You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

____1. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan at
mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat na kung saan sinasabi ring buhay o kaluluwa ng isang bansa.
a.Panitikan b. Tula c. Mito d. nobela
____2. Ang mga sumusunod ay mga kontinenteng nakapaligid sa dagat Mediterrranean, Maliban sa isa.
a. Europe b. Africa c.Asia d. North America
____3. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. dagli b.epiko c.alamat d. mitolohiya
____4.Ang salitang panitikan ay mula sa salitang latin na liter ana ang ibig sabihin ay_____?
a. titik b.sulat c.salaysay d. mito
____5. Ito ay isang kuwento na kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal
nitong kahulugan.
a. mitolohiya b.Alegorya c.alamat d. Nobela
____6. Ang Alegorya ng Yungib ay ano uri ng akdang pampanitikan?
a. Tula b.epiko c.sanaysay d. mitolohiya
_____7. Anong bahagi ng Pananalita na nagsasad ng kilos o galaw?
a. panghalip b.pangngalan c.pang-uri d. pandiwa
____8. Sino ang hindi kabilang sa mga sumusunod na hayop na nakausap ni Bugan sa kaniyang paglalakbay?
a. Bolang b.Igat c. Pating d. Buwaya
____9. Sa akdang “Cupid at Psyche” sino ang nagpakita ng kawalan ng pagtitiwala sa kaniyang kabiyak?
a. Psyche b.Cupid c. Venus d. Apollo
____10. Labis na nanibugho ang mga kapatid ni Psyche sa kanilang nakita. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______________.
a. naniniwala b. naiinggit c. humahanga d. umaasa
____11. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa mitong “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”?
a. Ang Paniniwala sa mga diyos
b.Pagsasagawa ng ritwal upang matupad ang hiling
c.Ang kagandahan ng isang babaeng Pilipina ay nakakahumaling
d. lahat ng nabanggit
___12. Si Cupid ay diyos ng ____________.
a. Kadiliman b.pag-ibig c. impiyerno d. kaluluwa
___13.Hari ng mga diyos at diyosa at tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako.
a. Venus b. Medusa c. Jupiter d. Hades
___14. Diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya.
a. Hera b. Venus c. Hestia d. Artemis
___15. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,”. Sino ang nagwika ng pahayag na ito?
a. Apollo b. Venus c. Cupid d. Psyche
___16. Pagkain ng mga diyos na pinakain kay Psyche upang siya ay maging immortal na rin.
a. Ambrosia b. tubig c. burger d. prasko
___17. Hanging nagdala kay Psyche sa Palasyo.
a. Apollo b. Zephyr c. Neptune d. prasko
___18. Ang pambansang epiko ng Rome at kinikilalang Pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
a. Ibalon b. Iliad c. Aenid d. Odyssey
___19. Ito ay bahagi ng isang sanaysay na naglalahad ng buod ng nilalaman ng isang paksa.
a. Panimula b. katawan c.wakas d. gitna
___20. Bahagi ng sanaysay na kalimitan nagpapakilala o naglalahad ng pangunahing paksang kaisipan.
a. Panimula b. katawan c.wakas d. gitna
___21. Ang mga sumsusunod ay kadalasang napapatungkol sa mitolohiya ng Taga-Rome, maliban sa isa.
a.Politika b.ritwal c.moralidad d.negosyo
___22. Isa sa mahalagang tema ng mga kuwento sa Mitolohiyan ng taga-Rome ay_____
a.kataksilan b.kagandahan c.kabayanihan d.kaduwagan
___23. Ang mga sumsusunod ay kadalasang napapatungkol sa mitolohiya ng Taga-Rome, maliban sa isa.
a.Politika b.ritwal c.moralidad d.negosyo
___24. Ito ay isang tulay na daan upang maunwaan ang kultura at karanasan ng isang lahi?
a.Mitolohiya b. Pantikan c.mediterranean d.epiko
___25. Ito ay bahagi ng sanaysay na naglalaman ng pagkakasunod-sunod na pagtalakay sa paksang pinag-uusapa.
a. Panimula b. katawan c.wakas d. gitna
II.Para sa Bilang 26-31. Suriin ang gamit ng Pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.
____26. Lumikha ang mga Taga-Rome ng bagong mitolohiya batay sa mitolohiya ng mga Greek. Anong gamit ng pandiwa
ang nasalungguhitan?
a. aksiyon b.pangyayari c. Karanasan d. wala sa nabanggit
____27. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche?
a. aksiyon b.pangyayari c. Karanasan d. wala sa nabanggit
____28. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni
Psyche?
a. aksiyon b.pangyayari c. Karanasan d. wala sa nabanggit
___29.Dahil sa naganap na paglindol sa Mindanao, maraming gusali ang gumuho.
a. aksiyon b.pangyayari c. Karanasan d. wala sa nabanggit

___30.Sa tuwing gabi, nangangamba ang baryo Isidro.


a. aksiyon b.pangyayari c. Karanasan d. wala sa nabanggit

___31.Nalusaw ng modernisayon ang karamihan sa mga katutubong kultura ng mga Pilipino.


a. aksiyon b.pangyayari c. Karanasan d. wala sa nabanggit

Para sa Bilang 32

“ Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng
ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa
katulad kong nakahihiya ang pagkamatay”
____32. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag?
a. nagsisi b.nahihiya c. nalulungkot d. natatakot
____33. Anong aral sa buhay ang ipinapahiwatig sa unang pagsubok na hinarap ni Psyche tungkol sa pagsasama-sama ng
magkakaibang uri ng buto?
a. Diwa ng pagtutulungan ng mga Pilipino
b. Paghihintay sa tamang panahon
c. Pagiging matatag sa buhay
d. Diwa ng pagiging masunurin sa nakatatanda
___34.______________sa batas ng Pilipinas, nararapat lamang na ang mga kasambahay ay makatatanggap ng sapat na
sahod mula sa kanilang amo.
a. alinsunod sa b.Sang-ayon sa c. akala d. Sa kabilang dako
___35. Ang mga pagsubok ni Venus kay Psyche ay isang ____________ sa mortal.
a. parusa b. gantimpala c. pagmamahal d. aral

III. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Apollo C.Hera F.Artemis F.Hermes H.Athena


B. Poseidon D.Hades E.Hephaestus G.Ares I.Zeus

___36.Diyos ng Digmaan
___37. Hari ng mga Diyos
___38. Reyna ng mga Diyos
___39.Diyosa ng karunungan at Digmaan
___40.Diyos ng Apoy
___41.Panginoon ng Impyerno
___42.Diyosa ng Pangangaso
___43.Hari ng Karagatan
___44.Diyosa ng Propesiya,liwanag, araw at musika.
___45.Mensahero ng mga diyos.

IV. KULTURANG MASASALAMIN (5 puntos)

46-50. Ano ang kulturang Pilipino ang masasalamin sa akdang “Cupid at Psyche”?

Kultura ng mga taga-Rome Kulturang Pilipino


Halimbawa: Pagbibigay ng mga
mortal ng alay sa mga diyos at
diyosa upang sila ay pagpalain

You might also like