You are on page 1of 4

4th Periodical Examination

Filipino 3
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _________ Iskor: _____

I. Panuto: Isulat sa patlang ang kasarian ng pangngalan na may


salungguhit. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PB
(pambabae), PL (panlalaki), DT (di-tiyak ang kasarian), at WK
(walang kasarian)

_____1. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay.


_____2. Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya.
_____3. Suot ng binata ang pinakamagara niyang damit.
_____4. Ang mga lalaki ay dapat nakasuot ng barong Tagalog.
_____5. Nakaabang sila sa labas para batiin ang mga panauhin.
_____6. May pinadalang pasalubong ang ninang mo na galing sa
Maynila.
_____7. Pinili siya na maging pangunahing artista sa isang pelikula.
_____8. Maghahanap ako ng magaling na modista para sa iyong
kasal.
_____9. Narinig nila ang tunog ng kampana ng simbahan.
_____10. Dumaan dito kanina ang kumpare mo at hinahanap ka.
_____11. Nakatitig ang lahat sa prinsesa habang siya’y sumasayaw.
_____12. Sabik na sabik ang mga mamamayan sa pagbisita ng
pangulo.
_____13. Ang lolo ni Lisa ay dating sundalo sa digmaan ng mga
Kastila at Amerikano.
_____14. Kulay puti ang damit ng mga dalagita sa kasal.
_____15. Nakaabang na ang buong pamilya sa harap ng bahay.
_____16. Ang inspektor ay ang ginoo na nakatayo sa labas ng
tanggapan.
_____17. Napakaganda ng mga bulaklak at halaman sa hardin ng
plaza.
_____18. Laging sinusundan ng mga sisiw ang inahin.
_____19. Kinuha ng nars ang blood pressure ni Tatay bago siya
binigyan ng gamot.
_____20. Maganda ang sermon ng pari kahapon sa misa.
II. Panuto: Isulat sa patlang ang pantukoy na bubuo sa pangungusap.
Gamitin ang mga pantukoy na si, sina, ni, nina, kay, o kina.

1. Galing sa palengke ________ Nanay at Ate Veron.


2. Tutulungan ko ________ Kuya Mike sa pagdidilig sa bakuran.
3. Ang asul na tsinelas sa harap ng pinto ay ________ Mang Domingo.
4. Nasabi na ba sa iyo ________ Marites ang sikreto niya?

5. Ang silid-aralan ________ Marco at Manny ay nasa ikalawang


palapag ng gusali.
6. ________ Wilma at Michelle ba itong diorama sa mesa?
7. Magpapatingin sa doktor ________ Lolo Popoy at Lola Hilda.
8. ________ Lani ba itong bagong itim na pantalon?
9. Ipinakain ________ Raul ang kanyang mga alagang aso.
10. ________ G. Marquez ang magiging guro natin sa Science.

11. Ikinuwento sa akin ________ Ray at Jaime ang napanood nilang


pelikula.

12. May sorpresa kaming inihanda para ________ Tatay at Nanay sa


okasyon ng kanilang anibersaryo.

13. Kanina ko pa hinihintay umuwi ________ Katrina mula sa


paaralan.
14. Ang mga aklat na ito ay isasauli ________ Bb. Sanchez sa
silidaklatan.

15. Ang susunod na mag-uulat tungkol sa mga karapatan ng mga


bata ay ________ Joshua, Maricel, at Camille.

III. Panuto: Isulat sa patlang ang pantukoy na bubuo sa pangungusap.


Gamitin ang pantukoy na ang o ang mga.

1. ___________ kulay sa ating watawat ay asul, pula, dilaw, at puti.

2. ___________ pangulo ng Pilipinas ay inihahalal ng mga


mamamayang Pilipino.
3. Inilipad ng malakas na hangin ___________ tuyong dahon sa lupa.
4. Huwag mong kalimutang isuot ___________ I.D. mo.

5. Handa na bang makinig ___________ mag-aaral ni Bb. dela Peña


sa ikatlong baitang?

6. ___________ “Lupang Hinirang” ay sabay-sabay na inaawit ng mga


estudyante.
7. Hinahabol ng asong kalye ___________ itim na pusa.
8. Nakapila na ___________ mamimili sa labas ng tindahan.
9. Ano ___________ paksa ng sanaysay na isinusulat mo?
10. ___________ pamilya ni Rene ay magbabakasyon sa Palawan.
11. May butas ___________ unahang gulong ng bisikleta mo.

12. Sina Michael, Sarah, at Jonas ___________ anak nina G. at Gng.


Villamor.
13. Nakita mo ba ___________ listahan ng mga bagong nars?

14. Isa-isang ipinaliwanag ng punong guro ___________ tuntunin ng


paaralan.

15. Ibibigay ni Lorena ___________ lumang damit at kumot sa mga


napinsala ng bagyo.

IV. Panuto: Iayos ang mga salita sa bawat bilang sa tamang pagkasunod-
sunod ayon sa alpabetong Filipino.

1. pamasahe _______________ 2. kasal _______________


Pahiyas _______________ kulungan _______________
pag-ibig _______________ kabibe _______________
patalim _______________ Kaaba _______________
pantay _______________ klase _______________
paraan _______________ komiks _______________
pagitan _______________ kultura _______________
panlabas _______________ kobra _______________
V. Panuto: Isulat ang P kung piksyon at DP kung di-piksyon.

_____1. Ang aso ay lumilipad.


_____2. Ang aso ay may iba’t ibang lahi.
_____3. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
_____4. Ang pagong at ang matsing ay magkaaway sa pabula.
_____5. Kumakain ng damo, maliliit na sanga at
kumakahol ang elepante.
_____6. Kung walang araw ang daigdig ay walang buhay.

_____7. Asul ang kulay ng langit.


_____8. Limilipad ang mga ahas kasabay ng pagtakbo ng mga

isda.
_____9. Ang rosas ay may mga tinik.
_____10. Ang araw ay isang bituin.

You might also like