You are on page 1of 2

ALAMAT NG BULKANG TAAL

ni Antonio Emilio Martinez

Ayon sa sali’t-saling sabi ng matatanda,ang mga bayan at lalawigan sa Gitnang


Luson,ay nahahati ng mga ilog at magubatna kabundukan.Bawat bayan naman
aypinamumunuan ng isang makapangyarihang lalaki na iginagalang at sinusunod ng
lahat na nasasakupan.
Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang matanda,na kung tawagin ng
lahat ay si Lakan-Taal.ang matandang ito ay siyang sinusunod ng mga tao,palibhasa’y
mabutiat matalino ang kanyang pamamahala.
Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang nagkaroon ng
pagpipista dahil sa tinatamasa nilang masaganang kabuhayan.Laging umaani silang
saganang kape,abukado at iba’t-iba pang mga punongkahoy.
Isang araw ay pinulong ni Lakan Taal ang lahat ng kanyang kabig sa lilim ng isang
malagong punongkahoy sa kaparangan. Mga minamahal na nasasakupan ko, malakas
na pahayag ng makapangyarihang Lakan.Pinulong ko kayo ngayon upang sabihin sa
inyo na mula sa araw na ito,ay ipinagbabawal ko sa kaninuman ang pag-akyat sa ituktok
ng bundok na iyon,-at itinuro nito ang luntiang bundok na hindi kalayuan sakanilang
pinagpupulungan.
Napatingin ang lahat sa itaas ng magandang bundok .Tandaan ninyong mabuti
ang aking pagbabawal na ito,-pagwawakas pa ng makapangyarihang Lakan. Buong
pagkakaisang sumang-ayon naman ang madla at nagsipanumpang tatalimahin nila ang
utos ng kanilang puno. Walang anu-ano ay bigla na laang naglaho ang matandang
puno,kaya’t nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat.
Mahigit isang taon ang lumipas,ngunit ang makapangyarihang si Lakan Taal ay
hindi na nila nakita.Gayon man,sa loob ng panahong iyon, ang madla ay nabuhay nang
mapayapa at masagana na gaya rin nang dati. Sa kasabikan ng marami na malaman
kung ano ang hiwaga ng bundok na yaon, ay napagkaisahan nilang akyatin ang taluktok
ng nasabing bundok.
Gayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang makita nila sa itaas pala ng
bundok na yon ay may malaking guwang na punong-puno ng mahahalagang
perlas,esmeralda,brilyante at mga ginto. Naku! Kaya pala ayaw ipaakyat sa atin ang itaas
ng bundok na ito,-anang isa sa kanila,-ay narito ang katakut-takot na kayamanan! Oo
nga, ano! Tugon ng isa pa.Ang mabuti’y hakutin nating lahat ang kayamanang iyan upang
iuwi sa ating bayan.

Subalit nang anyong kukunin na nila ang kayamanang iyon ay bigla na lamang nilang
narinig ang malakas atmakapangyarihang tinig ni Lakan-Taal na anya: Sinuway ninyo
ang aking utos! Nawa’y magkaroon ng lindol,ng kidlat,ng kulog at malakas na unos!…at
halos hindi pa natatapos ang pangungusap ng lakan ,ay biglang kumidlat saka
kumulog!Bigla ring lumindol hanggang sa ang bundok ay magbuga ng tipak-tipak na apoy
na ikinasawi ng mga masuwaying tauhan ni Lakan-Taal.

Magbuhat noon, ang gayong pangyayari ay nagkasalin-salin sa bibig ng madla,


hanggang mabuo ang paniniwala ng marami, na ang bundok na yaon na naging bulkan
ay ari ni Lakan-Taal.Ngayon ay tinatawag ito ng Bulkan ng Taal.
PP

You might also like