You are on page 1of 9

GAWAING PAGKATUTO

FILIPINO 10

(Kwarter 2-linggo 2)

GABAY NG PAGKATUTO

 Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang


usapan ng mga tauhan.
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya).
 Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa
daigdig.
 Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura
kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa kultura ng bansang pinanggalingan
ng nabasang dula.

ANO ANG NANGYARI?

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga
taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag
na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
Ito ay kakikitaan ng kultura ng bansang pinagmulan dahil nababanaag dito ang pag-
uugali,kilos,at paraan ng pamumuhay nga mga tao sa lugar na pinagmulan ng
kuwento.

Gawain1 A –Kultura Mo ,Kilalanin Mo!

Lagyan ng tsek kung ito’y nagpapakita ng kulturang Pilipino at ekis kung hindi

____1.hindi ka pweding kumain kung hindi ka imbitado.


____2.pagdadamayan ng buong pamilya
____3.Ang mga magulang ay iginagalang sa tahanan
____4.kapag nasa edad 18 na ang anak,dapat bubukod ng tirahan
sa mga magulang
____5.ang lalaki ang siyang haligi ng tahanan

Gawain 1 B- Pagpapakahulugan

Ibigay ang kahulugan ng salita ayon sa pinagmulan nito

1
Nagkukuwentuhan sina Ana at Regina tungkol sa kalagayan ni Aida nang biglang
tumambad sa pintuan ang alkalde at ang konsehal nito.
Ano-anong mga salita ang maaaring ipagpapakahulugan sa salitang tumambad?

Piliin ang mga salitang ito sa loob ng kahon at isulat sa patlang na


nakalaan para sa inyong sagot:

pumasok , bumungad , lumabas , umupo , nagpakita


dumating, sumigaw ,sumulpot, ,namaril

Tumambad:_1_____________,2._______________,3._______________
_
4.____________,5._______________

Gawain 1- C. Punan Mo1


Punan ng angkop na pandiwa ang patlang upang mabuo ang diwang
ipinapahayag ng bawat pangungusap.Piliin sa kahon ang sagot.

a.dumating c.kinain e.kumakayod


b.pinatay d.pinagsamantalahan f.inaapi

1.__________si Aida ng anak ng alkalde.


2. Si Regina nalang ang ________ para sa pamilya dahil wala na ang kanyang
asawa.
3.Biglang ________ang alkalde sa bahay nina Regina upang makipag-areglo
4. _________ni Tony ang anak ng alkalde.
5.Ang pamilya ni Regina ay _________ ng alkalde dahil alam niyang wala itong
Kalaban-laban sa kanya hali mahirap lamang ang mga ito.

ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Uri ng Panitikan

Ang akdang Moses,Moses ay isang dula na sinulat ni Rogelio R. Sikat.


Ang layunin nito ay itanghal sa pamamagitan ngpananalita, kilos at galaw at ang
kaisipan ng may-akda. Ito ay isang uri ng panitikang naglalarawan sa
madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito angkatangiang umiiral sa buhay ng tao gaya
ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o
kinasawian. Isa itong dulang trahedya na nagpapakita ng malulungkot na pangyayari
o tagpo. Ang dula ay sadyang kinasangkapan upang ipahayag ang hangad na hustsiya.

2
Mga Tauhan:

Regina Calderon – 48 taong gulang, balo, isang maestra


Tony – panganay na anak ni Regina, estudyante
Aida – 18 taong gulang, anak ni Regina na ginahasa ng anak ng
A l k a l d e , estudyante
Ben – 16 taong gulang, bunsong anak ni Regina, estudyante
Ana – 46 taong gulang, matandang dalaga, kapatid ni Regina
Ang Alkalde - nagpapaurong kay Regina ng kaso ng anak
Ang Konsehal - kasama ng alkalde papunta sa bahay ni Regina
Ang Pulis - kasama ng mayor at huhuli kay Tony

Tagpuan

Ang akda ay naganap sa bahay o apartment ng pamilya ni Regina, sa


isangkomunidad na masasabing middle class ,sa bayang Rizal, kung saan nagtungo ang
alkalde upang makipag areglo at upang hulihin ang anak ni Regina na si Tony. Sa
bahay din naganap ang pagbaril niya sa sarili niyang anak.

Buod:

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari


kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin
makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha
sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang
mabantayan niya si Aida.

Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang Konsehal.
Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at
ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi
pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.

Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni


Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya
ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang
hustisya, sila ang laging mananaig. Ang nais na lamang ni Tony ay mapatay ang
anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa
kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero,
ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong nanaman si aida,


kailangan ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamot
si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki
na ang pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis
naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si
Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na
huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at

3
naghahanap ng gamot ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y
nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na
hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang
matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang
pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t
tinimplahan siya ni Regina ng gatas.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom daw ng mga


lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw
niya na humngi ng tawad ay patuloy parin pinapainom ng lason si Tony, ang
masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. Takot na takot na
kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga,


biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi
dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y hinahabol
na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha
ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony,
na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag
silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan
niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga
pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa
hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At dinakip ng mga pulis
si Regina dahil sa kasalanan niya.

Narito ang huling bahagi ng dulang Moses,Moses!

ALKALDE: Pinatay niya ang aking anak!


REGINA: Kayo ang batas kapag inyong anak!
PULIS I: Dadalhin namin sa husgado!
REGINA: Husgado, anong husgado?
PULIS II: Bakit ba marunong ka pa sa husgado?
PULIS III: Sa hustisya!
REGINA: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng hustisya? Kayo, “Mayor”
alam mba ninyo ang kahulugan niyan?
(Ubus-lakas siyang sasampalin ng alkalde at siya’y babagsak. Mapapayakap sa kanya si
Ben).
PULIS I: Posasan iyan.
PULIS II: Masyadong makatuwiran!
REGINA: (umiiling) Hindi ninyo nalalaman, “Mayor”, ang kahulugan niyan. Hindi ninyo
nalalaman. (Malakas) Kayo, lahat kayo, hindi ninyo nalalaman ang kahulugan niyan!
PULIS III: Binaril mo ang sarili mong anak!
PULIS I: “Parricide!”
ALKALDE: Pananagutan mo ito.
REGINA: Pananagutan mo ito.
PULIS II: (hihiklatin si Ben kay Regina): Halina! Halina!
Sa presinto!
PULIS III: Sa presinto!
PULIS I: Doon ka makipagdebate.
ALKALDE: Dalhin ninyo!

4
REGINA: (napoposasang ilalabas): O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa
husgado, kahit saan! Dalhin ninyo ako kahit saan. Pananagutan ko ang pagkamatay ng
aking anak. Ako ang pumatay sa aking anak!
(Papalakas) Pinatay ko ang aking anak! Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong
anak. Pinatay ko ang aking anak!
(Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapuwa nakatingin sa bukas na pinto sina
Ben at Ana, sinusundan ng tingin ang mga nagsilabas. Nakalupasay sa isang tabi si Aida at
umiiyak. Nasa kanyang kinabagsakan si Tony).

ANO ANG NATUTUHAN?

Gawain 2- Pag-unawa sa Binasa

1.Ano ang pangunahing suliranin sa akda?


2.Ano ang layunin ng alcalde sa pakikipagkita kay Regina?Ano ang mahihinuha mong
katangian niya batay sa kanyang pananalita at paraan ng pagkilos?
3.Paano pinalitaw sa teksto na ang Pilipino ay labis na nagpapahalaga sa kanilang dangal?
4.Anong sakit ng lipunan ang nais nitong ilantad?Ipaliwanag ang inyong sagot.
5.Ano-anong kultura ang nangingibabaw sa akda?(Magbigay ng dalawa)
a.________________________
b.________________________
6.Ano ang inyong saloobin o sariling damdamin sa mga kulturang iyong nabanggit?

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alamin at pag-aralan ang sumusunod:

Ang Pandiwa- ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw


Pokus ng Pandiwa -Ito ay tumutukoy sa relasyon ng pandiwa sa simuno ng
pangungusap

Pokus sa Kagamitan ang tawag sa instrumento o kasangkapan sa


pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa na gumaganap bilang paksa o simuno
ng pangungusap. Gumagamit ang pokus na ito ng mga panlaping ipang-, ma-+ipang

Halimbawa:
1. Ipanlalaban niya ang sariling niyang mga kuko sa malalaking bato.
2. Ipinambaril niya ito sa kawawang anak.
3. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong piso.

Sa unang pahayag, ang simuno o paksang sarili niyang mga kuko ang
nagsisilbing instrumento sa kilos ng pandiwang ipanlalaban. Samantala, ang
panghalip na ito naman sa ikalawang pangungusap ang gumanap na simuno o paksa
ng pangungusap at kasangkapan para sa pandiwang ipinambaril. Ang sampung
libong piso na paksa sa ikatlong pangungusap ang pokus ng pandiwang ipang-areglo.

5
Tinatawag naman na Pokus sa Pinaglalaanan/Kalaanan ang pandiwa kapag
ang pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng pangungusap. Ginagamit sa
pokus na ito ang mga panlaping makadiwang i-, ipag-, ma+ipag-, ipagpa

Halimbawa:
1. Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga.
2. Upang ihingi ng tawad ang ginawa nito sa kaniyang anak.
3. Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde.

Sa unang pangungusap, ang pariralang sinapit ng kaniyang dalaga ang


nagsisilbing kalaanan sa kilos ng pandiwang ihahanap. Samantala, ang pariralang
ginawa nito sa kaniyang anak naman sa ikalawang pangungusap ang gumanap na
simuno o paksa ng pangungusap at kalaanan para sa pandiwang ihingi. Gayundin, ang
paksang ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde sa ikatlong pangungusap ay pokus
ng pandiwang ipinaghiganti.

Gawain 3.Pagtataya sa Natutuhan

Basahin ang pangungusap at punan ang talahanayan.

Halimbawa. Ipinanligo niya ang isang baldeng tubig.

1.Binilhan ni Ana ng pagkain si Aida.


2.Ang sinturon ay ipinalo sa bata.
3. Ipinampatay ni Tony sa anak ng alcalde ang baril.
4.Binigyan ng pamahalaan ng tulong ang mga mahihirap
5.Ang jeepney ay pansasakyan ng mga pasahero.

Bilang ng Paksa Pandiwa Pokus


Pangungusap
(Halimbawa) tubig ipinanligo Gamit
1
2
3
4
5

Gawain 4: Pagbuo ng Pangungusap


Bumuo ng mga pangungusap na ginagamit ang sumusunod na Gamit/Instrumento.
Gumamit ng iba’t ibang panlaping makadiwa sa pagbuo ng mga pagpapahayag.

1.awto 2. Karayom 3.kadena 4.palda 5.planggana

6
Gawain 5.Kultura Mo ,Ihambing Mo!

Paghambingin ang kulturang nangingibabaw sa akdang Moses,Moses at ng akdang Romeo


at Juliet batay sa mga sumusunod:

A.Kulturang Pampamilya

Romeo at Juliet Moses,Moses

B. Paraan ng Pamumuhay

Romeo at Juliet Moses,Moses

SUSI NG MGA SAGOT


Gawain 1-A. 1.X B. pumapasok,bumungad,nagpakita,dumating,sumulpot
2. C.1. d 5.f
3. 2.e
4.X 3.a
5. 4.b
Gawain 2
1.Ang panggagahasa ng anak ng alkalde kay Aida
2. Gusto niyang makipag-areglo upang hindi na ituloy ang demanda laban sa kanyang
anak.Ang alkalde ay masyadong mapagmataas at mapang-api.
3.Ipinaglaban nila hanggang hukuman ang pagdungis ng kanilang dangal; binayaran ito ng
sariling buhay ng anak ng alkalde.
4.Ang pang-aabuso ng mayayaman sa mahihirap; ang pang-aabuso ng makapangyarihan sa
kanilang tungkulin; paggamit ng impluwensya upang apihin at ibagsak ang kapwa tao
5. .pagpapahalaga sa karangalan, paggalang sa magulang
pagdadamayan ng pamilya
6.Ang mga kulturang ito ay sapat ng dahilan upang ating ipagmamalaki ang ating pagiging
Pilipino.Nakakaproud at kasiya-siya ,etc

Gawain 3.
Pangungusap Paksa Pandiwa Pokus
1 Aida binilhan pinaglalaanan
2 sinturon ipinalo gamit
3 baril ipinampatay gamit
4 mahihirap binigyan pinaglalaanan

7
5 jeepney pansasakyan gamit

Gawain 4. (mungkahing pangungusap lamang)


1.Pansasakyan ng mayayaman ang awto
2.Ang karayom ay ipinantahi niya ng palda.
3.Ipinantali sa aso ang kadena
4.Pansoot ng babae ang palda.
5.panlalagyan ng labahan ang planggana.

Gawain 5. A. Kulturang Pampamilya

Romeo at Juliet Moses,Moses!


May pagdadamayan sa pamilya.Ipinakita May pagdadamayan sa pamilya at nakita
ang pagiging superior ng mga magulang na ang pagmamahalan sa kabila ng matinding
dapat sila ang palaging masusunod para sa dagok sa kanilang buhay
kanilang anak

B;Paraan ng Pamumuhay
Romeo at Juliet Moses,Moses
Galing sila sa mayamang angkan at hindi Simple lang ang kanilang buhay ngunit
naranasan ang paghihikahos sa nakikita ang pagmamahalan sa isa’t isa at
buhay,ngunit hindi ganap na masaya dahil pagdadamayan sa loob ng
sa poot at galit na dala-dala ng kanilang tahanan.Bagama’t may galit sa kanilang
puso dala ng pagkakaroon ng alita sa puso dahil sa pang-aapi na kanilang
magkabilang angkan na siyang humantong dinanas, ay naroon pa rin ang pag-asa na
sa pagbuwis ng buhay ng magkasintahang tutulungan sila ng Panginoon na makaraos
Romeo at Juliet. sa kanilang kinasasadlakan

(Note: ang mga sagot sa gawaing ito ay mungkahi lamang at maaaring magkakaroon ng
ibang sagot ang mga mag-aaral kaya nasa guro na ang pagsusuri sa kanilang mga sagot.)

SANGGUNIAN:
Filipino 10 Panitikang Pandaigdig

Inihanda ni:

LEONCIA A. SANDOVAL

MCCNHS

8
9

You might also like