You are on page 1of 2

Noon palang ay mapapatunayan na natin kung gaano kagiting ang pagiging

makabansa ng mga Pilipino. Hindi natin maikakaila ang pagkakaisa, katalinuhan at


katapangan ng mga magigiting nating mga bayani para lang maipagtanggol ang ating
bayan at ang mga mamamayan nito. Dahil sa kanila, natamo natin ang kalayaan,
kapayapaan at pagpapaunlad ng panitikang Pilipino. Kung hindi dahil sa mga taong
intelektwal na ito wala tayo sa kinatatayuan natin sa ngayon maaaring hanggang sa
ngayon ay nasasakop at kinokontrol pa din tayo ng ibang lahi.

Noong 1872, nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino sa taong din
ito pumasok ang diwang liberal dahil sa panunungkulan ng liberal na Gobernador Heneral
Carlos Maria dela Torre. Naganap din ang pag-aalsa sa arsenal ng Cavite, ang
pagkakabuo ng gitnang uri at sa taong ito’y nangyari ang pagkakagarote sa tatlong paring
martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora. Ang dating pagiging
relihiyoso ay naging Makabayan. Ang Repormista at Propagandista ay ang mga taong
nagkusang ibangon ang lugmok na Inang bayan. Ang mga layunin ng kilusang
Propaganda ay ang pagiging pantay ng mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas,
papanumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa kortes ng Espanya, maging
lalawigan ng Espanya, maging mga Pilipino ang mga kura paroko, Kalayaan ng mga
Pilipino sa pamamahayag, pagtitipon at pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang
karaingan. Ang La Solaridad ang opisyal na pahayagan ng Propaganda.

Si Dr. Jose P. Rizal ay gumamit ng mga sagisag at Laong Laan at Dimasalang.


Ang ilan sa mga akda ni Dr. Jose Rizal ay ang Mi Ultimo Adios ito ang tinuturi nyang obra
maestra, Noli Me Tangere na nangangahulugang “Huwag mo akong salangin” ito ay
ipinagkaloob kay Maximo Viola ang orihinal na masukristo nito, El Filibusterismo na
nangangahulugang “Ang pagsusuwail” ito ay ipinagkaloob kay Valentin Ventura ang
orihinal na masukristo nito at ang Brindisi to ay isang talumpating inihandog sa dalawang
pintor na Pilipino sa Madrid. Ang ilan pa sa kanyang nilikhang akda ay ang Awit ni Maria
Clara, Sa aking mga kabata, Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino, Kundiman at iba pa.
Si Marcelo H. Del Pilar ay itinuring “Predikador ng Masa”. Siya din ay kilala sa mga
sagisag ng Plaridel Dolores Manapat, Piping Dilat at Pudpoh. Siya ang nagtatag sa
pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang
Caliagt Cayo tio ay libritong nagtatanggol sa “Noli me Tangere” ni Dr. Jose Rizal sa
pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez, Dasalan at Tocsolan ito ay7 gumagaga sa mga
nilalaman ng aklat dasalan sa paraang mapanudyo, Ang Cadaquilaan nang Dios ay isang
sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapakilala sa matibay na
pananampalataya ni del Pilar sa Dios, Isang tula sa bayan at iba pang mga akda na
kanyan likha. Si Graciano Lopez Jaena ay isa sa manunulat noong gintong panahon ng
panitikan at pananalumpati. Siya ang nagtatag ng “La Solaridad” na naging pahayagan
ng Asociacion Hispano-Filipinos. Siya din ang nagtatag ng pahayagang “El Latigo
Nacional” o Pambansang Latigo. Ang ilan sa mga akda ni Graciano ay ang Fray Botod,
La Hija del fraile, Mga kahirapan sa Pilipinas at iba pa. si Antonio Luna ay ang heneral
ng hukbo noong panahon ng himagsikan, may sagisag na taga-ilog at siya ang kapatid
ng sikat na pintor na si Juan Luna. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang Impresiones,
Noche Buena, Lamaestra de m Pueblo, La Tertulia Pilipinas, Todo Por El Estemago at
iba pa. Si Mariano Ponce ang naglabas ng mga hinaing ng mga Pilipino at binigyang diin
ang kahalagahan ng edukasyon. Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ang mga Pilipino sa
Indo Tsina, The literature of the Propaganda movement, Mga Alamat ng Bulakan at iba
pa.si Pascual Poblete ang tinaguriang “Ama ng Pahayagan” na naging kasamahan ni
Marcelo del Pilar sa “Diariong tagalog”. Itinatatag niya ang “El Resumen” at “El Grito del
Pueblo” o Ang Tinig ng Bayan. Siya ang kauna-unahang nagsalin ng “Noli Me Tangere”
sa tagalog. Ang isa sa kanyang mga akda ay ang Mga manunulat sa Wikang Tagalog. Si
Jose Maria Panganiban ay tubong Camarines Sur na nagkaroon ng “Memoria
Fotograpia”. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang Noche de Mambulao, A Nuestro
Obispo, Lupang Tinubuan, El Pensamiento, La Universidad de Manila at iba pa. Si Pedro
Paterno ang kanuna-unahang manunulat at nakalaya sa sensura sa panitikan sa
panahon ng mga Espanyol. Ang kanyang mga akda ay mga paksang panrelihiyon at
panlipunan. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang ninay, El Cristianismo y La Antigua
Civilization Tagala, Sampaguita y Poesias Varias, A mi Madre, Los Itas at iba pa. Si
Isabelo Delos Reyes ay napabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino, Panahon
ng Propaganda, Panahon ng Himagsikan at Panahon ng Amerikano. Siya ang nagtatag
ng Iglesia Filipina Independiente. Ang ilan sa mga akda niya ay ang El Folklore Pilipino,
Las Islas Viasayas en la Epoca de la Conquista, Historia de Ilocos at iba pa. At ang
panghuli, si Pedro Serrano Laktaw ang nagtatag ng “Lohiyang Nilad”. Siya ang isa sa
pangunahing Mason na umuwi ng Pilipinas kasama ni Antonio Luna na may layuning
bumuo ng Masonarya. Ang ilan sa kanyang mga kada ay ang Diccionario – Hispano
Tagalo, Sobre La Lengua Tagala at iba pa.

You might also like