Professional Documents
Culture Documents
CONTENT STANDARD:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang
Asya.
PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano.
ESSENTIAL UNDERSTANDING:
Maunawaan ng mga mag-aaral na…
(Overarching)
1. Ang lahing Asyano ay makikilala sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula rito sapagkat ang
panitikan ang sumasalamin sa kultura nito.
2. Gamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang Asya ay
mahaharap ang mga hamon sa pang-araw-araw na buhay.
(Topical)
3. Mahalagang matanggap ang sariling kakayahan at gawaing iniatang sa ating buhay upang
magampanan natin ito nang wasto at hindi agad-agad na sumuko sa ano mang hamon ng buhay.
ESSENTIAL QUESTION:
(Overarching)
1. Paano makikilala ang lahing Asyano sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya?
2. Paano magagamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya sa iyong pang-araw-araw na buhay?
(Topical)
3. Bakit mahalagang matanggap ang sariling kakayahan at gawaing iniatang sa ating buhay?
LEARNING COMPETENCIES:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento.
2. Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng
teleserye o pelikula.
3. Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay.
4. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang
kuwento.
5. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay.
6. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.
7. Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.
8. Nasasaliksik ang tradisyon, paniniwala at kaugalian ng mga Asyano batay sa maikling kuwento ng
bawat isa.
Learning Targets:
1. Nakabibigay ng ilan sa mga adhikain sa kanilang buhay.
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento.
3. Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng
teleserye o pelikula.
4. Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay.
5. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay.
6. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.
B. Firm-Up
1. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Gamit ang estratehiyang Dictionary Race, ibibigay ang kahulugan ng mga bagong salita.
Mula sa mga salita ay maaari ring magbigay ng mga bagay na magiging simbolo nito at
nagagamit sa makabuluhang pangungusap. Makikita sa Payabungin Natin, pahina 237-238.
2. Pagtatalakay sa Akda
Magbibigay ng tanong pagganyak sa mga mag-aaral hinggil sa akda bago sisimulang
basahin nang tahimik ang sanaysay. Bibigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral na isipin ang
sagot nang tahimik sa mga itinanong at pagkatapos ay ipababasa ang maikling kuwento.
Tatalakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa
pahina 241.
C. Deepen
1. Ang klase ay mahahati sa apat. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga imahen at simbolong
ginamit sa kuwento at bibigyang-kahulugan ang bawat isa. Isusulat sa manila paper ang mga
simbolo saka ididikit sa pisara at ilalahad sa napiling kinatawan sa pangkat ang sariling
pagpapakahulugan.
D. Transfer
Gagawa ang mga mag-aaral sa bawat pangkat ng isang pagsusuri sa kung paano niya
binuo ang kuwento mula umpisa hanggang sa wakas. Aalamin din ang estilong ginamit ng may-
akda at magbibigay ng sariling pagpapaliwanag hinggil dito. Maaaring buo ng graphic organizer
sa gawaing ito.
V. REMARKS
Learning Targets:
1. Nakasusulat ng maikling kwento na naglalarawan ng sariling kultura.
2. Nasasaliksik ang tradisyon, paniniwala at kaugalian ng mga Asyano batay sa maikling kuwento ng
bawat isa.
3. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang
kuwento.
B. Firm-Up
Natatalakay ang Pagsasalaysay, Isaisip Natin sa pahina 253-254 at sasagutan ang
pagsasanay sa pahina 255-256.
C. Deepen
1. bubunotin ng guro sa loob ng kahon ang pangalan ng mag-aaral na siyang magsasalaysay
ng sariling karanasan na maaaring maiugnay sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.
Maglalahad rin ng ilan sa mga aral na nakuha mula rito.
D. Transfer
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng maikling kuwentong may uring katutubong kulay na
naglalarawan sa sariling kultura at naikukuwento ito sa harap ng klase.
Materials: Libro
Kahon
V. REMARKS
No class