You are on page 1of 2

ANG KATARUNGANG PANLIPUNAN

SA PILIPINAS

ESP PERFORMANCE TASK #1:ESSAY

Sa paligid na ating ginagalawan lahat ng ating mga makakasalubong, kakilala o hindi kakilala ay mga
sari-sariling pinagdadaanan sa buhay na hindi natin alam. Katarungan, lahat kaya ng mga Pilipino ay
nakakakuha ng katarungan na dapat, o ang mga makakapangyarihan at mayayaman lamang na Pilipino
ang nakakakuha ng katarungan na ito, at ang iba pa nakakakuha na hindi naman dapat nakakatakasan nila
ang batas dahil lamang sa estado nila sa buhay, paano naman ang mga Pilipino na hirap na sa buhay ay
lalo pang maghihirap dahil sa kanilang pagdadaanan sa buhay. Kung ating babalikan sa taon na 2016-
2017 ay araw-araw laman ng ating balita ang tungkol sa mga patayan na nangyayari sa iba’ibang panig ng
Pilipinas madaming mga suspek ang nahuli at madami rin ang napatay dahil sa nanlaban daw ito, War on
drugs na simulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng June 30, 2016, kung madaming mga suspek ang
nahuli at napatay marami rin ang nadamay sa war on drugs na ito madaming biktima ang napaslang dahil
nadamay. Pero atin ba napansin karammihan ng mga nahuhuli at napapatay ay ang mga biktima lamang
din ng kahirapan na nangyayari sa ating bansa ang iba ay napilitan kumapit sa patalim para lang sa
pangangailangan ng pamilya, Paano naman ang mga dapat managot? Nahuli kaya? Nakilala ba ang
mastermind kung saan at kanino kumukuha ng droga? Paano naman ang mga pamilya ng biktima
nadamay lamang, May katarungan na nga ba sa kanila o nanahimik na lamang dahil lumipas na ang taon.
Dumako naman tayo sa ating gobyerno lahat ba ng ating binoto, binoto ng iyong magulang ay karapdapat
o binigyan lamang natin sila ng chance para mangkorupt. Sa dami ng pingdadanan ngayong pandemya
tayo pa rin ang nahuhuli kumpara sa ibang bansa, madami pa rin namamatay dahil sa virus, ang iba
namamatay dahil walang sapat na pera, Ang ibang Pilipino ay walang trabaho hindi na nila natutustusan
ang pangangailangan nila sa pangaraw-araw, Ang ibang Pilipino ay lalong yumayaman at ang iba namang
Pilipino ay lalo namang naghihirap na kailangan ng agarang tulong para sila mabuhay. Kung ating
bibigyan ng pansin ang mga mangagawang Pilipino, magsasaka, mangingisda sa ating tingin sa panahon
ng pandemya sila kaya ay nakakaranas ng isang masagana at payapang buhay. Mahalaga ang Katarungan
Panlipunan dahil ito ang nagpprotekta sa mga mamayanan na nakakaranas ng karahasan at panghahamak
sa buhay o ari-arian. Kung tayo ay magbi-bigay pa ng pansin sa katotohanan hindi lahat ng Pilipino ay
nakakaranas ng isang payapa at masaganang pamumuhay, hindi lahat ay nabibigyan ng sapat at dapat na
edukasyon na dapat matanggap ng isang batang Pilipino kung tayo ay nanonood ng documentary nakikita
natin sa kanilang buhay ang mga mag-aaral ay kailangan pa mag-lakad at tumawid ng ilog ng ilang oras,
ang iba naman ay tumigil na lamang sa pag-aaral para tulungan ang magulang matustusan ang
pangangailangan sa kanilang pamilya, Hindi lahat ay nabibigyan ng sapat na access para naman sa
kalusugan ang iba ay pumapanaw dahil walang sapat na pera pangadmit at pangbayad sa ospital, sa mga
malalayong lugar naman ay kulang sa kagamitan at hindi sapat na mga nurse at doktor. LQBTQ+,
pamiliar naman na tayo sa salitang ito ang iba sa kanila ay patuloy na nakakaranas ng mga hindi magang
pag-trato dahil lamang iba ang kanilang kasarian may nangyayaring diskriminasyon na dapat
masolusyonan. Ang mag ito ay iilan lamang sa problema ng ating bansang Pilipinas, paano nga ba ito
masosolusyonan. Ang pinakuna na dapat gawin dahil palapit na ang botohan ay dapat bumoto ng karap-
dapat at may isang salita na lider kayang panindigan ang pagiging isang presidente ng Pilipinas, wag tayo
magpapadala sa mga matatamis na salita na kanilang sinasabi, may mga matatamis na salita nga sila
nasasabi pero wala namang plataporma para sa ating bansa paano na lang iyon? Dapat ay sundin din natin
ang ating batas galangin natin ang mga batas natin, sa simpleng pagsunod ay dito nagsisimula ang
magandang gawain kung ang ibang Pilipino ay hindi sumusunod ay maging isa tayong rolemodel sa
kanila na ginagawa ang tama at hindi gumagaya sa maling gawain. Wag tayo maghilaan pababa kundi
ang mainam ay mag-tulungan tayo, tulungan ang kailangan para sa magandang kinabukasan na
hinahangad ng lahat ng Pilipino. Wag tayo maging isang bulag na Pilipino wag paniwala agad sa mga
fake news na ating nakikita sa social media imbis na maniwala agad ang gawin natin ay mag-research
kung ano ang katotohanan, dapat lahat tayo bukas sa pagtanggap ng mali na hindi ito minamasama handa
natin tanggapin ang katotohanan na buo sa loob, sabi ng ni Apolinario Mabini sa palabas na General
Goyo:Ang batang heneral “Kaya na ba ng mga Pilipino marinig ang katotohanan nang hindi
napipikon?”lagi tayo maging bukas sa katotohanan wag maging bulag. Sa susunod na presidente at mga
senador dapat gumawa sila ng mga batas na makakabuti para sa lahat at hindi lang pabor sa mga
makapangyarihan at mayayaman na Pilipino, para ang lahat ng mga Pilipino ay matanggap ang
katarungang Panlipunan na dapat.

CITATIONS:
https://www.hrw.org/report/2020/05/27/our-happy-family-gone/impact-war-drugs-
children-philippines
/PelikulinyaPH/posts/kaya-na-ba-ng-mga-pilipinong-marinig-ang-katotohanan-
nang-hindi-napipikon-apolin/225296052164791/?_rdc=1&_rdr
9

You might also like