Panimula C. Paglalahad ng Suliranin


B. Kahalagahan ng Pag-Aaral D. Saklaw at Hanggan ng Pag-aaral

42. Ayusin ang mga hakbang sa panimulang pananaliksik. Alin sa mga


sumusunod ang tamang pagkasunod-sunod?
I. pag-interpret III. pagpili ng paksa
II. pagpili ng mga kasangkot IV. pangangalap ng datos

A. I, II, III, IV B. II I, III, IV C. III, II, IV, I D. IV, II, I, III

43. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang makatotohanan sa


paggamit ng talatanungan sa pananaliksik?
A. Ito ay batayan ng argumento.
B. Ito ay mahalagang bahagi sa pagsulat ng rasyonal.
C. Dito nakasaad ang mga impormasyon na pagbabatayan ng resulta ng
pananaliksik.
D. Makikita rito ang mga tanong tungkol sa personal na impormasyon
ng mga kasangkot.

44. Bakit mahalaga ang paghingi ng permiso sa mga kasangkot sa iyong


Pananaliksik?
A. para maipakita ang paggalang
B. upang hindi lumabag sa privacy rights
C. dahil ito na ang naging kalakaran sa pananaliksik
D. sapagkat ito ang dapat unahing gawin ng mananaliksik

45. Sa pagsulat ng liham sa mga kasangkot sa pananaliksik, ano ang hindi


dapat pagtuunan ng pansin?
A. layunin ng pag-aaral C. resulta ng pag-aaral
B. suliranin ng pag-aaral D. paksa ng pananaliksik

46. Alin sa mga sumusunod na propayl ng kasangkot ang hindi kabilang


upang maiwasan na maging malawak ang paksa ng pananaliksik?
A. Lugar ng kasangkot C. Kasarian ng mga kasangkot
B. Edad o gulang ng mga kasangkot D. Paboritong kulay ng mga
Kasangkot
47. Ano tawag sa hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang
pagtatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas
at wastong gamit ng salita?
A. Paglalahad ng Layunin C. Pinal na Balangkas
B. Pagwawasto at Pagrebisa D. Pagsulat ng Pinal na
Pananaliksik

48. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng pananaliksik


para sa preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhan.
A. Makatuklas ng mga mabisang sangkap na magagamit ng mga
namumuhunan.
B. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong
instrumento o produkto.
C. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi ganap na nalulutas
ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
D. Makalikha ng batayan ng pagpapasiya sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamamahala at iba pang larangan.

49. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang pahayag tungkol


sa pagsusuri ng datos?
A. Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmulan ng talakayan.
B. Ang opinyon at pananaw ng mananaliksik ang pinagmulan ng
talakayan.
C. Ang impormasyong galing sa ibang pag-aaral at literatura ang
pinagmulan ng talakayan.
D. Ang mga talahanayan, graph o anomang uri ng presentasyon ng
datos ang pinagmulan ng talakayan.
50. Bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik
ang presentasyon, pagsusuri, at interpretasyon ng datos?

A. Dahil ito ang bahaging pinakamahaba.


B. Dahil sa bahaging ito ipinakikita ang dayagram at talahanayan.
C. Dahil dito makikita kung gaano kahusay ginampanan ng
mananaliksik ang mga tungkulin niya.
D. Dahil dito nakasaad ang mga bagong impormasyon, nadiskubre at
resulta na ambag ng mananaliksik sa pagbuo ng kaalaman.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like