You are on page 1of 32

ISYU SA KAWALAN

NG PAGGALANG SA
DIGNIDAD
AT SEKSWALIDAD
Ikaapat na Markahan
MGA LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga isyung


kaugnay sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at
sekswalidad.
MGA LAYUNIN

2. Nasusuri ang mga


isyung kaugnay sa
kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad.
MGA LAYUNIN

3. Nakagagawa ng isang
organizer sa mga isyu ng
sekswalidad.
MGA LAYUNIN

4. Nakapaglalahad ng
damdamin sa apat na isyu sa
kawalan ng paggalang sa
sekswalidad at dignidad.
Ating balikan…..
Bilang kamanlikha ng Diyos, ipinagkaloob
Niya sa atin ang pamamahala sa lahat ng
nandito sa mundo– ito’y ingatan at
pangalagaan. Tayo ay nakatira sa iisang
mundo at bawat kilos na ating ginagawa ay
may epekto sa kapwa-tao at sa ating
kapaligiran hindi lamang sa kasakukuyan
kundi pati na rin sa darating na panahon at sa
mga susunod na henerasyon. Samakatwid,
wala tayo kung wala ang kalikasan.
ANO ANG SARILI MONG PAGKAUNAWA SA
SALITANG SEKSUWALIDAD? MAGBIGAY NG MGA
SALITANG MAIIUGNAY DITO.

SEKSUWALIDAD
TUKLASIN
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang
hinihingi sa bawat numero. Bilugan ang mga
salita.
1. Pagtingin o pagbabasa ng malalaswang panoorin at
babasahin.
2.Pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera.
3. Mga taong nahuhumaling sa maliliit na bata.
4. Paglalaglag sa fetus mula sa sinapupunan ng isang ina.
5. Pagtatalik na ginagawa na walang basbas ng Diyos.
6. Pakikipagtalalik sa pamamagitan ng internet.
7. Sakit na maaaring makuha sa pakikipagtalik sa taong
nagbebenta ng aliw.
8. Salitang Ingles ng panggagahasa.
9. Isang manunulsol o tagapangalakal ng patutot o
prostitute.
10. Pag-iisang dibdib ng babae at lalaki. Basbas ng Diyos.
SURIIN

Cybersex den, Timbog!!!

Casa, ni-raid ng otoridad!!!

Katulong,
pinagsamantalahan!!!

Lalaking sabog,
nanghipo ng
menor de edad!
Una, ang pakikipagtalik na walang kasal o pre-
marital sex.
Maraming mga kabataan ang nasasangkot sa isyung
ito lalo na sa panahon ngayon.
Isa ito sa dahilan ng maagang pagbubuntis (teenage
pregnancy).
Maaari ding humantong sa ideya ng abortion ang
mga kababaihang sangkot dito dahil sa unwanted
pregnancy.
Nariyan din ang pornograpiya na nanggagaling sa
salitang Greyego na porne at graphos.
*porne-taong nagbebenta ng panandaliang-aliw
*graphos-pagsusulat o larawan
Sa pagsulpot ng mga makabagong gadgets ay
nagiging madaling makita ang mga malalaswang
mga panoorin o babasahin. Ang mga ito ay
nakapupukaw ng sekswal na damdamin.
Sa palagiang panonood at pagbabasa nito ay
maaaring mag-iba ang isip ng tao at magiging
kakaiba ang kanyang mga ikikilos.
Ang pinakamalala ay iyong panggagahasa. Taliwas
ito sa kaisipang ang katawan ng tao ay sagrado.
Tandaan natin na ang damdaming sekswal ay
ibinigay ng Diyos. Ito ay maganda at para sa mabuti.
Hindi lahat ng nakahubad ay nag-uudyok ng
pagnanasa, gaya na lamang ng mga guhit,
painting, iskultura at iba pa.
Nasa tao ang kapangyarihang magbigay ng
pananaw, kung siya ba ay mahuhumaling at
tumugon sa tawag ng makamundong
damdamin o magbigay ng respeto sa kanyang
mga nakikita.
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang sekswal na
damdamin ay ipinagkaloob ng Diyos. Gamitin
sa mabuting paraan.
Ang pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na
aksyon ng isang tao sa iba o sexual abuse.
Maaaring ito ay paghawak o paglaro sa maseselang
bahagi ng katawan.
Karamihan sa mga nabibiktima ay kabataan.
May hinipuan, pinahuhubad, o kaya’y pinapanood
ng malalaswang panoorin.
May mga tinatawag ding pedophile o yung mga taong
ang gusto ay mga maliliit na bata.
May iba namang sitwasyon, kung saan ginagawa nila
sa iba kung ano ang kanilang naranasan.
Marami rin ang napabalitang mga kabataang
inaaabuso ng kanilang sariling kapamilya.
Ang pagbebenta ng aliw kapalit ang pera o
prostitusyon.
Maaaring babae o lalaki, ngunit karamihan sa
napapasok sa ganitong gawain ay mga kababaihan.
May iba’t ibang dahilan kung bakit napapasok sa
ganitong gawin.
Maaaring kahirapan, hindi nakapag-aral, at
maaaring ang pagiging walang muwang.
Mayroon ding mga nakakagulantang na balita
patungkol sa ganitong gawain, kung saan ay
mismong mga kapamilya nila ang natutulak sa
kanila para gawin ito.
Tama bang gawing hanapbuhay ang pagpapagamit
sa katawan?
•Bugaw- ang tagapangalakal sa
prostitute o mga nagbebenta ng
aliw.
•Ang mga sekswal na faculdad o
kakayahan ng tao may dalawang
layunin: Ito ay ang magkaroon ng
anak (procreative) at mapag-isa
(unitive).
PAGYAMANIN
1. Ano iyong reaksyon sa mga sumusunod:

a. OFW na pinagsamantalahan ng amo


b. b. Batang ginamit para sa cyber porn

2. Sa tingin mo, ano kaya ang buhay nila


pagkatapos ng pangyayaring iyon?

3. Paano ka makatutulong sa ganitong mga


pangyayari?
Tukuyin kung sa anong isyu ang mga ito nabibilang at
ilagay ang inyong sagot sa sagutang papel. Ang kahon
na makikita sa huli ay iyong pormat,-gabay sa
pagsagot.
SITWASYON A :SEXUAL HARASSMENT
SITWASYON B: PORNOGRAPIYA

SITWASYON C: PROSTITUSYON

SITWASYON D: PREMARITAL SEX


Kahalagahan ng
Paggalang sa Dignidad
at
Mga Layunin
Sekswalidad
1. Nakikilala ang mga batas
kaugnay sa isyu ng
sekswalidad.
2. Nakapagbibigay ng
posisyon sa isyu ng pre-
marital sex at prostitusyon.
3. Nakagagawa ng isang
poster –islogan.
4. Nakapaglalahad ng
resolusyon sa mga isyung
patungkol sa kawalan ng
paggalang sa sekswalidad at
dignidad.
Ang katawan ay sagrado. Sabi nga
sa 1 Mga Taga- Corinto 6:15-20, ito
ay templo ng Espiritu Santo. Ang
paggamit sa sekswalidad ay may
layuning mabuti ngunit may mga
taong hindi ito pinapahalagahan
dahil sa mga makamundong
pagnanasa, udyok ng damdamin,
at dahil sa pera na humahantong
sa hindi pagrespeto sa dignidad ng
tao.
1. Tama ba o mali ang kanilang ginagawa? Ipaliwanag.
2. Kung ikaw ang nasa posisyon ng bawat tauhan, gagawin mo rin
ba ang kanilang ginagawa? Pangatwiranan.
Ating suriin…
Sa panahon natin ngayon, hindi na bago ang
salitang prostitusyon, premarital sex, pornograpiya,
at pang-aabusong sekswal. Hindi lamang ito
nangyayri dito sa ating bansa kundi nangyayari din
ito pati na din sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Sa pagtatalik na walang kasal, nagiging kasangkapan ang katawan
ng tao upang maranasan ang makamundong pagnanasa. Ito ay
halos nagiging trend (uso) na ngayon. Ang mga kabataan ay
nagiging mapupusok. Marahil ay dahil sa mga nakikita nila sa media
o kaya’y sa kanilang paligid. Maaaring humantong sa teenage
pregnancy at unwanted pregnancy. Mainam na hanggat bata ay
maitatak na sa kanilang mga isipan na ang pagtatalik ay gawaing
para sa babae at lalaking binasbasan ng Diyos sa pamamagitan ng
Sakramento ng Kasal.
Sa isyu ng pornograpiya, may mga indibidwal sa nasisiyahan
sa pagpapakita ng kanilang katawan. Mayroon din namang
mga biktima lamang katulad ng pag leak ng videos kung saan
ang layunin noon ay para sa mag partner lamang.
Ang panonood nito ay pumupukaw sa sekswal na damdamin.
Maaaring mag-iba ang isip ng tao dahil sa kanyang napanood.
Maaari siyang makagawa ng masama gaya ng panghihipo,
pambubuso, panggahasa at iba pa.
Tama lamang na gabayan ang mga kabataan sa paggamit ng
mga gadgets dahil nagiging madali ang pag-a-access ang ibat-
ibang sites.
Maraming mga kabataan ngayon ang nasasangkot sa
tinatawag na online child abuse, at cybersex. Ito ay pang-
aabusong sekswal.
Mayroong mga tinatawag na online predators (mga taong
gumagawa ng pang-aabusong sekswal sa mga bata na
nagsisimula o nangyayari sa internet).
May mga kaukulang batas na
pinapatupad kaugnay nito.
1. RA 9775 Anti-child pornography Act of 2009–Ilan
sa ipinagbabawal na nakapaloob sa batas na ito ay
ang pagpapakalat ng child pornography, hayaan na
ipagamit ang bata para gumawa ng child
pornography, paglalaan ng pahintulot na magamit
ang lugar o espasyo para sa paggawa ng child
pornography, at iba pa.
2. RA 7610 Special Protection of Children Against
Abuse, Exploitation and Discrimination Act– batas
na promoprotekta sa mga kabataan laban sa
anumang uri ng pang-aabuso.
Isa marahil sa dahilan kung bakit napapasok sa
prostitusyon ang tao ay kahirapan. Maaari ding naging
biktima ng human trafficking. Ang RA 9208 Anti-
Trafficking in Persons Act of 2003 ay batas laban sa
human trafficking o pangangalakal ng tao.
Ang mga ganitong gawain ay hindi paggalang sa
sekswalidad. Taliwas ito sa nakasulat sa Bibliya na ang
katawan ay sagrado. Kailangan natin pangalagaan ang
ating katawan bilang nilalang na gawa sa wangis ng
Diyos. Napakahalagang ang mga kabataan lalung-lalo
na ang mga nasa murang edad pa ay malaman na nila
na masama ang ganitong klaseng mga gawain. Ang
gabay at patnubay ng mga magulang ay kailangan.
Huwag hayaang ang mga bata ay mapasok sa mga
gawaing maghahatid sa kanila patungong kasamaan.
Ang sekswalidad ay bigay sa atin ng Diyos. Ito ay
mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa
layuning makamit at madama ang tunay na
pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit
nilalang tayo ng Diyos.
Ang paggamit sa kakayahan sekswal kabilang
na ang katawan bilang ekspresiyon ng
pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong
gawin sa tamang panahon. Malaya tayong
makagagawa ng gawaing sekswal dahil malaya
tayong nakapagpapasiya ngunit may
pananagutan parin ang bawat kilos na gagawin
natin.
Isagawa
Panuto: Gumawa ng isang poster-islogan
na nanghihikayat na itigil ang sekswal na
pang-aabuso sa mga kabataan. Gawin sa
isang buong bondpaper.
Rubriks sa pagmamarka:
Pagkamalikhain---- 10pts.
Orihinalidad---------10 pts.
Mensahe------------- 10 pts.
Kabuuan-------------30 pts.

You might also like