Professional Documents
Culture Documents
PANAHON NG
HIMAGSIKAN
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang
mga hinihinging pagbabago ng mga
Propagandista. Naging bingi ang
pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at
pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa
mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan.
• Matapos madakip si Rizal noong Hulyo 6,
1892, inisip ng mga Pilipino na hindi na nila
makakamit ang hinihinging pagbabago sa
mapayapang paraan.
• Para sa kanila, ang tanging paraan na lamang
upang mabago ang pamumuhay ng mga
Pilipino ay ang pagpapaalis sa mga Espanyol
sa pamamagitan ng rebolusyon.
Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng
Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang ipinatapon
si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama sina
Valentin Diaz, Teodora Plata, Ladislao Diwa, Deodato
Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na
nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa
Azcarraga.
• Itinatag nila ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K.K.K.) o mas
kilala sa tawag na Katipunan.
• Pacto de Sangre – ang ritwal na ginagawa sa mga
taong nais na maging kasapi ng Katipunan. Ito ay
ginagawa sa isang lihim na silid na kung tawagin ay
Camara Negra (Dark Chamber). Ito ay nagsisimula
sa isang pagsubok at nagtatapos sa paglagda sa
kasunduan gamit ang sarili nilang dugo.
LAYUNIN NG KATIPUNAN
1. Politikal - Kasarinlan para sa bayan.
2. Moral - Pagtuturo ng kagandahang-asal sa
pag-iisip at paggawa, pagtatakwil sa mga bulag
na paniniwala.
3. Sibiko - Pagtatanggol sa maralita at mahihina.
KALAYAAN
Ang opisyal na pahayagan ng
Katipunan.
Pagkakatuklas ng Katipunan
• Nabunyag ang lihim ng Katipunan ng ibunyag ito ni Teodoro Patiño
sa kanyang kapatid na si Honoria na nagmamadre sa ampunan ng
Mandaluyong. Noong hapong iyon nang Agosto 19, 1896, nabigla si
Honoria at nabalisa. Nakita ng madre superiora ng Ampunan na si
Sor Teresa, si Honoria na umiiyak kaya niya ito kinausap.
Ikinuwento ni Honoria ang lahat ng mga ibinunyag ng kapatid.
Tinawag ni Sor Teresa si Teodoro Patiño at iminungkahi na sabihin
ang lahat ng kaniyang nalalaman ukol sa Katipunan sa pamamagitan
ng pagkumpisal kay Padre Mariano Gil.
• Sa ginawang paghahalughog sa palimbagan ng Diario de Manila,
natuklasan ang mga patalim, resibo at dokumento ng Katipunan.
Sigaw sa Pugad Lawin
• Pagkatapos mabunyag ang lihim ng Katipunan,
tinipon ni Bonifacio ang mga Katipunero
noong Agosto 23, 1896. Dito napagkasunduan
na simulan agad ang Rebolusyon. Bilang
hudyat ng himagsikan, pinunit nila ang
kanilang mga sedula na naging tanda ng
pagkaalipin ng mga Pilipino at sabay-sabay na
sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas”.
NILALAMAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG
TAHASANG PAGHIHIMAGSIK
IV. Maitim man o maputi ang ang kulay ng balat, lahat ng tao’y
pantay-pantay; mangyayaring ang isa’y hihigitan sa dunong, yaman, sa
ganda; ngunit hindi mahihigitan ang kanyang pagkatao.
V. Mas pinahahalagahan ng taong marangal ang kanyang puri kaysa
pansariling kapakinabangan; sa taong tampalasan, inuuna ang sariling
pakinabang.
XI. Huwag mong tingnan ang babae na libangan lamang, kundi isang
katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong
pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang iyong inang
pinagmulan at nag-aruga sa iyong kasanggulan.
XII. Ang hindi mo ibig gawin sa iyong asawa, anak, at kapatid ay huwag
mong gagawin sa asawa, anak , at kapatid ng iyong kapuwa.
XIII. Hindi makikita sa pagiging hari ang halaga ng tao, hindi rin sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, ni sa pagiging pari na kinatawan ng Diyos, hindi sa
taas ng katayuan sa lipunan; totoong tao at mataas na uri, siyang laking gubat
at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may
isang salita, may dangal at puri, yaong hindi nagpapaapi at hindi nang-aapi;
yaong marunong magmahal at magmalasakit sa bayang kanyang sinilangan.
XIV. Sa paglaganap ng mga aral na ito, maningning na sisikat at
sasabog ang matamis na liwanag ng araw ng kalayaan dito sa abang
kapuluan ng nagkaisang magkakalahi’t magkakapatid, ang mga
ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang
matutumbasan. Kapag napag-aralan na ang lahat ng ito at naniwala
siyang kaya nang gawin ang mga magiging tungkulin, maaari nang
punan ang pormularyo ng pagsapi.
Apolinario Mabini
Siya ay kilala bilang Dakilang
Paralitiko at Utak ng Rebolusyon,
ay pangalawa sa walong anak nina
Inocencio Mabini at Dionisia
Maranan, na ipinanganak noong
Hulyo 23, 1864 sa baryo Talaga,
Tanauan, Batangas.
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya
ng hindi pangkaraniwang talino at
pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong
1881, nakamit niya ang isang partial
scholarship na nagbigay-daan upang
makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San
Juan de Letran.
Natapos niya ang kanyang Batsilyer
sa Sining noong 1887. Nag-aral din
siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas mula 1888 hanggang
1894.
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay
ng La Liga Filipina na siyang
nagbibigay suporta sa Kilusang Pang-
reporma.
Noong taong 1896 naman, nagkaroon
siya ng matinding sakit na nagdulot sa
kanya na maging paralitiko
habambuhay.
Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong Oktubre
10, 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon
sa mga repormista. Sumailalim siya sa house
arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang
kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang
kondisyon.
Mayo 13, 1903 – namatay si Mabini sa sakit na
kolera sa edad na 39.
Mga Piling Akda ni
Apolinario Mabini
Programa Constitucional de la
Republica Filipina-palatuntunang
pangsaligang batas ng Pilipinas.
El Simil de Alejandro- Ito ay
tumutuligsa sa pamahalaang
Amerikano at nagbibigay-diin sa
karapatang pantao.
El Desarollo y Caida De la
Republica Filipina- naglalaman
ito ng mga paliwanag tungkol sa
pagtaas at pagbagsak ng
Republikang Filipino.
El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na
Dekalogo o Ang Tunay na sampung
utos)- ito ay isang kathang naglalarawan
ng tagapagpalaganap ng pagkamakabayan
o nasyonalismong Pilipino.
Jose V. Palma
Si Jose Palma ay isang makata at sundalo na
naging tanyag sa pagsulat niya ng
“Filipinas,” na siyang naging titik sa wikang
Español ng Pambansang Awit.
Noong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan, at
noong 1899 ay sumanib sa hukbo laban sa
mga Amerikano na pinamumunuan ni Col.
Rosendo Simon.
Mga Piling Akda ni
Jose V. Palma
Melancholias( Mga
Panimdim)- pamagat ng aklat
na pinagtipunan ng mga tula.
De Mi Jardin- ito ay isang
tulang nagpapahiwatig ng
pangungulila sa kanyang
minamahal.
Himno Nacional Filipina
(Pambansang Awit ng Pilipinas)
Pinakadakila niyang ambag sa ating
panitikan at nilapatan ito ng musika
ni Julian Felipe.
MGA KABABAIHANG MIYEMBRO
NG KATIPUNAN
• Gregoria de Jesus – Lakambini ng Katipunan
• Josefa Rizal – Kapatid ni Rizal
• Melchora Aquino (Tandang Sora) – Ina ng Katipunan
• Marina Dizon – Pinsan ni Emilio Jacinto
• Angelica Lopez-Rizal – pamangkin ni Rizal
• Trinidad Tecson – Ina ng Biyak-na-Bato
MARAMING
SALAMAT!