You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 1
Pagkatao Ko, Igalang Mo!

Pangalan ng Mag-aaral:
0 ____________________________
Baitang at Seksyon:____________________________________
Paaralan:_______________________________________________
1
ALAMIN

Sa modyul na ito, ay tatalakayin ang mga isyung kaugnay sa kawalan


ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Bilang isang tao, kailangan
nating pahalagahan at ipakita ang paggalang sa dignidad at selsuwalidad,
inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at
pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad; EsP10PI-Iva-13.1
2. Napapahalagahan ang dignidad at sekwalidad;
3. Nakapagpapakita ng paggalang sa dignidad at sekwalidad.

SUBUKIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Tukuyin ang


tamang sagot sa pagpipilian at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Paano mo lulutasin kung palagi mong nakikita ang iyong kapitbahay
na hinihipo siya ng kaniyang ama?
A) Sisigawan C) Isusumbong sa alcalde
B) Papanoorin D) Ipagbigay alam sa pulisya/DSWD

_____2. Alin ang HINDI sakop ng isyung moral tungkol sa seksuwalidad?


A) Pornograpiya C) Aborsiyon
B) Prostitusyon D) Pagtatalik bago ang kasal

_____3. Inaanyayahan ka ng iyong mga kaklase na manood ng malalaswang


pelikula sa Youtube, ano ang dapat mong gawin?
A) Umiwas sa kanila
B) Manood kasama ang mga kaklase
C) Ang cellphone mo ang gagamitin upang masaya
D) Ipapaliwanag sa kanila ang epekto ng panonood ng malalaswang
pelikula

_____4. Alin sa mga isyung moral ang may kaugnayan sa seksuwalidad?


A) Pornograpiya C) Aborsiyon
B) Pagpapatiwakal D) Alkoholism

1
_____5. Bakit kailangang pahalagahan ang iyong dignidad?
A) Ito ang turo ng aking mga magulang
B) Paggalang sa sarili at ng ibang tao
C) Kailangan sa pakikipagkapwa – tao
D) Magkaroon ng sariling disposisyon

_____6. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pang-aabusong sekswal?


A) Pagtingin sa mga hubad na katawan
B) Paghipo sa maseselang parte ng katawan sa mga bata
C) Pagtingin ng malalaswang palabas
D) Pakikipagtalik

_____7. Bakit kailangang igalang ang dignidad at sekswalidad ng isang tao?


A) Dahil ang buhay ng tao ay sagrado
B) Dahil ang tao ay may karapatang mabuhay sa mundo
C) Dahil ang tao ay may Kalayaan
D) Dahil ang tao ay may karapatang igalang ang sarili

_____8. Aling uri ng isyung moral tungkol sa seksuwalidad na sinasabing


pinakamatandang propesyon o gawain na nagbibigay ng panandaliang-aliw
kapalit ang pera?
A) Pornograpiya B) Prostitusyon
C) Aborsiyon D) Pagtatalik bago ang kasal

_____9. Bilang isang iskawt, sa paanong paraan na ikaw ay makakatulong


sa mga kabataang maagang nakaranas ng sekswal na gawain?
A) Pagsasabihan na huwag manood ng pornograpiya
B) Magpapakita ng pornograpiyang videos
C) Bibigyan ng mga malalaswang larawan
D) Makipagkwentuhan ng mga malalaswang karanasan

_____10. Nakita mo ang malaswang video ng iyong kaklase, paano ka


makakatulong sa kanya?
A) Makinig sa pagbabahagi ng kanyang karanasan
B) Payuhan na huwag ipagpatuloy ang kanyang gawain
C) Ipaalam sa guro ang kanyang ginawa
D) Ipagsasabi sa mga kaklase ang nakita mo sa video.

2
BALIKAN

Sa nagdaang modyul, naunawaan mo, na ipinagkaloob ng


Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan na
kaniyang nilikha. Tayo ay binubuhay ng kalikasan. Ang tunay na
pangangalaga sa kalikasan ay nagpapakita ng paggalang sa
kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha
ng Diyos ang kalikasan.

Gawain 1: Isa – isahin kung papaano makatulong sa


pagpanumbalik at pagpapanatili sa kagandahan at kasaganaan
ng mundo na ang makinabang ay ang tao. Isulat ang sagot sa
inilaan na kahon.

3
TUKLASIN

Gawain 2: Gawain ko, Tukuyin mo!

Panuto: “Suriin ang sarili kung sa sumusunod na sitwasyon ay tumutukoy


sa iyong moral at sekwalidad sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang 3
kung katanggap – tanggap, 2 kung hindi gaanong katanggap – tanggap, at 1
hindi katanggap – tanggap.” Isulat ito sa may salungguhit bago ang bawat
aytem.

_____ 1. Pakipagtalik bago ang kasal.

_____ 2. Paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal.

_____ 3. Pagbebenta ng panandaliang aliw.

_____ 4. Pakikipagtalik sa wala pang tamang gulang.

_____ 5. Panonood at pagbabasa ng pornograpiya.

_____ 6. Pakipagrelasyon sa may pamilya.

_____ 7. Aborsyon.

_____ 8. Pagdaldalaang tao sa nagdadalaga

_____ 9. Pagkakagusto sa isang nagbibinata/nagdadalaga

_____10. Pakipagkilala sa ibang tao.

4
SURIIN
Mga Isyung Moral Tungkol sa Sekswalidad

1. Pagtatalik bago ang kasal ( Pre-marital sex)


Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo
na ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ito ay ang
sumusunod:

1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang


maging malusog Siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan.
Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng
kaniyang buhay.

2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang


pakikipagtalik lal na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon.
Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.

3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan


silang makaranas ng kasiyahan.

4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng


pagmamahal.

2. Pornograpiya
Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego,
"pome," na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang
aliw, at "graphos" na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan
Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan
(babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na
pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
Balikan natin ang mga epekto ng pornograpiya sa isang tao. Ito ay ang
Sumusunod:

5
1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng
kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing
seksuwal, lalong- lalo na ang panghahalay.

2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa


pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-
ugnayan sa kanilang ay asawa. Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan
sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at
hindi sa normal na pakikipagtalik.

3. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa intemet upang makuha


ang kanilang mga bibiktimahin.
Ang mga mahahalay na eksenang ipinakikita ng pornograpiya ay
pumupukaw ng mga damdaming seksuwal ng kabataang wala pang
kahandaan para rito. Nagdudulot ito nang labis na pagkalito sa kanilang
murang edad.

3. Mga Pang – aabusong Sekswal


Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang maaaring ibigay sa
pang- aabusong seksuwal. Sa gitna ng mga pang-aabusong ito, ang
nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso ay isinasagawa ng isang
nakatatanda na siyang pumupuwersa sa iIsang nakababata upang gawin
ang isang gawaing seksuwal. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring
paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawano katawan ng iba,
paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual
harassment. Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na
gumagawa ng sekswal na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang sekswal
sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan, sekswal na pag –
aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.

6
4. Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o
gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang – aliw kapalit ng pera. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng
kasiyahang sekswal.

PAGYAMANIN

Gawain 3: Pansinin Mo Ako


Panuto: Ilarawan ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad

Pagtatalik bago Pornograpiya Pang – Prostitusyon


ang kasal aabusong
sekswal

7
Lebel ng Kasanayan

Rubriks Kailangang
Napakahusay 5 Mahusay 3-4
Paunlarin 1-2

Mayroon lamang Dalawa o higit pa


isa na nabanggit na mga
Kawastuhan sa
Lahat ng ideya at na ideya at impormasyon na
Nilalaman
kaalaman ay tama. kaalaman na taliwas sa
5pts
taliwas paglalarawan ng
paglalarawan. paksa.

Mayroon sariling
Sumusunod sa Walang sariling
estilo sa
mekanismo ng mekanismo at
Mekanismo sa paglalahad ng
pagsulat subalit hindi sumunod ng
Paglalahad
impormasyon na
mayroong isa na alinmang
nakasunod sa
5pts impormasyong mekanismo sa
mekanismo ng
inilahad na wala paglalahad o
paglalahad o
sa tamang lugar. pagsulat.
pagsulat.

Hindi gumamit ng
Gramatika at Lahat ng Mayroon isang
bantas sa pagsulat
pangungusap at pangungusap na
Bantas dahilan na ‘di rin
paggamit ng mali subalit tama
5pts matukoy ang
bantas ay tama. lahat ng bantas.
pangungusap.

Kabuuan 15pts

8
ISAISIP

Gawain 4: Tama Ba Ako?


Panuto: Piliin ang nawawalang salita sa pahayag sa loob ng
kahon at isulat ito sa may salungguhit.

Pagtatalik-bago ang Kasal


Pang-aabusong Seksuwal
Pornograpiya
. Prostitusyon
Sekswal

1. Ang sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain na


nagbibigay ng panandaliang – aliw kapalit ang pera ay ______________.

2. Ito ay maaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan,


paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa sekswal na gawain at sexual
harassment ______________.

3. Mahahalay na paglalarawan na may layuning pukawin ang sekswal


na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa _________________.

4. Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa


wastong edad o nasa tamang edad na subalit hindi pa kasal
________________.

4. Ginagamit ng mga phedophiles sa internet upang makuha ang


kanilang mga bibiktimahin na _____________.

9
ISAGAWA

Gawain 5: Paggawa ng POSTER


Panuto: Iguhit kung papaano mo pahahalagahan ang dignidad at
sekswalidad.

10
Lebel ng Kasanayan
Rubriks
Napakahusay Mahusay Kailangan
5 3-4 Paunlarin
1-2

Kaangkupan sa Lahat na mga Isa sa mga ideyang Dalawa o higit pa


Paksa ideyang nabanggit nabanggit ay hindi na mga ideyang
(5pts) ay may kinalaman angkop sa paksa. nabanggit ay
sa paksa. walang kinalaman
sa paksa.

Pagiging Napakagaling sa Mayroon Kailangan pang


Malikhain pagpili ng kulay, kakulangan kaunti paunlarin ang
(5pts) pigura at ang pagpili ng paggamit ng kulay,
simbolismo na kulay, pagpapakita pigura at
nakikita sa poster. ng piguro at simbolismo sa
simbolismo sa paggawa ng poster.
poster.

May Orihinalidad Nakikita ang Mayroon isang Lahat na


(5pts) sariling konsepto sa poster konseptong
persepsyon at na kuha sa iba nakikita sa poster
interpretasyon sa gawa. ay mula sa gawa
paggawa ng poster. ng iba.

Malinis at Wala binura, Makikita ang Nababakas ang


Organisadong walang sobra sa bakas ng pagbura pagbubura sa
Disenyo linya at litaw ang at lampas na linya halos lahat na
disenyong nais subalit litaw lampas na linya, at
(5pts)
ipakita. naman ang pagbabago-bago ng
disenyong nais disenyo ng poster.
ipakita.

Kabuuan 20pts

11
TAYAHIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Tukuyin ang tamang
sagot sa pagpipilian at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ano ang tawag sa may layuning pukawin ang sekswal na


pagnanasa sa pamamagitan ng panonood o pagbabasa?
A) Prostitusyon C) Pornograpiya
B) Sekswal D) Pagtatalik

_____2. Unang monthsary mo ng iyong boyfriend/girlfriend at ang hiningi


niya na regalo ay makipagtalik ka sa kanya, ano ang iyong gagawin?
A) Ibibigay ang gusto niya
B) Mangako na sa susunod na buwan makipagtalik
C) Hihiwalayan ang girlfriend/boyfriend
D) Ipaliwanag sa kanya na hindi pa ang takdang panahon upang
makipagtalik

_____3. Alin ang HINDI isyung moral tungkol sa sekswalidad?


A) Pagpapatiwakal C) Pagtatalik bago ang kasal
B) Pornograpiya D) Mga pang – aabusong sekswal
_____4. Paano mo lulutasin kung palagi mong nakikita ang iyong kapitbahay
na hinihipo siya ng kaniyang ama?

A) Sisigawan C) Isusumbong sa alcalde


B) Papanoorin D) Ipagbigay alam sa pulisya/DSWD
_____5. Bakit kailangang igalang ang dignidad at sekswalidad ng isang tao?

A) Dahil ang buhay ng tao ay sagrado


B) Dahil ang tao ay may karapatang mabuhay sa mundo
C) Dahil ang tao ay may Kalayaan
D) Dahil ang tao ay may karapatang igalang ang sarili

_____6. Inaanyayahan ka ng iyong mga kaklase na manood ng malalaswang


pelikula sa Youtube, ano ang dapat mong gawin?
A) Umiwas sa kanila
B) Manood kasama ang mga kaklase
C) Ang cellphone mo ang gagamitin upang masaya
D) Ipapaliwanag sa kanila ang epekto ng panonood ng
malalasang pelikula

12
_____7. Alin ang HINDI tumutukoy sa mga pang – aabusong sekswal?
A) Hinihikayat ng mga magulang ang anak na magpakita ng
maseselang parte ng katawan sa harap ng camera
B) Panonood ng mga gawaing sekswal
C) Pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at
paghihikayat sa mga bata na makipagtalik
D) Pag – iwas sa mga malalaswang babasahin at pelikula

_____8. Ikaw ay nangangailangan ng malaking pera dahil ooperahan ang


iyong nanay, hinikayat ka ng iyong matalik na kaibigan na magbigay
ng panandaliang – aliw kapalit ang malaking halaga ng pera, ano ang
dapat mong gawin?
A) Sumama sa kanya upang magkaroon ng malaking pera
B) Manghiram ng pera sa kapitbahay
C) Hayaan na hindi ma-operahan ang nanay
D) Tanggihan ang alok ng kaibigan at humingi nalang ng tulong
sa ahensiya ng gobyerno gaya ng DSWD

_____9. Sa paanong paraan na ikaw ay makakatulong sa mga kabataang


maagang nakaranas ng sekswal na gawain?
A) Pagsasabihan na huwag manood ng pornograpiya
B) Magpapakita ng pornograpiyang videos
C) Bibigyan ng mga malalaswang larawan
D) Makipagkwentuhan ng mga malalaswang karanasan

_____10. Bakit kailangang pahalagahan ang iyong dignidad?


A) Ito ang turo ng aking mga magulang
B) Paggalang sa sarili at ng ibang tao
C) Kailangan sa pakikipagkapwa – tao
D) Magkaroon ng sariling disposisyon

13
Karagdagang Gawain

Gawain 6 Hinahanap-Hanap Kita!


Panuto: Maghanap ng kasabihan na nagsasaad nang paggalang sa
dignidad at seksuwalidad. Isulat ito sa kahon sa ibaba.

14
Sanggunian:
Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara,
et.al,(2015). Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang. Modyul
para sa Mag-aaral Unang Edisyon Kagawaran ng Edukasyon,287-296

Mga bumubuo ng Modyul para sa mag-aaral

Manunulat: FE N. BANA-AG
Editor: Rolando G. Vergara
Maricel L. Tercio

Tagasuri: Arniel H. Ancheta


Jennifer P. Dela Peña

Mona Lisa M. Babiera, Ed. D - EPS


Education Program Supervisor

Tagapamahala:

Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15

You might also like