You are on page 1of 5

Saint Francis De Assisi School of Multiple Intelligences

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino

Pangalan: __________________________________________ Marka:________________


Baitang at Pangkat:__________________________________
I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Isang maiksing komposisyon na karaniwang nagpapahayag ng sariling opinyon ng manunulat.
a. sanaysay b. talata c. maikling kwento d. nobela
_____2. Isang uri ng tayutay na gumagamit ng lipon ng mga salita na nagsasalungatan upang lalong
mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
a. onomatopeia b. aliterasyon c. oksimoron d. simili
_____3. Ito ay tipo ng sanaysay na maingat na pinag-aralan at lohikal na inilahad ang mga pangungusap tungo
sa lalong ikalilinaw ng paksang tinatalakay.
a. seryoso b. pormal o maanyo c. di-seryoso d. impormal
_____4. Tumatalakay ang tipo ng sanaysay na ito sa mga paksang pangkaraniwan at ang pananalita ay parang
kaswal nap ag-uusap lamang.
a. pormal b. seryoso c. di-seryoso d. impormal
_____5. Ang isang sanaysay ay may ilang bahagi?
a. tatlo b. dalawa c. apat d. isa
_____6. May mga sanaysay na nauuri sa layon. Ano ang tawaag sa sanaysay na naglalayong makapagbigay sa
mambabasa ng malinaw na larawan ng bagay na tinatalakay.
a. sanaysay na nanlilibang b. sanaysay na nagbibigay impormasyon
c. sanaysay na naglalarawan d. sanaysay na nanghihikayat
_____7. Layunin ng komposisyong ito na palawakin ang kaalaman ng mga mambabasa. Tahasan ang
paglalahad nito at organisado ang pagkakabuo.
a. sanaysay na nanghihikayat b. sanaysay na nagbibigay impormasyon
c. sanaysay na nanlilibang d. sanaysay na naglalarawan
_____8. Ang sanaysay na ito ay may layuning mangumbinsi o mapa-ayon ang mga mambabasa sa ideyang
inilalahad ng akda.
a. sanaysay na nagbibigay impormasyon b. sanaysay na nanlilibang
c. sanaysay na naglalarwan d. sanaysay na nanghihikayat
_____9. Sa pagpapalawak ng pangungusap, ang dalawang panlahat na bahagi ng pangungusap ay ang…
a. simuno at panaguri b. paksa at detalye c. unahan at hulihan d. pangngalan at pandiwa
_____10. Tinanghal na CNN Hero of the year 2009. Siya ang nagtaguyod ng Kariton Klasrum.
a. Genoveva Edroza-Matute b. Nestor B. Canas
c. Efren Penaflorida d. Leonor M. Briones
_____11. Sino ang may-akda ng “ Sa Ikauunlad ng Bayan “
a. Jose de Jesus b. Jose Rizal c. Genoveva matute d. Francisco Balagtas
_____12. Sa panlahat na bahagi ng pangungusap, ito ang tumutukoy sa pinag-uusapan.
a. ingklitik b. panaguri c. simuno d. pangngalan
_____13. Bahagi ng pangungusap na naglalarawan o tumatalakay sa paksa.
a. simuno b. pang-uri c. pang-abay d. panaguri
_____14. Sa akdang “ Awitan Natin Sila “, sino ang tinutukoy na modelo at bayani ng mga kabataan?
a. kasambahay b. guro c. OFW d. magulang
_____15. Tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipakikita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng iba’t-ibang panlapi na ikinakabit sa pandiwa.
a. pokus b. kaganapan c. tayutay d. bahagi ng pananalita
II. Tukuyin ang kaganapan ng pandiwa sa mga nakasaad na pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Mamili sa mga sumusunod: ( Tagaganap, Layon, Tagatanggap, Ganapan, Kagamitan, Sanhi, Direksyunal)
1. Ipininta ni Fernando Amorsolo ang “Sunset, 1950”. __________
2. Kumain ng manga at bagoong ang inang naglilihi. __________
3. Nagbaon siya ng gamot para sa anak na may sakit. __________
4. Nagsimbang-gabi ang pamilya nila sa San Roque Parish. __________
5. Hinango niya ng mga sinampay sa pamamagitan ng panungkit. __________
6. Hindi siya nakarating sa pagtitipon dahil sa daloy ng trapiko. __________
7. Nagpadala ng pera sa Pilipinas ang amang nasa Saudi. __________
8. Ibinigay ng ninang ang regalo sa inaaanak. __________
9. Bumili ng pansahog sa pansit si nanay sa palengke. __________
10. Namili ng mga panregalo si Tatay para sa darating na kapaskuhan. __________
11. Mahimbing na natutulog si Geon sa kanyang silid. __________
12. Isinulat niya ang pangalan ng salarin gamit ang sariling dugo. __________
13. Natigil siya sa paglalaba dahil sa narinig na putok ng baril. __________
14. Maliit man o Malaki ang regalo, ang mahalaga ay mula sa puso ito. __________
15. Isinara ni Ana ang pinto matapos lumabas sa kwarto ang alagang aso. __________
III. Piliin mula sa lob ng kahon ang angkop na oksimoron na gamitin sa mga pangungusap. Isulat ang buong
parirala sa patlang.

A. Noon at ngayon B.banal na demonyo C. langit at lupa


D. araw at gabi E. simula ng katapusan
F. lungkot at saya G. galit at pagmamahal H. liwanag sa dilim
I. batang ina J. akyat baba

1. Magkahalong ____________________ ang nararamdaman niya ng siya ay pumasa sa board exam samantala
ang matalik na kaibigan niya ay hindi pinalad.
2. Huminto si Neneng sa pag-aaral dahil isa na siyang ____________________ sa murang edad na labinlima.
3. Sa loob ng kulungan ay nakatagpo siya ng ____________________ sa katauhan ni Pastor Emmanuel.
4. Ang mga bata ay ____________________ sa hagdanan.
5. ____________________ ang nadama niya para sa kanyang anak nang malamang ito ay nagdadalang tao.
6. Iniisip ko si happy pill sa ____________________ kaya’t ako ay laging inspirado sa anumang oras.
7. _______________ ang pagitan ng kanilang mga mundo.
8. Ang mga sakim na prayle ay tila mga ____________________.
9. Walang pagbabago ang iyong ganda mula ____________________.
10. “Ito na ang ____________________ mo!” , wika ng kabalyero.
IV. Suriin ang binibigyang-diin sa bawat pangungusap. Tukuyin kung ano ang pokus ng pandiwa. Isulat ang
sagot sa patlang.
__________1. Isinabit ni Margarita ang kwintas na sampaguita sa poon.
__________2. Uminom si Chevonne ng gamot pagkatapos kumain.
__________3. Nilinisan nila ang kanilang bakuran.
__________4. Ipagbalot mo ako ng pananghalian.
__________5. Ipamalo mo sa ipis ang tsinelas na iyan.
__________6. Ikinahiya ng dalaga ang pag-awit ng kasintahan.
__________7. Pinasyalan naming si lola sa probinsiya.
__________8. Nagluto si Loida ng morcon.
__________9. Pininturahan niya ang kanyang kwarto ng kulay asul.
__________10. Ipanapin mo sa sahig ang banig.
V. Isulat sa patlang ang tamang anyo ng pandiwa sa patlang ayon sa hinihingi ng pokus nito.
__________1. Gamit
(tali) mo sa aso ang kadena.
__________2. Direksiyon
(andar) niya ang bangka palayo sa pampang.
__________3. Sanhi
(tuwa) ng ina ang pagdating ng anak.
__________4. Ganapan
(puno) niya ng tubig ang balde sa banyo.
__________5. Layon
(tatag) ang gusaling ito sampung taon na ang nakararaan.
__________6. Tagaganap
(tanim) ng rosas si Geron sa bakuran.
__________7. Tagatanggap
(luto) ni Vina si Calel ng lugaw.
__________8. Gamit
(gupit) ni Ellaine ang gunting sa kanyang buhok.
__________9. Direksiyon
(pasyal) ng mga bata ang Malabon zoo.
__________10. Sanhi
(lungkot) niya ang pagpanaw ng kaibigan.

VI. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, Tukuyin kung ano ang tawag sa mga bahaging may
salungguhit. Isulat ang sagot sa patlang.

__________1. Ang mamamayan ay bahagi ng lipunan.

__________2. Matatayog ang mga punonhg niyog.

__________3. Iginagalang ng lahat ang guro.

__________4. Ang punong-guro ay balitang istrikto.

__________5. Sumunod ang bata sa ina.

__________6. Ang Pilipinas ay may 7,107 na pulo.

__________7. Siya ay kahera ng bangko.

__________8. Ang namumuno sa bayan ay ang alkalde.

__________9. Ang lider ng rally ay magsasaka.

__________10. Bumubusina ang drayber sa iyo.


VII. A. Sumulat ng isang impormal na sanaysay na naglalarawan sa isang taong iyong hinahangaan. Binubuo ng
sampung pangungusap o higit pa at gumamit ng mga nararapat na bantas. (15 puntos)

VII.B. Sumulat ng isang impormal na sanaysay na tumatalakay sa iyong pananaw ukol sa (nakabubuti ba o
nakasasama) ang paglalaro ng ML o mobile legend. Sikaping makahikayat o mapa-ayon ang mga mambabasa sa
iyong panig. Binubuo ng sampung pangungusap o higit pa at gumamit ng mga nararapat na bantas. (15 puntos)

You might also like