You are on page 1of 4

Republic Philippines

Department of Education
BORONGAN CITYDIVISION
LALAWIGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 (Summative Test #2)

Pangalan:________________________________ Baitang at Pangkat:_________________

MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakamasidhi o pinakamataas na antas ng salitang “tuwa”?

A. Galak

B. Ligaya

C. Saya

D. Tawa

2. Ano ang ‘di gaanong masidhi o pinakamababang antas ng salitang “ganid”?

A. Gahaman

B. Madamot

C. Makasarili

D. Sakim

3. “Labis akong nag-aalala sa maaaring kahihinatnan ng ating bansa dahil sa mga hindi magandang pangyayari.”
Piliin sa pangungusap ang ginamit na salitang nagpakita ng masidhing damdamin.

A. Kahihinatnan

B. Labis

C. Maganda

D. Nag-aalala

4. “Kinilabutan ang lahat dahil sa nakita nilang kalagayan ng batang naaksidente.” Ano ang pinakamababang
antas ng damdamin ng salitang may salungguhit? (Ang salitang may salungguhit ay Kinilabutan).

A. Kinabahan

B. Nabigla

C. Nagulantang

D. Natakot

5. Si Maria ay _______________ dahil sa pag-uwi ng kaniyang ina galing sa ibang bansa. Piliin ang angkop na
salitang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin.

A. Nagagalak

B. Naliligayahan

C. Nasisiyahan
D. Natutuwa

6. Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga manonood nang igalaw ni Mario ang kaniyang mga kamay at ipadyak
ang kaniyang mga paa nang bigkasin niya ang isa sa mga linya ng tula. Saang bahagi ng pagbigkas nagpakitang-
gilas si Mario?

A. Hiyakat

B. Pagbigkas

C. Pagkumpas

D. Tinig

7. Si Pedro ay lumahok sa isang paligsahan sa pagtula, ang naging komento sa kaniya ng mga hurado ay
mayroon siyang swabe at magandang boses. Saang bahagi ng pagbigkas higit na nagpakitang-gilas si Pedro?

A. Hikayat

B. Pagbigkas

C. Pagkumpas

D. Tinig

8. Ano ang tawag sa bawat paggalaw ng mga kamay na may layuning ipakita o ipadama ang nais ipahayag ng
tula?

A. Himig

B. Pagbigkas

C. Pagkumpas

D. Tindig

9. Ano ang dahilan ng pagkumpas o paggalaw ng mga kamay sa tuwing tumutula?

A. mabawasan ang kaba

B. magkaroon ng ugnayan sa mga manonood

C. maging kapansin-pansin at tumatak sa mga nanonood

D. maipakita at maipadama ang nais ipahayag ng diwa ng tula

10. Ang lahat ay tamang tindig sa pagbigkas maliban sa isa.

A. Kadalasang kanang paa ang nauuna.

B. Ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa.

C. Nakatupi ang kanang binti habang bumibigkas.

D. Kung patag ang tinatayuan, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.

11. “Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.” Ano ang pinakamasidhing antas ng damdamin ng salitang
may salungguhit?

A. Kinabahan

B. Kinilabutan

C. Nagimbal

D. Natakot
12. “Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso.” Tukuyin sa pangungusap ang
ginamit na salitang nagpapakita ng masidhing damdamin.

A. Isa

B. Magtatapos

C. Malaman

D. Naliligayahan

13. Simula nang mawala ang kaniyang mahal na ina ay labis ang ___________ naramdaman ni Cecilia. Tukuyin
ang angkop na salitang may pinakamasidhing damdamin.

A. Lumbay

B. Lungkot

C. Pagdadalamhati

D. Pighati

14. Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa wastong pagkakasunod-sunod mula sa pinakamababa hanggang
sa pinakamataas na antas ng salita?

A. pikon, inis, tampo

B. singhal, sigaw, hiyaw

C. bungisngis, ngiti, ngisi

D. nabighani, nagandahan, naakit

15. Bakit mahalagang nagkakaiba-iba ang antas ng damdamin ng salitang may ugnayang magkatulad?

A. Maganda sa pandinig.

B. Nagiging malinaw ang nais ipakahulugan.

C. Naipakikita ang husay sa pakikipag-usap.

D. Natutukoy ang tunay na saloobin o nararamdaman ng nagsasalita.

16. Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kaniyang kapwa na ang kalimitang resulta ay
gulo at perwisyo. Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?

A. tao vs. tao

B. tao vs. sarili

C. sarili vs. tao

D. sarili vs. sarili

17. Anong tunggalian ang nagaganap lamang sa isipan ng tao?

A. tao vs. tao

B. tao vs. sarili

C. sarili vs. tao

D. sarili vs. sarili

18. Ang laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa ay tumutukoy sa ________________?

A. Pagkakaisa
B. Paglalaban

C. Pagkakagulo

D. Tunggalian

19. “Sasabihin ko ba ang aking nalalaman sa krimen?” Sa tunggaliang ito na, tao vs. sarili, pinakawastong dapat
niyang gawin ang magsabi ng ________________.

A. Kaalaman

B. Kasunduan

C. Katotohanan

D. Katwiran

20. “Nagkarinigan silang lima. Napagtanto nila na sila’y napagkaisahan ng babae upang makamit ang hinihiling
niyang hustisya.” Batay sa pahayag, pinatutunayan nito ang transpormasyon sa tauhang babae ng pagiging
________________.

A. Mahina

B. Mahiyain

C. Mautak

D. Matapang

Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa papel.

21,. Nakamasid – (nakatayo, naisambit, nakatingin, umaaligid)

22. Maitatwa – (huminto, magpatawa, magpahirap, itinatakwil)

23Pinamamaral – (ibinabahagi, binabanggit, iniyayabang, isinisigaw)

24. “Hindi mo ako kailangang turuan sa kung ano ang dapat kong gawin, may isip ako at alam ko ang ginagawa
ko!” Ano ang nais ipahiwatig ng tunggaliang ito na, tao vs tao.

A. Huwag magmagaling.

B. Mali ang ginagawa niya kaya siya sinasabihan.

C. May isip ang bawat tao sa kung ano ang dapat gawin.

D. Isipin mo ang ginagawa mo, sa halip na ang ginagawa ng iba.

25. Batay sa pamagat ng pelikulang, “Batas Sa Aking Kamay” (1987). Anong sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita
ng tunggaliang tao vs. sarili?

A. Dapat nasa palad ko ang batas.

B. Dapat bang nasa kanila ang batas?

C. Dapat bang sundin ang batas nang nakararami?

D. Dapat ko bang ipaghiganti ang aking kaapihan o dapat na akong manahimik?

You might also like