You are on page 1of 2

Alexis Bertoldo ABM 11-6

Tekstong Impormatibo ni Charlene Calica


Kalikasan ay Dapat Pangalagaan
By: Charlene Calica
Buod by: Alexis Bertoldo
Source: SRNHS HUMSS Blog

Ang kalikasan ay pinagkaloob ng ating panginoon at ito ang


nagbibigay kulay sa ating kapaligiran. Ang kapaligiran ay dapat alagaan at
ingatan dahil ito ang nagbibigay sa atin ng pagkain, nagpapalinis ng hangin
at nagsasangga sa mga paparating na kalamidad.
Ang yaman ng kalikasan ay maaaring renewable at non-renewable.
Ang renewable ay mabilis na napapalitan na mga yaman at ang mga
halimbawa nito ay tubig, hangin at solar energy. Ang non-renewable naman
ay matagal pang mapalitan o maaaring hindi na ito mapalitan at ang mga
halimbawa nito ay gasolina at oil.
Unti-unting winawasak at inaabuso ng mga tao ang kalikasan. Kung
saan-saan tinatapon ang mga basura at napupunta sa mga dagat na rason ng
pagkakalason ng mga isda at nagreresulta rin ito ng pagbaha sa mga
kalsada.
Ayon kay Bernie sa komento niya sa isang Blog Post “Tunay nga na
mahalaga ang kalikasan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ito,
nakadepende ang bawat tao sa kung ano ang magbibigay sa kanya ng
kapaligiran. Minsan sobra, minsan naman kulang, subalit hindi ito sapat na
dahilan upang tayo ay umabuso at dapat simulant natin ang pagbabago ng
ating mga sarili.”
Ang pahayag ni Bernie ay nagpapahiwatig na marami pa ang
pwedeng gawin na pangalagaan ang kalikasan.
Alexis Bertoldo ABM 11-6

Original
Ang kalikasan ang nagbibigay kula sa ating kapaligiran na sadyang
pinagkaloob ng ating panginoon. Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan
natin ang kalikasan, dahil pinagkukunan ito ng pagkain, malinis na hangin at
pangsangga sa anumang kalamidad na darating. At ito ay mahalagang bagay na
dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa kapakanan sa susunod na
henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga
yamang ito ay maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at
non-renewable? Ang renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis,
hindi katulad ng non-renewable energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin
ang renewable energy ay isang bagay na mabilis lamang itong palitan at halimbawa
nito ay tulad ng tubig, hangin, at solar energy. Kabaliktaran naman nito ang non-
renewable , dahil ang non-renewable ay matagal na mawala o maglaho. Halimbawa
nito ay carbon-based, organic na nagmula sa gasolina at oil o gas. Dito rin nagmula
ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-ibang mga gusali. Ang kalikasan
ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng
produksiyon at pagkonsumo.
Ngunit anong ginawa natin? Ito ay unti-unting winasak at inabuso na kung
saan-saan natin tinatapon ang basura sa dagat na kung saan nilalason natin ang mga
isda at manira pa. Dapat na hindi natin ito ginawa. Sa una pa lang dapat nating
pinangalagaan ang kalikasan dahil tayo rin naman ang makikinabang nito. Kung
ikukumpara mo ang kalikasan noon at ngayon, ay ang dami na itong pinagbago.
Kung mas lalo natin itong pababayaan. Dahil magkakaroon ito ng maraming
epekto sa kalikasan. Tulad ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, Flashfloods at
marami pang iba na makakasama sa ating kalikasan. Halimbawa nito ay katulad ng
bagyong Yolanda, nagkaroon ito ng pagbaha at pagFlashFlood, Ang tanong, Ano
ang sanhi nito? Isa na dito ay ang pagpapabaya sa ating kalikasan.
Ayon kay Bernie sa komento nya sa isang Blog Post, "Tunay nga na mahalaga
ang kalikasan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ito, nakadepende ang
bawat tao sa kung ano ang maibibigay sa kanya ng kapaligiran. Minsan sobra,
minsan naman kulang, subalit hindi ito sapat na dsahilan upang tayo ay umabuso at
dapat simulan natin ang pagbabago ng ating mga sarili".
Ang kanyang pahayag ay makahulugan pero marami parin ang pwedeng gawin
para hindi ito mangyari ulit. Na kailangan gawin ang mga wastong gawain, tulad ng
wastong pagtapon ng basura, upang mabawasan ang pagbaha. At alagaan ito ng may
pagmamahal sa ating kalikasan.

You might also like