You are on page 1of 2

Flores Arizza Jhoana A.

BSN 2G

REPLEKSYON PATUNGKOL SA YUNIT 5:

ANG PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA

Ang paksang tinalakay sa Yunit 5 ay ang panahon ng pagbabagong Diwa. Una na rito ay
ang Kilusang propaganda at Ang mga Propagandista. Ang Kilusang Propaganda ay sumiklab
pagkatapos ang pagbitay sa tatlong paring martir. Ayon sa report ni Bb. Rodritch Robledo, ang
kilusang propaganda ay itinatag ng mga illustrado. Ito ay naglalayong magkaroon ng pagbabago
sa batas na ipinatupad ng mga kastila at reporma sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas. Ilan pa
sa mga layunin nito ay ang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, pantay na karapatan at
kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag. Kasabay nito ay nagtatag ng pahayagan ang Kilusang
Propaganda, ito ang La Solidaridad. Nagsilbing instrumento ang pahayagang ito upang
magsama sama ang ating mga bayani at maipahayag ang kanilang damdamin. Ayon sa report ni
Bb. Hannah Legaspi ang, kilusang propaganda ay pinangunahan nina Jose Rizal, Marcelo H. Del
Pilar, at Graciano Lopez Jaena. Ang bawat isa sa kanila ay may sagisag panulat, gaya ni Jose Rizal
na kilala bilang Dimasalang at Laong Laan, at Marcelo H. Del Pilar bilang Plaridel. Ilan sa mga
akda ni Jose Rizal ay ang Noli Me Tangere na nagbunyag ng mga katiwaliang ginagawa ng mga
Espanyol, El filibusterismo, Mi Ultimo Adios, Sa aking mga kabata, at Sa mga kababaihang Taga-
Malolos. Ilan naman sa mga piling akda ni Marcelo H. Del Pilar ay ang Cauugat Cayo na
nagtanggol sa akdang Noli Me Tangere ni Rizal, Dasalan at Tocsohan, at Sagot ng Espanya sa
Hibik ng Pilipinas. Ang mga Piling akda naman ni Graciano Lopez Jaena na siyang nagtatag ng
pamahayagang La Solidaridad ay ang Fray Botod, Sa mga Pilipino, La Hija Fraule, at mga
kahirapan sa Pilipinas na tumutuligsa sa maling pamamalakad sa pamahalaan at maling sistema
ng Edukasyon sa Pilipinas. Ayon naman sa report ni Bb. Justine Manansala, ang ilan pa sa mga
propagandista ay sina Antonio Luna na patnugot ng pahayagang La Independencia at kilala
bilang taga-ilog na may akda ng Noche Buena, Le Tertulla Filipina, at Impresiones. Isa pa rito ay
si Mariano Ponce na masugid na katulong ng tatlong tagaluklok ng propagandista; ang mga pili
akda niya ay ang Mga Alamat ng Bulakan, at ang Pagpugot kat Longino. Ang nobelista, iskolar,
at mananaloksik naman na si Pedro Paterno ay ang umakda ng kasunduan sa Biak na Bato at
karamihan sa kanyang mga isinusulat ay patungkol sa Relihiyon at Lipunan. Ilan sa mga ito ay
ang Ninay at A Mi Madre o Sa aking ina. Natutuhan ko rin dito na si Pascual Poblete pala ay
isang magaling na mamamahayag at siya ang tinaguriang "Ama ng Pahayagan". Ayon naman sa
ulat ni Bb. Ella Mae Dela Vega, ilan pa sa mga propagandistang ito ay sina Jose Ma. Panganiban
na kilala sa pagkakaroon ng Memoria Fotografica at taga pagambag ng lathalain ng pahayagang
propagandista. Kabilang rin rito si Isabelo De Los Reyes na may akda ng Las Islas Visayas en la
Epoca de la Conquist, si Fernando Canon at Pedro Serrano Laktaw na may mithiing magkaroon
ng demokratikong pamunuan at pagkakaroon ng kalayaan at karapatan ng bawat tao isa sa
halimbawa ng mga akda niya ay ang Dictionario Hispano Tagalog at Sobre la Lengua Tagala. Sa
kabuuan, marami akong natutunan sa paksang tinalakay ngayong araw at nakilala ko rin ng
husto ang mga tao at mga akda sa likod ng kalayaang tinatamasa natin hanggang sa
kasalukuyang panahon.

You might also like