You are on page 1of 2

Pag-ibig nga ba?

Sa buhay pagibig, maraming relate dyan, maraming gustong magkaroon nyan. Yung tipong gusto mo
mahanap ang pupuno at kukumpleto sa buhay mo. Yung taong mamahalin ka at tatanggapin kah, taong
mapapatibok ng puso mo at masasabi mo na “He’s/She’s the one”. Ang salitang pag-ibig ay nangangahulugan
ng paghahangad ng mainit na pagmamahal na naibabahagi sa pagitan ng magkakapamilya o magkakaibigan.
Pero masasabi mo bang puro kaligayahan lng ang pag-ibig? Masasabi mo bang sya na? Ano ba ang batayan ng
pag-ibig?

Ang pag-ibig ay dapat hindi minamadali. May mga tao talagang nagmamadali sa pag-ibig, ang iba ay mga
desperado, yung iba elementary may kasintahan na, at ang iba ay naniniwala sila na dapat ang high school ay
may kasintahan na. Ikaw, naniniwala ka ba sa salitang “destiny” dahil ako oo. Dahil naniniwala ako na lahat ng
tao ay may itinidhana ng Dyos. Kahit anong mangyari at kahit saan ka man dalhin ng kapalaran, kayo pa din
yung magkakatuluyan. Ika nga sa Roman 8:28 “At alam natin na para sa mga umiibig sa Diyos ang lahat ng
mga bagay ay nagtutulungan para sa ikabubuti, para sa mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.” At sa
Corinthians 2:9 “Ngunit, tulad ng nasusulat, "Hindi nakita ng mata, o narinig ng tainga, o ang puso ng tao ay
naisip, kung ano ang inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” Dapat tayong maghintay dahil may
inilaan ang dyos sa atin.

Ang pag-ibig ay dapat marunong ka sumugal. Ang pagkakaiba lng hindi pera ang kailangan mong itaya,
kundi puso. Yung iba dyan takot umibig uli o umibig dahil takot masaktan, umiyak at kahit ano pa. Mali yung
concepto na yun, dahil sa pagibig ay dapat handa ka matalo o manalo. Walang kasiguraduhan ang pagibig,
handa kang umiyak, mabaliw at masaktan. Gaya ng sugal handa ka rin matalo o Manalo kahit walang
kasiguraduhan. Ika nga ni Wence sa wattpad “Puso at utak ang ginagamit, hindi puro puso lamang. Kailangan
mo din gamitin ang utak. Dahil ang pagsusugal ay walang kasiguraduhan, kaya bago ka sumugal handa ka sa
ihahatnan ng desisyon”

Sa buhay pag-ibig maraming opinion dyan, ang iba ay marahil makatulong sayo, ang iba hindi. Ika nga
sa 1 Corinto 13:4-8 “4 Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog
o mapagmataas, 5 hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama
ng loob sa kapwa, 6 hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, 7 matiyaga, laging
nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.8 May katapusan ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios
at ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ganoon din ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa
Dios, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan.” Dapat mo ito sundin mo ang payo ko dahil ikakabuti ito sa
buhay pag-ibig mo. Ika nga nila kung gusto mo magkaroon ng forever sundin mo payo ko.

https://www.wattpad.com/502856671-spoken-word-tagalog-pagsugal-sa-pag-ibig
https://www.the-philosophy.com/definition-love-philosophy

http://tupangpula.blogspot.com/2010/05/ang-rebolusyonaryong-pag-ibig-ayon-kina.html

You might also like