You are on page 1of 2

Jenny Babes P.

Ogama

Grade 12- HDF


Natatagong Kwento ng Pilipinas sa Likod ng Magagandang Tanawin

(Tekstong Impormatibo)

Isinulat ni: Camille M. Palacio

Hindi makakailang sobrang ganda ng ating bansa, ang Pilipinas. Isa sa mga dahilan kung
bakit nasasabing maganda ang Pilipinas dahil sa mga dayuhan na palaging bumibisita dito. Kilala
ang ating bansa dahil isa ito sa mga bansa na may magagandang tanawin. Dahil na rin sa mga
responsableng taong pinapangalagaan ang ating kalikasan. Sagana ang ating bansa sa mga likas
na yaman, katulad na lamang ng yamang tubig dahil ang Pilipinas ay may 7,107 na isla. Dito sa
Pilipinas matatagpuan ang matabang lupa, yamang lupa, talampas, lambak, kapatagan at iba pa.
Ano nga ba ang mga kwentong natatago sa nagagandahang tanawin na ito? Kailan nagsimula
ang kasaysayan ng Pilipinas?

Ayon sa wikipedia o ang malayang ensiklopedya, nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas


ng dumating ang sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon
na ang nakalipas. Ayon sa unang tala, ang unang taong bumisita sa ating bansa ay si Ferdinand
Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangang Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng
mga permanenteng buhay sa Cebu, kasabay nito ang ekspidisyon ni Miguel Lopez de Legazpi
noong 1565, at mas pinarami ang mga kolonyalista sa pook ng Maynila sa pulo ng Luzon.
Nagtatag ng isang syudad sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng
Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.

Nagkaroon ng ebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng


dalawang taon ay humantong sa proklamasyong kalayaan ng mga Pilipino at ang pagtatag ng
unang republika ng Pilipinas. Ngunit ang kasunduang Paris, na naganap sa katapusan ng
digmaang Espanyol at Amerikano, ay naglipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Sinimulan ng Estados Unidos ang kolonyal sa pamamahala sa Pilipinas noong 1905. Ang parsiyal
na pagsasarili mula sa Estados Unidos ay iginawad noong 1935 bilang paghahanda ng isang
ganap na kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Makalipas ang 10 taon ay nilusob ng
Hapon ang Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ang huling pagbabalik ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano para sa kampanya ng pagpapalaya sa Pilipinas.

Ayon pa rin sa wikipedia, isa pang sikat na kwento ng ating bansa ay ang mga karansan
ng ating mga ninuno. Pamilya tayong mga Pilipino ng prinsipal na mamamayan ng Pilipinas—
ang Negrito, Indones at Malay. Naganap pa ang mga migrasyon ng ating mga ninuno. Sa isang
barangay may isang datu, timawa, maharlika, at ang mga alipin, pamilyar tayo sa pagsamba sa
mga anito.
Jenny Babes P. Ogama

Grade 12- HDF


Dahil dito masasabing maganda talaga ang Pilipinas bukod sa natatanging kwento nito
ay dahil na rin sa mga taong may mabubuting loob. Sa Pilipinas marami ang pagsubok na
nangyayari kaya nabuo ang bayanihan.

You might also like