You are on page 1of 1

PANLAHAT NA PANUTO: Basahin ang mga panuto. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel ang titik.

A. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.


1. Nang nasa harapan na ni Florante ang dalawang leon, siya ay _________________.
a. Kinabahan at natakot c. natigil sa pag-iyak
b. Patuloy na tumangis d. nanalangin sa Diyos

2. Ipinagdadasal ni Florante na sana ang mga mamamayan ng Albanya ay huwag ____.


a. Kumampi kay Adolfo c. mawalan ng lakas na lumaban
b. Matulad sa kanya d. susunod sa kagustuhan ni Adolfo

3. Ayon kay Epifanio Delos Santos, kailan nailimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura?
a. 1838 b. 1906 c. 1910 d. 1945

B. Hanapin sa HANAY B ang mga katangian ng mga tauhan sa HANAY A.


HANAY A HANAY B

4. Florante a. Isang prinsipe ng Persya na nagligtas kay Florante sa leon


5. Menandro b. ama ni Florante at tagapayo ng hari ng Albanya
6. Flerida c. anak ni Haring Linseo at katipan ni Florante
7. Adolfo d. ang ama ni Aladin na umagaw sa pagmamahal ni Flerida
8. Laura e. ang guro ni Florante sa Atenas
9. Heneral Osmalik f. anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
10. Sultan Ali-adab g. ang mahal ni Aladin at pumana kay Adolfo
11. Antenor h. ang buhong sa kasaysayan
12. Aladin i. ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona
13. Duke Briseo j. ang tapat na kaibigan ni Florante
k. ang heneral ng Turko na lumusob sa Albanya

C. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Lagyan ng bilang mula 1-10.

14. Matagumpay na nailigtas si Florante ng gererong si Aladin.


15. Naglakad ang gerero sa isang panig ng kagubatan.
16. Natunton ng gererong si Aladin ang kinaroroonan ni Florante.
17. Nagdusa ang kalooban ni Aladin nang marinig ang panaghoy ni Florante.
18. Patuloy ang panangis ni Florante habang siya’y nakatali sa puno.
19. Pinagtangkaang gahasain ni Adolfo si Laura.
20. Kamuntik dagitin ng buwitre si Floante at iniligtas siya ni Menalipo.
21. Namatay ang kanyang mahal na inang si Prinsesa Floresca.
22. Ipinadala si Florante ng kanyang ama na si Duke Briseo sa bansang Athenas.
23. Nagtagpo-tagpo ang apat (Florante, Laura, Aladin at Flerida) sa kagubatan ng Albanya.

D. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.

24. Sa anong uri ng tula nabibilang ang Florante at Laura?


a. Awit b. oda c. korido d. elehiya
25. Bakit isinulat ang Florante at Laura?
a. Dahil sa karanasan at kasawian nang mapagbintangan siya ni Mariano Kapule
b. Upang mapawi ang kanyang kalungkutan
c. Bilang handog sa kanyang iniibig
d. Upang linangin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng tula
26. Hindi mawawala sa isip at puso ni Florante si Laura maliban na lamang kung _____.
a. Umibig siya sa iba c. mamatay si Laura
b. Magtaksil sa kanya d. mamatay na siya
27. Bakit nasabi ni Baltazar ang “mabuti pang putulin mo ang mga daliri ng ating mga anak kaysa maging
bokasyon ang paggawa ng tula”?
a. Nabibilanggo ang isang manunulat dahil sa pagsusulat ng katotohanan
b. Walang kaginhawaan sa buhay ang pagiging manunulat
c. Nalalagay sa kapahamakan ang buhay
d. Mahirap maging manunulat
28. Batay sa mga pangyayari sa Florante at Laura, makakamit ang tunay na kalayaan ng isang bansa
kung______________________________.
a. Lahat ng kabataan ay mag-aaral
b. May sapat na kaalaman sa doktrina ng simbahan
c. Ang mga pinuno ay matatalino
d. Ang namumuno ay matalino, tapat sa tungkulin at may pagkakaisa
29. Si Florante ay inihalintulad sa isang halamang lumaki sa tubig na daho’y nalalanta munting di-madilig. Anong
tayutay ang tinatalakay sa pahayag na ito?
a. Metapora c. Simile
b. Apostrope d. pagmamalabis
30. Ang pahayag na”ang dalawang mata’y bukal ang kaparis,” ay nangangahulugang?
a. Labis ang kaligayahan c. walang tigil ang pag-iyak
b. Tigib ng kalungkutan d. matindi ang katuwaan

You might also like