You are on page 1of 2

Tukuyin ang hinihingi ng bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

(bawal ang magbura)


1. Siya ay isinilang sa nayon ng Panginay, Bigaa, Bulacan noong Abril 2, 1788. Francisco Balagtas
a. Francisco Baltazar b. Francis Balagtas c. Kiko Francisco d. Juan Baltazar
2. Ilang taon si Kiko ng lumuwas siya sa Tondo, Maynila upang mamasukan bilang utusan kay Doña
Trinidad? Labing-isa
a. Labing dalawa b. Labing isa c. Sampu d. Siyam
3. Siya ay kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo kung saan natuto si Kikong sumulat at bumigkas
ng tula. Jose Dela Cruz o Huseng sisiw
a. Jose Sisiw b. Huseng Dela Cruz c. Jose Cruz d. Jose Dela Cruz
4. Siya ang inspirasyon ni Kiko sa Pagsulat ng Florante at Laura na tinagurian niyang Celia at may inisyal na
M.A.R? Maria Asuncion Rivera
a. Maria Asuncion Rivera b. Marian Asuncion Rivera c. Maria Asuncion Reyes d. Maria Adela
Reyes
5. Namayapa si Kiko sa piling ng kanyang asawa at anak noong ________ sa gulang na 74. Pebrero 20,
1862
a. Pebrero 19, 1862 b. Pebrero 20, 1862 c. Pebrero 20, 1862 d. Pebrero 21, 1862
6. Ayon kay kiko, maaaring gawin ang anumang nais sa kanyang akda huwag lamang _______. Babaguhin
ang berso
a. Papalitan ang tauhan b. Babaguhin ang pamagat c. Papalitan ang kwento d. Babaguhin
ang Bersyo
7. Isa sa tagubilin ni Kiko na huwag pamarisan si _____________. Segismundo
a. Voltaire b. Segismundo c. Jose Dela Cruz d. Alpa
8. Sino ang binatang nakagapos sa puno ng higera. Florante
a. Adolfo b. Laura c. Aladin d. Florante
9. Isang halimaw na ayon sa alamat ay may mukhang kahawig ng sa butiki, ang hininga at kislap ng mga
mata ay nakamamatay. Basilisco
a. Sierpe b. Hiena c. Basilisco d. Tigre
10. Ito ang namamayani sa loob at labas ng Albania. Kasamaan
a. Kasamaan b. Kalituhan c. Kagandahan d. Kabutihan
11. Siya nag may hangarin sa kapangyarihan at kayamanan sa Albania. Konde Adolfo
a. Konde Sileno b. Florante c. Aladin d. Adolfo
12. Ang tanging nakaaaliw sa binata sa kahabag-habag niyang kalagayan sa gubat ay alaala ng _____.
Kasintahan/Laura
a. Flerida b. Nimfa c. Laura d. Harpia
13. Ang tanging kahilingan ni Florante sa Diyos habang nakatali sa puno sa ginta ng kagubatan ay _____.
Maalala siya ni Laura
a. Maalala siya ni Laura b. Maalala siya ng Albania c. Masagip siya sa kanyang kinalalagyan
d. May dumating na tulong sa kanya
14. Hindi inakala ni Florante na pagtataksilan siya ni Laura dahil sa angkin nitong _______.
Kariktan/Kagandahan
a. Kasamaan b. Kagandahan c. Kabutihan d. Katalinuhan
15. Nang nawalan ng malay si Florante, ang kanyang mukha ay nagkulay _______. Puti
a. Pula b. Rosas c. Itim d. Puti
Talasalitaan
1. Si Florante ay nagiisa sa mapanglaw na gubatb- malungkot
a.
2. Namayani ang kaliluhan sa Albania nang si Adolfo ang naging hari. - kataksilan
3. Binabalikan ni Florante ang mga munting gunamgunam nila ni Laura. – alaala
4. Ang mga taong laging sariling kapakanan ang iniintindi ay isang palamara. – traydor
5. Iwasan natin na magdulot ng hilahil sa ating kapwa. hirap
6. Masarap pagsaulan ang masasayang araw ng pagsusuyuan. – alalahanin
7. Isang siphayo para kay Melvin ang pagbaba ng kanyang grado sa kanyang paboritong asignatura.
Ikinabigo.
8. Kinilala si Kiko na isang pantas sa paglikha ng tula. – henyo
9. Ang kanyang balat ay makinis, animo’y kulay ng isang burok at ang pilikmata’y balantukin. Kulay ng
pula ng itlog
10. Nalulugami ang karamihan sa bulok na Sistema ng pamahalaan. nalulugmok
11. Tuluyan nang napayukayok si Florante sa puno ng higera dahil sa labis na panghihina. Napasubsob
12. Nakakaramdam ng panibugho si Florante tuwing naaalala niya si Laura kasama si Adolfo. Selos
13. Nangangam ba si Florante na di na lumiliyag at ipinagkanulo na siya ni Laura. Umiibig
14. Si Florante ay nagdaramdam na hindi naririnig ng langit ang kanyang mga luhog. Hiling
15. Tumingin sa talababa kung hindi mawatasan ang malalalim na salita. maunawaan

You might also like