You are on page 1of 26

Agrikultura ng

Pilipinas
ANO NGA BA ANG
AGRIKULTURA?
Ang agrikultura ay isang agham
na may kinalaman sa
paghahalaman at pagpaparami
ng mga hayop. Lahat ng gawain
na may kaugnay sa
pangangalaga ng mga hayop at
halaman ay sakop ng agrikultura.
Ang bawat gawain ng sektor
na ito ay may malaking
naitutulong sa pamumuhay ng
mga tao at bansa.
Ang agrikultura ay
binubuo ng apat na
subsectors:
Pagsasaka
Pangangahoy
Paghahayupan/Pagmamanu
kan
Pangingisda
Mga Kahalagahan
ng Agrikultura:
1. Nagpapasok ng dolyar sa bansa
 Marami sa ating produktong agrikultural ang
pinagkakakitaan ng dolyar ng ating bansa.
Malaki ang kinikitang dolyar ng ating bansa
buhat sa mga produktong agrikultural.
 Ang mga dolyar na ito ang ginagamit na
pambili ng mga imported na materyales at
mga makinarya na kailangan ng ating
industriya.
2. Bumibili ng mga produkto ng
 Ginagamit ng industriya ang hilaw na
industriya
materyales na mula sa agrikultura upang
makalikha ng mga produkto. Ang mga
produktong nagawa ng industriya ay
bibilhin ng mga magsasaka upang
matugunan ang kanilang
pangangailangan.
3. Nagbibigay ng Hanapbuhay
 Nagbibigay ng maraming trabaho ang
agrikultura.
 Ang taong hindi nakapagtapos ng pag-
aaral ay nagiging kapakipakinabang sa
agrikultura. Kailangang magtiyaga ang
mga mamamayan na nabigyan ng
hanapbuhay sa pamamagitan ng
agrikultura.
Mga Suliranin ng
Agrikultura:
1. Mababang Presyo ng Produktong
Agrikultural
 Bunga na rin ng pagdagsa ng mga
dayuhang prdukto, ang mga ani ng mga
magsasaka at mangingisda ay mabibili
lamang sa murang halaga, kaya hirap
ang mga ito na magkaroon ng malaking
tubo na kailangan sa pagtugon sa
kanilang pangangailangan.
 Dahil sa madaling masira o mabulok
ang mga produktong agrikultural,
kailangang maibenta agad ang mga ito
kahit sa mababang presyo.
2. Kakulangan ng sapat na impraestraktura at
puhunan
 Maraming produktong agrikultura ang hindi
napakikinabangan dahil nasisira,
nabubulok, at nalalanta tulad ng gulay at
prutas dahil sa kawalan ng pag-iimbakan o
storage at maayos na transportasyon.
Gayundin ang nangyayari sa mga palay,
isda at mga kinakatay na hayop tulad ng
baboy, manok at baka.
3. Kakulangan sa makabagong kagamitan at
 Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng
teknolohiya.
mga lumang kagamitan sa pagsasaka, tulad ng
araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal
na produksiyon.
 Dahil sa kakulangan sa edukasyon, napakahirap
ituro sa mga magsasaka ang paggamit ng
makabagong teknolohiya at makinarya na mas
komplikado kumpara a kanilang nakasanayan.
4. Paglaganap ng sakit at peste
 Maraming hayop ang namamatay at di-
napakikinabangan bunga ng pagkakasakit
at pagkapeste na dulot ng mga virus at
bakterya na namiminsala sa mga hayop at
halaman.
 Isa sa mga ito ay ang bird’s flu, avian flu,
foot and mouth disease, swine flu, at
dinoflagellates na kadalasan ay buhat sa
ibang bansa.
5. Pagdagsa ng Dayuhang Produkto
 Ang globalisasyon at
liberalisasyon ang mga dahilan ng
pagdagsa ng mga dayuhang
prdukto sa ating pamilihan, kaya
nagkaroon ng kakompetensiya ang
ating mga lokal na produkto.
Ano ang
globalisasyon at
liberalisasyon?
Ang globalisasyon ay ang
mabilis na paglago at pagdami ng
mga nag-uugnayang bansa sa
daigdig na nagbubunga ng
malayang pagdaloy ng panlabas
na puhunan, produkto, at
teknolohiya.
Ang liberalisasyon ay
may kinalaman sa
mabilis na paglago ng
kalakalang panlabas at
pamumuhunan.
6. Implementasyon sa tunay na reporma sa
lupa
 Napakaraming batas ang inaprobahan ukol sa
reporma sa lupa, ngunit hanggang ngayon ay
di-madama ng mga magsasaka ang
pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa.
 Mahalaga ito dahil kapag pag-aari ng
magsasaka ang lupa, payayabungin niya ito at
patataasin at gagawing produktibo.
Reporma
sa Lupa
Isa sa mga kayunin ng pambansang
ekonomiya ay mabigyan ng sariling lupa
ang mga magsasaka. Ito ay tinataya na
mag-aangat ng pamumuhay ng mga
magsasaka.
Ang reporma sa lupa ay isang programa
na naglalayon na pagkalooban ng
sariling lupa ang maliliit na magsasaka.

You might also like