You are on page 1of 2

TALUMPATING PANGKABATIRAN

“Ang panahon ay parang pag-ibig, magbabago kapag hindi mo pinangalagaan


nang tama. Masasaktan ka kapag hindi mo inaruga nang wasto. At maaaring ikamatay
mo kapag hindi mo kinaya ang resulta.” Ang pahayag na ito ay totoo sa sitwasyon natin
ngayon, tayong mga nabubuhay sa mundong kasalukuyan. Ngunit ipagpalagay na
lamang natin na kayo ay nasa hinaharap at ako ay nagmula sa nakaraan. Ano ang
gagawin nating mga kabataan? Isang magandang umaga ating kaaya-aya at kagalang-
galang na gurong nagngangalang Gng. Leah Pestaño at maligayang pagbati sa aking
kapwa kamag-aral.
Para sa inyong mga tao sa hinaharap. Malayo na ang inyong narating ngunit
matagal nang natapos ang pag-usbong at pagkislap ng tinuturing ninyong Perlas ng
Silanganan. Lingid sa inyong kaalaman, saklaw ang Pilipinas sa tinatawag na Typhoon
Belt o mas kilala bilang Pacific Ring of Fire at alinsunod sa Global Risk Index na inilabas
noong Setyembre 2022, itinuring ang Pilipinas na pinakaapektadong bansa dulot ng
malubhang epekto ng pagbabago sa ating pandaigdigang klima. Gaya na lamang ng
pagtaas ng ating temperatura, pananalanta ng mga kalamidad, paglaganap ng iba’t
ibang sakit at ang pagkawala ng buhay at hanap-buhay ng maraming Pilipino.
Kaya’t pasensya na kung inuna namin ang paghalal sa mga kurap na politikong
nagnanakaw sa kaban ng bayan at inuuna ang pansariling interes kaysa sa
pagpaparami ng mga solusyon. Pinaslang ang mga hayop na amin pang nahahawakan
noon ngunit nakikita na lamang sa mga libro ngayon. Walang habas na pinutol ang mga
puno at kinalbo ang mga kagubatan. Inabuso ang mga likas na yaman na sana’y maari
pang mapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon. Sinira nang walang
pakundangan ang dating luntiang paligid at bughaw na katubigan. Totoo ngang likas sa
ating mga tao ang kasakiman.
Ngunit matanong ko lang kayo, nariyan pa kaya ang Pilipinas sa tinutukoy kong
hinaharap? Ayon sa pag-aaral ng Climate Central, isang siyentipikong organisasyon na
nakabatay sa New Jersey, sa loob ng tatlong dekada ay lulubog ang mga mabababang
isla ng Pilipinas sa Dagat Pasipiko dahilan ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa
ating mga karagatan dala ng pagkatunaw ng yelo sa magkabilang polo ng mundo. At
alam niyo ba kung anong pangyayari ang nagbunsod nito? Kung iniisip niyo na climate
change ay tumpak ang inyong sagot. Nakakatakot lamang isipin na ang bansang tirahan
na tahanan sa halos 117 milyong katao ay ganun nalang na mawawala sa mapa ng
daigdig.
Ngunit ang kinabukasan ninyo, hindi ko ito matatanggap. Dahil ang pagmamahal
sa ating Inang Kalikasan ay pagmamahal sa ating lahat. At ang pagmamahal sa ating
lahat ay pagmamahal sa ating Poong Maykapal. Ang inyong hinaharap ay hindi bukas,
nagsisimula ito ngayon. Kaya’t kumilos, tumindig, sabay-sabay tayong makialam at
maniwala. Batid kong magkaiba tayo ng ipinaglalaban ngayon sapagka’t ako ay hamak
na nagmula sa nakaraan lamang. Mawawalan ng bisan ang lahat ng ito kung mawawala
ang sangkatauhan. Maraming salamat.

IPINASA NI:
KEVIN JUNE B. CALUMPITA

You might also like