You are on page 1of 5

Shamnice M.

Garcia STEM 11-Pasiphae

Sitwasyong Pangwika sa Social Media


Mga Kasagutan sa Unang Gawain:
1. Google Chrome
2. Youtube
3. Pinterest
4. Facebook
Pagkakatulad:
Ang kanilang pagkakatulad ay magkakaparehas sila ng layunin kung bakit nailikha, ito ay upang
magkaroon ng pagkakakilanlan ang isang kagamitan ng social media. Sumasalamin din ang mga
icon sa kanilang pangalan, dito natin mas napapabilis ang pagkilala sa kanila sapagkat bawat
icon ay may simbolo o letra sa simula ng kanilang mga pangalan. Lahat ng icon na ating nakikita
ay may malaking pakinabang sa pagpapatuloy ng pagpapalaganap ng komunikasyon hindi
lamang sa lokal na lugar, kung hindi pati na rin sa pandaigdigang kagamitan.
Pagkakaiba:
May kaibahan ang bawat icon sa disenyo at kulay, sapagkat dito sumasalamin ang kanilang
pagkakakilanlan at sa kung ano ang nagpapaiba at nagbibigay ng ideya sa mga tao kung para
saan at ano ang gampanin nito. Ang mga icon na ating nakikita ay binubuo ng iba’t ibang
kompanya kaya iba’t iba rin ang mga gamit ng ito. Katulad ng sa Facebook, ito ay upang
magkaroon ng koneksyon sa bawat tao, habang sa Google chrome naman ay upang mas
mapabilis ang pagkalap ng iba’t ibang impormasyon.
Shamnice M. Garcia STEM 11-Pasiphae

Pagsasanay 1.1 Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutin nang matuwid ang
mga tanong at ipaliwanag. Sundin ang pamantayan sa pagsulat. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Sa mga post na nababasa mo sa iyong istatus, ano ang masasabi mong naging kalagayan
ng ating wika pagdating sa paggamit ng social media?
Sapagkat isa sa napakamadaling pagpapahayag ng ating mga opinyon ang social media,
mas napapabilis din nito ang pagpapalaganap ng iba’t ibang wika. Kapansin-pansin ang mga
kaibahan ng paggamit wika ay naayon sa kagustuhan ng tagapagpahayag. Kapag nais mong
magbahagi sa iyong mga kakilala lamang, ang wikang ginagamit ay kadalasang unang lengwahe
ng isang lugar, halimbawa bisaya o cebuano. Kung nais mo namang magpahayag at kumonekta
sa nasyonal na rehiyon, ang ginagamit na wika ay Filipino at sapagkat ang social media ay
pangkalawakan, ang lingua franca ng mundo o Ingles ang ginagamit kung nais magbahagi sa
buong mundo. Mahihinuha natin dito na sa tulong ng social media status ay mas patuloy tayong
nakakapag-ugnay sa ating kapwa, magsalamin sa kultura at magpahayag ng opinyon kaakibat sa
paggamit ng wika. Dahil dito, ang wika ay patuloy na mas yumayabong at hindi tuluyang
nadadala sa limot sapagkat ginagamit sa pang-araw-araw na pagpapahayag kahit na may halo
itong wikang banyaga o di kaya’y wala sa mga wastong baybay. Ang higit na mas mahalaga at
nararapat pagtuonan ng pansin ay ang layunin nitong makapagpalaganap ng impormasyong
maaring magbigay ng tulong o libangan ng mga taong nakakita o nakabasa nito. Malaki ang
tulong nito upang mas bigyang buhay ang wikang hindi lamang sariling atin, kung hindi pati na
rin ang wikang banyaga na tumutulong sa pagkonekta natin sa buong mundo.

2. Paano nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino ang


paggawa mo ng blog at pagpo-post sa social media?
Isa sa pinakaepektibong paraan ng pagpapahayag ng opinyon,ideya, at mga impormasyon
ang kagamitan ng blog at social media post. Dahil sa bilis nitong maikalat ang nais ipahayag,
naging sikat itong paraan upang maging isang tulay sa pagpapalaganap ng kagandahan ng
wikang atin. Sapagkat buong daigdig ang sakop ng social media, mabilis nating mahalina at
maengganyo ang mga banyaga na magkaroon din ng interes sa wikang ating ginagamit. Ito’y
katulad lamang ng ibang Pilipinong naengganyo sa Kpop, kung saan maraming gusto naring
mag-aral ng Korean at makipag-ugnay sa kanilang mga idolo. Parehas lamang ang sitwasyon
kapag may taga-ibang bansa naman ang naengganyo sa pagkakaroon ng kaalaman sa wikang
Filipino at bansang Pilipinas kapag patuloy na naibahagi ang kultura, tradisyon, pag-iisip at
kaaranasan sa pamamagitan ng mga social media post at blog ng ating kapwa Pilipino. Dito natin
mas mabibigyang buhay ang wikang Filipino sapagkat ito ang mas nangingibabawng wikang
ginagamit sa bansa at mas mabigyang pagkakakilanlan hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa ibang
sulok ng mundo.
Shamnice M. Garcia STEM 11-Pasiphae

Patunay Ng Kalagayan Ng Wika mula


sa Aking Facebook Newsfeed
Shamnice M. Garcia STEM 11-Pasiphae

Panuto: Sumulat ng sanaysay. Sumuri ng isang post sa social media. Patunayan na


mahalaga ang social media at Internet sa ating kasalukuyang buhay. Paano nagamit ang
wika rito? Gawin ito sa sagutang papel.

Social Media: Kaakibat sa Pag-usbong ng Buhay


Nabubuhay tayo sa isang panahon at edad kung saan ang impormasyon ay
isang pindutan lamang ang layo. Tayo ay gumagalaw sa mundo kasama ang
teknolohiya sa ating pang-araw-araw na buhay. Natural na sa ating katauhan ang
pagkakaroon ng kagustuhang malaman, basahin, unawain at pagkatapos ay maglabas
ng ating saloobin o di kaya’y perspektibo ukol sa impormasyong nakalap. At dito
pumapasok ang social media. Ang social media ay isa sa mga pinakamalaking
elemento na kaakibat sa ating buhay at hindi ito maaaring balewalain sapagkat taglay
nito ang kapangyarihang makapagbago ng isang buhay ng tao.
Ang social media ay isang plataporma na nagbibigay-daan sa atin na
magbahagi o lumikha ng nilalaman at tumutulong din upang tayo ay lumahok sa social
networking. Tila ito ay isang pagpapala na nag-uugnay sa atin sa bawat bahagi ng
mundo, maaari nating makilala ang ating mga mahal sa buhay na malayo, ipakalat ang
kamalayan sa pamamagitan nito at magpadala ng mga babala sa seguridad na kayang-
kayang gawin ng social media sa isang pindut lamang. Ito ay isang hindi mapag-
aalinlangang katotohanan na ang pagkakaroon ng social media ay ginawang
maginhawa, mas madali at mas mabilis ang ating buhay. Mas napapalaganap natin ang
kagandahang taglay ng ating karanasan, maging kultura at tradisyon kung saan
naipapamalas sa pagbibigay tulong ng wikang ginagamit natin. Naging magkaugnay
na sa buhay ang social media at wika upang mapatuloy ang koneksyong ating
pinapanatili hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo.
Malaki ang gampanin ng social media sa bawat buhay ng bawat isa sa atin.
Sapagkat ito’y napakamakapangyarihang kagamitan upang maibahagi ang
impormasyon, nawa’y gawin natin ito sa positibong layunin. Nararapat natin itong
gamiting sandata sa pagpapanatili sa buhay na mabilis magbigay aliw, balita,
impormasyon, motibasyon at babala sa tulong na rin ng wika. Palaging tandaan na sa
bawat pagpost ay maaring makapagbago sa positibo at negatibong epekto sa buhay ng
isang tao. Isa rin ito sa naging basehan ng ebolusyon at kalagayan ng buhay ng wika
kaya gamitin nang may kaakibat na responsibilidad at mabuting layunin.
Shamnice M. Garcia STEM 11-Pasiphae

Ito po ay isang post sa Facebook na ibinahagi ni Ashley Tisdale na nagpapakita rin ng


kahalagahan ng Social Media.

You might also like