You are on page 1of 12

Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

MODYUL 4
_____________________________________________________________________

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

Sa araling ito, malalaman ng mga mag-aaral ang natatanging katangian ng panitikan


kasaysayan ng ating lahi, mga anyo ng panitikan mula patula hanggang sa tuluyan sa
panahon ng propaganda at himagsikan.

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

. Nakikilala ang ibat-ibang katangian ng panitikan sa panahon ng propaganda at


himagsikan.
. Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba sa paksa sa bawat panitikan panahon sa kasaysayan
ng pag-unlad nito.
. Nakikilala ang mga tanyag na mga bayani sa panahon propagandista at himagsikan.

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul sagutin mo muna ang mga katanungan
upang malaman mo kung ano na ang alam mo sa paksang tatalakayin dito.

Paunang Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawain ang pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag.Kung MALI, salungguhitan ang salita o mga salitang nagpamali rito at
iwasto. Isulat ang iyong sagot mula sa puwang na nakalalaan bago ang bilang.

TAMA 1.Walang pakay na maghimagsikan o maglulunsad ng karahasan ang mga


Propagandista.
MALI 2.Ang ilan sa mga layunin ng kilusan ay gawing bayan ng Espanya ang
Pilipinas.
TAMA 3.Matatalino ang angking katapangan ng mga propagandista.
MALI 4.Si Juan Luna ay kilala sa kanyang panulat na Piping Dilat.
MALI 5.Ang Fray Botod ay isinulat ni Antonio Luna.

Basahin Natin Ito

Ang maging malaya ay nasa puso ng bawa’t Pilipino. Simula nang payagan ng
Espanya ang Pilipinas na makipagkalakalan sa labas ng bansa, ang mga isipan at
damdaming liberal mula sa Europa ay pumasok sa ating bansa. Nagbukas din ang
Suez Canal noong 1896. Ang idolohiya ng mga pag-aaklas ng Amerikano at Pranses
at ang mga pananaw sa panulat nina Montesquieu, Rousseau, Voltaire, Locke at iba
pa ay nagpasigla sa hangarin ng mga Pilipino na magkamit ng kalayaan.

Iniluwal ang “middle class” o ilustrado ng panahong ito. Ang grupong ito ng
kabataan ay namulat sa mga pang-aapi’t pagsasamantala sa mga Pilipino, nakita nila
ang suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng simbahan at pamahalaan,
ang pag-aalsa ng mga manggagawang Pilipino sa arsenal ng Kabite, ang pagbitay sa
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora na unti-unting naglatag ng damdaming


makabayan.

Nagkaroon ng liberal na gobernador-heneral sa Pilipinas sa katauhan ni Carlos


Ma. Dela Torre, isang mabuting pinuno na nagpakita ng demokratikong pamamahala.
Ngunit di nagtagal ang pamumuno ni Heneral dela Torre at ipinalit sa kanya si
Gobernador Heneral Rafael de Isquierdo, isang mapagmataas at may kahigpitang
pinuno. Umusbong ang kaguluhan dahil binaligtad niya ang pamamalakad ni Dela
Torre. Nag-aklas ang manggagawa ng Kabite noong 1872 na pinamunuan ni
Lamadrid, ngunit siya’y napatay ng mga kawal na kastila. Isinangkot sa pag-aalsang
ito sina Gomburza, kaya sila pinarusahan sa pamamagitan ng garote. Maraming
Pilipino ang ipinatapon sa Hongkong, Barcelona, Singapore, Madrid at Londres, at
iba pang pook. Maraming Pilipino na humiling at naghain ng pagbabago at naging
daan sa pagkakatatag ng Kilusang Propaganda.

Ang Kilusang Propaganda

Walang pakay na
maghimagsikan o maglunsad ng
karahasan ang mga
propagandista, ni lumabag sa
batas o lumaban sa mga
kapangyarihan. Mga pagbabago
ang hinihiling nila- mga reporma
na kikilalanin ng pamahalaang
Espanya. Ang ilan sa mga
layunin ng kilusan ay ang mga
sumusunod:

● Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas;


● Gawing lalawigan ng Espansya ang Pilipinas;
● Pagkakaroon ng Pilipinong kinatawanan sa Kortes ng Espnaya;
● Pagtatalaga ng mga Pilipino bilang kura-paroko;
● Kalayaan sa pagpapahayag, pagsasalita, pagtitipon, pagpupulong at pagkakaroon
ng hustisya

Ang Mga Propagandista

Matatalino, may angking katapangan at lakas ng loob, nangagsipag-aral at may


damdaming makabayan- mga katangiang taglay ng mga propagandista. Marami sa
kanila ay nabibilang sa mariwasang pamilya o nakaaangat sa buhay. Ang kanilang
mga simulain ay naipalaganap sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang Masonarya at
La Liga Filipina. Nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat at babasahin kung saan
ang kanilang mga artikulo ay tumuligsa sa pamamahala at pagmamalabis ng mga
Kastila.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Ang mga propagandista ay kinabibilangan nina:

● Dr. Jose Rizal - manggagamot, makata, manananalaysay, dalubwika


● Marcelo H. del Pilar - abogado at mamamahayag
● Graciano Lopez Jaena - mananalumpati (orador) at kritiko
● Mariano Ponce - mag-aaral ng medisina, mananalaysay
● Antonio Luna - parmasyotiko at mananalaysay
● Juan Luna - pintor
● Felix Resurreccion Hidalgo - pintor
● Pedro Paterno - abogado at manunulat
● Jose Ma. Panganiban - tagapagsaling-wika at mananalaysay
● Jose Alejandrino - inhinyero
● Pedro Serrano Laktaw - guro at leksikograpo
● Isabelo delos Reyes - folklorista at mamamahayag
● Dr. Dominador Gomez - manggaagamot at mananalumpati

Dr. Jose Rizal

Isinilang noong Hunyo 19, 1861. Nakabasa ng alpabeto sa gulang na tatlo;


nakapagsalita sa wikang Kastila sa gulang na lima; nakasulat ng isang dula sa gulang
na walo; natutong magpinta, maglilok at magsulat ng tula sa gulang na labinlima;
nagwagi ng kanyang tulang “La Juventud Filipino” sa gulang na labingwalo;
kinilalang paham, manggagamot at siyentipiko sa Europa sa gulang na dalawampu’t
apat. Nakakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika. Nakapaglakbay siya sa
Silangan, Amerika at Europa.

Nagsimulang mag-aral ng medisina sa UST at tinapos ito sa Unibersidad ng San


Carlos sa Madrid, Espnaya. Ang kanyang “post graduate” ay kinuha sa pamantasan ng
Berlin, Leipzig at Heidelberg at naging katuwang ng mga tanyag na siyentipiko tulad
nina Wecker, Ross, Meyer, Virshow at Blumentritt. Ang kanyang mga akda ay ang
sumusunod:

● Noli Me Tangere - “Huwag Mo Akong Salingin” ang ibig sabihin nito. Inilimbag
sa Berlin noong 1887 at ipinagkaloob kay Maximo Viola ang orihinal na
manuskripto na tumulong sa kanya sa paglilimbag. Tinalakay sa nobelang ito ang
kaapihan ng Pilipinas at kabulukan ng lipunan sa pananakop ng dayuhang
Kastila. Inialay niya ang nobelang ito sa Inang Bayan.

● El Filibusterismo - karugtong ito ng Noli Me Tangere. “Ang Pagsusuwail” ang


ibig sabihin nito. Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong pari. Ang orihinal na
manuskripto ay inihandog niya kay Velentin Ventura na siyang tumulong upang
maipalimbag ang aklat na naglantad sa sakit ng lipunan, pagsupil sa karapatang-
pantao, pagmamalabis sa kapangyarihan ng pamahalaan at simbahan.

● Sobre La Indolencia de los Filipinos ( Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) -


isang malalim na pagsusuri ni Rizal sa mga dahilan kung bakit sinabi ng
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

dayuhang kastila na tamad ang mga Pilipipno. Ipinagtanggol niya ang mga
Pilipino sa paninirang-puring ito.

● Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos (Pebrero 22, 1889) - hiniling ni MArcelo


H. del Pilar na sulatan ni Rizal ang mga kabataan na babae sa Malolos upang
pasiglahin pang lalo ang nag-aalab na damdamin ng mga babaing taga Malolos
para sa kanilang paninindigan at pagnanais na matuto. Binati at itinagubilin ni
Rizal ang pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, pagtitimbang sa pananampalataya,
paggalang sa sarili at kapwa, paalala sa gampanin ng isang kabiyak at ina ng
tahanan.

● El Consejo delos Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala, 1880) - isang dulang
nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

● Brindis - isang talumpating inihandog niya sa dalawang pintor na nagkamit ng


gantimpala sa Madrid, sina Juan Luna para sa kanyang ipinintang “Spolarium” at
Felix Resurreccion Hidalgo para sa kanyang “Mga Dalagang Kristiyanong
Itinambad sa Nagkakagulong Mga Tao”.

● Mi Piden Versos - nang dumating si Rizal sa Espanya, sumapi siya sa Circulo


Hispano - Filipino (isang samahan ng Kastila at Pilipino). Di niya naitago ang
kanyang kalungkutan sa mga taludtod ng kanyang tula.

● Kundiman - isa itong tula na sinulat ni Rizal sa wikang Tagalog na nagpapahayag


na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo.

● Sa Aking Mga Kababata - isinulat ni Rizal ang tulang ito para sa kanyang mga
kababata noong siya’y walong taong gulang pa lamang.

● A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) - malaki ang paniniwala ni Rizal


na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Isinaad dito ang katangian ng mga
kabataan para sa pag-unlad ng bayang tinubuan. Sinulat niya ito noong 1879
habang nag-aaral sa UST. Nagkamit ito ng gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng
tula.

● Filipinos Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon) - isang
sanaysay na nagpapahiwatig na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan, samantalang ang impuwensiya ng Estados Unidos ay
nararamdaman. Ang hula ni Rizal: kung may bansang sasakop uli sa Pilipinas,
yon ay ang Estados Unidos.

● Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) - isinulat niya ito noong siya’y labing-apat na
taong gulang pa lamang.

● Notas a la Obra Sucesos de las Filipinas por el Dr. Antonio de Marga (1889) -
ito’y mga tula mula sa akdang “Mga Pangyayari sa Pilipinos” ni Dr. Antonio de
Morga.

● P. Jacinto: Memorias de un Estudiantes de Manila (1882) - akda ni Rizal hinggil


sa mga gunita ng isang mag-aaral sa Maynila.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

● Mi Ultimo Adios (Huling Paalam o Pahimakas) - isinalin sa iba’t ibang wika sa


Pilipinas maging sa iba’t ibang lenggwahe sa mundo. Si Andres Bonifacio ang
kauna-unahang nagsalin ng tulang ito.

Marcelo H. del Pilar

Siya si Piping Dilat, Plaridel, Dolores Manapat, Pupdoh sa kanyang mga panulat.
Ayon kay Heneral Blanco, siya ang lalong kinatakutang politikong Pilipino, ang
lalong matalino sa lahat, ang tunay na tinig ng mga separatista na higit pa kay Rizal.
Ang kanyang mga akda ay diretsong tumuligsa sa kaapihan ng bayan - walang takot,
walang pangingilag, tapat, tahas at di mapagkakamalian.

Pinamatnugutan niya ang Diariong Tagalog a kanyang itinatag at hinalinhan niya


sa pagka-patnugot ng La Solidaridad ni Graciano Lopez Jaena. Dahil sa pag-uusig sa
kanya, siya ay tumungo sa Espanya noong 1888.

Ang kanyang mga kinikilalang mga akda:

● Caingat Cayo - isang akdang nangangantiyaw sa ginawang pagbaba ni Padre Jose


Rodriguez sa pagbabasa ng Noli Me Tangere. Sinabi ni Padre Rodriguez na ang
pagbabasa ng Noli ay isang katampalasan sa pangalan ng Diyos at ng Santa
Iglesia. Makagagawa raw ng kasalanang mortal at hindi raw patatawarin ng
Diyos. Ayon pa rin sa kanya, ang sumulat ng nobelang ito’y baliw, isang taong
walang bait sa sarili at isang mangmang. Nasaktan marahil si Padre Rodriguez sa
ilang bahagi ng Noli na tumuligsa sa ginagawa ng mga prayle na pangangalakal
gamit ang salita ng Diyos.

● Kalayaan - binigyang-diin dito ni Marcelo H. del Pilar ang tunay na kahulugan ng


kalayaan. Itinagubilin din niya ang kanyang huling habilin sa mamamayang
Pilipino. Di niya natapos ang nobelang ito dahil siya ay pumanaw.
● “La Frailocracia sa Filipinas” at “La Soberaña Monaccal en Filipinos” - mga
sanaysay ito na nagpapakita ng dinaranas na kaapihan, mga katiwalaan at di-
makatwirang pamamalakad ng pamahalaang kastila sa mga Pilipino.

● Dupluhan … Dalit … Mga Bugtong 1907) - ito’y kalipunan ng mga


maiigsing tugma at tula ni Marcelo H. del Pilar na inilathala ni Cagingin sa
akdang “Life of Marcelo H. del Pilar”.

● Dasalan at Tocsohan - tinuturing na pinakamabangis na akda ni Marcelo H.


del Pilar na gumigising sa damdamin ng Pilipino. Tinuligsa niya ang mga
aklat-dasalan, kaya tinawag na Filibustero si Marcelo H. del Pilar.

● Isang Tula sa Bayan - tulang inihandog niya sa bayan.

● Paciong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa

● Ang Cadaquilaan ng Dios - isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at


nagpapaliwanag ng kanyang sariling pagkakilala sa kadakilaan ng Diyos.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

● Sagot ng España sa Hibik ng Pilipinas (1889) - binubuo ito ng 82 taludtod.


Naglalaman ng kasagutan ni M. H. del Pilar sa “Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya” na sinulat ng kanyang guro na si Hermenigildo Flores. Sinabi
niyang di na makapagkakaloob ng tulong ang Inang Espanya dahil sa
kapabayaan na rin ng mga Pilipino.

Graciano Lopez Jaena

Isang matapang na mamamahayag si Lopez Jaena. Siya ang unang naging


patnugot ng La Solidaridad. Ang “Fray Botod” ang kinikilalang pinakamahusay
niyang isinulat na tumuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ang
inig sabihin ng “botod” ay malaking tiyan na napatutungkol sa mga prayle. Nagsulat
din siya sa mga pahayagang Los Dos Mundos, Circulo Hispano Filipino, El Parvenie,
España en Filipinas. Maapoy, walang takot, dakila ang kanyang panulat, kaispa’y
nakapagpapaigtad sa bayan at nakapupukaw ng kasiglahan sa mga mamamayang
Pilipino, ang umaagos sa kanyang mga labi ay parang lava mula sa bunganga ng
bulkan. Nakasulat ng sandaang talumpati. Kabilang sa asosasyong Hispano-Filipino.
Nagtungo sa Barcelona upang makaiwas sa pag-uusig ng mga prayle. Sa mga liblib na
pook, nasaksihanniya ang mga pang-aapi ng pamahalaang Kastila at simbahan sa mga
Pilipino. Dito niya ipinunla ang pagtatamo ng ganap na kalayaan sa isipan ng mga
Pilipino. Namatay siya noong Enero 20, 1896.

Mga akda ni Graciano Lopez Jaena

● La Hija del Fraile (Ang Anak ng Prayle) - inilantad niya rito ang pang-uuyam sa
mga kayabangan at kahalayang ginagawa ng mga prayle. Inilahad niya ang
magiging kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipino kung mapakasal sa isang
Kastila.

● Ang Lahat ay Pandaraya - lathalain ito hinggil sa isang mayamang Pilipina na


ipinagmamalaki ang kanyang pagiging kondesa kapag napaksal sa isang konde na
buhat sa maharlikang pamilya at lahing kastila, ngunit ang ama pala nito ay isang
sapatero at nakatira lamang sa isang abang lugar sa isang distrito ng Madrid.

● Sa Mga Pilipino (1891) - isang talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan


ng Pilipino sa pagiging maunlad, malaya, nagtatanggol at nagtatamasa ang
kanilang karapatan.

● Mga Kahirapan sa Pilipinas - tumutuligsa ang akdang ito sa maling pamamalakad


ng pamahalaang Espanya at maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

● En Honor del Presidente dela Assosacion Hispano - Filipino - pinapurihan ni


Jaena si Heneral Morayta sa pantay-pantay na pamamalakad niya.

● En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas) - talumpating nagbibigay-


pugay sa tatlong Pilipinong nagwagu sa Eksposisyon sa Paris noong Mayo 6,
1889 - sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo (mga pintor) at Joaquin
Pardo de Tavera (iskultor).
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

● Fray Botod - isang nobelang naglalarawan hinggil sa isang prayleng payat na


payat nang dumating sa Pilipinas at pagkaraa’y naging mukhang tao. Tinuligsa
niya ang mga kaasalang di kanais-nais ng mga prayle. Ang mga bisyo, pagsingil
ng mahal sa pagpapalibing at pagpapatubo ng malaki sa mga utang at iba pang
gawaing mahahalay ay inilarawan niya rito.

Inilarawan niya si Fray Botod na magaslaw, nag-aanyong mapagkumbaba


ngunit pagkaraan ng ilang taong pagkain ng saging, papaya ay naging kura-
paroko sa bayan nila at naging mapagmalaki na at mayaman. Malaking tao na
siya at di kapani-paniwala. Siya’ y pandak, may bilugang mukha na parang
buwan, bilog ang pisngi, makapal na labi, maliit ang mata, mapula ang ilong at
dahil malaki ang butas ay madaling makaamoy, mamula-mula ang buhok, bilugan
ang ulo tulad ng bao ng niyog, kunot ang noo at matalas tumingin, malaki ang
tiyan na nakausli, at maikli ang leeg.

Si Fray Botod at matakaw, mahilig sa magagarang regalo, nagpapahiram ng


pera, mahilig sa babae, isang patabaing baboy - kumakain, umiinom, natutulog at
walang iniisip kundi ang sarili.

Antonio Luna

Ginagamit niya ang sagisag-panulat na Taga-ilog. Dinakip siya at ipinatapon sa


Espanya. Sumanib sa Propaganda at nag-ambag sa La Solidaridad. Ang kanyang mga
akda ay tumatalakay sa kaugaliang Pilipino at tumuligsa sa mga kastila. Ipinatapon sa
Espanya nang magsimula ang rebolusyon. Isang parmasyotiko na produkto ng
Ateneo. May kahusayang pangmilitar at pangpamamahayag. Nang bumalik siya sa
Pilipinas, sumapi siya sa Himagsikan at naging Heneral. Naatasan siya ni Heneral
Emilio Aguinaldo na maging Kalihim Pandigma ng Republika ng Malolos.

Sa digmaang Pilipino’t Amerikano noong Hulyo 7, 1899, nabaril siya diumano sa


isang labanan sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang sumusunod:

● Noche Buena - naglalarawan ito ng aktwal na buhay ng Pilipino. “La Tertulla


Filipina” (Ang Piging ng Pilipino) - nagsasaad ito ng kabigtan at kabutihan ng
kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.

● La Maestra de Mi Pueblo - namintas ito sa sistema ng edukasyon para sa


kababaihan.

● Todo Por El Estomago - tumuligsa ito sa patakaran ng pagbubuwis

● Impresiones - inilarawan dito ang kahirapang naranasan ng isang mag-anak nang


maulila sa amang kawal.

● La Tertulia Filipina (Ang Piging na Pilipino) - inilalarawan dito ang ilang


kaugaliang Pilipino na sa palagay ni Luna ay mas mabuti sa kaugaliang Kastila.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

● Se Divierten (Naglilibang Sila) - isa itong pagpuna sa sayaw ng Espanya na


parang di mahulugang sinulid ang nagsasayaw dahil sa labis na pagdikit ng mga
katawan ng mananayaw. Sinabi niyang magaganda ang mga Española subalit
sila’y haluang anghel at demonyo.

● Por Madrid - isang pagtuligsa ito sa mga kastilang nagsabing ang Pilipinas ay
isang lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng
selyo.

Dr. Pedro Peterno

Dramaturgo, iskolar, nobelista at mananaliksik si Dr. Paterno. Sumapi siya sa


kapatiran ng mga Mason at Assosacion Hispano - Pilipino upang itaguyod ang
layunin ng mga repormista.

Ang kanyang mga sinulat:

● A Mi Madre (Sa Aking Ina) - nagpapahayag ng kalungkutan kung wala ang ina.

● Ninay - kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng


isang Pilipino.

● El Cristianismo y la Antigua Civilization Tagala - nagsasaad ng impluwensiya ng


Kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga tagalog bagamat sinabi rin
niyang marami pa ring kaugaliang Pilipino ang hindi nababago ng Kristiyanismo.

● La Civilizacion Tagala, El Alma Filipino at Los Itas - ito’y mga pananaliksik


tungkol sa katutubong kultura ng Pilipino.

● Sampaguita y Poesias Varias - ito ang koleksyon ng kanyang mga tula.

Pascual Poblete

Kilala siya bilang “Ama ng Pahayagan”. Nagtatag siya at naging patnugot ng


pahayagang El Resumen. Ipinatapon siya sa Africa dahil sa panunuligsa niya sa mga
ginagawang pang-aapi at katiwalian ng pamahalaang Kastila. Nang magbalik siya sa
Pilipinas noong dumating ang mga Amerikano, itinatag niya ang mga pahayagang El
Grito del Pueblo at Ang Tinig ng Bayan. Siya ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog
ng Noli Me Tangere.

Ang ilan sa kanyang mga akda at mga sinalin ay:

● “Ang Conde ni Monte Cristo” (salin mula kay Alexander Dumas)


● “Buhay ni San Isidro Labrador” (salin mula kay Francisco Butina)
● “Lucrecia Triciptino”
● “Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan Soldado”
● “Mga Manunulat sa Wikang Tagalog”
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Mariano Ponce

Tikbalang, Nanding at Kalipulako ang kanyang mga panulat-sagisag. Katuwang


siya nina Rizal, Del Pilar at Lopez Jaena. Naging tagapamahalang patnugot,
manunulat at mananaliksik sa Kilusang Propaganda. Gamit niya ang wikang Kastila,
Ingles at Tagalog sa kanyang pagsulat. Namatay siya noong 1918.

Mga akda ni Mariano Ponce:

● Mga Alamat ng Bulakan - kalipunan ng mga alamat at kuwentong bayan ng


Bulacan.
● Pagpugot kat Longino - isang dulang nahihinggil kay Longino.
● Sobre Filipinos
● Ang Mga Pilipino sa Indo Tsina
● Historical Study of the Philippines
● Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda

Pedro Serrano Laktaw

Isa sa pangunahing mason na nakasama ni Antonio Luna na umuwi sa Pilipinas


upang itatag ang Masonarya. Itinatag niya ang Lohiyang “Nilad”. Unang sumulat ng
Diccionario Hispano - Tagalog na nalathala noong 1889. Naging batayan ni Lope K.
Santos sa kanyang pagsulat ng Balarila ng Wikang Tagalog ang Estudios
Gramaticales at Sobre La Lengua Tagala ni Laktaw.

Jose Ma. Panganiban

Jomapa ang kanyang sagisag-panulat. Nakilala siya sa pagkakaroon ng Memoria


Fotograpica. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa San Juan de Letran at nag-aral
ng Medisina sa UST.

Ang kanyang tula ay:

● A Nuestro Obispo
● Noche de Mambulao
● Ang Lupang Tinubuan
● Sa Aking Buhay

Ang kanyang mga sanaysay:

● El Pensamiento
● La Universidad de Manila
● Su Plan de Estudio
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Isabelo Delos Reyes

Itinatag niya ang Iglesia Filipina Independiente. Nagtamo siya ng gantimpala sa


exposisyon sa Madrid sa kanyang akdang “El Folklore Filipino”. Napalibang siya sa
tatlong panahon ng Panitikang Pilipino: Panahon ng Propaganda, Himagsikan at
Amerikano. Ang kanyang mga akda ay ang mga sumusunod:

● “Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista”


● “Historia de Ilocos”
● “La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipino”
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

Pangalan: Kristine T. Abreo Petsa: December 11, 2020


Taon &Pangkat: BEED 4A Iskor: ______________

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan


Gawain 4-A
Talakayin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kadalasang paksa ng akdang pampanitikan sa panahon proganda at


himagsikan?

Ang kadalasang paksa ng akdang pampanitikan sa panahon ng propaganda at


himagsikan kung saan humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng
simbahan at pamahalaan, diwang makabayan at pag-asam o pagnanais ng kalayaan.

2. Ano ang katangian ng panitikan sa panahon ng propaganda’t himagsikan?

Ang katangian ng panitikn sa panahon ng propaganda at himagsikan ay


matatalino, may angking katapangan at lakas ng loob, nangagsipag-aral at may
damdaming makabayan. Handang ipaglaban ang kalayaan para sa mga kababayang
Pilipino.

Pangalan: Kristine T. Abreo Petsa: December 11, 2020


Taon &Pangkat: BEED 4A Iskor: ______________

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Gawain 4-B

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

SA AKING MGA KABABATA 1. Isinulat ni Rizal ang tulang ito para sa kanyang
mga kababata.

NOLI ME TANGERE 2.Tinalakay sa nobelang ito ang kaapihan ng Pilipinas sa mga


dayuhang Kastila.
Page PAGE \* MERGEFORMAT 1

PASCUAL POBLETE 3.Kilala siya bilang “Ama ng Pahayagan”.

ANTONIO LUNA 4.Ginamit niya ang sagisag- panulat na “Taga-ilog”.

FRAY BOTOD 5.Isang nobelang naglalarawan sa isang prayle na payat na payat


nang
dumating sa Pilipinas at pagkaraan ay naging mukhang tao
.
La Hija del Fraile (Ang Anak ng Prayle) 6.Ang nobelang naglalantad ng pag-
uuyam sa mga kayabangan at kalahayang ginagawa ng mga prayle.

JOSE MARIA PANGANIBAN 7. Siya ay kilala bilang Jomapo sa kanyang sagisag-


panulat.

II. Ipaliwanag:

Bakit napabilang sa middle class or ilustrado ang mga miyembro ng propagandista?

Napabilang sa middle class o ilustrado ang mga miyembro ng propagandista ay


mga may pinag-aralan o edukadong Filipino.  Sila ay tinawag na ilustrado sapagkat
sila ang mga taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan ukol sa mga ideya ng
liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa.  Nakaaangat sa lipunan ang mga
ilustradong Filipino noong panahon ng mga Kastila.   Sila ang mga naghangad ng mas
makataong pamamalakad sa politika at ekonomya ng Pilipinas.

You might also like