You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SIAGAO INTEGRATED SCHOOL
SCHOOL ID NO. 501785

FILIPINO 8
Unang Markahan Pagsusulit

I – PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala na sumasalamin sa iba’t


ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
A. karunungang-bayan C. kasabihan o kawikaan
B. salawikain D. sawikain

2. Isang uri ng palaisipang nasa anyong patula.


A. bugtong C. kawikaan
B. kasabihan D. idyomatiko

3. Anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
A. dula C. matalinghagang pahayag
B. maikling kuwento D. tula

4. Isang salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag.
A. tayutay C. sawikain
B. pabula D. talinghaga

5. Isang maikling makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.


A. salawikain C. pahayag
B. komunikasyon D. maikling kuwento

6. Ano ang simbolo ng salitang guryon?


A. laruan C.saranggola
B.kaibigan D.kapatid

7. Mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan.
A. matalinghagang pahayag C. hindi tuwiran
B. maikling kuwento D. malalim na pahayag
8. Sino ang pangunahing tauhan sa epikong Biang ni Lam-ang?
A. Lam-ang C. Bantugan
B. Haring Madali D. Haring Miskoyaw

9. Ang buhay ni Lam-ang ay isang epikong tula ng mga___?


A. Maranao C. Ilokano
B. Tagalog D. Bisaya

10. Sino si Ines sa buhay ni Lam-ang?


A. Guro C. kapatid
B. kaibigan D. asawa

11. Ito ay isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng katuturan upang mas maintindihan.
A. pagsusuri C. pagbibigay alam
B. pagpapaliwanag D. pagbibigay-katuturan o depinisyon

12. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagpapalawak ng paksa?


A. mahalaga sa isang particular na gawain C. mahalaga dahil magkakaugnay ang paksa
B. mahalaga upang maraming natutuhan D. mahalaga sapagkat kawili-wili sa mga mambabasa

13. Paano naiiba ang bawat teknik sa pagpapalawak ng paksa?


A. pinakapayak na paraan ng pagsulat C. nakatutulong ang kaalaman
B. mabisa at lohikal na pagpapahayag D. maipahayag na may kalinawan

14. Ito ay isang teknik ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi lamang sa mga bahagi ng
kabuuan ng isang bagay, kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahagi ito sa isa’t isa.
A. paghahawig C. depinisyon
B. pagsusuri D. pagtatambis

15. Anu-ano ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa?


A. pagbibigay katuturan o depinisyon, paghahawig o pagtutulad, pagsusuri
B. pagpapaliwanag, paghahawig, pagmamatyag
C. paghahalaw, pagtatambis, pagsusuri
D. pag-iimbestiga, pagtutulad, pagpapalawag
16. Ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng
kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.
A. Pangtikan C. Panitikan
B. Pantalan D. Pangtitik-an
17. Ang panitikan ay nagmula sa salitang Latin na _______ na nangangahulugang “titik”.
A. Litera C. liter
B. Letter D. litere
18. Ito’y uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata. Sa anyong ito ay ang daloy ng
pagkasulat ng mga ideya ay mas natural at tuloy-tuloy.
A. Prosa C. Patula
B. Patola D. Pross
19. Uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. Sa paggagawa ng akdang nasa anyong patula,
dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng
paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa.
A. Prosa C. Patula
B. Patola D. Pross
20. kwento Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito ay may iisa
lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang upuan lamang.
A. Nobela C. Maikling kwento
B. Pabula D. parabula
21. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay inaabot ng ilang
basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming tauhan at maaring maganap
ang mga pangyayari sa iba’t-ibang tagpuan.
A. Nobela C. Maikling kwento
B. Pabula D. parabula
22. Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
A. alamat C. Mito
B. Pabula D. parabula
23. Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan.
A. alamat C. Mito
B. Pabula D. parabula
24. Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.
A. sanaysay C. anekdota
B. talambuhay D. parabula
25. Ito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala
sa mga diyos at diyosa
A. alamat C. Mito
B. Pabula D. parabula
26. Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
A. alamat C. Mito
B. Pabula D. parabula
27. Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran.
A. alamat C. Mito
B. balita D. parabula
28. Uri ng Patula na na binubuo ng labing-apat na taludtod.
A. Elihiya C. soneto
B. Epiko D. korido
29. Ito ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos.
A. Elihiya C. soneto
B. Epiko D. korido
30. Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay karaniwang umiikot sa pagmamahal,
desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa.
A. Awiting bayan C. soneto
B. Epiko D. korido
31. Isa sa mga halimbawa nito ay ang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay isang halimbawa ng.
A. Bulong C. pabula
B. salawikain D. dula
32. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang salawikain?
A. Naglalaman ng aral at karunungan C. nakatago ang kahulugan
B. Pagpapahalaga D. paglalarawan
33. Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung
kailan ito nangyari.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Saglit na kasiglahan D. Tunggalian
34. Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Saglit na kasiglahan D. Tunggalian
35. Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Saglit na kasiglahan D. Tunggalian
36. Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Saglit na kasiglahan D. Tunggalian
37. Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
A. Kasukdulan C. Katapusan
B. Kakalasan D. Simula
38. Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
A. Kasukdulan C. Katapusan
B. Kakalasan D. Simula
39. Kabilang sa ______ ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin
A. Kasukdulan C. Katapusan
B. Kakalasan D. Simula
40. Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo
A. Kasukdulan C. Katapusan
B. Kakalasan D. Simula

II – PAGKILALA
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at kilalanin ang mga pangatnig sa bawat pangungusap. Isulat ang
pangatnig sa sagutang papel.

1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.


2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.
8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.
9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.
10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.
ANSWERS KEY:
1. A
2. A
3. B
4. D
5. A
6. B
7. A
8. A
9. C
10. D
11. D
12. D
13. D
14. B
15. A
16. C
17. A
18. A
19. C
20. C
21. A
22. A
23. B
24. A
25. C
26. D
27. B
28. C
29. B
30. A
31. B
32. A
33. A
34. D
35. C
36. B
37. B
38. A
39. D
40. C
41. KAYA
42. HABANG
43. O
44. KAPAG
45. SAPAGKAT
46. SUBALIT
47. DAHIL
48. PALIBHASA
49. PARA
50. HANGGANG
TABLE OF SPECIFICATION

Markahan: Unang Markahan


Asignatura at Lebel: Filipino 8

LEVEL OF ASSESSMENT Types of Test


KNOWLEDGE PROCESS UNDERSTANDING

UNDERSTANDI
REMEMBERING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING
No. of
COMPETENCIES

NG
Items

60% 20% 20%


ITEM PLACEMENT

F7PN-Ia-b-1
Nahihinuha ang kaugalian at
kalagayang panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng kuwentong
bayan batay sa mga pangyayari at
usapan ng mga tauhan.

Nagagamit nang wasto ang mga


Pahayag sa Pagbibigay ng mga
Patunay
(F7WG-Ia-b-1)
Nagagamit nang wasto ang mga
retorikal na pang-ugnay na
ginamit sa akda (kung, kapag,
sakali, at iba pa), sa paglalahad
(una, ikalawa, halimbawa, at iba
pa, isang araw, samantala), at sa
pagbuo ng editoryal na
(totoo/tunay, talaga, pero/
subalit, at iba pa) nanghihikayat.
F7WG-If-g-4
Nasusuri ang
pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari batay sa sariling
karanasan. F7PB-Ih-i-5
Naipapaliwanag ang mga
salitang ginamit sa paggawa ng
proyektong panturismo
(halimbawa ang paggamit ng
acronym sa promosyon (F7PT-
lj-6)

You might also like