You are on page 1of 6

UNANG MARKAHAN PAGSUSULIT SA FILIPINO GRADE 8

Pangalan:__________________________________ Taon/Seksyon: ___________________________________


Guro: ______________________________________ Petsa: _______________________ Iskor: ________________________

Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa


iyong tamang sa patlang bago ang bilang.

___ 1. Anong uri ng karunungang-bayan ang pahulaan sa pamamagitan ng


paglalarawan ng mga bagay na madalas makita?
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
_____ 2. Ano ang tawag sa mga salitang eupemistiko, patayutay, o idyomatiko na
ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag?
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D.
Sawikain
_____ 3. “Napanood ko sa bidyo ang di-maliparang-uwak na kanilang ari-arian.” Ano ang
ibig sabihin ng sawikain na nakasalungguhit?
A. maganda B. makitid C. malawak D. malayo
_____ 4. “Napanood ko sa bidyo ang di-maliparang-uwak na kanilang ari-arian.” Ano ang
ibig sabihin ng sawikain na nakasalungguhit?
A. maganda B. makitid C. malawak D. malayo
_____ 5. “Kung walang disiplina, hindi matatapos ang pandemya.” Anong uri ng
karunungang-bayan ang pahayag na ito?
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
_____ 6. “Sadyang mahirap ang iba’t ibang pagsubok na dumarating sa panahon ngayon.
Hindi natin mawari kung ito ay dulot ng tadhana o parusa ng Diyos. Ganon pa
man, hindi maaaring magbibingi-bingihan na lamang tayo sa mga karaingan ng
mamamayan. Kailangan na nating kumilos.” Anong karunungang-bayan ang
maiuugnay rito?
A. habaan ang pisi B. magdilang-anghel
C. palawakin ang isip D. magtataingang-kawali
_____ 7. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang may kababalaghan?
A. Alamat B. Anekdota C. Epiko D. Pabula
_____ 8. Sa pagsulat ng karunungang-bayan, alin ang HINDI sinusunod?
A. pagiging matalinghaga nito
B. nagpapakita ng kultura at tradisyon
C. paggamit ng paghahambing at eupemistikong pahayag
D. Pagiging simple upang madaling unawain ng mga taong pagsasabihan
_____ 9. Alin sa mga pahayag ang hindi halimbawa ng salawikain?
A. Kung ano ang puno, siya ring bunga.
B. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.
C. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
D. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
_____ 10. “____________________ ang maglakad sa kawalan kasama ang kaibigan kaysa
maglakbay nang mag-isa sa liwanag ng karangyaan.” Alin ang ankop gamitin
upang mabuo ag pahayag?
A. Mas magaan sa pakiramdam B. Mas mabigat sa pakiramdam.
C. Di-gaanog mabigat sa pakiramdam D. Parehong mabigat sa pakiramdam.
_____ 11. Ang pag-aasawa ay hindi biro, _____________________, na iluwa kung mapaso
Alin ang angkop na ilagay upang mabuo ang pahayag?
A. Tulad ng kanin B. Tulad ng sabaw
C. Tulad ng sabaw D. Hindi tulad ng sabaw
_____12. Ano ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang
maiwasan ang makasakit ng damdamin?
A. Eupemismo B. Hyperbole C. Metapora D. Personipikasyon
_____13. Aling salita ang ginagamit upang di-tuwirang tukuyin ang nais
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at
kinakausap.
A. mabilis na salita B. mahirap na salita
C. malalim na salita D. matalinghagang salita
_____ 14. “Butas na ang bulsa ng mamamayang Pilipino.” Ano kahulugan ng
nakasalungguhit na pahayag?
A. naiinis na B. nasira ang bulsa C. wala ng pera D. yumayaman
_____ 15. Sa halip na sabihing “gutom na gutom na ako” alin ang angkop gamitin?
A. Magpakain naman kayo.
B. Hindi ba kayo nagugutom?
C. Kumain na ba kayo ng almusal?
D. Maganda siguro, kumain muna tayo.
_____ 16. Anong mga salita ang sadyang iniiwasang gamitin sa pakikipagtalastasan
upang hindi makapanakit ng damdamin ng kapuwa?
A. Eupemistikong pahayag B. Masasakit na pahayag
C. Masining na pahayag D. Matayutay na pahayag
_____ 17. Anong uri ng paghahambing ang ginagamit kung ang ikinukumpara ay may
mas mataas o nakahihigit na katangian?
A. Pasahol B. Palamang C. Magkatulad D. wala sa nabanggit
_____ 18. Magkakasinghalaga ang lahat ng uri ng karunungang-bayan- ang lahat ng
mga ito ay sumasalamin sa kulturang Pilipino. Ano ang ipinapahiwatig ng
salitang nasalungguhitan?
A. pahambing na magkatulad B. pahambing na palamang
B. pahambing na pasahol D. pahambing na magkatulad
_____ 19. “_________________ ang pag-asang manalo ng umaayaw kaysa sa mga taong
hindi umaayaw.” Ano ang angkop na paghahambing para sa patlang upang
mabuo ang diwa ng at kasabihan?
A. Lalong mataas B. Higit na mataas
C. Di-gaanong mataas D. Di-gasinong mataas
_____ 20. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang may kababalaghan?
A. Alamat B. Anekdota C. Epiko D. Pabula
_____ 21. Ano ang masamang panaginip ni Lam-ang na nag-udyok sa kaniya upang
hanapin ang nawawalang kapamilya?
A. Nanaginip siya ng isang magandang dalaga.
B. Nanaginip siya na kinain siya ng isdang Berkakan.
C. Nanaginip siya na siya’y tinatawag ng kaniyang ina.
D. Nanaginip siya na pinaslang ng mga Igorot ang kaniyang ama.
_____ 22. Bakit umalis ang ama ni Lam-ang habang siya’y ipinagbubuntis pa lamang ng
kaniyang ina?
A. upang maghanap ng trabaho
B. upang maglakbay mag-ayuno
C. upang parusahan ang isang grupo ng Igorot
D. mapaghandaan ang panganganak ng asawa
____ 23. Sa pagtilaok ng tandang ni Lam-ang, ano ang nangyari?
A. Nagiba ang bahay nina Ines.
B. Nawala ang bahay nina Ines.
C. Naging palasyo ang bahay nina Ines.
D. Bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines
____ 24. Anong kultura ng mga Ilokano ang masasalamin sa epikong Biag ni Lam-ang?
A. paniningalang-pugad B. pananalangin upang magtagumpay
C. pagpapahalaga sa kapamilya D. lahat ng nabanggit
____ 25. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga pangungusap na tumatalakay sa iisang
paksa?
A. Pangungusap B. Parirala C. Sugnay D. Talata
____ 26. Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang naisakatuparan kung ang
katangian ng paksa ay iniuugnay sa isa pang bagay sa loob ng isang talata?
A. Pagbibigay- katuturan B. Paglalahad C. Pagsusuri D. Pagtutulad
____ 27. Kung hinimay sa loob ng talata ang kaugnayan ng bawat bahagi ng paksang
tinatalakay, anong teknik sa pagpapalawak ng paksa ang naisakatuparan?
A. Pagbibigay- katuturan B. Paglalahad C. Pagsusuri D. Pagtutulad
____ 28. Paano maging mabisa ang isang talata?
A. may isang paksang diwa, buong diwa
B. may kaisahan, maayos ang pagkakalahad
C. may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan
D. lahat ng mga nabanggit
____ 29. Sa pagsulat ng talata, bakit mahalaga ring bigyang-pansin ang pagpapalawak
ng paksa?
A. upang higit na maging mabisa B. maliwanag ang pagsusulat o paglalahad
. C. upang kawili-wiling basahin D. A at B
____ 30. Anong bahagi ng talata ang may tungkuling paunlarin o palawakin ang
pangunahing paksa?
A. Gitna B. Katawan C. Panimula D. Wakas
____ 31. Saan nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang
kaniyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o inilalahad?
A. Gitna B. Katawan C. Panimula D. Wakas
____ 32. Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang
diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, may tamang
pagkakaugnay at ano pa?
A. pagkasunod–sunod ng mga datos
B. pagkasunod–sunod ng mga detalye
C. pagkasunod–sunod ng mga kaisipan
D. pagkasunod–sunod ng mga kaisipan at mungkahi
Para sa bilang 33 at 34. Basahin at unawain ang talata.
Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man
tayo mapadpad. Ito na ang ating namana at ugaling nakagisnan. Sa kabila
ng mga pagsubok na ating hinaharap, naging matatag at naroon pa rin ang
bayanihan upang masugpo ang hirap na nararanasan natin. May
nagbibigay ng mga donasyon, serbisyo, o oras para maibahagi ang tulong
para sa nangangailangan. Nagsisilbi itong pundasyon at pagkakakilanlan
nating Pilipino.
____ 33. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng talata?
A. Pangungusap 1 B. Pangungusap 2 C. Pangungusap 3 D. Pangungusap 4
____ 34. Ano ang angkop na pamagat sa talata?
A. Kapit-bisig B. Namanang Kaugalian
C. Pagmamahal D. Pagtulong sa kapwa
____ 35. Ano ang tawag sa pinagmulan ng mga pangyayari?
A. bunga B. ebalwasyon C. sanhi D. solusyon
____36. Alin ang tumutukoy sa kinalabasan, resulta, o dulot ng isang naunang
pangyayari?
A. bunga B. ebalwasyon C. sanhi D. solusyon
____ 37. Alin sa mga ito ang HINDI nagsasabi ng kahalagahan ng paggamit ng sanhi at
bunga?
A. Naipaliliwanag ang dahilan o resulta ng isang pangyayari.
B. Nakakatulong upang maunawaan ang ugnayan ng mga pangyayari.
C. Ang ugnayang sanhi at bunga ay hinuhudyat sa pamamagitan ng mga
pangatnig.
D.Sa pagsulat ng isang talata, nakatutulong ang paggamit ng sanhi at bunga
Sa pagpapalawak ng paksa.
____ 38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng bunga?
A. Dulot nito. naitaas ko ang aking mga marka.
B. Pagkat iniiwasan ko ang matagal na panonood sa aking selpon.
C. Dahil naglaan ako ng mas maraming oras sa pagbabasa kaysa paglilibang.
D. Sapagkat nagpapahinga lang ako ng kaunti at pagkaraan ay gagawa na ng
aking takdang-aralin.
____ 39. Sa dami ng proyektong tinapos ni Carmela ____________________. Ano ang bunga
ng pahayag?
A. kaya siya ay tinanghali ng gising.
B. kung siya ay tinanghali ng gising.
C. sapagkat siya ay tinanghali ng gising.
D. palibhasa siya ay tinanghali ng gising.
____ 40. Ano ang tawag sa mga personal na pahayag ng isang tao tungkol sa isang isyu o
kaganapan?
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
____ 41. Ano ang saysay sa pagbibigay ng opinyon?
A. Napagagaan ang kalooban ng taong nagbibigay ng opinyon.
B. Walang nalilinang na kakayahan sa pagbibigay ng opinyon.
C. Nakapagbibigay ng dagdag na anggulo hinggil sa tiyak na isyu.
D. Nahahasa ang komunikatibong kakayahan ng isang indibidwal.
____ 42. Ano ang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng opinyon?
A. Damdamin ng nagbibigay opinyon.
B. Sapat na kaalaman sa isyung bibigyan ng opinyon.
C. Pagpili sa mga isyung panlipunan na bibigyan ng opinyon.
D. Pagiging maingat sa mga salitang gagamitin sa pagbibigay ng opinyon.
____ 43. Isinulat ni Larry ang kaniyang saloobin tungkol sa importansiya ng pagsusuot
ng face shield. Alin sa mga anyo ng pagpapahayag mabibilang ang isinulat ni
Larry?
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
____ 44. Anong ugaling pagpapakatao ang dapat tiyaking mapanatili sa pagbibigay ng
sariling opinyon?
A. Pagiging maalam B. Pagiging madaldal
C. Pagiging mahinahon D. Pagiging magalang
____ 45. Ano ang tawag sa paghahanap ng mga totoong impormasyon o datos na
humahantong sa kaalaman?
A. Pagbabalangkas B. Pagbabalita C. Pagrerebisa D. Pananaliksik
____ 46. Ano ang pinakasentro ng pananaliksik?
A. Balangkas B. Layunin C. Paksa D. Result
____ 48. Alin sa sumusunod na salita ang ginagamit bilang hudyat sa pagkasunod-
sunod?
A. Una B. Talaga C. Tunay D. Tungkol sa
____ 49. Ano ang papel na ginagampanan ng mga pahayag sa pag-aayos ng datos?
A. Matutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kaisipang inilahad.
B. Naghuhudyat ito ng pagkasunod-sunod ng mga proseso o hakbang.
C. Makikilala ang mahahalagang detalye.
D. Nagbibigay linaw sa impormasyon.
____ 50. Ano ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik?
A. Balangkas B. Burador C. Bibliyograpi D. Manuskrito

Inihanda Ni:

JUVY M. GOMEZ
Teacher III

You might also like