You are on page 1of 2

GAWIN NATIN ITO SA ARALIN 11

Gawain 1. Basahin ang dalawang sipi ng mga sanaysay at sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

Batang Tundo (bahagi) ni Rose Torres-Yu


Hiyang-hiya ako kapag kailangan kong amining taga-Tondo ako. Kapag
makakaiwas, lagi kong sinasabing lumaki ako sa Biak na Bato, ngayon ay Almeda
Extension, na nasa laylayan ng Santa Cruz at Tondo. “Mas malapit kami sa Santa
Cruz kaysa Tondo,” lilinawin ko para agad na palisin ang akalang lumaki ako sa lugar
ng Oxo, Sige-sige, Kumando, Bahala Na at Sputnik, naglalabo-labong grupo ng mga
maton na laman ng mga balitang krimen sa Maynila. “Mga harang ang bituka,” sabi
ng nanay ko, kapag hanggang sa aming lugar ay nagpapang-abot sila.
Malayu-layo kami sa pinakapusod ng magulong Tondo. Isang sakay sa jeep ang
layo naming sa Bangkusay, Velasquez o North Bay Boulevard. Hangga’t maari ay
iniiwasan kong mabuo kaagad ang hinala sa unang pagkikilala na dahil “laking
Tundo” ako, eh mataray ako’t palaaway o lumaki sa langsangan at basagulera. Ang
hindi ko alam noon, kahit naman pala ang Santa Cruz na dating pueblo noong
panahon nga Kastila ay may dalawang isla na ang isa, ang Isla de Sibacon ay naging
taguan ng masasamang loob, palibhasa ay malapit sa Binondo na maunlad at sentro ng
kalakalan. Kung kailan nagsimulang makilala ang Tondo na pook ng krimen at
karahasan ay hindi ko pa nauusisa nang husto.
Tanong:
1. Ano ang ipinapakahulugan ng pamagat ng sipi?
2. Ano ang nais ipinahawatig ng mananaysay sa pahayag na: “Mas malapit kami sa
Santa Cruz kaysa sa Tondo”?
3. Batay sa sipi, anong katangian ang makapaglalarawan sa mananaysay? Ipaliwanag.
Gawain 2. Pagsusuri sa speech act. Manood ng isang paborito mong pelikulang 1.
Pilipino. Mual sa pelikula, pumili ng sampung linya o pahayag at suriin ito ayon sa
mga sangkap ng speech act. Gawin gabay ang talaan sa ibaba.
Pamagat ng Pelikula

Blg. Linya/Pahayag Nagpapahayag Speech Act


na karakter
Illocutionary Locution Perlocution
Force

3
4

10

Matapos ang pagtala, bumuo ng isa hanggang dalawang talatang pagsusuri sa bisa ng
mga diyalogo sa pelikula. Gawing gabay ang sumusunod na katanungan:
1. Naangkop ba sa karakter ang mga binitiwan niyang pananalita sa pelikula?
2. Epektibo bang napaprating ng mga linya ang nais tahaking daloy ng kuwento sa
pelikula?
3. Kung may linya/mga linya na nais mong baguhin, ano/ano-ano ito? Ipaliwanag.

You might also like