You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

PANGALAN__________________________________________________________
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay danding ng


sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. puno ng sakit
B. puno ng hirap
C. puno ng ligaya
D. puno ng sigla

2. Ano ang ibig sabihin ng lawig?


A. malayo
B. tagal
C. malapit
D. madali

3. Ang kuwentong binasa ay nagpapakita tungkol sa,


A. pagmamahal sa bayan
B. pagmamahal sa pamilya
C. paglimot sa bayang sinilangan
D. pagkalinga sa minamahal

4. Sa kuwentong binasa, nasaan ang ama ni Danding?


A. nangibang bansa
B. yumao
C. naglayas
D. nakaratay

5. Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay. Ano ang ibig pakahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. malaki at mataas na bunton ng gapas na katawan ng palay na may uhay
B. matataas na uhay sa palayan
C. palayang namumutik ng bunga
D. matatas na uhay ng palay
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
_______________ 1. Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. Ito ay
maaaring mapagbiro, masaya o malungkot.

_______________ 2. Tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor
sakanyang mambabasa.

_______________ 3. Tawag sa pagpapaikli ng isang salita na ginagamit sa pang- araw-araw na


komunikasyon.

_______________ 4. Mga salita mula sa ibang wika na walang salin sa Filipino.


_______________ 5. Ito ang mga salitang kilala sa isang munting pook lamang at hindi gaanong
kilala ng nakararami sa bumabasa o nakikinig.

Panuto: Basahin at unawain at mga tanong sa bawat bilang.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng _____ ng mga nakalagay na


impormasyon sa internet.
a. Awtentisidad
b. Kahusayan
c. Kasamaan
d. daloy

2. Ang _____ ay talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na naglalayong makuha


ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao.
a. Internet
b. Aklat
c. Sarvey
d. Panayam

3. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi _____ o masyado ng luma.

a. Obsolete
b. Makabago
c. Makapal
d. Legit
4. Ang ____ ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng
pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang buod.
a. Komentaryo
b. Balita
c. Burador
d. Pamatnubay

5. Ang _____ ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang usapin o isyu na
maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa mga isyung matagal nang umiiral.
a. Balita
b. Komentaryo
c. Pamatnubay
d. Burador

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_______________ 1. Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng


midyang pangmasa tulad ng radio telebisyon, internet o iba pang bagay sa
tulong ng network.

_______________ 2. Midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan

ng mundo sa mas malawak na sakop nito.


_______________ 3. Ang tatlong uri ng broadcast media.
_______________ 4. Ayon sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
_______________ 5. Pagbibigay-oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang K kung ito ay
KATOTOHANAN, O kung ito ay OPINYON at H kung pahayag ay nagsasaad ng HINUHA.
_____ 1. Mababasa sa pahayagan na may isang nakakatakot na sakit na kumakalat at unti-unting
kumikitil sa maraming buhay, ito ang Corona Virus na nagmula sa bansang China.
_____ 2. Batay sa datos na inilabas ng WHO, umabot na sa 13,070,097 ang kumpirmadong
tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
_____ 3. Sabi naman ni Jose, ang hinuha niya kung bakit nawalan ng lakas si Marta ay dahil sa
hindi pagkain ng mga masusustansyang gulay.
_____ 4. Sa aking palagay, sa mga paniki nagmula ang Novel Corona Virus na kumalat sa buong
mundo.
_____ 5. Ang hinuha ko sa kanyang ginagawa ay tila nakasangkot ang galit at poot niya sa
kanyang kaaway.
_____ 6. Ayon sa DOH, noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia
sa Wuhan, China.
_____7. Ayon sa mga eksperto, nangunguna pa rin ang bansang Amerika sa bilang ng mga
nagpositibo sa virus.
_____ 8. Para sa akin, hindi naman tayo magkakaroon ng COVID-19 kung marunong tayong
mag-ingat at sumunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan.
_____ 9. Maririnig sa mga balita na mas mataas ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa
Pilipinas kumpara sa bilang ng mga namamatay sa sakit na ito.
_____ 10. Kung susuriin natin ang mga datos, mahihinuha na mahihina ang mga mag-aaral sa
larangan ng critical thinking.

You might also like