You are on page 1of 1

“NAG BABAGANG KLIMA, MAG BABAGO PA KAYA?


NI ASHLEY CORONEL

Alam nyo ba ang kawikaang “Kung ano ang iyong itinanim, iyon rin ang iyong aanihin”? Halimbawa nito ay ang
walang habas na pagtatapon ng basura sa ating mga kanal at ilog, tiyak baha ang ating makukuha o kapalit.
Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw, buwan at taon, ang mga kalamidad na nangyayari dito sa
bansa at maging sa buong mundo ay patuloy sa pagiging malupit at mapaminsalang kalikasan sa ngayon.
Tulad halimbawa ng bagyo, lindol, tsunami, biglaang pagtaas ng temperatura, polusyon at iba pang kalamidad
na maiuugnay natin sa patuloy ng pagbabago ng klima. Malalang sitwasyon ang nangyayari dahil sa pabagu-
bago ng klima. Bakit nga ba nangyayari ito? May kontribusyon ba dito ang mga tao? O sangkot na rin dito ang
sistema ng lipunan? Anu-ano ang mga epekto ng pag babago ng klima sa buhay ng tao, sa bansa, sa buong
mundo? May magagawa ba tayo?
Pero bago ang lahat ano nga ba ang pag babago ng klima? Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate
change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ang epekto ng
climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global
warming. Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang pag laganap ng tinatawag na “greenhouse gases”
sa ating kalawakan.
Kung ating ibabase sa kasalukuyan, ang mga masasamang nangyayari ay dulot ng polusyon o di kaya’y ang
kulang na atensyon at pag-aalaga sa ating kapaligiran. Gaya ng usok na nang galing sa mga malalaking
pabrika at mga sasakyan ang siyang unti-unting pumapatay sa ating Inang Kalikasan. Dagdag mo pa rito ang
walang habas na pagtapon ng mga plastik at mga basura sa paligid lalo na sa ating mga ilog at iba pang
anyong tubig. At kung ating papansinin, kaliwa’t kanan na ang pag usbong ng mga gusali at iba pang
imprastraktura. Parang mga kabute na biglang nag sulputan. Ang mga nangyayari ngayon ay isa patunay sa
kasabihang “lahat ng sobra ay nakasasama na.” Nagbabago na talaga ang panahon. Ke utak ng tao, klima at
pati na rin ang kapaligiran mo. Pag ito’y nag patuloy pa, malaki ang epekto nito sa bansa, sa buong mundo at
lalong lalo na sa tao. Bilang parte ng ating kaalaman, tayo’y may iba’t ibang pangangailangan. Pero tayo rin
ang mga gumagawa ng paraan para ito’y tuluyan sumira ng ating pang kabuhayan.
Pero may magagawa pa ba tayo para maagapan ang ating nag babagang klima? Meron pa. Bawat isa ay
makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan. Ulitin ang paggamit ng mga
bagay-bagay o pakinabangan ang mga gamit na basura . Sa madaling salita sa Ingles ay “to reduce, reuse at
recycle.” Itapon natin ang ating basura sa tama nilang kinalalagyan. Simple lang, hindi ba? Napakaliit na
panahon na lamang ang nalalabi upang magsagawa ng matitinding pagbabago sa mga aktibidad ng tao upang
maiwasan ang mapanganib na pabagu-bagong klima. Dapat patuloy tayong makibaka upang tiyaking ang mga
susunod na henerasyon ay may maayos na mundo pang magigisnan. Kahit sa maliit nating pamamaraan ay
makatulong tayo.
Bawat isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan. Ginawa ng
Panginoon na maganda at kapakipakinabang ang paligid para sa ating kaginhawaan ngunit sino ang ating
dapat sisihin sa pagkawasak nito? Tayo ang sumira kaya’t sa atin din nakasalalay ang pag-asa, ang pag-asa
na makakaranas ang mga susunod na heneresyon ng mundong hindi balot ng kalamidad at polusyon. Sana,
sa huli, masasabi ng ating Panginoon na tunay nga nating inalagaan ang kayamanan na kanyang inihandog sa
atin- ang kalikasan. Sa puntong ito, gusto ko kayo ang maka isip o bumatay kung ang Nagbabagang Klima ay
mag babago pa.
Muli, ako’y naririto ako sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang mga kaganapan tungkol sa
ating kalikasan. Nag babagang klima, mag babago pa kaya? Maraming Salamat!

You might also like