You are on page 1of 4

POST TEST

Phi-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 7

Pangalan:---------------------------------------------Seksyon:------- Iskor:------
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Karapatang Sibil
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay
sumasakop sa kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isat isa.
Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag , kalayaan sa
relihiyon , paninirahan at paglalakbay , magkaroon ng ari-arian , maiwasan ang pagka-
alipin, at iba pa.
May karapatan ang bawat isa , maging anuman ang katayuan nito sa lipunan,
laban sa di- makauwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas
corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito
ang kautusang Miranda (MirandaRule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal.
Itinadhana ang mgaito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng
isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala
( innocent until proven guilty) at nang walang pasubali ( beyond reasonable doubt).
Maitutupad ito kung isasailalim sa isang mabilis, hayagan , at patas na paglilitis. Ang
pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa
kasabihang “ justice delayed is justice denied.”
Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal)
HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan ------------------.
a. na maipahayag ang saloobin
b. na makapagbiyahe saan man nais
c. na magpatayo ng titirhan saan man
d. sa malayang pagsamba at pananalig
2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)
a. Ang karapatan ay ayo sa katayuan natin sa lipunan
b. Kilala an gating bayan sa pagpapatupad ng Miranda Rule
c. Maraming mga karapatang sibil na kinkkilala an gating bayan.
d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.
3. Paano kaya ipinapakita n gating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferntial)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan
c. .Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisisguro sa pagkilala ng mga ito.
4. Ano ang panlaban natin sa di- makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo?
a. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.
b. Lilitisin at ikukulong ang maysala.
c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito.
d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus.
5. Ano ang nasasaad sa writ of habeas corpus? ( Literal)
a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
b. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
c. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawaan.

Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang


mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.

6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? ( Paghihinuha)


a. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo.
b. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.
c. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente.
d. May proteksyon ang nasasakdal hanggat hindi nasisiguro ang sala.
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? ( Critical)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Gusto nitong magbigay ng aral.
c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
d. Hangad nitong magbigay ng pananaw.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?( Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.
9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical)
Ito ay makikita sa ____________ng seleksyon.
a. gitna
b. simula
c. katapusan
d. simula at katapusan
10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
(Critical)
a. Pagkilala sa Ating Kapalaran
b. Mga Halimbawa ng Karapatan
c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan
d. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa
B. Ang Hukbo ng Paggawa ng Pilipinas

Ang hukbong paggawa n gating bansa ay binubuo ng mga taong may edad na 15 taong
gulang pataas. Itinuturing silang may sapat nang lakas , kasanayan , at kakayahan sa paggawa o
produksyon. Ngunit hindi lahat ng saklaw ng edad na 15 taon at pataas ay kasapi ng hukbong
paggawa. kabilang nito ay ang mga kabataang nag-aaral , mga inang hindi naghahanapbuhay ,
yaong may kapansanan, mga matatandz at hindi na naghahanapbuhay, o ang mga nagretiro na sa
paghahanapbuhay.
Nahahati sa ibat ibang pangkat ang hukbong paggawa ng Pilipinas. Nariyan ang sector ng
agrikultura , industriya ,serbisyo, at propesyonal. Karamihan sa mga kasapi ng hukbong paggawa
sa mga sector na nabanggit ay gumagamit ng lakas-bisig sa paggawa.
Subalit hindi lamang ito ang gamit sa produksyon. Nakatutulong ding higit ang lakas-isip
na nakukuha sa pag-aaral at pagsasanay. Ang mga nagtatapos sa pag-aaral ng kusa ay maaaring
pumasok ng trabaho bilang mga propesyonal na doktor, guro, inhenyero, abogado ,accountant ,
at iba pa.
Hindi lamang sa loob ng bansa matatagpuan ang mga manggagawang Pilipino. Mula
noong taong 1975 ay mabilis na ang pagtaas ng dami ng mga migranteng Pilipinong
naghahanapbuhay sa ibang bansa. Karaniwang trabaho nila ay bilang nars , caregivers ,
seaman ,domestic helpers , manggagawa sa kontruksyon , at kahit pa bilang mang- await at
mananayaw.
11. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hukbong paggawa? ( Literal)
a. mga matatandang nasa opisina
b. retiradong patuloy na nagtatrabaho
c. mga mag-aaral na gumagawa ng aralin
d. mga inang tumutulong sa paghahanapbuhay
12. Alin sa sumusunod ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa hukbong paggawa? ( Literal)
Lahat sila ay ____________________________.
a. walang pagod sa paghahahanapbuhay
b. walang tigil ng pagpapalakas at pagsasanay.
c. nangangarap maghanapbuhay sa ibang bansa
d. may kasanayan at kakayahan na makibahagi sa produksyon
13. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa lakas-bisig sa paggawa? ( Paghinuha)
a. doktor
b. hardinero
c. karpintero
d. mangingisda

Nakukuha ang lakas-isip sa pag-aaral at pagsasanay

14. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)


a. Nasasanay ang mag-aaral na mag-isip.
b. Nahahasa ang kaisipan sa pag-aaral
c. Nararapat na sanayin ang takbo ng pag-iisip.
d. Mauunawaan ng nag-iisip ang pinag-aralan.
15. Sino sa sumusunod ang HINDI kasama sa hukbong paggawa?(Paghinuha)
a. isang pari na nagmimisa.
b. isang diyanitor na may sakit.
c. isang pulis na makikita sa lansangan
d. isang musmos na nagtitinda ng sampagita sa kalye.
16. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical)
Ito ay makikita sa ______________ ng seleksyon.
a. gitna
b. simula
c. katapusan
d. simula at katapusan
17. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Gusto nitong magbigay ng kaalaman.
c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
d. Hangad nitong magbigay ng ibang pananaw,
18. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa.
d. Nagbigay ito ng mga halimbawa sa seleksyon.
19. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?(Pagsusuri)
a. Lakas- Bisig ng ating Bansa
b. Mga Manggagawa ng Ating Bayan
c. Mga Suliranin ng mga Manggagawa
d. Pinagmulan ng Hukbong Paggawa sa Pilipinas
20. Ano ang pangunahingnideya na tinalakay sa seleksyon? (Paghinuha) Tinalakay sa
seleksyon ang ____________________.
a. mga problema ng hukbong paggawa
b. uri ng pamumuhay ng hukbong paggawa.
c. ibat ibang halimbawa ng hukbong paggawa.
d. mga pagsasanay at mga paghihirap ng hukbong paggawa.

You might also like