You are on page 1of 17

1

C-FIL 2 : PAGPAPAHALAGANG
PAMPANITIKAN

MODYUL 1: Ang Panitikang


Filipino

Ni

G. ARNULFO B. MENDIOLA

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


2

Modyul para sa Mag-aaral


C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan

Karapatang-ari 2020
Arnulfo B. Mendiola

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN

Sarili ang lahat ng karapatan sa modyul na ito. Anomang bahagi


ay hindi maaaring kopyahin ninuman sa anumang paraan ng
paglilimbag nang walang pahintulot ang mga kinauukulan. Lahat
ng pagsusumikap ay isinagawa upang masegurong ang modyul
na ito ay sumunod sa pangangailangan ng karapatang-sipi at
kridito.
Handa ang may-akda na ipasok lahat ng mga pagwawasto
na maaaring umusbong pagkatapos ng pagsusuri at pagbibigay-
puna sa nilalaman nito.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


3

PANIMULA
Isang mainit na pagtanggap para sa modyul ng Pagpapahalagang Pampanitikan! Ikaw
ay makikibahagi sa serye ng mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,
mapahalagahan at masuri ang iba’t ibang anyo ng panitikang pag-aaralan.
DESKRIPSIYON NG KURSO
Ang kursong ito ay tumatalakay sa pag-aaral ng mga prinsipyo ng pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan, teoryang pangkritisismo, mga hakbang at pamantayan sa
pagpapahalaga na makatutulong tungo sa malalim na pang-unawa at pagbibigay-halaga sa
isang obra ng mga manunulat sa Filipino.
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Pagkatapos ng kurso ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang mga kontekstong pagpapakahulugan sa panitikan.
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng bawat teoryang pampanitikan na ginagamit sa pagsusuri
ng mga akda.
3. Nailalapat ang wastong hakbang sa pag-aanalisa at pagpapahalaga sa bawat “literary
genre”.
4. Nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan na gabay ang pamamaraan sa pagpapahayag
na nasa huwarang teksto.
5. Nakapagpapahayag ng interes, at magamit sa makabuluhang pagtatanghal ang iba’t ibang
anyo ng panitikan.

PAANO BA GAMITIN ANG MODYUL NA ITO


Upang maging matagumpay ang pag-aaral sa mga aralin, sundin mo ang gabay sa
paggamit ng modyul na ito.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Mahalaga ito upang mapagtanto mo ang antas ng iyong
kaalaman at kasanayan upang maisakatuparan ang
modyul. Magbibigay ito ng ideya sa iyong kahandaan
Balikan na isagawa ang bagong aralin o gagabay sa iyo sa
pagbabalik-aral sa kakailanganing kaalaman at
(Self- Assessment) kasanayan. Susukatin mo ang iyong kahandaan gamit
ang 5 iskala gaya ng sumusunod:
5- Lubhang Napakahusay
4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Katamtaman
1- Hindi mahusay
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo
Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


4

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa.
Gamit ang Messenger Group Chat, lahat ng mga
katanungan at paglilinaw kaugnay sa aralin ay
Online Group Chat sasagutin ng guro.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

Talasanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


(Bibliography) paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
7. Group Chat. Pwede lamang mag-post ng mga tanong, solusyon, at komento. Paalala lamang
na ang group chat ay eksklusibo lamang para sa talakayan ng paksang kaugnay sa kurso.
Inaasahang ang lahat ay aktibong makikilahok.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong sa iba na may kaalaman sa paksa. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!
Kapaligiran sa Pag-aaral. Bago mo simulan ang pagsagot sa modyul na ito, siguraduhing
komportable ka at walang nakasasagabal. Magkaroon din ng positibong pananaw sa pag-aaral
upang magampanan at maisakatuparan mo ang mga gawaing inihain ng modyul.
Paraan ng Paghahatid (Mode of Delivery). Ang mga estudyanteng walang access sa internet
ay kinakailangang kumuha ng kopya ng nakaimprintang modyul samantalang ang mga may
access sa internet ay maaaring kumuha na lamang sa EVSU LMS. Dulot ng pandemyang
kinakaharap natin ngayon, maaaring walang harapang klase na magaganap sa semester na ito.
Kaya sabay-sabay na ihahatid ang mga aralin sa mga estudyante. Ang tagumpay nito ay
nakasalalay sa pansariling motibasyon at disiplina upang matapos ang gawaing nakaatang sa
kabila ng kawalan ng gurong gagabay sa iyo sa lahat ng pagkakataon.
Iskedyul ng Pag-aaral. Dapat isaisip na marami ka pang asignaturang kailangang harapin
kaya karapat-dapat na marunong kang mangasiwa sa iyong oras upang matutukan mong lahat
ng ito. Sundin lamang ang Plano ng Pagkatuto na ibinigay para sa bawat asignatura upang
magawa mo ang lahat ng mga gawain. Huwag mag-aksaya ng oras. Isipin mong ang
naaksayang oras ay hindi na maibabalik pa. Dapat mong tandaan na kahit nasa bahay ka
lamang ay isa ka pa ring estudyante na nakaenrol sa isang programa, kung saan ang iyong

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


5

pagkatuto ay nakadepende sa iyong pagnanais na matuto. Lahat naman ng kinakailangan


mong kagamitan ay nasa kamay mo na.
Rubriks. Ito ay kasangkapan upang gabayan ka sa iyong gawain. Sa pamamagitan nito,
malalaman mo ang mga tiyak na batayan sa pagsasagawa ng tunguhin. Dito matataya ang
iyong konstruktibong pag-uugali tungo sa aplikasyon ng natutunan. Ikaw ay mamarkahan ayon
sa 5 na puntos na iskala.
5- Lubhang Napakahusay
4− Napakahusay
3− Mahusay
2− Katamtaman
1− Hindi Mahusay

Repleksyon (Ibahagi ang iyong iniisip). Ang pagsusulat ng iyong repleksyon ay magsisil-bing
daan upang maipahayag mo ang iyong karanasan ng pagkatuto gamit ang modyul na ito. Sa
iyong matapat na pagkakaalala, isulat ang lahat ng iniisip mong nangyari sa iyo habang
isinasagawa ang karanasan sa pagkatuto. Gamitin ang mga gabay na tanong sa ibaba:
Unang talata. Paano ba ang iyong karanasan sa pagkatuto?
Maaaring ilarawan ang epekto ng mga bahagi ng modyul (pagkakaayos, talakayan, halimbawa,
pagsasanay, gawaing online, pagtataya) sa iyong karanasan sa pagkatuto. Maaari mong
tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat bahagi upang magamit sa pagpapaunlad ng
kagamitang instruksyonal na ito.
Pangalawang talata. Ano ang iyong natutuhan? Matagumpay mo bang nakamtan ang
inaasahang pagkatuto?
Pangatlong talata. Paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa hinaharap?

Pangangailangan ng Kurso:
1. Nilikom na mga Pagsasanay at Pagtataya
2. Lagumang Pagsusulit
3. Portfolio

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


6

Kabanata Pagkilala sa Diwa ng Panitikan


1

MODYUL 1 Ang Panitikang Filipino

Alamin
Ang modyul na ito ay tatalakay sa mahahalagang impormasyon kaugnay sa panitikang
Filipino kagaya ng kahulugan, uri, anyo, kahalagahan at iba pa.
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga
sa panitikan at matatamo ang sumusunod na mga layunin:
1. Natutukoy ang dalawang anyo ng tula.
2. Nakikilala ang mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa buong
daigdig.
3. Naibibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa mga linya o taludtod ng tula.
4. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan.

Subukin

PAUNANG PAGTATAYA

Bago tayo tumungo sa ating talakayan tungkol sa Ang Panitikang Filipino, magkakaroon muna
tayo ng paunang pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa paksang
tatalakayin.

Panuto: Subukin mong sagutin ang sumusunod na mga tanong hango sa tatalakaying aralin.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay mga ugaling panlipunan at mga simulaing pampulitika at pamahalaang nagdadala ng
kahilingan at g napapasama sa panitikan ng isang bansa.
a. klima c. gawaing pang-araw-araw
b. kinatitirahan d. lipunan at pulitika
2. Tumutukoy sa tayog, lalim at lawak ng isang panitikan ay nakukuha rin sa pananampalata-
yang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at kalinangang naituturo ng pilosopiya ng edukasyon
ng bansa.
a. relihiyon at edukasyon c. gawaing pang-araw-araw
b. lipunan at pulitika d. kinatitirahan
3. Ito ay anyo ng tula na masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod,
may sukat at tugma o malayang taludturan.
a. patula b. tuluyan c. pasalaysay d. kuwento
4. Uri ng tula na matatawag na tula ng puso dahil nagsasaad ito ng marubdob na karanasan,
guniguni, o damdamin ng may-akda.
a. tulang liriko b. tulang patnigan c. tulang pandulaan d. sarsuwela
5. Tulang liriko na ang paksa ay ang alaala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o
panangis.
a. dalit b. soneto c. elehiya d. oda

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


7

6. Tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.


a. dalit b. soneto c. elehiya d. oda
7. Ito ay isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang
patula.
a. karagatan b. duplo c. ensileda d. balagtasan
8. Ito ay paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng
namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa naulila nito.
a. karagatan b. duplo c. ensileda d. balagtasan
9. Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. dula d. talambuhay
10. Uri ng sanaysay na seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa
katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na
mga salita at mabisang pangungusap.
a. pormal o maanyo b. impormal o personal c. maikli d. mahaba
11. Ito ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan ng
mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa
isang tanghalan.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. dula d. talambuhay
12. Paraan ng pagpapahayag na nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba
pa.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalayasay d. Pangangatwiran
13. Akdang pampanitikan na nakaimpluwensiya sa buong daigdig na sinulat ni Homer, na
kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o palaalamatan ng Gresya.
a. Banal na Kasulatan b. Koran c. Iliad at Odyssey d. Mahabharata
14. Akda ni Dante ng Italya na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad, at
pag-uugali ng panahong kinauukulan.
a. Divina Commedia c. Awit ni Rolando
b. El Cid Campeador d. Aklat ng mga Araw
15. Ang SANLIBO’T ISANG GABI ng Arabia at Persya, na nagsasaad ng mga ugaliing
pampama-
halaan, panlipunan, pangkabuhayan, at panrelihiyon ng mga silanganin.
a. Aklat ng mga Patay c. Canterbury Tales
b. Sanlibo’t Isang Gabi d. Uncle Tom’s Cabin

Balikan
Gawain 1: Kaalaman ko, Tutuklasin ko

Self-Assessment (Handa Ka Na Ba?)

Sa ibaba ay talaan ng kaalaman na maaaring natalakay na sa mga nagdaang kurso sa Filipino.


Lagyan ng tsek ang kahon kaugnay sa iyong pagsang-ayon sa mga pahayag gamit ang
sumusunod na iskala.

5- Lubhang Napakahusay 4- Napakahusay 3 – Mahusay


2- Katamtaman 1- Hindi mahusay

Mga Pahayag 5 4 3 2 1
1. Nalalaman ko ang kahulugan ng panitikan.

2. Nakikilala ko ang mga uri ng panitikan.

3. Naipaliliwanag ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng


panitikan.
4. Natutukoy ko ang mga paraan at hangarin ng panitikan.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


8

5. Nalalaman ko ang mga kalagayang nakapangyayari sa


panitikan.
6. Nakikilala ko ang mga uri ng tula:
-tulang liriko o tula ng damdamin
-tulang patnigan
-tulang pandulaan
7. Nakikilala ko ang mga uri ng tuluyan:
-Maikling kuwento
-Sanaysay
-Talambuhay
-Dula
8. Natutukoy ko ang mga akdang pampanitikang nagdala ng
malaking nakaimpluwensiya sa buong daigdig.
Iba pa, pakisulat: _________________________________

Tuklasin

Narito ang isang tula mula kay Andres Bonifacio. Basahin at unawain mo ito nang mabuti upang
matuklasan ang mensaheng nais ipahiwatig ng akda. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
kaugnay dito.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


Tula ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
sa pagkadalisay at pagkadakila siya’y ina’t tangi na kinamulatan
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? ng kawili-wiling liwanag ng araw
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. na nagbibigay init sa lunong katawan.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap


at isa-isahing talastasing pilit ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
ang salita’t buhay na limbag at titik sa inis na puso na sisinghap-singhap,
ng isang katauhan ito’y namamasid. sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
sa tapat na puso ng sino’t alinman, ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
imbit taong gubat, maralita’t mangmang mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
nagiging dakila at iginagalang. hanggang sa katawan ay mapasa-
libingan.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat, Ang nangakaraang panahon ng aliw,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat, ang inaasahang araw na darating
kalakhan din nila’y isinisiwalat. ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, At ang balang kahoy at ang balang sanga
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, na parang niya’t gubat na kaaya-aya
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog
na sa lalong mahal kapangyayari bukal sa batisang nagkalat sa bundok
at ginugugulan ng buhay na iwi. malambot na huni ng matuling agos
na nakaka aliw sa pusong may lungkot.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


9

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Mangyari kayang ito’y masulyap


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay ng mga Tagalog at hindi lumingap
walang ala-ala’t inaasam-asam sa naghihingalong Inang nasa yapak
kundi ang makita’ng lupang tinubuan. ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,


wari ay masarap kung dahil sa Bayan nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
at lalong maghirap. O! himalang bagay, bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. at natitilihang ito’y mapanuod.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
at siya ay dapat na ipagtangkilik sa pag-asang lubos na kaginhawahan
ang anak, asawa, magulang, kapatid at walang tinamo kundi kapaitan,
isang tawag niya’y tatalikdang pilit. kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Datapwa kung bayan ano ang bayan Kayong antayan na sa kapapasakit


ng ka-Tagalogan ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
ay nilalapastangan at niyuyurakan muling pabalungit tunay na pag-ibig
katwiran, puri niya’t kamahalan kusang ibulalas sa bayang piniit.
ng sama ng lilong ibang bayan.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Di gaano kaya ang paghinagpis kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng pusong Tagalog sa puring nalait ng bala-balakit makapal na hirap
at aling kaluoban na lalong tahimik muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Kayong mga pusong kusang inuusal
Saan magbubuhat ang paghihinay ng daya at bagsik ng ganid na asal,
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay ngayon magbangon’t baya’y itanghal
kung wala ring ibang kasasadlakan agawin sa kuko ng mga sukaban.
kundi ang lugami sa kaalipinan? Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
Kung ang pagka-baon niya’t pagka- ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
busabos sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
at luha na lamang ang pinaa-agos hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
Gawain 2: Pag-unawa sa Akda kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay ito’y kapalaran at tunay na langit.
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.

Gawain 2: Pag-unawa sa Akda

Panuto: Sagutin ang mga tanong hango sa binasang tula.


1. Ano ang diwang ipinapahayag sa mga taludtod ng tula?

A. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

B. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbi’t taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

C. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


10

walang alaala’t inaasam-asam


kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

D. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,


nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

E. Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.

2. Ano ang isinasaad ng tula?


3. Bakit kaya nilikha ni Andres Bonifacio ang tulang ito?
4. Paano dapat na magmahal ang isang Pilipino sa kanyang bayan?
5. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito upang manumbalik ang pagmamahal sa
bayan ng mga Pilipino sa kasalukuyan? Bakit?
6. Ilahad kung paano ka naapektuhan ng tulang binasa?
7. Sa iyong opinyon, mahalaga pa bang pag-aralan ng bagong henerasyon ang mga
sinaunang akda o panitikan? Pangatwiranan.

Mahusay! Napagtagumpayan mong sagutin ang mga tanong sa tulang inilahad. Ang tula
ay isa sa mga anyo ng ating panitikang Filipino na dapat nating ipagmalaki sa buong mundo.
Ngayon ay basahin mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating Panitikang
Filipino.

Suriin

BASAHIN AT MATUTO

ANO ANG PANITIKANG FILIPINO?

Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang
kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang-ugat na titik o
letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito
nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay
literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino
tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng
lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na
nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago sa kabuhayan
ng isang bansa ay nakaiimpluwensiya sa panitikan nito.
Anumang babasahing nilimbag sa isang magasin, polyeto, o aklat ay itinuturing na
panitikan. Sa larangan ng magandang panitik, ang salitang panitikan ay may iba at tanging
kahulugan, at dito masusumpungan ang tunay na idinidiwa ng salitang ito. Hindi lamang ito
nangangahulugan ng kahit na anong nasusulat sa isang magasin o aklat. Ang tunay na
panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang makasining.
Ito ay isang maayos na pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na
paraan ng pagpapahayag. Ang panitikan, ayon kay Long (1917), ay nasusulat na tala ng
pinakamabubuting kaisipan at damdamin ng tao. Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro (1949),
ang panitikan ay katuturang bungang-isip na isinatitik.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


11

MGA URI NG PANITIKAN


Sa mga kahulugang nabanggit, inuuri ng mga manunulat ang panitikan sa tatlo:
1. Panggawaing Panitikan
Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo’t
ganitong uri ng Gawain at karunungan.
2. Masining na Panitikan
Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan.
Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin:
a. pukawin ang guniguni’t gisingin ang damdamin; at
b. magturo o maghikayat
3. Malikhaing Panitikan
Ang layunin ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin an gating guniguni at
damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito ay binansagang gayon
sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang-kulay
ng isang maalab na damdamin at muling hinubog ng guniguni ng kumatha.
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain
ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng
panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y gisingin sa
ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at
maghandog sa mambabasa.
d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakang
nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.
Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang ito’y
nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon, gaya rin naman na ang mga pintura ay
nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag, at anino. Subalit ang mga
salitang nilimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang matatag na kaisipan, ang marahas na
damdamin ng puso, ang pag-ibig, ang kalungkutan, lumbay, galak, pakikiramay, paghihiganti,
paninibugho, at ang matatamis at masasaklap na karanasan ng kaluluwa… ang lahat ng ito ay
natititik sa panitikan ng isang bansa.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL


NG ATING SARILING PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
-upang makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip, at
ang henyo ng ating lahi na iba kaysa ibang lahi.

2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.


-upang matalos na, katulad ng ibang lahi, tayo ay mayroon ding dakila at
marangal na tradisyong ginagamit na puhunang-salalayan sa panghihiram ng mga bagong
kalinangan at kabihasnan.

3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.


-upang makilala ang ating mga kagalingang pampanitikan at lalong madalisay,
mapayabong, at mapaningning ang mga kagalingang ito.

4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong


mapayabong.
-upang matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang
mailagan at mapawi ang mga ito.

5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


12

-ito’y higit sa lahat at sa ibabaw ng lahat, - sapagkat tayo’y mga Pilipino at dapat
maging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang
Filipino.

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN


Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ginagamit ayon
sa hinihingi ng hangarin:
1. Paglalahad – kung nais magpaliwanag.
2. Paglalarawan – kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba pa.
3. Pagsasalayasay – kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
4. Pangangatwiran – kung nais magpaniwala, manghikayat, o magpaganap.

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN


1. Klima – may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.
2. Gawaing Pang-araw-araw – ang hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang tao ay
nagpapasok ng mga salita at kakanyahan ng pagkukuro sa wika at panitikan ng isang
lahi o bansa.
3. Kinatitirahan – ang kinatitirahang pook ng isang lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
4. Lipunan at Pulitika – mga ugaling panlipunan at mga simulating pampulitika at
pamahalaang nagdadala ng kahilingan at g napapasama sa panitikan ng isang bansa.
5. Relihiyon at Edukasyon – ang tayog, lalim at lawak ng isang panitikan ay nakukuha rin
sa pananampalatayang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at kalinangang naituturo ng
pilosopiya ng edukasyon ng bansa.

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN


Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan. Ang panitikang patula ay
masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at tugma o
malayang taludturan. Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at direktang
paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.

MGA URI NG TULA

Tulang Liriko o Tula ng Damdamin


Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan,
guniguni, o damdamin ng may-akda.

1. Dalit – tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.


2. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
3. Elehiya – ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o
panangis.
4. Oda – tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga
tao.
5. Awit – ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan, at iba pa.

Tulang Patnigan
1. Karagatan – paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
2. Duplo – paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng
namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa naulila nito.
3. Ensileda – isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito
ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi.
4. Balagtasan – isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


13

Tulang Pandulaan
Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.

MGA URI NG TULUYAN


Maikling Kuwento
Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
Sanaysay
Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa anumang
paksa.
Mga Uri ng Sanaysay
1. Pormal o maanyo – seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa
katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga
salita at mabisang pangungusap.
2. Impormal o personal – nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang
pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na nakikipag-usap lamang ng awtor sa
mambabasa. Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.
Talambuhay
Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang tao na
isinulat ng iba.
Mga Uri ng Talambuhay
1. Maikli – pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat
ng gagamiting mga pangyayari.
2. Mahaba – lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay isinasama. Ito ay nagsisimula sa
kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging hanggang
sa kanyang pagpanaw.
Dula
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa
pamamagitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na
ginaganap sa isang tanghalan. Ito ay naglalahad ng katotohanan, propaganda o editorial na
may layuning makisangkot ang mga manonood. Masasalamin dito ang kahapon, kasalukuyan
at bukas ng isang bayan. Masasabing ito ang pinakamagandang uri ng panitikan sapagkat
pumapasok dito ang lahat ng uri ng tula – may damdamin, may tinuturo. Pumupuna,
nanunudyo, naratibo – na nagbibigay ningning sa kabuuan ng dula.
Mga Impluwensiya ng Panitikan
Kung ang klima, gawain, kinatitirahan, lipunan at pulitika, relihiyon at edukasyon ay may
impluwensiya sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang
impluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugaliin ng tao sa dalawang kalagayan.
Una – nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng akda.
Ikalawa – sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao sa daigdig ay nagkakatagpo sa
damdamin at kaisipan at nagkakaunawaan, bukod sa nagkakahiraman ng ugali at palakad.
Ang mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa buong daigdig
ay marami. Ang mga pangunahin ay ang mga sumusunod:
1. Ang BANAL NA KASULATAN (Holy Scriptures) na mula sa Palestina at Gresya at
naging batayan ng sankakristiyanuhan.
2. Ang KORAN na pinaka-Bibliya ng mga mahometano at galing sa Arabia
3. Ang ILIAD at ODYSSEY ni Homer, na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o
palaalamatan ng Gresya.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


14

4. Ang MAHABHARATA ng India, kasaysayan ng mga dating Indo at ng kanilang


pananampalataya.
5. Ang DIVINA COMMEDIA ni Dante, ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa
pananampalataya, moralidad, at pag-uugali ng panahong kinauukulan
6. Ang EL CID CAMPEADOR ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng
mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasanayang pambansa noong unang panahon.
7. Ang AWIT NI ROLANDO na kinapapalooban ng RONCESVALLES at DOCE PARES
ng Pransya, na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay na
kasaysayan ng mga Pranses.
8. Ang AKLAT NG MGA ARAW ni Confucio, na naging batayan ng pananampalataya,
kalinangan, at karunungan ng mga Intsik (na malinaw na nakarating dito sa atin).
9. Ang AKLAT NG MGA PATAY ng Ehipto, na kinapapalamnan ng kulto ni Osiris at ng
mitolohiya at teolohiyang Ehipsyo.
10. Ang SANLIBO’T ISANG GABI ng Arabia at Persya, na nagsasaad ng mga ugaliing
pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan, at panrelihiyon ng mga silanganin.
11. Ang CANTERBURY TALES ni Chaucer, sa Inglatera, na naglalarawan ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
12. Ang UNCLE TOM’S CABIN ni Harriet Beecher Stowe, ng Estados Unidos, na
nakatawag ng pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng
simulain ng demokrasya.

Pagyamanin
Gawain 3: Pagsubok sa Kaalaman
A. Matapos mong mabatid ang kahulugan ng mga liriko o tula ng damdamin, alamin kung
saang uri nabibilang ang mga sumusunod:
_______ 1. “Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig…”
_______ 2. “Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal, pagkat ikaw ang yumari nitong
buong kabihasnan.”
_______ 3. “Ang taong iniaanak, nabubuhay, namamatay…. Sa dalawang unang likha
ng Bathalang Mayklapal,”
_______ 4. “Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy.”
_______ 5. “Kung sa langit nabubuhay at sa lupa’y mamamatay,
Ano’t kinatatakutan ang oras ng kamatayan?”
B. Sa isang pangungusap, ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa mga tulang
binabanggit sa itaas.
1. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


15

____________________________________________________________________
C. Ibigay mo ang mga uri ng tulang nabibilang sa tulang patnigan, batay sa mga sumusunod na
halimbawa:
_____ 1. Singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat, na ang makakakuhang
binata ang siyang magkakamit ng pag-ibig ng dalaga.
_____ 2. Isang laro na may kinalaman sa nawawalang ibon ng hari na ang nagbibintang ay
nagpalipat-lipat sa kanyang mga bilyako at bilyaka.
_____ 3. Tagisan ng talino sa pagtula na binubuo ng tatlong katao. Ang isa ay tagapama-
gitan at nagsisilbi ring tagahatol.
_____ 4. Mga dula itong nasusulat nang patula.
_____ 5. Uri ng tulang karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi matapos mailibing ang
namatay.

Online Group Chat


Pakikipag-ugnayan sa klase …..

• Pagpasa sa mga pagsasanay sa Moodle/ email/ Messenger.


• Aktibong partisipasyon sa talakayan gamit ang Facebook messenger.

Tayahin
I. Panuto: Kilalanin mo ang akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa buong
daigdig sa pamamagitan ng pagtatambal nito sa pamagat sa Hanay A sa katangian nito sa
Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Banal na Kasulatan a. ni Harriet Beecher Stowe, ng Estados Unidos, na nakatawag
ng pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at
naging batayan ng simulain ng demokrasya.
2. Koran b. ni Chaucer, sa Inglatera, na naglalarawan ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang
panahon
3. Uncle Tom’s Cabin c. ng Arabia at Persya, na nagsasaad ng mga ugaliing
pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan, at panrelihiyon
ng mga silanganin
4. Canterbury Tales d. pinaka-Bibliya ng mga mahometano at galing sa Arabia
5. El Cid Campeador e. ng India, kasaysayan ng mga dating Indo at ng kanilang
pananampalataya
6. Mahabharata f. ni Homer, na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o
palaalamatan ng Gresya
7. Sanlibo’t Isang Gabi g. mula sa Palestina at Gresya at naging batayan ng
sankakristiyanuhan.
8. Divina Commedia h. ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga
Kastila at ng kanilang mga alamat at kasanayang pambansa
noong unang panahon
9. Iliad at Odyssey i. na kinapapalooban ng RONCESVALLES at DOCE PARES ng
Pransya, na nagsasalaysay ng gintong panahon ng
kakristiyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga
Pranses
10. Awit ni Rolando j. ni Dante, ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


16

pananampalataya, moralidad, at pag-uugali ng panahong


kinauukulan

II. Panuto: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
a. dalit b. soneto c. elehiya d. oda
2. Ito ay isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamama-
raang patula.
a. karagatan b. duplo c. ensileda d. balagtasan
3. Ito ay paligsahan sa tula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay
ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi.
a. karagatan b. duplo c. ensileda d. balagtasan
4. Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. dula d. talambuhay
5. Ito ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa pamama-
gitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan
na ginaganap sa isang tanghalan.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. dula d. talambuhay
6. Paraan ng pagpapahayag na nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari.
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalayasay d. Pangangatwiran
7. Ito ay mga ugaling panlipunan at mga simulaing pampulitika at pamahalaang nagda-
dala ng kahilingan at g napapasama sa panitikan ng isang bansa.
a. klima c. gawaing pang-araw-araw
b. kinatitirahan d. lipunan at pulitika
8. Ang hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang tao ay nagpapasok ng mga salita
at kakanyahan ng pagkukuro sa wika at panitikan ng isang lahi o bansa.
a. relihiyon at edukasyon c. gawaing pang-araw-araw
b. lipunan at pulitika d. kinatitirahan
9. Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. dula d. talambuhay
10. Uri ng sanaysay na nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang
pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na nakikipag-usap lamang ang awtor sa
mambabasa.
a. pormal o maanyo b. impormal o personal c. maikli d. mahaba

III. Panuto: Ipaliwanag sa sariling pananalita ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan.


1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong
mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

Karagdagang Gawain

A. Magsaliksik tungkol sa sumusunod na akda. Isulat ang buod at magbigay ng inyong


reaksyon o pananaw tungkol dito.
1. Karagatan
2. Sanlibo’t Isang Gabi

Repleksiyon

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan


17

Lumingon…… Ibahagi ang inyong natutuhan.

Unang talata. Paano ba ang iyong karanasan sa pagkatuto?


Maaaring ilarawan ang epekto ng mga bahagi ng modyul (pagkakaayos, talakayan, halimbawa,
pagsasanay, gawaing online, pagtataya) sa iyong karanasan sa pagkatuto. Maaari mong
tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat bahagi upang magamit sa pagpapaunlad ng
kagamitang instruksyonal na ito.

Pangalawang talata. Ano ang iyong natutuhan? Matagumpay mo bang nakamtan ang
inaasahang pagkatuto?

Pangatlong talata. Paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa hinaharap?

Lubos na mahusay Kaibigan! Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa
pagtalakay sa aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong nalaman ang Panitikang Filipino. Ihanda mo ang iyong sarili sa
susunod na modyul – Modyul 2: Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas at sa
Kapuluan.

Sanggunian:
Lalic, E.D., at Matic, A.J. (2004). Ang Ating Panitikang Filipino. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.

Villa Panganiban, J., Panganiban, C.T., at Matute, G.E. (1987). Panitikan ng Pilipinas.
Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc.

C-FIL 2: Pagpapahalagang Pampanitikan

You might also like