You are on page 1of 2

“NAGBABAGANG KLIMA, MAGBABAGO PA KAYA?


(TALUMPATI)
NI ASHLEY CORONEL
(Iklik ang link https://malikhaingpagsulatblog.wordpress.com/2017/02/25/pag-babago-ng-ating-
kalikasan/)

Alam n’yo ba ang kawikaang “Kung ano ang iyong itinanim, iyon rin ang iyong aanihin”? Halimbawa nito
ay ang walang habas na pagtatapon ng basura sa ating mga kanal at ilog, tiyak baha ang ating makukuha o
kapalit. Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw, buwan at taon, ang mga kalamidad na nangyayari
dito sa bansa at maging sa buong mundo ay patuloy sa pagiging malupit at mapaminsalang kalikasan sa
ngayon. Tulad halimbawa ng bagyo, lindol, tsunami, biglaang pagtaas ng temperatura, polusyon at iba
pang kalamidad na maiuugnay natin sa patuloy ng pagbabago ng klima. Malalang sitwasyon ang
nangyayari dahil sa pabagu-bago ng klima. Bakit nga ba nangyayari ito? May kontribusyon ba dito ang mga
tao? O sangkot na rin dito ang sistema ng lipunan? Anu-ano ang mga epekto ng pagbabago ng klima sa
buhay ng tao, sa bansa, sa buong mundo? May magagawa ba tayo?

Pero bago ang lahat ano nga ba ang pagbabago ng klima? Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate
change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang parte ng daigdig. Ang epekto ng
climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag nating
global warming. Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na
“greenhouse gases” sa ating kalawakan.

Kung ating ibabase sa kasalukuyan, ang mga masasamang nangyayari ay dulot ng polusyon o di kaya’y ang
kulang na atensyon at pag-aalaga sa ating kapaligiran. Gaya ng usok na nanggaling sa mga malalaking
pabrika at mga sasakyan ang siyang unti-unting pumapatay sa ating Inang Kalikasan. Dagdag mo pa rito
ang walang habas na pagtapon ng mga plastik at mga basura sa paligid lalo na sa ating mga ilog at iba
pang anyong tubig. At kung ating papansinin, kaliwa’t kanan na ang pag-usbong ng mga gusali at iba pang
imprastraktura. Parang mga kabute na biglang nagsulputan. Ang mga nangyayari ngayon ay isang patunay
sa kasabihang “lahat ng sobra ay nakasasama na.” Nagbabago na talaga ang panahon. Ke utak ng tao,
klima at pati na rin ang kapaligiran mo. ‘Pag ito’y nagpatuloy pa, malaki ang epekto nito sa bansa, sa
buong mundo at lalong-lalo na sa tao. Bilang parte ng ating kaalaman, tayo’y may iba’t ibang
pangangailangan. Pero tayo rin ang mga gumagawa ng paraan para ito’y tuluyang sumira ng ating
pangkabuhayan.

Pero may magagawa pa ba tayo para maagapan ang ating nagbabagang klima? Meron pa. Bawat isa ay
makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan. Ulitin ang paggamit ng mga
bagay-bagay o pakinabangan ang mga gamit na basura . Sa madaling salita sa Ingles ay “to reduce, reuse
at recycle.” Itapon natin ang ating basura sa tama nilang kinalalagyan. Simple lang, hindi ba? Napakaliit na
panahon na lamang ang nalalabi upang magsagawa ng matitinding pagbabago sa mga aktibidad ng tao
upang maiwasan ang mapanganib na pabagu-bagong klima. Dapat patuloy tayong makibaka upang
tiyaking ang mga susunod na henerasyon ay may maayos na mundo pang magigisnan. Kahit sa maliit
nating pamamaraan ay makatulong tayo.

Bawat isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan. Ginawa ng
Panginoon na maganda at kapaki-pakinabang ang paligid para sa ating kaginhawaan ngunit sino ang ating
dapat sisihin sa pagkawasak nito? Tayo ang sumira kaya’t sa atin din nakasalalay ang pag-asa, ang pag-asa
na makakaranas ang mga susunod na heneresyon ng mundong hindi balot ng kalamidad at polusyon.
Sana, sa huli, masasabi ng ating Panginoon na tunay nga nating inalagaan ang kayamanan na kanyang
inihandog sa atin, ang kalikasan. Sa puntong ito, gusto ko kayo ang makaisip o bumatay kung ang
Nagbabagang Klima ay magbabago pa.
Muli, ako’y naririto sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang mga kaganapan tungkol sa
ating kalikasan. Nagbabagang klima, magbabago pa kaya? Maraming Salamat!

You might also like