You are on page 1of 4

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON VIII
DIBISYON NG TIMUGANG LEYTE
DISTRITO NG ANAHAWAN
MATAAS NA PAARALAN NG ANAHAWAN

Amagusan, Anahawan, Timugang Leyte


FILIPINO 7
PAUNANG GAWAIN PARA SA QUARTER 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel o notbuk.
1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa
sarili”. Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay…
a. matampuhin b. magalitin c. mapagtimpi d. masayahin
2. Ito ang pahayag na nagbibigay ng patunay na nagsasabing mahalagang masuri ang mga detalye para
makita ang katotohanan sa pahayag.
a. Pinatutunayan ng mga detalye b. Nagpapakita c. Kapani-paniwala
d. Dokumentaryong ebidensiya
3. Hinamon ni Pilandok ang suso na makipagkarera sa kaniya? Sa palagay mo, papayag kaya ang suso
gayong alam naman niya kung gaano siya kabagal maglakad?
a. Hindi, dahil alam niyang matatalo lamang siya.
b. Hindi, dahil alam niya kung gaano katuso si Pilandok.
c. Oo, dahil gusto ng suso na mapagod si Pilandok.
d. Oo, dahil may nakahandang plano na ang mga suso.
4. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod. Ano ang pang-ugnay na ginamit sa
sanhi at bunga sa pangungusap?
a. sa b. pagkat c. sapagkat d. ang
5. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay d. Wakas
6. Maraming panauhin ang dumalo nang binyagan ang kaniyang anak.
a. bisita b. nakikain c. kaibigan d. kasamahan
7. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o
kapanabikan.
a. Papataas na Pangyayari b. Resolusyon c. Kasukdulan d. Pababang Pangyayari
8. ________ sipag at tiyaga nagtatagumpay ang lahat.
a. Palibhasa b. Dahil sa c. Dahilan sa d. Kapag
9. Ano ang ibig sabihin sa sinabi ni Bagoamama para sa tandang? “Utang na loob ko sa iyo ang lahat ng
tinatamasa ko ngayon.”
a. Malaki ang galit ni Bagoamama sa tandang dahil sa binigay na pasakit nito sa kaniyang buhay.
b. Malaki ang pasasalamat ni Bagoamama sa lahat ng biyayang kaniyang natanggap.
c. May itinatagong inggit si Bagoamama sa mahiwagang tandang dahil makapangyarihan ito.
d. Nasasaktan si Bagoamama sa pag-alis ng tandang dahil napamahal na ito sa kanya.
10. Tukuyin kung anong produkto ang nagtataglay ng sumusunod na tagline “Hari ng Padala”.
a. JRS b. LBC c. LAZADA d. Chowking Delivery

11. Sa travel brochure makikita ang mapa ng isang lugar.


a. Tama b. Mali c. Maaari d. Siguro
12. “Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag
mo na rin akong aabalahin”. Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…
a. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
c. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
d. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
13. Ano ang acronym ng Association of Southeast Asian Nations?
a. Asean b. ASAN c. ASEAN d. asean
14. ________ darating din ang suwerte mo.
a. Katapusang araw b. Huling araw c. Isang araw d. Samantala
15. Ano ang tawag sa dokumentong pang-promosyon ng turismong gamit sa panghihikayat sa mga
turista?
a. Newspaper b. Journal c. Travel Brochure d. Magazine

II. Punan ang Patlang Panuto: Punan ng letra ang bawat patlang upang mabuo ang mga
sumusunod na salita. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
16. D _ N VI_CT_R_AN_
17. S _ P _ N G D__L_GA
18. T _ _ E _ A
19. H _ _ O _ O Y
20. _ I M E _ E Z

Inuhanda ni:

GNG. FERLELIAN C. SUAN


Filipino 7 Teacher

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON VIII
DIBISYON NG TIMUGANG LEYTE
DISTRITO NG ANAHAWAN
MATAAS NA PAARALAN NG ANAHAWAN

Amagusan, Anahawan, Timugang Leyte


FILIPINO 10
PAUNANG GAWAIN PARA SA QUARTER 1
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. alamat b. epiko c. mitolohiya d. parabula
2. Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at ng panahon.

a. Diana b. Juno c. Jupiter d. mitolohiya

3. Ang mga sumusunod ay kinabibilangan ng mga mito ng Pilipinas MALIBAN sa

a. anito b. diyos at diyosa c.drakula d. kakaibang nilalang

4. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na


karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.

a. maikling kuwento b. sanaysay c. parabula. d. tula

5. Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng
magandang aral.

a. aral b. tagpuan c. banghay d. tauhan

6. Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento.

a. aral b. tagpuan c. banghay d. tauhan

7. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.

a. dula b. maikling kuwento c. sanaysay d. tula

8. Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.

a. damdamin b. himig c. kaisipan d. tema

9. Bahagi ng sanaysay na dito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda.

a. gitna b. kasukdulan c. panimula d. wakas

10. Ang _____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.

a. alamat b. epiko c. mitolohiya d. nobela

11. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at


supernatural na mga pangyayari.

a. alamat b. epiko c. mito d. mitolohiya

12. Epiko ng mga Ifugao.

a. Biag ni Lam-ang b. Hudhud ni Aliguyon c. Ibalon d. Tuwaan

13. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa isang angkan ng
mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si
Mathilde?

a. isa b. pagkakamali ng tadhana c. magagandang babae d. tagasulat


14. Nabagbag nang gayon na lamang si Madame Forestier at sinabing “O, kaawaawa kong Mathilde, ang
kuwintas na ipinahiram ko sa iyo ay puwit lamang ng baso”. Anong katauhan ang inilalarawan ng may-
akda?

a. panloob na anyo b. larawang pisikal c. panlabas na anyo d. kupas na larawan

15. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang estranghero”, sabi ng babae. Anong katangian ng babae
ang inilalarawan dito?

a. makabago at malayang kababaihan b. babaeng nababalot ng takot


c. babaeng nagpapahalaga sa dangal d. babaeng may pinagdaanan

16. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa
pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong
katotohanan sa buhay ng tao ang ipinakita sa pangyayari?

a. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa b. Pagdiriwang ng kapistahan


c. Pagpapasaya sa sambayanan d. Pagbabayad ng utang

17. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La
Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan
sa pangyayaring ito ang maiuugnay natin sa totoong buhay?

a. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.

b. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.

c. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.

d. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.

18. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang ng kaunting awa sa
kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang maiuugnay natin sa tunay na buhay?

a. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan

b. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak

c. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan

d. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan

19. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?

a. karakter b. diyalogo c. tanghalan d. director

20. Dumating si La Esmeralda at lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na isang basong tubig.
Pinainum siya.Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag?

a. may malasakit sa kapwa b. may kabutihang loob

c. may malaking pagkagusto d. may pagmamahal

Inuhanda ni:

GNG. FERLELIAN C. SUAN


Filipino 7 Teacher

You might also like