You are on page 1of 24

Panitikan Bago

Dumating ang mga


Kastila
(TAO, AKDA AT SINING)

Negrito o Ita

Walang Sariling Kultura


Walang nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa
sining, sa pagsusulat at sa pamumuhay.
Sa panitikan ay wala silang nalalaman kundi ilang awitin at pamahiin.

Indonesyo
Ang unng sapit ng mga
Indonesyo ay may lahing Mongol
at Kaukao kayat sila mapuputi
at manilaw-nilaw ang mga balat.
Silay marunong nang mamahay
ng sarili, marunong magtanim
ng mga halaman at marunong ng
mangisda.
Ang ikalawang sapit ng mga
indonesyo ay nakahihigit ng
kalinangan kaysa doon sa una.
Silay may sarili nang sistemang
pamahalaan, may mga
hanapbuhay, marunong magluto
at may dalang panitikan tulad ng
epiko, kwentong bayan, mga
alamat, mga pamahiin at
pananampalatayang pagano.

Mga Malay
Ang unang pangkat ay nagdala ng
kanilang pananampalatayang pagano at
mga awiting pangrelihiyon.
Silay nangagtira sa kabundukan ng
Luzon.
Ang ikalawang pangkat ay may dalang
wika, alpabeto, awiting bayan,
kwentong bayan, mga alamat at mga
karunungang bayan, Sila ang nagdala
ng Baranggay.
Ang ikatlong pangkat ay may mga
Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng
epiko, alamat, kwentong bayan at ng
pananampalatayang Moslem.

Intsik

Ang mga intsik ay nagdala ng kanilang wika. Ang mga salitang


gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong,
Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain tulad ng pansit, siopao at
iba pa ay inana natin sa kanila.

Mga Bumbay

Nagdala sila ng
pananampalatayang
Bramanistiko at panitikang
epiko, awiting bayan, liriko
at mga salitang Bumbay o
Hindu na bahagi na ng
wikang Pilipino, ang mga
itoy guro, bansa, mukha,
likha, hukom, dukha at iba

Mga Arabe at Persiyano


Dumating sila sa Pilipinas noong ika-12
siglo ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang
tinatawag na Hadramaut Sayyids mga
misyonerong Arabe na nanggaling sa
Malaysia at dumting sa Pilipinas noong
ika-16 siglo.
Kasama nila ang maraming
mangangalakal na Arabe at Persiyano,
silay nanirahan sa Mindanao at Sulu.
Sila ay nagdala ng mga epiko, kwentong
bayan, dula at alamat.

Mga Malacca

Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga


Sultan o Rajah. Sinasabi na ang karaniwang pahayag na
Alla-eh sa Batangas ay impluwensya ng Imperyo ng
Malacca

Mga Akda

Alamat kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay


ALAMAT NG PINYA
Nagmula ang Pinya sa batang babae. Ang pangalan niya ay Filipina at ang
kanyang palayaw ay Pina. Nang bata pa si Pina ay nagkasakit siya
ngunit hindi siya ipinagamot ng kanyang tiyahin bagay na naging dahilan
upang manlabo ang kanyang mga mata. Lumipas pa ang maraming araw at
mas lumubha ang panlalabo ng kanyang mga mata. Isang araw nagalit sa
kanya ang kanyang tiyahin at sinabi nito na sana daw ay napapalibutan na
lang daw ng mata ang ulo ni Pina para nakikita nito ang mga nasa paligid,
pinalo niya si Pina at ng hindi na matiis ni Pina ang sakit ay tumakbo ito
patungo sa kalapit na kagubatan. Lumipas ang maghapon, gumabi, at nagumaga ngunit hindi bumalik si Pina.
Hindi rin nakatiis si Marta at kasama ang ilang bata ay hinanap nila si Pina.
Ngunit siya ay naglaho na parang bula. May mga nag-isip na si Pina ay
kinupkop ng isang diwata sa kagubatan na naawa sa kanyang kalagayan.

Lumipas pa ang maraming araw. Isang umaga ay nagulat na lamang ang lahat
nang may nakita silang halaman na umusbong sa harapan ng bahay ni Marta.
Ang halaman ay nagbunga ng isang prutas na korteng ulo at may mga mata sa
paligid. Bigla nilang naalala si Pina at ang sinabi ni Marta sa kanya: Dapat ang
ulo mo'y napaliligiran ng mga mata para nakikita mo ang lahat ng nasa paligid
mo. Si Pina siya! biglang nasambit ng isang kapitbahay sa kanyang mga
kasama. Ilang salbaheng bata ang lumapit upang maki-usyoso. Subalit paglapit nila
ay pawang nangatusok sila ng matutulis na tinik sa dulo ng mga dahon ng halaman.
Naalala nila ang ginawang pag-aapi kay Pina. "Si Pina nga siya," anang isang
salbaheng bata. Mula nuon tuwing makikita ng mga tao ang halaman at ang prutas
nitong hugis ulo na maraming mata ay tinatawag nila etong si Pina nya. Nang
lumaon ay naging Pinya na lamang ang naging tawag nila dito.

Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o


mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kumintang (isang epiko ng mga Tagalog)
Ang nuno nating lahat, Sa ukulog, di nasindak Sa labanan, di naawat
Pinuhunan ang buhay, hirap upang tayong mga anak Mabuhay ng mapanatag.
Itong ating kabukiran Sampung bahay at tahanan, Ibig nilang kuning tunay,
Maagaw sa ating kamay Tayo baga'y mag asal Gayong buhay tila patay? Halina
nga at usigin Ang aliktiya, mga bukirin At ang mga anak natin:Tayo naman may
patalim, Dugo't buhay puhunanin.Aba tayo kung wala na Ang tirahang
maligaya,Pati anak at asawa Mananaghoy, magdurusa; Kaya ngayon, ay tayo
na, At ang buhay ay ipara.

Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin.
BAHAY KUBO
Bahay kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari. Singkamas at talong,
Sigarilyas at mani, Sitaw, bataw, patani, Kundol, patola, upo't kalabasa At saka
meron pang Labanos, mustasa, Sibuyas, kamatis, Bawang at luya Sa paligid ligid
Ay puno ng linga.
PARU PARONG BUKID
Paruparong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daa'y papagapagaspas
Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa
ang sayad May payneta pa siya, uy! May suklay pa mandin, uy! Nagwas de-ohetes
ang palalabasin Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad na pakendengkendeng.

Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.

Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.


Walang tiyaga, walang nilaga
Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga
Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan
Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin

Bugtong maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang


pahuhulaan.
Isang tabo, laman ay pako. Ang sagot ay Langka.
May korona pero hindi reyna, may kaliskis pero hindi isda. Ang sagot ay
Pinya.
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Ang sagot ay Palaka
Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Ang sagot ay Gamugamo
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Ang sagot ay Kandila

SINING

Ang Arkitektura ng
Hagdan Hagdang
Palayan o PAYEW sa
Banaue

Ito ay gawa sa pinagpatong patong


na mga bato na nakapalibot sa gilid
ng bundok para pigilan ang pagguho
ng lupa. Mayroon itong daluyan ng
tubig mula taas pababa ng bundok.
Tinatayang may sukat itong 12,000
milya mula taas hanggang ibaba.

BAHAG
Bahag ang tawag sa
pang ibabang kasuotan
ng mga kalalakihan na
may habang mula
baywang hanggang
hita.

BARO

Ito ang tawag sa pang itaas na kasuotan ng mga


kababaihan na tulad ng isang jacket na may
mahabang manggas.

SAYA
Saya ang tawag sa Tagalog at
Patadyong naman sa Bisaya
ang tawag sa pang ibabang
kasuotan, isang maluwag na
palda na karaniwang
pinapatungan ng pula o
puting tela na nakapaikot sa
baywang.

Mga Instrumentong Pang-Musika


Cebu

CYMBAL

TIMBREL

TIMBAL

TAMBOL

Mga Instrumentong Pang-Musika


Bataan at Zambales

BANSIC AT GANGSA

Mga Instrumentong Pang-Musika


Bontoc

Tagbanua

KUBING
BRASS GONGS

Mga Instrumentong Pang-Musika


Ilokano

Kabisayaan

KUDYAPI

FLAGEOLET

You might also like