You are on page 1of 2

KALIKASAN

Gedd Aldreen Matias

Ang kalikasan ang nagbibigay kula sa ating kapaligiran na sadyang pinagkaloob ng


ating panginoon. Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan natin ang kalikasan, dahil
pinagkukunan ito ng pagkain, malinis na hangin at pangsangga sa anumang kalamidad na
darating. At ito ay mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa
kapakanan sa susunod na henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga yamang
ito ay maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at non-renewable? Ang
renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis, hindi katulad ng non-renewable
energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin ang renewable energy ay isang bagay na
mabilis lamang itong palitan at halimbawa nito ay tulad ng tubig, hangin, at solar energy.
Kabaliktaran naman nito ang non-renewable, dahil ang non-renewable ay matagal na mawala
o maglaho. Halimbawa nito ay carbon-based, organic na nagmula sa gasolina at oil o gas. Dito
rin nagmula ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-ibang mga gusali. Ang kalikasan
ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng produksiyon at
pagkonsumo.
Ngunit anong ginawa natin? Ito ay unti-unting winasak at inabuso na kung saan-saan
natin tinatapon ang basura sa dagat na kung saan nilalason natin ang mga isda at manira pa.
Dapat na hindi natin ito ginawa. Sa una pa lang dapat nating pinangalagaan ang kalikasan dahil
tayo rin naman ang makikinabang nito. Kung ikukumpara mo ang kalikasan noon at ngayon,
ay ang dami na itong pinagbago.
Kung mas lalo natin itong pababayaan. Dahil magkakaroon ito ng maraming epekto sa
kalikasan. Tulad ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, Flashfloods at marami pang iba na
makakasama sa ating kalikasan. Halimbawa nito ay katulad ng bagyong Yolanda, nagkaroon
ito ng pagbaha at pagFlashFlood, Ang tanong, Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang
pagpapabaya sa ating kalikasan.
Ayon kay Bernie sa komento nya sa isang Blog Post, "Tunay nga na mahalaga ang
kalikasan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ito, nakadepende ang bawat tao sa
kung ano ang maibibigay sa kanya ng kapaligiran. Minsan sobra, minsan naman kulang, subalit
hindi ito sapat na dahilan upang tayo ay umabuso at dapat simulan natin ang pagbabago ng
ating mga sarili".
Ang kanyang pahayag ay makahulugan pero marami parin ang pwedeng gawin para
hindi ito mangyari ulit. Na kailangan gawin ang mga wastong gawain, tulad ng wastong
pagtapon ng basura, upang mabawasan ang pagbaha. At alagaan ito ng may pagmamahal sa
ating kalikasan.
Pinagkunan:
http://srnhshumssnews.blogspot.com/2016/11/kalikasanay-dapat-pangalagaan.html
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fkatrinmarielleantonio.file
s.wordpress.com%2F2016%2F12%2F687474703a2f2f74686562796f75746966756c626c6f67
2e66696c65732e776f726470726573732e636f6d2f323031332f30332f62656175746966756c2
d666f726573742d677265656e2d6e61747572652d70686f746f677261706879.jpg%3Fw%3D3
60&imgrefurl=https%3A%2F%2Fkatrinmarielleantonio.wordpress.com%2F2016%2F12%2F
02%2Fpagbabago-sa-kalikasan%2F&docid=J_2uhwYe-
0d1IM&tbnid=uHZjMksQBz6WaM%3A&vet=10ahUKEwiy0Ynv3YbmAhWJyIsBHSujDb
UQMwhxKAEwAQ..i&w=360&h=238&bih=610&biw=1280&q=kalikasan&ved=0ahUKEw
iy0Ynv3YbmAhWJyIsBHSujDbUQMwhxKAEwAQ&iact=mrc&uact=8

You might also like