You are on page 1of 39

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 10
REVIEWER
IKAAPAT NA MARKAHAN
*Kinopya ni Liza ang tula ng kaibigan at
manunulat ng tula na si Lily. Maganda ang
nasabing tula na naipasa niya sa kanyang
guro sa Literatura. Ito pala ay nagmula sa
kaunahang lumang aklat ng mga tula na
naipalimbag ng kanyang kaibigan. Ano ang
tawag sa naging aksyon ni Liza?
-Intellectual Piracy
*Ito ay tumutukoy sa isang paraan
ng pagtatago ng katotohanan sa
pamamagitan ng paglilihis ng mga
maling kaalaman.
-Equivocation
*Minsan sinabi ni Lola na kung magiging
mabait ako ay matutuwa sa akin ang mga
fairies at bibigyan ako tiyak ng mga regalo sa
birthday ko. Ang pangungusap ay tumutukoy
sa isang uri ng lihim na kung saan sinasabi o
sinasambit upang makapaghatid ng
kasiyahan.
-Jocose lie
*Sa pagkakalikha sa tao, nagtataglay
sya ng maituturing na banal at
mahalagang kaloob ng Diyos. Alin sa
mga sumusunod ang tinutukoy na
mahalaga at banal na kaloob ng
Diyos?
-Buhay
*Ang pakikipagtalik ay isang regalo o banal na
kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga
taong pinagbuklod ng Sakramento ng Kasal.
Ano ang pangunahing resulta ng
pakikipagtalik ng hindi kasal?
-Pagpapawalang halaga at pagbaba ng
dignidad at integridad ng mga gumawa nito
*Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng
National Secretariat for Youth
Apostolate (NSYA), ang mga kabataang
Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka
sa mga isyung may kinalaman sa __
-Seks at sekswalidad
*Saan maihahantulad ang ginagawang
pagbebenta ng sariling katawan ng isang
taong naging prostitute?
-Ito ay maihahantulad sa manunulat na
ibinebenta ang kanyang isip sa kanyang
pagsusulat.
*Ang pang- seksuwal na
kakayahang kaloob ng Diyos sa
tao ay tumutugon sa mga layuning
-Magkaroon ng anak at magkaisa
ang mag-asawa.
*Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang angkop na
kapahayagan sa pagkakaroon ng
paggalang sa sekswalidad ng tao?
-Ito ay nagpapahayag na ang isang tao ay
may mataas na pagtitiwala at pagrespeto
sa sarili.
*Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang nagpapahayag ng
pangunahing epekto ng pornograpiya sa
tao?
-Maaring maging iba ang asal ng tao,
magiging makamundo at mapagnasa
siya.
*“Ang katotohahanan ang nagsisilbing
ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman
at layunin sa buhay.“ Ano ang kahulugan
ng pangungusap?
-Ang katotohanan ay mahalaga upang
magtagumpay at maabot ang tunguhin
sa buhay.
*Si Mic ay napilit ng kanyang nobyo na lumabas
kahit walang pahintulot ng magulang. Hindi
inaasahan na nakalimot sila sa isa’t isa at sa huli’y
nahawa pala sya sa sakit ng kanyang nobyo. Bakit
kailangan pahalagahan ng isang kabataang katulad
ni Mic ang kanyang sekswalidad?
-Mabibigyan pansin dito ang kanyang pakikitungo
sa sarili at sa kanyang nobyo at sa iba pang tao.
*Nakita ni Ria ang pambubulas na ginagawa ng
kanyang mga kaklase kay Rio. Napapansin na din
ito ng kanilang guro. Nais nang magtapat ni Ria sa
kanyang guro. Kung ikaw si Ria, alin sa mga
sumusunod ang dapat gawin na nagpapahayag ng
paninindigan sa pagpapahalaga sa katotohanan?
-Sasabihin ko ito sa aming guro, ang pambubulas
at ang mga matibay na patunay nito.
*Nasasabihan si Gigi na siya ay halimbawa
ng may mainam na paggalang sa kanyang
sekswalidad. Kung ikaw si Gigi, paano mo
kaya maipapahayag ang pagpapahalaga at
paggalang sa iyong sekswalidad?
-Tatanggapin ko ang aking sekswalidad,
iingatan, igagalang at patuloy na
pahahalagahan ito.
*Ang literal na pagnanakaw o pagkuha ng
walang pakundangan at lubusang pag-angkin
sa pag-aari ng iba ay maituturing na isang
krimen katulad ng pagpatay o kidnapping.
Alin ang tinukoy na krimen na bahagi ng
paglabag sa karapatang-ari?
-Theft
*Ano ang maaaring gawin ng isang mag-
aaral na katulad mo upang maiwasan
ang illegal na pangongopya sa gawa ng
iba o plagiarism?
-Babanggitin ko ang pinagkunan at
pangalan ng awtor kung gagamitin ko
ang gawa ng niya.
*Alin sa sumusunod ang tamang
pahayag tungkol sa Committed or
entrusted secrets.
-May pagtatago ng impormasyon
bago ang mga impormasyon at
kaalaman ay nabunyag.
*Ang paglabag sa karapatang-ari o copyright
ay naipapakita sa paggamit ng walang
pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang
tao na protektado ng Law on Copyright. Sa
paanong paraan nagaganap ang paglabag?
-Pagsusulat, pagpaparami, pagbabahagi at
panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
*Alin sa mga bahagi ng hakbang ang
kailangan gawin bago maisiwalat ang
katotohanan ng isang katiwaliang
nasaksihan mula sa isang kompanyang
pinagtatrabahuhan?
-Siguraduhing ang kilos o ang piniling
pasiya ay ayon sa likas na batas moral.
*Itinuro ni Joko na si Jess ang sumigaw nang
malakas habang nagsusulat sa pisara ang
kanilang guro. Nakagalitan tuloy ng guro si
Jess. Alin ang tinutukoy na uri ng
kasinungalingang pinairal ni Joko?
-Officious Lie
*Bago mamatay ang ama, may isang lihim
ito na ipinagkatiwala kay Lulu at sinabihan
siya na huwag na huwag itong ipagtatapat
sa kanyang ina na maaari nitong
ikapahamak. Ano ang uri ng lihim ang
ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
-Promised Secrets
*Si Phia ay isang empleyado sa munisipyo at kasama
sa tungkulin ang “no noon break policy”. Sa oras ng
kaniyang break ay may isang matandang lumapit sa
kanya at nakiusap na patapusin muna ang hinihingi
niyang tulong bago magbreak dahil may policy naman
sila na “no noon break”. Kung ikaw si Phia ano ang
gagawin mo sa ganitong sitwasyon?
-Maghahanap ng kasamahan na maaaring mag-
asikaso agad sa matanda .
*Si Lino ay dating drug addict. Bahagi ng
kaniyang pagbabagong-buhay ay ang
kalimutan ang madilim niyang nakaraan kaya
itinago niya ito sa kompanyang kaniyang
pinaglilingkuran sa kasalukuyan. Anong uri ng
paglilihim ang kaniyang ginawa?
-Natural secret
*Sa magkakaibigan, ikaw na lang ang hindi pa
nahihilig manood ng mga mahahalay na
videos sa internet at dahil dito ikaw ang
palaging inaasar sa inyong grupo. Ano ang
gagawin mo?
-Makikipag-usap sa mga kaibigan na kahit
asarin, hindi ko tatalikuran ang aking
paninindigan.
*Ang pagsisinungaling ay ang hindi
pagkiling o pagsang-ayon sa
katotohanan. Itinuturing ding isang lason
na humahadlang sa kaliwanagan ng
isang bagay o sitwasyon. Anong patunay
na ito’y natural na masama?
-Ito ay isang uri din ng pandaraya
*Ang tao sa napakaraming kaabalahan sa
kanyang buhay ay nangangailangan ng
gabay upang matahak ng matiwasay ang
layunin ng kanyang buhay. Alin ang
nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng
kaalaman at layunin niya sa buhay?
-Katotohanan
*Alin sa mga sumusunod ang
tamang pahayag tungkol sa mental
reservation?
-Maingat na paggamit ng salita sa
pagpapaliwanag na walang tiyak na
impormasyon ng katotohanan.
*Alin sa mga sumusunod ang pangunahing
dahilan ng isang tao kung bakit mas
nahihikayat ito na gawin ang paglabag sa
karapatang-ari (copyright) na nauuwi sa
pagkuha at pagnanakaw sa gawa ng iba?
-Mataas na Presyo
*Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman
sa gusto ko, pero kailangan eh. Ayaw nga ng
pamilya ko, at ayaw ko rin sana, pero
itutuloy ko na rin.” Paano pinanindigan ng
whistle blower ang kanyang pakikibaka para
sa katotohanan?
-mula sa dikta ng kaniyang konsensiya
*Isang uri ito ng kasinungalingan
na sumisira ng reputasyon ng
isang tao at pumapabor naman
sa interes o kapakanan ng iba.
-Pernicious lie
*Nag-iisa sa bahay si Jona nang dumating ang
kasintahan niyang si JD. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-
usap. Habang tumatagal ay nagiging agresibo si JD at
sinimulan nitong halikan si Jona. Sabi pa ni JD “Kung
tunay mo akong mahal, ikaw ay makikipagtalik sa
akin.” Kung ikaw si Jona ano ang gagawin mo?
-Kakausapin ko si JD nang mahinahon at ipapaliwanag
na hindi tama ang nais niyang mangyari.
*Ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang
pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito din ay
dapat maipahayag sa mas malalim na pag-iisip,
pagsasalita at pagkilos bilang isang taong
nagpapahalaga sa katotohanan. Anong prinsipyo
ang nalalabag kung nawawala ang puso at
pagmamalasakit na maipahayag ang katotohanan?
-Prinsipyo ng Confidentiality
*Ang pakikipagtalik ay hindi
pangangailangang biyolohikal na tulad
ng hangin para sa paghinga o tubig para
inumin. Alin ang tamang pakahulugan sa
salaysay?
-Hindi kailangan ng taong makipagtalik
upang mabuhay sa mundong ito.
*Ang nagdadalaga at nagbibinata ay may kakayahang
pisyolohikal na magparami ng uri, ngunit, hindi ibig
sabihin nito na maaari na silang makipagtalik at
magkaanak. Hangga’t wala pa sila sa wastong gulang
at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, wala
silang karapatang makipagtalik. Ano ang katotohanang
binubuod ng pahayag?
-Ang mga taong nasa wastong gulang na pinagbuklod
ng kasal ang maaari lamang makipagtalik.
*Alin sa mga sumusunod ang
tumutukoy sa isyung sekswal?
-Dala ng bugso ng damdaming
kabataan, nagbunga ang isang
gabing pagkalimot ni Didi at ng
nobyo
*Paano mo mapapangasiwaan na
mabuti ang iyong sekswalidad?
-Unawain at tanggapin ang
kalikasan ng pagkababae o
pagkalalaki
*“Sinabi ko sa aking guro na hindi ako
makakapasok dahil napakasakit ng aking ulo,
ang totoo ay hindi naman talaga nasakit ang
aking ulo.” Ang aking nasabi ay isang maingat
na paggamit ng mga salita na walang tiyak na
impormasyon kung may katotohanan, alin
ang tinutukoy nito?
-Mental reservation
*Ang pornograpiya ay nanggaling sa mga
salitang “porne” na may kahulugang
prostitute at “graphos” na
nangahuhulugan ng pagsulat o
paglalarawan. Saan nagmula ang mga
salitang ito?
-Griyego

You might also like