You are on page 1of 8

SULIRANIN

GAWAIN 6: STATUS REPORT

SA YAMANG
LUPA
AMACIO
CORTEZ
ESMA
GENERALAO
LIM
PARAMIO
01
PANIMULA
Ang lupain ng ating bansa ay may sukat na 300,000
kilometro kuwadrado. Ito'y binubuo ng iba't-ibang anyong
lupa, 28.3 bahagdan nito ang binubuo ng mga sakahan.
Mahigit sa limampung porsyento (50%) ng ating lupain ay
kagubatan na kung saan kadalasang kinukuha ang mga
hilaw na materyales na kailangan sa paglikha ng mga
produkto. Ang natitira ay alienable at disposable lands o
mga lupain na maaaring ipamana o ipamahagi tulad ng
mga lupaing residensyal, komersyal at lupang agrikultural.
02
KAHALAGAHAN
Ang Yamang Lupa ay ang mahalagang tanawin sa ating bansa na dapat
inalagaan dahil dito nakikilala ang ating bansa sa mga likas na yaman na
mayroon tayo. Ito ang pinagkukunan natin ng likas na yaman na ginagamit natin
sa pang araw-araw na pamumuhay. Dito nakabatay rin ang malaking porsyento
ng ating kabuhayan at pinagkukuhanan ng materyales na ginagamit natin sa
industrilisasyon tulad ng mga puno, metal, alahas at iba pa. Ito rin ay
nakakatulong sa paglaganap ng ating ekonomiya. Sa yamang lupa rin natin
nakukuha ang ating mga pagkain at kailangan sa buhay tulad ng mga palay,
prutas, gulay at marami pang iba.
Ang isa sa mga pikamalaking suliranin ng yamang lupa
ay ang polusyon. Kaya nagkakaroon ng polusyon sa
lupa ay dahil sa maling pag tatapon ng basura kung 03
saan-saan. Ang mga basurang ito ay bumabara sa mga
daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng pagkakaroon ng SULIRANIN
baha. Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama, ang
Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura
kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura
ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan
ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-
araw. Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng
mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong
56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng
tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable
na may 52.31%.
04
MGA PAGKILOS
Ang RA 9003 ay nagsasaad ng mga alintuntunin sa wastong pamamahala ng
basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas-yaman at
pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan
upang mabawasan ang basurang agad lamang tinatapon. Layunin din nito na
maipaliwanag ang benepisyo ng pagkakaroon ng pasilidad sa bawat lugar na
maaring pag imbakan ng balik-materyales o lugar para i-proseso ang mga ito.
Inilunsad naman ng Environmental Management Bureau
ng Department of Environment and Natural Resources
ang isang online monitoring system para mapaigting ang
pagmomonitor sa mga lokal na pamahalaan kung
sumusunod ba ang mga ito sa ipinatutupad na Solid
Waste Management Law. Sa dating sistema, ang mga
monitoring reports ay nakakarating sa mga tanggapan ng
EMB ilang araw matapos ang insidente, pero sa bagong
online system, maibibigay na ng real-time ang reporting,
kaya't mas mabilis itong matutugunan.
05
KONKLUSYON
Kasalukuyang nararanasan ang mga suliranin sa yamang lupa dahil sa
kakulangan sa pamamahala, kawalan ng disiplina, walang tigil na pang
aabuso at mga masamang gawain ng mga tao na nagdudulot ng
pagkasira ng ating lupain. Ang paggamit ng mga kemikal, pagtatapon
ng basura kahit saan at pagputol ng mga punong-kahoy ay
nakakaapekto rin sa yamang lupa sapagkat wala nang punong kahoy
na sisipsip sa tubig baha na maari ring nagkokontamina ng mga toxic
chemicals galing sa mga basura sa paligid. Maari itong maging dahilan
ng pagbaba ng produksyon ng mga palay na makaka-apekto sa
ekonomiya ng bansa. Kaya’t kailangan natin itong pangalagaan ng
mabuti upang mareserba at mas umunlad pa ang ating likas na yamang
lupa.
YAN LAMANG PO
MARAMING SALAMAT!!

You might also like