Professional Documents
Culture Documents
Maitim na tubig sa ilog, basura sa dagat at kalbong gubat – iyan ang iyong
makikita kapag minasdan mo ang kapaligiran. Nasaan ang tagapangalagang
nilikha ng Diyos upang magbantay sa lahat ng bagay na kanyang ginawa?
Alam mo ba kung nasaan siya? Nasa ilog at nagtatapon ng basura, nandoon
din siya sa gubat at namumutol ng puno, nasa loob din siya ng pabrika kung
saan nagtatapon siya ng langis sa dagat at nagbubuga ng maitim na usok.
Ang mga puno ay importante sa mga tao dahil ito ang naglilinis ng hangin at
sumisipsip ng tubig ulan upang hindi bumaha. Dahil sa walang tigil na
pagputol ng mga puno ay madalas magkaroon ng mga malalaking pagguho
ng lupa at pagbaha, pati ang mga hayop sa kagubatan ay nanganganib din
dahil nawawalan na sila ng tirahan. Kaunti na lang ang mga punong lumilinis
ng hangin ngayon kaya ang mga tao ay madalas magkasakit. Nagkakaroon
din ng mga pagbabago sa klima na dulot ng polusyon. Nagkakaroon ng mga
malalakas na bagyo at sobrang init at matagal na tagtuyot. Pati ang mga ilog
ay nasira at namatay na dahil sa kagagawan ng mga tao dulot ng walang
habas na pagtatapon ng basura. Katulad ng Ilog ng Meycauayan. Ang isa sa
pinaka-maruming ilog sa mundo na nandito sa aming lugar. Dati ay malinis pa
ang ilog na ito ngunit dahil sa walang tigil na pagtatapon ng basura ay unti-
unting nasira at namatay ang ilog.
Ang tingin ng mga katutubo sa mga puno, ilog, atbp. ay mga nilalang din na
may karapatang mabuhay. Ngunit ito’y hindi nila sinasamba, kundi itinuturing
nilang kapwa rin nila may buhay. Kung tutuusin, nasa fifth level of
consciousness na sila sa pagtingin sa kalikasan. Samantalang ang sustainable
development (SD) na ipinangangalandakan ngayon sa iba’t ibang NGO ay
maituturing pa ring nasa first level of cosciousness pa lamang dahil ang tema
pa rin nito ay survival. Sa SD, hindi pa rin nahihiwalay ang pagtingin ng
kapitalista, halimbawa, sa puno. Ito’y isa lamang gamit. Ito’y hindi na TREE
kundi LOG na pambenta para makapag-survive at masustenahan ang kanyang
mga pangangailangan. Ganyan kasi mag-isip ang kapitalista. Bata pa lang ang
puno, may presyo na. Para kang sinukatan ng kabaong samantalang buhay na
buhay ka pa at malakas.
Sa mga tribu noon, ang tingin nila sa kalikasan ay sagrado na kahit hanggang
ngayon ay umiiral pa rin sa ibang mga tribu na hindi napasukan ng
westernized capitalist culture. Nuong dumatin ang mga puting unggoy, este,
mga dayuhang mananakop pala, at sinakop ang ating lupain, ginamit nila ang
espada’t krus upang palaganapin ang kanilang relihiyon. Itinuro nila sa mga
katutubo rito na hindi nila dapat sambahin ang mga puno at bagkus ay
sambahin nila ang tunay na diyos na nakaukit sa kahoy. (Ang kahoy ay
nanggaling sa puno!) Dito na nagsimula ang pagtingin nila sa kalikasan bilang
gamit at hindi na bilang kapatid na may karapatang mabuhay. Ini-alienate ng
mga mananakop ang mga katutubo sa kanyang sarili.