You are on page 1of 22

[Type here]

10

FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 3
(Linggo 3)
Tulang Pandamdamin Mula sa Inglatera
Panimula
Ang modyul na ito ay naglalaman ng tulang pandamdamin na pinamagatang
“Ang Aking Pag-ibig” na mula sa Inglatera na isinulat ni Elizabeth Barret Browning at
isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin sa modyul na ito ang pagtalakay
sa kahalagahan ng angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa
pag-unawa mo sa tula na tatalakayin gayundin ang paraan ng paglalarawan nito.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


F10PN-IIc-d-70- Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula
F10PB-IIc-d-72- Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula
F10PT-IIc-d-70- Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
tula
F10PU-IIc-d-72- Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
F10WG-IIc-d-65- Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula

SUBUKIN

Bilang panimulang gawain, sagutin mo ang mga katanungan sa subukin


upang maihanda ka sa mga susunod pang gawain.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem at piliin ang titik ng tamang sagot.
Gumamit ng hiwalay na kalahating papel na pahaba para sa inyong sagot. Huwag
kalimutang isulat ang mga detalyeng hinihingi sa ibaba sa inyong mga sagutang
papel.
Pangalan:_____________________________ Seksiyon:__________ Petsa:______
Ikalawang markahan: Modyul 3
Subukin

1. Ito ay uri ng tulang nagmula sa Italy na binubuo ng labing-apat na


taludtod.
A. Haiku C. Tanaga
B. Soneto D. Pastoral
2. Uri ng tula na puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay at iba pa.
A. tulang padula C. tulang pasalaysay
B. tulang patnigan D. tulang liriko o tulang pandamdamin

1
3. Anyo ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan
ng mga piling salita at matatalinghagang pahayag na may sukat at tugma.
A. Tula C. Nobela
B. Dula D. Maikling kwento
4. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Sukat C. Saknong
B. Tugma D. Taludtod
5. Ito ay matalinghagang pahayag na tumutukoy sa sadyang pag-iwas sa paggamit
ng ordinaryo o karaniwang mga salita upang maging kaakit-akit, malikhain at
mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat o ng may-akda.
A. Kariktan C. Simbolo
B. Tayutay D. Talinghaga
6. Uri ng tayutay na tumutukoy sa tuwiran o deretsahang paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay.
A. Simile C. Pagmamalabis
B. Metapora D. Personipikasyon
7. Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman o tumutukoy sa
natatagong kahulugan ng tula
A. Kariktan C. Simbolo
B. Tayutay D. Talinghaga

1. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

2. Laging nakahandang pag-utus-utusan


Maging sa liwanag, maging sa karimlan

8.Alin sa mga pagpipilian ang pinakamalapit na kahulugan sa tayutay blg.1?


A. Ang kanyang pag-ibig ay katumbas ng kanyang buhay
B. Ang kanyang pag-ibig ay kasinghalaga ng kanyang sarili
C. Ang pag-ibig niya ang hindi mapapantayan ng kayamanan
D. Ang kanyang pag-ibig ay ang kanyang kaligayahan, kanyang kalungkutan
at kanyang buhay
9. Sa halimbawang tayutay blg. 2, ano ang katangiang ipinakita ng nagsasalita?
A. mapagmahal
B. pagkamarangal
C. pagkamatiyaga
D. kababaang-loob
10. Bilang o pagpapangkat ng mga taludtod na binubuo ng dalawang saknong
A. Couplet C. Quatrain
B. Tercet D. Quintet

2
Para sa bilang 11-12
“Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,”
11. Anong damdamin ang umiiral batay sa taludturan sa itaas?
A. tuwa C. lungkot
B. galit D. pag-asa
12. Ano ang sukat ng halimbawang taludturan sa itaas?
A. 12 C. 16
B. 14 D. 18
Para sa bilang 13-15 Tukuyin ang uri ng tayutay ang ginamit sa sumusunod na
pahayag. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
__________13. Ang malamig na hangin ay nagbabalita na darating na ang paskong
dakila.
__________14. Ang paalala ng magulang ay maliwanag na sulong tumatanglaw sa
madilim na pamumuhay.
__________15. Ang mga pangungusap mo’y tinik na tumino sa aking madamdaming
puso

ANG AKING PAG-IBIG


Aralin ni Elizabeth Barret Browning mula sa “How Do I Love Thee?”
2.3 na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago
(Tula mula sa Inglatera)

ALAMIN

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. nakatutukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng awit sa tula;
2. nakatutukoy sa damdaming nangingibabaw sa awit;
3. nakapagbibigay kahulugan sa mga piling matatalinghagang pahayag na hango sa
tula;
4. nakasusuri sa elemento ng tula.

3
BALIKAN/PAGGANYAK

Sa sumusunod na gawain ay tutuklasin mo ang pagkakaiba ng tulang liriko sa


iba pang uri ng tula. Pakinggan mo ang awitin ni Carol Banawa o di kaya’y ipawit mo
sa sinumang kasama mo sa bahay na may alam nito, pagkatapos ay gawin mo ang
gawain 1 at gawain 2

Awit Kay Inay

May hihigit pa ba sa isang katulad mo Lahat ibibigay lahat gagawin mo


Inang mapagmahal na totoo Ganyan lagi ikaw sa anak mo
Lahat nang buti ay naroon sa puso mo Ang lahat ng buti niya ang laging hangad mo
Buhay man ay handang ialay mo Patawad ay lagi sa puso mo…
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika’y dakila at higit ka sa lahat Walang inang matitiis ang isang anak
Ika’y dakila at higit ka sa lahat
Ang awit na ito ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko Ang awit kong ito
Ika’y nag-iisa Ikaw lang sa mundo Ay alay ko sa iyo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
mo Ika’y nag-iisa ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

GAWAIN 1.1 Lantad-Damdamin


Panuto: Suriin mo ang mga damdaming nagingibabaw sa awitin. Pumili ng apat na
salitang naglalarawan sa damdaming sa palagay mo ay nangingibabaw sa awit.
Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Pagmamalaki pagkamatapang pagtitiis makasarili


walang kapantay wagas na pag-ibig pagbibigay pag-aalala
pagpapatawad pagsuko pagkamahina

Awit Kay
Inay

4
GAWAIN 1.2 Sagutin Mo
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat sa nakalaang patlang ang iyong
Sagot.

1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?


________________________________________________________________
2. Anong uri ng pag-ibig ang ipinahahayag ng awit?
________________________________________________________________
3. Makatotohanan ba o hindi makatotohanan ang nilalaman ng awit?

GAWAIN 2: Tula-Awit… Ano ang Pinagkaiba?

Panuto: Makinig sa isahang pagbigkas ng tula o kaya’y magpabigkas ka ng tula sa


mga kasama mo sabahay. Suriin ang pagkakaiba ng awit na iyong napakinggan sa
unang gawain at tulang binibigkas. Lagyan ng tsek (✓) ang katapat na kolum ng mga
mga katangiang maaring ilapat at ekis (X) naman kung hindi maaring ilapat sa akda.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Katangian Awit na Tulang


Pinakinggan Binibigkas
1. nagpapahayag ng damdamin
2. ipinapahayag ang damdamin sa pamamagitan
ng mga taludtod
3. binubuo ng mga saknong
4. may tugma
5. may tono
6. nilalapatan ng musika
7. binibigkas
8. inaawit

TUKLASIN
N

Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si


Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43). Matutuklasan mo ang
maraming bagay tungkol sa tulang liriko.

5
Bilang pagahahanda sa pag-unawa sa nilalaman ng tula, sagutin muna ang
kasunod na gawain sa talasalitaan.

Gawain 3: Paglinang sa Talasalitaan


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit tula.
Isulat sa katabing kahon ang iyong sagot.

Matatalinghagang Pahayag Kahulugan


1
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

2
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
3
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Gawain 4: Magbasa , Bumigkas At Tumuklas


Panuto: Basahin ng tahimik ang tula at pagkatapos ipabigkas ito sa sinumang
kasama mo sa bahay upang lubos mong maunawaan ito. Pagkatapos mong marinig
ang tula ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Ang Aking
Pag-ibig

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning)


(Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, Ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Isa-isahin, ikaw ang bumilang.
6
Iniibig kita ng buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utos utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang

Yaring pag-ibig ko, ay siyang lahat na


Ngiti, luha, buhay at ang aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Gawain 5: Pag-unawa sa binasa


Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na isang
buong papel.

1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?


2. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal?
3. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpapalutang sa ganda at kariktan
nito? Patunayan ang iyong sagot.
4. Paano nakatulong ang paggamit ng matatalinghagang salita upang
maihatid ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?
5. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang mga karanasan ng may-akda sa
paglikha na tula?
6. Ipaliwanag ang kasabihang may kaugnayan ng pahayag sa akda na “Ang pag-ibig
ay buhay, ang buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal
sapagkat sapol pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang tunay na kahulugan
ng pag-ibig”.

7
SURIIN/TALAKAYIN

Alam mo ba na…
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag
ng isipan at damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan
ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat
na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling
bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay
nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa
kasalukuyan.

Elemento ng tula:

Sukat- Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Halimbawa:
Ka-sin-la-ya / i-to / ng / ma-nga/ la-la-king
1 2 3 4 56 7 8 9 10 11 12
Tugma- Ito ay ang pagkakasintugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat
taludtod. Maaring ganito ang pormat ng tugma sa hulihan ng mga taludtod:
a-a-a-a magkatugma ang lahat ng huling salita ng saknong
a-b-a-b magkatugma ang huling salita ng una at ikatlong linya at
magkatugma naman ang ikalawa at ikaapat na linya ng saknong
a-b-b-a magkatugma ang una at ikaapat ng linya at magkatugma naman
ang ikalawa at ikatlong linya ng saknong
a-a-b-b magkatugma ang una at ikalawang linya at magkatugma naman
ang ikatlo at ikaapat na linya
Kung walang tugmang makikita linya ng bawat taludtod, ito ay tinatawag
na malayang taludturan.
Taludtod- linya na bumubuo sa saknong ng tula.
Saknong- Pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula
Iba’t ibang bilang o pagpapangkat ng taludtod:
2 taludtod sa isang saknong o couplet
3 taludtod sa isang saknong o tercet
4 na taludtod sa isang saknong o quatrain
5 taludtod sa isang saknong o quintet
6 na taludtod sa isang saknong o sestet
7 taludtod sa isang saknong o septet
8 taludtod sa isang saknong o octave
Talinghaga- ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman o tumutukoy sa

8
natatagong kahulugan ng tula

Kariktan- Ang kariktan ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga


salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng
pagwawangis, pagtutulad at iba pa.
Simbolo- ang mga bagay na binanggit o ginamit sa tula na may kinakatawang
mensahe o kahulugan
halimbawa:
bituin-pangarap
ilaw-ideya

May apat na pangkalahatang uri ng tula:


1. Tulang pandamdamin o tulang liliriko- ay puno ng masisidhing damdamin
ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay
at iba pa.Maikli at payak ang uring ito ng tula.
2. Tulang pasalaysay – isang uri ng tula na nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga taludtod. Naglalahad ito ng mga tagpo o pangyayari.
3. Tulang padula o pantanghalan- ito ay isang tula na isinasagawa ng padula na
itinatanghal saisang entablado o dulaan. Ang usapan dito ng mga tauhan ay sa
paraang patula
4. Tulang patnigan- tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling
makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katuwiran at
tagisan ng talino sa paraang patula.

Ang tulang Ang Aking Pag-ibig na may orihinal na pamagat na “How Do I


Love Thee?” ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang
liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na
taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Malalim ang pag-iisip at
mayamang karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng
isang mahusay na likhang sining. Kung kaya’t ang mga soneto ay kinapapalooban
ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito ay nagpapakilala ng
matinding damdamin. Ang tulang Ang Aking Pag-ibig bagama’t nag-iba ang anyo
nang ito’y isinalin ni Alfonso Santiago ay nananatili pa rin ang diwa nito.

9
ISAISIP

Ang akda na “Ang Aking Pag-ibig” ay isinulat ni Elizabeth Barret Browning na


isinalin naman sa Filipino ni Alfonso O. Santiago na naglalayong iparating ang
kanyang wagas at walang kamatayang pag-ibig sa taong kanyang iniibig. Ito ay isang
soneto na nasa anyong liriko o tula ng damdamin. Makikita sa estelo ng pagkakasulat
ng tula ang pagmalikhain ng may akda sa pamamagitan ng paggamit ng mga piling
salita at matatalinghagang pahayag at iba pang mga elemento ng tula sa
pagpapalutang ng mensaheng kawagasan at katapatan ng ng kanyang pag-ibig.
Naging inspirasyon ng may-akda ang tunay na karanasan sa buhay na nakaapekto
sa kabuuang kariktan at kagandahan ng tula.

ISAGAWA

Gawain 6- Tuklas-suri
Panuto: Basahing muli at unawain ang tulang “Ang Aking Pag-ibig”. Suriin ang
elemento nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan. Isulat ang inyong
sagot sa nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

__________1. May ilang saknong ang tulang ang “Aking Pag-ibig”?


__________2. Ilang taludtod mayroon ang bawat saknong ng tulang “Ang
Aking Pag-ibig”?

Para sa bilang 3-4


Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan
Laging nakahandang pag-utos utusan,
Maging sa liwanag, Maging sa karimlan.

__________3. Batay sa saknong sa itaas, anong katangian ng tauhan sa tula


ang iyong mahihinuha?
__________4. Anong salita na binanggit sa saknong ng tula sa itaas
ang maituturing na simbolo?

10
Para sa bilang 5-10
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

__________5. Saan inihahalintulad ng may-akda ang kalayaan ng kanyang


pag-ibig batay sa saknong sa itaas?
__________6. Ano ang porma ng tugmaan ang makikita sa halimbawang
saknong ng tula?
__________7. Magbigay ng dalawang salitang magkatugma mula sa
__________8. Saknong ng tula.
__________9. Saan inihahalintulad ang kawagasan ng pag-ibig ng may-akda?
_________10. Anong uri ng pagpapangkat o bilang ng saknong ang tulang
“Ang Aking Pag-ibig?

Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang


Aralin
Pananalita
2.4
(Pagsanib ng Gramatika at Retorika)

ALAMIN

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. nakatutukoy sa mga tayutay na ginamit sa pahayag;
2. nakasusulat ng tulang liriko na pumapaksa pag-ibig;
3. nakagagamit ng mga tayutay sa pagsulat ng tula at
4. nakasusunod sa pamantayan sa pagsulat ng tula.

BALIKAN/PAGGANYAK

Pinasasalamatan kita sa iyong tiyaga at pagsusumikap sa pagsasakatuparan


sa mga naunang gawain. Batid kong marami kang natutuhan sa pagtuklas mo ng
kaalaman sa modyul na ito. Upang pagtibayin ang mga kaalaman mo, gawin mo ang
mga sumusunod pang mga gawain.

11
Gawain 7: Ihambing Mo
Panuto: Magbanggit ng isang bagay na maari mong ihalintulad sa iyong ina at
ipaliwang kung bakit mo ito napiling ihambing sa kanya. Isulat mo ang iyong sagot
sa ibaba.

Ang aking ina ay tulad ng _________________________________________


dahil _______________________________________________________________

TUKLASIN
N
Matapos mong maihambing ang iyong ina sa bagay na napili mo, tuklasin mo
sa tulang “Ang Pamana” na isinulat ni Jose Corazon De Jesus kung sa anong
bagay niya inihahambing ang buhay ng kanyang ina. Pag-aralan mo rin ang mga
matatalinghagang pahayag at iba pang elementong ginamit sa tula. Ang tulang “Ang
Pamana” ay nagpapatunay na ang pagkakaroon ng isang ulirang ina ay pagtatamo
ng tunay na kayamanan.

Gawin 8: Pag-uugnay
Panuto: Magbigay ng mga salitang maaring iugnay sa salitang “Pamana”. Gamitin
ang grapikong presentasyon sa ibaba.

PAMANA

“Ang Pamana”
Ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga’y nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

12
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa
At sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin


at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
“Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
mabuti nang malaman mo ang habilin!
Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.

“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Gawain 9: Unawain Mo
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang tema ng tula?


2. Ano ang damdaming namayani sa iyo nang mabasa mo ang tula?
3. Batay sa tula, paano ipinakita ng ina ang pagmamahal sa anak?
4. Paano naman ipinakita ng anak ang pagmamahal sa ina?
5. Paano ipinakita ng may-akda ang kahalagahan ng magulang sa tula?
6. Gumagamit ba ng simplemg pananalita ang may-akda sa pagpapalutang sa
mensahe ng tula?

13
SURIIN/TALAKAYIN

Alam mo ba na…
isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o
pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan
itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama
ng mga mambabasa. Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan,
pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ang talinghaga ang mismong
larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang
pagpapahayag na patayutay o tayutay.

Ang tayutay o “figure of speech” ay ang pag-iwas sa paggamit ng


ordinaryo o karaniwang mga salita upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa
ang pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat o ng nagsasalita.
Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang
tula.

Maraming uri ang tayutay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y
ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang,
kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.

Halimbawa:
Ang kanyang kagandahan ay tila isang talang
nagniningning sa kalangitan.
Mapapansin mo sa halimbawa ang paghahambing ng dalawang bagay
na lubhang magkaiba, ang kagandahan at tala. Ginagamitan ito ng salitang
panulad na tila upang ikumpara o paghambingin ang dalawang nabanggit
na bagay.

2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit


tuwiran o deretsahan ang ginagawang paghahambing. Ito’y kagaya lang din ng
pagtutulad o simile ngunit hindi ito ginagamitan ng mga salitang panulad.

Halimbawa1:
Ang kanyang kagandahan ay tala na nagniningning sa
kalangitan.
Sa halimbawa, kagaya ng simile na kung saan inihahambing ang
dalawang bagay; ang kagandahan at tala ngunit hindi ito ginagamitan ng
salitang panulad gaya ng tila na makikita sa pagtutulad o simile.

Halimbawa 2:
Siya’y isang mabangong bulaklak ngunit wala ni isa mang
magtangkang lumanghap.
Sa ikalawang halimbawa, deretsahang inihahambing ang dalawang

14
bagay na siya (babae o dalaga) at bulaklak na hindi ginagamitan ng mga
salitang panulad.

3. Pagmamalabis o hyperbole – Ito ay pagpapahayag na lubhang pinalalabis o


pinakukulang ang tunay na kalgayan ng tao, bagay at pangyayari o sitwasyon.
Nagagamit din ito sa mga akdang tuluyan ngunit higit na angkop gamitin sa tula.

Halimbawa:
Bumaha ang luha sa kaniyang pagpanaw.
Ang halimbawa ay maituturing na pagmamalabis o hyperbole sapagkat
pinalalabis ang isang sitwasyon ng pag-iyak. Gumamit ng salitang bumaha
upang ilarawan o ipakita ang tindi ng damdaming dala ng pagpanaw ng
isang mahal sa buhay.

4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga


walang buhay. Ito’y pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga
karaniwang bagay.

Halimbawa:
At sa halip na matuwa sa pamanang mapapala,
Sa puso ko’y dumalaw ang malungkot na gunita.
Sa halimbawang ito, ang ordinaryong bagay na “gunita”(ala-ala) ay
pinapakilos o nilalapatan ng salitang dumalaw na tanging tao o may buhay
lamang ang makakagawa.

ISAISIP

Ang Tayutay ay isa sa napakamahalagang sangkap sa paglikha


ng tula. Ito ang nagsisilbing kaluluwa ng isang tula sapagkat ang isang
tulang walang tayutay ay maituturing na diwang walang buhay. Ito ay
nagsisilbing palamuti ng tula upang maging kaakit-akit ang tula sa mata
ng mga taong bumabasa.

15
ISAGAWA

Kung naunawaan mo ang paliwanag tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng


matatalinghagang pananalita, bibigyan kita ng pagsasanay na susubok sa iyong
natutuhan. Natitiyak ko, makakaya mo itong gawin.
Pagsasanay: Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Tukuyin ang tayutay na
ginamit sa paglalawaran at isulat kung ito ay Pagtutulad o simile,
Pagwawangis o Metapora, Pagtatao o Personipikasyon o Pagmamalabis
o Hyperbole sa nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

__________1. Ang mga mata niya ay tila bituing nagniningning sa tuwa.


__________2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
__________3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa
tanghalan.
__________4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw.
__________5. Tila anghel sa kalangitan ang mga bata.
__________6. Ang balitang siya’y dumating ay tulad ng tambuling gumising sa
buong bayan.
__________7. Saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
__________8. Siya ay langit na kay hirap abutin.
__________9. Lumuluha ang panahon nang ihatid sa huling hantungan ang
magiting na bayani.
_________10. Ang dilag ay natunaw sa matinding kahihiyan.

PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN

Isang katiyakan ang inyong kaalaman ngayong tapos mo nang pag-aralan


ang mga aralain. Upang mailapat mo ang mga bagong kaalaman, gawin mo ang
sunod na gawain.
Gawain 10: Sumulat ng isang tulang liriko o tulang nagpapahayag ng damdamin na
pumapaksa sa pag-ibig (maaring pag-ibig sa magulang o pamilya, kaibigan,pag-ibig
sa bayan, pag-ibig sa kapwa o pag-ibig sa iyong napupusuan) na may 3 saknong na
binubuo ng tig-aapat na taludtod. Maaring walang sukat ngunit kailangang may
tugma at tiyaking gumagamit ka ng mga matatalinghagang pahayag o tayutay sa
paglalahad o paglalarawan ng iyong damdamin. Ikaw ay tatayahin sa sumunod na
pamantayan o rubriks.

16
Pamantayan 6 8 10 ISKOR
Nilalaman/paksa Hindi angkop May ilang Angkop na angkop
nilalaman sa paksa pahayag sa tula ang mga pahayag
na hindi angkop sa paksa ng tula
sa paksa
Tugma Walang tugma ang May saknong na Magkakatugma
tula walang tugma ang lahat ng
taludtod sa isang
saknong
Tayutay Hindi gumagamit May saknong na Lahat ng saknong
ng walang ay kakikitaan ng
matatalinghagang matalinghagang matatalinghagang
pahayag o tayutay pahayag o pahayag o tayutay
tayutay
Ginamit na salita Hindi angkop ang Hindi gaanong Piling-pili ang mga
mga salitang pinili ang mga salitang ginamit sa
ginamit sa tula salitang ginamit tula
sa tula
KABUUAN

TAYAHIN

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na sagutang papel.
Paalala: Panatilihin ang katapatan sa pagsagot sa pasulit. Huwag kalimutang isulat
ang pangalan, taon at seksiyon at bilang ng mudyol sa sagutang papel
at isumite sa napagkasunduang petsa ang sagutang papel.

A. Anyo ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa


pamamagitan ng mga piling salita at matatalinghagang pahayag na may sukat
at tugma.
A. Tula C. Nobela
B. Dula D. Maikling kwento
2. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Sukat C. Saknong
B. Tugma D. Taludtod
3. Uri ng tula na puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay at iba pa
A. tulang padula C. Tulang pasalaysay
B. tulang patnigan D. Tulang pandamdamin o tulang liriko
4. Ito ay pagpapahayag na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay at pangyayari o sitwasyon.
A. Simile C. Pagmamalabis
B. Metapora D. Personipikasyon

17
5. Ito ay isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang
anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ginagamitan ito ng mga salitang
panulad sa paghahambing.
A. Simile C. Pagmamalabis
B. Metapora D. Personipikasyon
6. Uri ng tayutay na tumutukoy sa tuwiran o deretsahang paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay.
A. Simile C. Pagmamalabis
B. Metapora D. Personipikasyon
7. Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman o tumutukoy sa
natatagong kahulugan ng tula
A. Kariktan C. Simbolo
B. Tayutay D. Talinghaga
8. Ito ay matalinghagang pahayag na tumutukoy sa sadyang pag-iwas sa paggamit
paggamit ng ordinaryoo karaniwang mga salita upang maging kaakit-akit, malikhain
at mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat o ng nagsasalita
A. Kariktan C. Simbolo
B. Tayutay D. Talinghaga

1. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

2. Laging nakahandang pag-utus-utusan


Maging sa liwanag, maging sa karimlan

9.Alin sa mga pagpipilian ang pinakamalapit na kahulugan sa tayutay blg.1?


A. Ang kanyang pag-ibig ay katumbas ng kanyang buhay
B. Ang kanyang pag-ibig ay kasinghalaga ng kanyang sarili
C. Ang pag-ibig niya ang hindi mapapantayan ng kayamanan
D. Ang kanyang pag-ibig ay ang kanyang kaligayahan, kanyang kalungkutan
at kanyang buhay
10. Sa halimbawang tayutay blg. 2, ano ang katangiang ipinakita ng nagsasalita?
A. mapagmahal
B. pagkamarangal
C. pagkamatiyaga
D. kababaang-loob
11. Alin sa mga pagpipilian ang uri ng tulang hindi kabilang sa tulang pandamdamin?
A. Oda C. Soneto
B. Epiko D. Elehiya
12. Sa paanong paraan ipinahahayag ng persona ang tula ang kaniyang pag-ibig
taong labis niyang minahal?
A. Sa pamamagitan ng paglalarawan sa tunay nap ag-ibug
tunay na pag-ibig
B. Sa paglalahad ng mga karanasan tungkol sa pag-ibig

18
C. Sa paghahambing nito sa bagay na may katangiang naglalarawan sa kawagasan ng
kaniyang pag-ibig
D. Sa simpleng paglalarawan sa damdaming naramdaman

13. Sa linya ng kantang “Awit Kay Inay” na “Walang inang matitiis ang isang anak,
ika’y dakila at higit ka sa lahat” anong katangian ng ina ang inilalarawan sa
pahayag?
A. Dakila at mapagmahal
B. Matiisin at masayahin
C. Dakila at matiisin
D. Masayahin at mapagmahal

14. Ang mga sumusunod ay katangian ng tulang Liriko o tulang pandamdamin


maliban sa_______
A. Nagpapahayag ng masidhing damdamin
B. Naglalarawan sa buhay ng pangunahing tauhan
C. Maikli at payak ang uring ito ng tula
D. Masasalamin ang karanasan saloobin ng may-akda

15. “Abot langit ang pagmamahal niya sa kasintahan.” Anong uri ng tayutay ang
pahayag?
A. Simile C. Pagmamalabis
B. Metapora D. Personipikasyon

Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

19
MGA SUSING SAGOT SA MGA GAWAIN

Katangian Awit na Tulang


Pinakinggan Binibigkas
1. nagpapahayag ng damdamin ✓ ✓
2. ipinapahayag ang damdamin sa pamamagitan ng mga X ✓
taludtod
3. binubuo ng mga saknong ✓ ✓
4. may tugma ✓ ✓
5. may tono ✓ ✓
6. nilalapatan ng musika ✓ X
7. binibigkas X ✓
8. inaawit ✓ X

GAWAIN 2: Tula Awit… Anong Pinagkaiba

GAWAIN 1: Sagutin Mo

Pagmamalaki Pagtitiis

Awit Kay
Inay
Pagbibigay wagas na pag-ibig
pagpapatawad walang kapantay

GAWAIN 6: Tuklas-Suriin Pagsasanay


1. Pito / 7 1. Pagtutulad/Simile
2. Apat / 4 2. Pagwawangis/Metapora
3. Mapagkumbaba 3. Pagmamalabis/Hyperbole
4. Liwanag at karimlan
4. Pagtatao/Personipikasyon
5. Lalaking hindi paapi
5. Pagtutulad/Simile
sa katuwian
6. ab ab
6. Pagtutulad/Simile
7. Lalaking-bayaning 7. Pagmamalabis/Hyperbole
8. Paapi-papuri 8. Pagwawangis/Metapora
9. Sa bayaning marunong 9. Pagtatao/Personipikasyon
umingos sa mga papuri 10. Pagmamalabis/Hyperbole
10. Quatrain

20

You might also like