You are on page 1of 1

YUNIT NA PAGSUSULIT SA CORE 12

Pangalan: _____________________________________ Petsa: _____________________________

I. Tukuyin kung anong antas ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang wastong sagot sa
patlang.

___________1. Nakita ni Mauren na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa.
___________2. Inalam ni Anna ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kuwentong nabasa.
___________3. Galit ang naramdaman ni Brian nang mabasa ang balita tungkol sa insidente sa Mamasapano
___________4. Sumasangguni si Nanay sa kanyang cook book upang mas mapasarap ang kaniyang lutuin.
___________5. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit.
___________6. Gumawa si Laya ng anotasyon ng mga sanggunian bilang paghahanda sa gawaing pananaliksik.
___________7. Natuklasan ni Jonathan sa kaniyang pananaliksik na may isang mahahalagang suliranin sa paksa ang
hindi pa gaanong napagtutuunan ng pag-aaral.
___________8. Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.
___________9. Tinanong ng guro ni Pia kung tungkol saan ang seleksiyon matapos niya itong basahin.
___________10. Sumulat si Marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman nito.

II. Isulat ang K kung katotohanan ang pahayag at O kung opinyon.

____1. Si Roa Duterter ang nag-iisang pangulo ng Pilipinas na sumugpo ng korapsyon.


____2. Sa tingin ko ay malaking pananagutan sa insidente sa Mamasapano si Pangulong Aquino.
____3. Napakahusay ng pagganap ni Eugene Domingo sa pelikulang “Babae sa Septic Tank”.
____4. Pinaka-guwapong artista si Daniel Padilla.
____5. Napatunayang nagnakaw ng kaban ng bayan ang dating Pangulong Joseph Estrada.
____6. Nandaya sa eleksyon noong 2004 si dating Pangulong Gloria Arroyo kaya natalo si Fernando Poe Jr.
____7. Ayon sa Saligang Batas, ang pangulo ng Pilipinas ay awtomatikong magsisilbi bilang Commander-in-Chief ng
PNP at AFP.
____8. Ipinakita ng mga Pilipino ang katapangan at kabayanihan nang magkaisa sila sa pagpapatalsik ng isang diktador.
____9. Maraming magagandang babasahin sa Wattpad kahit pa sinasabi ng marami na mababaw ang mga kuwento rito.
____10. Maaring magsulat ang kahit sino at ilathala ito sa Wattpad.

III. Isulat sa patlang ang A kung obhetibo ang sumusunod na paglalarawan at B kung subhetibo

____1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Donna.


____2. Malakas ang loob ng kapatid ko kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas ang loob ko.
____3. Mataba at maganang kumain ang alaga kung aso.
____4. Matitipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).
Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
____5. Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. Ibig sabihin, atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unalad
at naghihirap ang mga tao.

IV. Bakit mahalaga ang malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng ekstong impormatibo? Ipaliwanag.

You might also like