You are on page 1of 54

Magandang

Hapon!
- GROUP 2 -
ARALIN 3:

PAGMAMAHAL
SA BAYAN
- GROUP 2 -
Contents
1.Kahulugan ng Pagmamahal sa Bayan.
2.Paano mo maipakikita at maituturo ang Pagmamahal sa Bayan.
3.Katapatan Sa Pagsunod Sa Batas.
4.Pagpapahalaga sa sariling lahi.
5.Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan.
6.Mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
7.Mga Paglabag sa pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan.
8.Mga halimbawa ng paglabag sa pagsasabuhay ng
pagmamahal sa bayan.
9.Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa
Bayan.
Tanong:
ANONG MGA SALOOBIN O IDEYA ANG
PUMUKAW SA IYONG ISIPAN?

PAANO MO NGA BA MAIPAPAKITA ANG


WAGAS MONG PAGPAPAHALAGA SA
IYONG BAYANG SINILANGAN?
ANO NGA BA ANG
PAGMAMAHAL SA BAYAN?
Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang
tungkulin ng isang mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo
kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil
kung wala tayo nito ay "daig pa natin ang hayop at
malansang isda" katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal.
Maraming paraan para maipakita natin ang ating
pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa
sariling wika, pagtangkilik at pagbili ng produktong
gawang atin. Pwede rin nating tularan ang ibang mga
katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa
ang kanilang buhay para lang maipagtanggol ang bayan.
Pero hindi naman ibig sabihin na ialay din natin ang ating
buhay,siguro bilang kabataan o mag-aaral dapat nating
ipagmalaki ang ating pagiging Pilipino sa pamamagitan ng
pagsunod sa kultura na kinagisnan ng ating mga magulang.
Dapat huwag nating gayahin ang kultura ng ibang bansa na
para lang maging makabago ay kinakalimutan na ang mga
nakagisnang kultura na natutunan natin sa ating mga magulang
at sa ating mga ninuno. Ikaw, bilang kabataan ay masasabi mo
pa rin ba na may pagmamahal ka pa rin sa bayan dahil
sinusunod mo pa rin ang mga kultura na nakagisnan ng iyong
mga magulang tulad ng paggalang sa nakatatanda,
pagmamano, at paggamit ng po at opo.
Bilang mag-aaral, maipapakita rin natin ang
pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggalang
sa watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang sa wastong
paraan. Para sa iyo, mahirap bang gawin at ipakita ang
pagmamahal sa bayan? Ang kailangan lang ay ang
disiplina, pagiging matapat, at higit sa lahat
pagmamahal sa pamilya at pati na rin sa kapwa
ayon kay MBJ Mabute.
PAANO MO MAIPAKIKITA AT MAITUTURO ANG
PAGMAMAHAL SA BAYAN?

Totoo, na noon ibinuwis ng ating mga bayani


ang kanilang buhay para sa bayan. Bagaman
sa panahon ngayon, hindi kailangang
magbuwis ng buhay para ipakita ang
pagmamahal sa bayan, sapat na ang
katapatan, paggalang, at pagpapahalaga.
KATAPATAN SA PAGSUNOD SA BATAS
Mahalaga ang pagiging tapat natin sa pagsunod sa
mga batas na ipinapatupad. Sa ganitong paraan
naipapakita natin ang tamang disiplina. Gaya ng
simpleng pagsunod sa batas-trapiko. Ang pagtawid
sa tamang tawiran ay may malaking bagay upang
makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente.
Ganito rin ang mangyayari kung lahat ng drayber ay
mabuting makasusunod sa mga batas.
Mababawasan ang kaguluhan at magiging maayos
ang daloy ng lahat.
KATAPATAN SA PAGSUNOD SA BATAS

Ang pagtatapon ng basura. Kung magiging


sistematiko tayo at nakasusunod nang mahusay sa
mga panukala sa basura, mapapanatiling malinis
ang kapaligiran at maiiwasan ang mga pagbaha.
Maisasalba rin natin sa pagkasira ang ating
kalikasan. Sa mga ganitong sitwasyon,sa halip na
makaragdag ka pa sa suliranin, mas magiging
bahagi ka ng solusyon sa lumalawak na problema
ng bayan.
PAGPAPAHALAGA
SA
SARILING LAHI
Mahalaga ang pagkakaroon natin ng pagpapahalaga sa
ating lahing pinagmulan. Sa panahon ngayon na laganap
ang iba’t ibang impluwensiya mula sa mga nasa kanluran.
Dapat na maging masusi pa sa pagkilala ng sariling
kultura. Hindi lamang kultura ang iyong kikilalanin kundi
mas magiging malalim din ang pagtingin mo sa iyong
sariling wika. Dahil dito, mapapagiting mo ang paggamit
nito sa pakikipagtalastasan. Mas mapagyayaman mo ang
wika ng iyong bayan. Kaya naman, magagawa mong
ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino at kayang isigaw at
taas noong sabihin “Pilipino ang lahi mo” sapagkat dito
nag-uugat ang lahat.
Sa halip na ikaw ang unang
pumuna sa pagkukulang nito, ikaw
ang unang makikipaglaban para
sa kaniya at pupuno sa mga bagay
na wala ito. Magkakaroon ka ng
sensibilidad at higit na
magmalasakit sa iyong kapuwa
Pilipino.
Bukod pa rito, kung may mataas kang
pagpapahalaga sa iyong lahi maglalaan ka ng
panahon na kilalanin ang mga yamang taglay
nito nang mas lumalim ang iyong
pagpapahalaga at pagtatampok sa mga
kalinangang mayroon ito. Tiyak din na mas
tatangkilikin mo at susuportahan ang mga
produkto nito. Sa gayon, mas magiging bahagi
ka ng pag-unlad ng ekonomiya ng iyong bayan.
Maiaangat ang bawat isa at makatutulong sa
higit na pagiging buhay ng konsepto ng
bayanihan.
KAHALAGAHAN NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN
MAHALAGA NA MAHALIN NATIN ANG ATING BAYAN SAPAGKAT?

1. Ito ay ipinaglaban ng ating mga bayani upang hindi


masakop ng mga dayuhang mananakop. Dugo, pawis at
buhay ng ating mga bayani ang kanilang inialay sa ating
bayan upang makamit natin ang ating kalayaan. Kayan
naman tayong mga Pilipino ay dapat pahalagahan at
mahalin ang ating bayan sapagkat hindi na natin kailangan
pang mag bata ng kahirapan kagaya ng ating mga ninuno
na mag-hirap pa upang maging Malaya.
MAHALAGA NA MAHALIN NATIN ANG ATING BAYAN SAPAGKAT?

2.Ito ang ating tahanan at ito ang bansa na ating


sinilangan. Mahirap manirahan sa ibang bansa lalo pa
at iba ang ating tradisyon at kultura sa ibang mga
bansa. Kung tayo ay mawawalan ng tirahan ay para
tayong mga ibong nawalan ng tahanan at hindi natin
alam kung saan tayo dadapo. Kung tayo ay titira sa
ibang bansa ang mangyayari sa atin doon ay magiging
alipin na lamang nila sapagkat minamata ang mga
Pilipino ng taga ibang bansa.
MAHALAGA NA MAHALIN NATIN ANG ATING BAYAN SAPAGKAT?

3. Ang ating bansa ay ang kumakatawan sa atin. Kung


ating mahal ang ating bayan ay para na rin nating minahal
ang ating sarili. Nakakatuwang isipin at Makita na may mga
taong nagmamahal sa kanilang bansa, ibig sabihin bukod
sa mahal nila ang kanilang sarili ay mahal din nila ang
kanilang kapwa Pilipino. Ang ating bansa ang ating
pagkakilanlan ito ang ating kinagisnan dito tayo lumaki at
ito ang ating tahanan.
MAHALAGA NA MAHALIN NATIN ANG ATING BAYAN SAPAGKAT?

4. Ang ating bayan ay tanda ng


ating Kalayaan. Kung hindi natin
mamahalain ang ating bayan ay
maaring malugmok tayo sa pang-
aalipin ng mga dayuhan sa atin.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN
1.Paggalang sa
watawat.
2. Pagsunod sa
mga batas.
3. Paggalang sa
mga patakarang
ipinapatupad ng
pamahalaan
4. Pagtangkilik
sa mga lokal na
produkto
5.Gawin pa din ang kultura,
tradisyon at kinagawian ng mga
Pilipino
6. Huwag magpadala
sa kaisipang
dayuhan
MGA PAGLABAG SA PAGSASABUHAY
NG PAGMAMAHAL SA BAYAN
Kung ikaw ay lumalabag sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa
bayan, nangangahulugan lamang na
ikaw ay walang pagpapahalaga sa ating
mga tradisyon at kultura, bilang isang
Pilipino kailangan mong isabuhay ang
iyong pagmamahal sa bayan, sapagkat
bilang isang Pilipino ay tungkulin mo ito.
MGA HALIMBAWA
NG PAGLABAG SA
PAGSASABUHAY
NG PAGMAMAHAL
SA BAYAN
1.Kung hindi mo pinapahalagahan ang
ating kultura at mga tradisyon.
2.Kung hindi mo tinatangkilik ang ating
mga sariling produkto.
3.Kung ikaw ay nagkakalat ng basura.
4.Kung isa ka sa pumuputol ng mga puno
sa kabundukan.
5.Kung isa ka sa humuhuli at pumapatay
ng mga hayop na pinagbabawal hulihin.
6.Kung isa ka sa lumalabag sa mga batas
na ipinatutupad ng bansa.
Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay
sa pitong dimensyon ng tao na nakalahad sa Batayang
Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San
Juan Pablo XXIII (1818-1963), “Ang dignidad ng persona ng tao
ay kasama sa kanyang karapatan na maging bahagi sa
aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa
kabutihang panlahat”.
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay
nauunawaan ang pangangailangang maglingkod sa bayan at
sa kapwa. Alam niya kung kailan siya kikilos dahil sa angking
karunungan. Ibibigay ang nararapat para sa iba, kokontrolin
ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang
makikinabang at hindi ang lahat. Ang paggawa ng paghuhusga
ay dumaraan sa isang prosesong magdidikta upang gawin ang
mabuti para sa kabutihan ng lahat.
MGA ANGKOP NA KILOS NA
NAGPAPAMALAS NG PAGMAMAHAL SA
BAYAN
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat
ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan
ang mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa:

a. Mag-aral nang mabuti. Ang isang b. Huwag magpahuli, ang oras


taong may pinag-aralan hindi kailanman ay mahalaga. Ang pagpasa ng
mag-iisip na gumawa ng anumang RA 10535 o mas kilala bilang
paglabag sa mga batas na Philippine Standard Time ay
ipinapatupad ng kanyang bansa, bagkus makatutulong upang ang
ang kanyang natutuhan sa pag-aaral ay bawat Pilipino ay magkaroon
gagawin niyang paraan upang ng tamang oras na susundan.
mahanapan ng solusyon at tulungan ang
bansa sa problemang kinakaharap at
haharapin ito.
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat
ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan
ang mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa:

c. Pumila nang maayos. d.Awitin ang Pambansang


Magbigay respeto at Awit nang may paggalang
magkaroon ng disiplina sa at dignidad. Igalang ang
sarili.
pagkakakilanlan,
pangunahin na rito ang
pambansang awit.
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat
ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan
ang mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa:

e. Maging totoo at tapat, f. Magtipid ng tubig,


huwag mangopya o magtanim ng puno, at huwag
magpakopya. Ang katapatan magtapon ng basura kahit
ay ang unang tinuturo sa saan. Maging
bahay, at pinauunlad at responsable sa paggamit ng
pinalalawak ito sa paaralan pinagkukunang yaman.
at isinasabuhay sa lipunang
kinabibilangan.
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat
ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan
ang mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa:

g. Iwasan ang anumang h. Bumili ng produktong


gawain na hindi nakatutulong. sariling atin, huwag peke o
Ang kalusugan ng tao ay smuggled. Tangkilikin ang
yaman ng bansa, kaya’t sariling produkto ng may
marapat lamang na mahalin pagmamahal at pagmamalaki.
at pahalagahan ang sariling
buhay.
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat
ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan
ang mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa:

i. Kung pwede nang bomoto, j. Alagaan at igalang ang


isagawa ito nang tama. Ito ay nakatatanda. Ipagpatuloy ang
maisasagawa sa pamamagitan ang kagandahang-asal na
ng pagpili ng tamang pinuno pagmamano at pagsasabi ng
na kakatawan sa mga bagay “po” at “opo”.
na nais mangyari sa lipunang
ginagalawan.
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng
solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat
ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan
ang mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa:

k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa


mamamayan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi
matatawaran kailanman, ang pagtawag sa kanya,
paghingi ng patnubay ay mahalaga sa
pagsasakatuparan ng mithiin sa buhay.
Tanong
Tanong 1:

“Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”.


Kanino nga ba ito nagmula at ano ang
kanyang dahilan kung
bakit niya ito sinabi?
Tanong 2:

Ano ang pagmamahal sa bayan?


Tanong 3:

Paano mo maipakikita at maituturo ang


Pagmamahal sa Bayan?
Tanong 4:

Paano mo papahalagahan ang sariling


lahi?
Tanong 5:

Magbigay ng Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan.
Tanong 6:

Magbigay ng mga paraan ng pagpapakita


ng pagmamahal sa bayan.
Tanong 7:

Magbigay ng mga Angkop na Kilos na


Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan.
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!
- GROUP 2 -
GROUP 2

LEADER: Jaina Julie P. Itliong

MEMBERS:
GIRLS: BOYS:
Shane Bacudo Kenneth Macuroy
Irish Implica Francis Gabriel Rufin
Jennie Morcozo Julian James Ranagan
Rosalyn Vispo
Janna Mae Restum
Alexandra Santos

You might also like