You are on page 1of 5

Region I

La Union Schools Division Office


SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT- FILIPINO 9

Pangalan: ____________________________ Iskor: __________


Pangkat: _____________________________ Petsa: _________

Kabuoang Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng


pagsulat ng titik ng tamang sagot sa patlang bago ng bilang. GUMAMIT NG MALAKING
TITIK SA LAHAT NG AYTEM.
_____ 1. Ang “Ama” ay isang halimbawa ng maikling kwento na isinalin ni Mauro R.
Avena na mula sa bansang
A. Pilipinas B. Malaysia C. Singapore D. Taiwan
_____ 2. Alin ang totoong naganap sa maikling kwentong nabasa na may pamagat “ Ang
Ama?
A. Isang iresponsableng ama ang ama ni Mui-mui ngunit sa di inaasahang
pangyayari ay doon lamang nagising sa katotohanan.
B. Inalagaang mabuti ni Adrian ang kanyang ama katuwang ang kanyang
asawa.
C. Nalabanan ni Rebo ang kanyang sakit kaya masaya siyang nakikipaglaro ng
Beyblade sa kanyang mga bagong kaibigan.
D. Makabanghay ang mga nabasang maikling kwento dahil naglalaman ito ng
mga pangyayaring pinagmulan ng mga bagay-bagay.
_____ 3. Anong bahagi ng pananalita ang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala,
sugnay o pangungusap?
A. Pangatnig B. Pang-ukol C. Pang-uri D. Pang-abay
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit bilang panlinaw?
A. Datapwa’t B. Kaya C. Kung gayon D. Sa wakas
_____ 5. Sino ang nagsalin ng kuwentong “Tahanan ng Isang Sugarol?”
A. Deogracias Rosario B. Mauro Avena C. Nazareno Bas D. Rustica Carpio
Para sa bilang 6-7. Ang ilan sa mga sitwasyon sa bawat bilang ay hango sa nobelang
“Isang Umaga ng Digma”. Tukuyin ang nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa nabasang bahagi ng nobela.
_____ 6. “Naroon ang kapatid ni Thary na si Any. Kayganda niya at kaybuti.”
A. katotohanan B. kabutihan C. kagandahan ng buhay D. respeto
_____ 7. “Pagkatapos ng digmaan ay kayraming nasira, at lumaganap ang takot. Nawala
ang kabihasnan, salapi, edukasyon, sining.”
A. katotohanan B. kabutihan C. kagandahan ng buhay D. respeto
_____ 8. Ano ang genre ng panitikang nasa anyong tuluyan o prosa na binubuo ng
kawing- kawing na mga pangyayari? Nahahati ito sa mga kabanata at sumasakop
sa mahabang panahon ang daloy ng kuwento.
A. Maikling Kuwento B. Nobela C. Pabula D. Sanaysay
_____ 9. Anong uri ng tunggalian naman ang tauhan na nakikipagsapalaran sa isa pang
tauhan? Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa isang kontrabida.
A. tao laban sa kalikasan C. tao laban sa tao
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa sarili
_____ 10. Kanino inialay ang pagsubok na naranasan sa tulang, “Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”?
A. kabataan B. bayani C. bagong sibol D. kultura
_____ 11. Mauuri bilang akdang tuluyan ang “Kay Estella Zeehandelaar” na
A. alamat B. epiko C. sanaysay D. maikling kwento
_____ 12. Ano ang tawag sa isang anyo ng paglalahad na nagsasaad ng sariling saloobin,
kuro-kuro, pananaw o opinyon ng sumulat tungkol sa isang paksa?
A. Alamat B. Nobela C. Sanaysay D. Talambuhay
_____ 13. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagdulot kay Tiyo Simon na
magbalik-loob sa Diyos?
A. Pagkasaksi niya sa batang namatay na may ngiti sa labi.
B. Pagtanggi ni Boy na magsimba upang makasama siya.
C. Pagparatang ng ina ni Boy na siya ay ateista.
D. Pagkadurog ng binti ng batang naaksidente.
_____ 14. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagsasagawa ng book fair?
A. Bigyan ng direksiyon ang mga pupunta sa book fair.
B. Planuhin at i-promote ang book fair.
C. I-set up ang book fair.
D. Ibenta ang mga aklat.
_____ 15. Alin sa mga sumusunod ang ikalawang hakbang sa pagsasagawa ng book fair?
A. Bigyan ng direksiyon ang mga pupunta sa book fair.
B. Planuhin at ipromote ang book fair.
C. I-set up ang mga book fair.
D. Ibenta ang mga aklat.
_____ 16. Mula sa akdang “Ang Ama”, anong katangian ang HINDI ipinakita ng ama sa
kuwento?
A. mapagmahal na ama C. makasariling ama
B. responsableng ama D. walang puso
_____ 17. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa
A. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento
B. Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
C. Pagtukoy sa mga pangunahing ideya sa pangungusap
D. Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari
_____ 18. Sinisigawan, minumura, at binubugbog ni Li Hua ang kaniyang asawa kapag
hindi niya agad nagagawa ang mga gawaing bahay. Anong katangian mayroon
si Li Hua?
A. malakas B. malupit C. mapagbigay D. matatag
_____ 19. “Habang papalapit iyon ay nakita niyang si Ah Yueng pangko-pangko ang
nakababatang kapatid.” Ano ang denotatibong kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. karga-karga B. hawak-hawak C. palo-palo D. sunod-sunod
_____ 20. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tao laban sa
lipunan?
A. Ipinagkanulo ni Sihanouk ang bayan dahil dito ay marami ang nasawi at
Binabagabag siya ng kanyang konsensiya.
B. Biglang bumaba ang rebolusyon ng Khmer Rouge, at sinikap nitong durugin
ang aming bansa, ang aming kultura.
C. Nagising ako isang umaga sa ingay ng digma, sa sipol at sabog ng mga tingga
ng mga bomba.
D. Nagbunga naman ang aking pagsusumikap, at tulad ng ilang kababayan mula
sa aming bayang papaunlad, nakatanggap ako ng iskolarsyip mula sa
pamahalaan.
_____ 21. Hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa sa bagong regalong binigay sa kaniya.
Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
A. Biglaang pagsaya C. Pagkaraos
B. Pagpasalamat D. Pagkainggit
_____ 22. Ang tulang isinulat ni Pat. V. Villafuerte na may pamagat na Kultura: Pamana
ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan,
nagpapahiwatig na ang kultura ay
A. nagbabago B. naaalis C. di-nagpapalit D. di-itinuturo
_____ 23. Ako ay itinali sa bahay- kinakailangang “ikahon” ako. Ano ang angkop na
kahulugan ng salitang ikahon?
A. Binalot dahil sa kanilang paniniwala.
B. Ikinubli dahil sa kanilang lumang tradisyon.
C. Ikinulong dahil sa pagsunod sa kanilang lumang tradisyon.
D. Itinago upang makapag-isip nang tama.
_____ 24. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang ibang
naibigay sa akin _______ pagmamahal, kabutihan, at pag-alaga sa akin nang
buong pagsuyo? Anong pang-ugnay ang angkop na ipuno sa patlang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. maging B. kundi C. subalit D. na
_____ 25. “Hahayaan ko ang aking sariling matakot sa mga dati ko nang kinatatakutan”.
Ipinapahiwatig ng pahayag na ang nagsasalita ay _____.
A. handang harapin ang darating na problema
B. handang ipagkatiwala ang lahat sa Diyos
C. walang kinatatakutan sa buhay
D. may takot siya sa Diyos
_____ 26. Inialay ng ama ang biniling pagkain sa puntod ni Muimui kasabay ng pagsabi
na patawarin siya nito. Anong kasabihan ang maaaring mahalaw sa
pangyayari?
A. Nasa huli ang pagsisisi.
B. Lahat ng lihim ay nabubunyag.
C. Habang may buhay may pag-asa.
D. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
_____ 27. Ano ang angkop na pang-ugnay ang ilalagay sa patlang upang mabuo ang
pahayag? Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa kaniyang
anak dulot ng pandemya,_______ hindi nya lubos maisip kung paano niya ito
haharapin.
A. kaya B. sa lahat ng ito C. ayon sa D. kung
_____ 28. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit sa susunod na
pangungusap? Magsilbi sana tayong araw sa mga natatalisod at nawawala sa
tuwid na landas ng kanilang buhay.
A. ilaw B. inspirasyon C. liwanag D. sikat
_____ 29. “Ipinagkanulo ni Sihanouk ang bayan dahil gusto niyang manatili ang
mabuting relasyon ng Cambodia sa makapangyarihang kapit-bansa.” Suriin
kung anong uri ng tunggalian nakapaloob sa sutwasyon.
A. Tao laban sa Sarili C. Tao laban sa Kalikasan
B. Tao laban sa Tao D. Tao laban sa Lipunan
_____ 30. ____ tanging Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat ng mga nangyayari sa
atin. Aling pang-ugnay angkop sa pangungusap?
A. Alinsunod sa C. Kung ako ang tatanungin
B. Sa aking palagay D. Palibhasa’y naranasan ko
_____ 31. ________mas pipiliin kong maging malusog ang aking pamilya kaysa maging
mayaman ngunit sakitin.
A. Alinsunod sa C. Kung ako ang tatanungin
B. Sa aking palagay D. Palibhasa’y naranasan ko
______ 32. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa
bahay. Kinakailangang ikahon ako. Ano ang kahulugan ng ikahon?
A. itali sa bahay C. ilagay sa loob ng kahon
B. ikulong sa kuwarto D. pinagbawalang lumabas ng bahay
______33. Kung umuwi ang ama ay pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain _______ang mga bata’y magsisiksikan at takot sa anumang ingay na
maaaring magawa nila. Aling pangatnig ang angkop sa patlang?
A. ngunit B. saka C. sapagkat D. kaya
_____ 34. Ano ang ipinapahiwatig ng kapansanan ng isang paa ni Tiyo Simon?
A. Kalooban ng Diyos ang nangyari.
B. Magsumikap at huwag maging tamad sa buhay.
C. Kahit anong pagsubok huwag mawalan ng pag-asa.
D. Pinarusahan ng Diyos si Simon dahil sa kaniyang kalapastangan.
_____ 35. Kapag ikaw ay gagawa ng book fair, alin sa mga susunod na hakbang ang
uunahin mo?
A. I-set up ang book fair
B. Ibenta ang aklat.
C. Planuhin at i-promote ang book fair.
D. Bigyan ng direksiyon ang mga pupunta sa book fair.
_____ 36. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang – palad nito. Ano ang kasingkahulugan ng
nasalungguhitang salita?
A. kabutihan C. pagiging mapagbigay
B. kalupitan D. pagiging istrikto
_____ 37. Suriin ang pangungusap.“Si Li Hua ay humihithit ng opyo at lulong sa sugal.
Kapag siya ay natatalo ang kaniyang binabalikan at pinagbubuntunan ng galit ay
ang kaniyang asawa at mga anak.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
A. Mainit ang ulo ng kanyang asawa.
B. Malas sa sugal ang kanyang asawa.
C. Nanalo sa sugal ang kanyang asawa.
D. Responsableng ama si Li Hua.

Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng Pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
_____ 38. Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilis?
A. Sukat B. aliw-iw C. tugma D. indayog
_____ 39. Pagkatapos basahin at suriin ang tulang, “Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo
ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabikasan, alin sa mga sumusunod ang
nilalaman ng tula?
A. pagbabago B. kultura C. panahon D. pagsubok
_____ 40. Suriin ang pangungusap. Sa pamamagitan ng book fair, magkakaroon ng
motibasyon ang mga mambabasa na magpatuloy sa pagbabasa dahil maraming
mga libro ang nakalatag na maaari nilang pagpilian. Ano ang ipinahihiwatig ng
pangungusap?
A. Hinihikayat ang mga mambabasa na bumili ng aklat.
B. Hinihikayat ang mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa.
C. Maglatag ng mga aklat.
D. Magtinda ng mga aklat.
_____ 41. Matigas ang loob ng ama sa pagdidisiplina ng mga anak upang sila ay
lumaking mabuting tao. Ano ang kahulugan ng matigas ang loob?
A. malupit C. may paninindigan
B. masama D. may pananagutan
_____ 42. “Kaagad na nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata nang
magsimulang magsisigaw at magmura ang kanilang ama dahil hindi pa handa
ang pagkain at pampaligo niya.” Anong katangian ang ipinakita ng dalawang
bata?
A. mapaghiganti B. maramot C. matiisin D. takot
_____ 43. “Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na kapag hindi siya nakainom agad
ng alak pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang
maghapon.” Suriin mula sa pahayag ang kalaban ng pangunahing tauhan?
A. kalikasan B. kapuwa C. lipunan D. sarili
_____ 44. Batay sa tulang, “Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay
ng Kinabukasan, alin sa mga sumusunod ang pangyayari sa panahon ng
Kontemporaryo?
A. namatay ang kultura C. sumibol ang kultura
B. tumigil ang kultura D. nagbago ang kultura
_____ 45. “ Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At
anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling araw?” Anong
damdamin ang nangibabaw sa dayalogo?
A. pagkabagot B. pagkadismaya C. pagkasuklam D. pagkagalit
_____ 46. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas
mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong pangatnig o
transitional device ang ginamit sa pangungusap?
A. Dahil sa B. para sa C. mas D. siya
_____ 47. “Ayon sa manghuhula, pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito
kailanman maghahatid sa kaniya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si
Lian- chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad.” Anong salita ang
ginamit sa pangungusap ang kasingkahulugan ng kamalasan? kahulugan
ng kasawiang- palad?
A. kasawiang-palad B. maghahatid C. yaman D. swerte
_____ 48. Batay sa pahayag na “Kailangan kong ipaubaya sa Kaniya ang plano dahil ang
totoo, siya ang pinakamahusay na arkitekto ng buhay ko.”Ang salitang
nasalungguhitan ay nangangahulugang_______________.
A. ipahiram C. ibigay
B. ipagkatiwala D. ipagsawalang-bahala
_____ 49. Sa aking palagay, mas mainam na sundin na lamang natin ang anumang
patakaran na ipinatutupad ng ating bansa _________ pagsugpo ng COVID- 19 _______
maiwasan na rin nating malagay pa sa panganib. Ano ang angkop na pang-ugnay na
dapat ipuno sa mga patlang?
A. Alinsunod sa, nang C. Tungkol sa, na
B. Hinggil sa, upang D. Laban sa, upang
_____ 50. Hindi nangangailangan ng seryosong tema at magarbong paghahanda ang
isang book fair. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ihanda?
A. Isangguni sa mga sumusulat ng kuwento.
B. Isangguni ito sa mga lumilimbag ng aklat
C. Kailangan mo ng mga libro at espasyo
D. Kailangan mo ng makakatulong.

Inihanda nina:

EVANGELINE M. ANTONIO MILA C. CRUZ


Guro III Guro III

Sinuri at Tinunghayan nina:

LEA C. ABUYOG JUDALYN V. CATCATAN, Ph. D.


Dalubguro II Punongguro IV

You might also like