You are on page 1of 21

12

Filipino sa Piling Larang


Unang Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Liham-
Pangnegosyo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Liham-Pangnegosyo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagsulat ng Liham-Pangnegosyo!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Pagsulat ng Liham-Pangnegosyo

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating


teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12PB-Og-i-106)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta ka? Sa araw na ito ay may makabuluhang


paksa na naman tayong tatalakayin. Tiyak kong makatutulong ito sa iyo lalo pa’t
hangad mo ang maging isang matagumpay na propesyunal sa hinaharap. At ang
daan tungo sa pagiging isang propesyunal ay may kaakibat na mga
responsibilidad at gawain partikular na ang gawaing pagsulat. Haharap ka sa mga
mabibigat na transaksiyon at makasasalamuha mo ang iba’t ibang klase ng
indibidwal sa lipunan.
Kaya sa modyul na ito, sabay-sabay nating pag-aaralan kung paano
gumawa ng isang epektibong liham-pangnegosyo nang sa gayon ay mas
malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat at gawin kang mas handa sa pagharap
sa mga hamon sa larangang iyong tatahakin.
Halina’t simulan na nating lakbayin ang mundo ng pagsulat ng liham!

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakasusuri at nakikilala ang kalikasan at mga kaugnay na konsepto hinggil sa
pagsulat ng liham-pangnegosyo;
2. Nakasusulat ng isang epektibong liham-pangnegosyo at nasusunod ang mga
hakbang sa pagsasagawa nito;
3. Naisasagawa nang may kawilihan ang mga gawain kaugnay sa mga
halimbawang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal, particulak na ang liham-
pangnegosyo.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. PANUTO: Makikita sa ibaba ang isang halimbawang pormat o istruktura ng isang


liham-pangnegosyo. Isulat sa bawat bilang kung anong bahagi ng liham ang tinutukoy
ayon sa posisyon o kinalalagyan nito.

(1)

(2)

(3)

2
(4)

(5)

(6)

(7)
(8)

B. PANUTO: Mababasa sa loob ng kahon ang mga nilalaman ng isang liham-


pangnegosyo. Suriin ito nang mabuti at sumulat ng isang liham gamit ang mga
nilalaman na nasa kahon. Kopyahin ang pormat na nasa itaas (sa titik A).

ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.


3 Anonas Road, Potrero Lungsod
Malabon

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na


nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling Watson,
1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.

Lubos na sumasainyo, Ginoo/Binibini:

Republika ng Pilipinas Tanggapan


ng Pangulo ENGRACIA F. FLORES
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
Kawaksing Pampangasiwaan II 16 Nobyembre 2006

3
Mahusay! Napagtagumpayan mo ang unang
hamon na inihanda para sa iyo. Ngayon ay
sisimulan na natin ang isang makabuluhang
talakayan upang maging kawili-wili ang
iyong karanasan sa araw na ito.

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, maglahad ng sariling kaisipan hinggil sa tanong
nasa gitna ng concept map. Kopyahin ang concept map sa ibaba sa iyong
kuwaderno.

Bakit mahalaga
ang
pagsulat ng
liham?

4
SURIIN

PAGSUSURI

Mga tanong:
1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Nahirapan ka ba sa
paglalahad ng iyong kaisipan hinggil sa tanong?
2. Ano ang iyong naging pamamaraan upang makapaglahad ng mga kaugnay
na kaisipan?
3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa
pagkatuto mo sa paksang ating tatalakayin?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Sa pagbabagong bihis ng lipunang ating ginagalawan, mas napapabilis at napapadali


ang mga gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Napapanatili natin ang isang
matibay na ugnayan at nakabubuo ng isang magadang samahan dahil na rin sa internet, fax,
cellphone, telepono liham at iba pa.
Hindi maipagkakaila na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay marami na rin ang
nakapaghahanap ng trabaho, nakapag-aaral, nakapagtatanong sa tanggapan, nakapag-
aanyaya at iba pang bagay na may kaugnayan dito. Ngunit gaano man kabilis ang sistema
ng komunikasyon ngayon, hindi rin ito magiging mabisa kung wala tayong sapat na
kaalaman tungkol sa pagbubuo ng isang
mahusay na liham na nagsasaad ng mga bagay na nais nating iparating. Mahalaga

5
pa ring malaman o matutuhan ang mga impormasyong nararapat na maging sangkap ng
liham na ipadadala upang makatiyak ng maagap na pagtugon.
Kaya halina’t sabay-sabay nating tuklasin ang mga mahahalagang konsepto ukol sa
pagsulat ng liham partikular na ang liham-pangnegosyo o pangangalakal at hayaan nating
malinang ang ating kasanayan sa pagsulat nang sa gayon ay magamit natin ito sa
hinaharap.

Liham-Pangnegosyo

Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang kaalaman sa


pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham-pangnegosyo na kalimitang ginagamit
sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin
nito ang mga bahagi gaya ng ulong-sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan
ng liham, bating pangwakas, at lagda. Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga
transaksiyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y
liham ng kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng
liham. Maaari ring magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa (Santos & Perez,
2016)

Mga Bahagi ng Liham

1. Ulong sulat/letterhead
Bahaging nagsasaad ng impormasyon tungkol sa nagpapadala ng liham. Makikita rito
ang pangalan ng organisasyon, kompanya, institusyon o tanggapan, lokasyon, numero
ng telepono, at logo.

Pamuhatan
Kung mula sa isang indibidwal ang liham, makikita naman sa bahaging ito ang lugar o
lokasyon ng taong nagpapadala.

2. Petsa
Bahaging nagsasaad kung kailan ginawa at ipinadala ang sulat

3. Patunguhan
Bahaging nagsasaad kung kanino ipapadala ang liham, ang kaniyang posisyon o
katungkulan, at lugar kung saan ipapadala
Tandaan: Kung ang nagpapadala ng liham ay mula sa isang organisasyon, kompanya,
institusyon o tanggapan, kadalasan nasa gitna ang ulong sulat o letter head. Makikita
rito ang pangalan ng organisasyon, kompanya, institusyon o tanggapan, lokasyon,
numero ng telepono, at logo.

4. Bating Panimula/Pambungad
Bahaging nagsasaad ng pangalan ng sinusulatan na may kaakibat na pagbibigay
galang

6
5. Katawan ng Liham
Bahaging nagsasaad kung ano ang nilalaman o mensahe ng liham.

6. Pamitagang Pangwakas
Nagsasaad sa relasyong ng taong sinulatan gayundin ang panghuling pagbati ng sumulat.

7. Lagda ng nagpapadala
Bahaging nagpapatunay sa katauhan ng nagpapadala ng liham
8. Pangalan ng nagpapadala
9. Posisyon o katungkulan ng nagpapadala
Mula sa: https://bit.ly/35CNBeI

Halimbawa:

Mula sa: https://bit.ly/33xQ1sz

7
Mula sa: https://www.homeschoolmanila.com/p/blog-page.html

Mayroong tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang ginagamit sa pagsulat nito.

1. GANAP NA BLAK (Full Block Style)


Mapapansin na mas madaling tandaan ang GANAP NA BLAK na anyo ng liham.
Lahat ay magsisimula sa pinakakaliwang bahagi ng liham.

2. MODIFAYD BLAK (Modified Block Style)


Ang MODIFAYD BLAK ay halos katulad ng GANAP NA BLAK, ang kaibahan
lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda ay nasa bandang kanan ng
liham.

3. SEMI-BLAK (Semi-block Style)


Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang unang mga salita sa kanan ay
naka-indent o nakaurong ng kaunti sa kanan
Mula sa: https://www.homeschoolmanila.com/p/blog-page.html

8
Halimbawa 1:

Liham Kahilingan
(Letter of
Request)

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Pagsasaka
Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig
860 Quezon Avenue, Lungsod Quezon, Metro Manila 1103
Tel.No. 372-50-57 • 372-5042
FaxNo. 372-50-48 • 372-50-61

4 Mayo 2004

Kgg. ELISEA G. GOZUN


Kalihim Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman Visayas
Avenue, Diliman
Lungsod Quezon Mahal

na Kalihim:

Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH” ngayong Mayo


2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig
(BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa Pilipinas (PFDA) at Proyekto sa
Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na maging punong- abala ng “Fisheries Day
Program” sa 19 Mayo 2004.

Ang aming tanggapan ay naghahanda ng ilang gawaing lalahukan ng mahahalagang tauhan


sa larangan ng industriya ng agri-aqua—ang mga magsasaka at mangingisda. Tampok sa
mga gawain bukod sa iba pa ay ang demonstrasyon sa pagluluto ng isda, paligsahan sa
paglulutong tilapia fillet, paghuling tilapia sa tangke, karera ng hito, at paligsahan sa karera
ng 150 alimango (mudcrab). Magsasagawa rin ng mga Lektyur/Seminar/Fisheries Clinique
sa aquaculture, pagdaragdag ng halaga pagkaani, at mga teknik sa pangingisda.

Kaugnay nito, hinihiling naming magamit ang isang bahagi ng lugar sa Ninoy Aquino
Parks and Wildlife, gayon din ang Gazebo Reception Hall para sa mga binanggit sa itaas na
gawain sa North Avenue, Lungsod Quezon sa 19 Mayo 19, 2004, 5:30 nu– 6:00 nh.

Malaki pong karangalan sa aming pagdiriwang ang inyong pagdalo bilang isa sa aming
mga panauhing pandangal.

9
Mataimtim kaming umaasa na ang aming kahilingan ay bibigyan ninyo ng
paborableng aksiyon.

Maraming salamat sa pabor na ito at sa mga nauna pa. Matapat na

sumasainyo,

(Lgd)
MALCOLM I. SARMIENTO JR.
Direktor

Halimbawa 2: Liham
Pagkambas
(Canvass Letter)

Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

16 Nobyembre 2006

ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.


3 Anonas Road, Potrero Lungsod
Malabon

Ginoo/Binibini:

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na nakatala sa


ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel
Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.

Lubos na sumasainyo,

(Lgd.)
ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II

10
Kalakip ng liham:

Pangalan at Lagda

Mga Gawain

PANUTO: Basahin at suriin ang halimbawang liham-pangnegosyo sa ibaba. Tingnan kung


nakapaloob ba rito ang mga mahahalagang bahagi at nilalaman ng isang liham-
pangnegosyo. Kung hindi, paunlarin mo ang liham na ito at isulat sa iyong kuwaderno.
Gamitin ang full block style na anyo ng liham.

Liham Pag-uulat
(Progress
Report)

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Kalusugan
TANGGAPAN NG
KALIHIM

26 Pebrero

Gng. VICTORIA P. GARCHITORENA


Puno
Pampanguluhang Lupon sa Pamamahala Malacañan,
Maynila

Garchitorena:
Para sa inyong kaalaman, pagsusuri at pagsasaalang-alang, ikinagagalak naming
11
isinusumite ang Ulat ng mga Nagawa para sa Unang 30 Araw ng Kagawaran ng Kalusugan.

MANUEL M. DAYRIT, MD, MSc.


Kalihim ng Kalusugan

ISAISIP

Mahalagang tandaan na ang pagsulat


ng liham, partikular na ang liham-
pangnegosyo ay isang kakayahan na
dapat mong malinang at matutuhan. Ito
ay isang akademikong gawain na
kalimitang ginagamit sa korespondensiya
at pakikipagkalakalan at natititiyak kong
malaki ang maitutulong nito sa iyo
upang maihanda ka tungo sa pagiging
matagumpay na indibidwal
sa larangan na iyong tatahakin.

12
ISAGAWA

PAGLALAPAT

PANUTO: Makikita mula sa loob ng kahon ang isang anunsyo. Ito ay mula sa isang
kompanya na naghahanap ng isang kwalipikadong indibidwal na maaaring magtrabaho sa
kanila. Batay sa anunsyo, sumulat ng isang liham-aplikasyon at ilahad ang iyong pagnanais
na makakuha ng trabaho. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Gigie: The Friendly Couturier


Locsin St., Dumaguete City
Negros Oriental
09051797952

WANTED
For Local Employment

ACCOUNTING STAFF
 Male/Female
 Must be a graduate of BS Accountancy
 Must be computer literate
 Knowledgeable in bookkeeping
 With at least 1year work experience
 Willing to be trained
 Can work with minimum supervision

Pamantayan sa Pagtataya

1. Nilalaman (may kaugnayan sa paksa).........................................20 puntos


2. Kaayusan ng anyo at mga bahagi...................................20 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika.........................................10 puntos

KABUUAN 50 PUNTOS

13
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

PANUTO: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang mga konsepto hinggil sa pagsulat ng isang


liham-pangnegosyo?
2. Bilang isang estudyante na naghahangad na maging matagumpay sa larangang
iyong tatahakin, paano makatutulong sa iyo ang mga kaalamang iyong
natutuhan hinggil sa pagsulat ng liham-pangnegosyo?
3. Sa tingin mo, paano mo mas mahahasa ang iyong kakayahan sa pagsulat ng
liham? Maliban sa mundo ng kalakalan o negosyo, sa ano pang mga larangan
maaari mong magamit ang iyong kakayahan sa pagsulat ng liham?

REFLEKSIYON

Ang husay mo! Ngayon upang matiyak na may natutuhan ka mula sa modyul na ito,
dudugtungan mo lamang ang nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang kaisipan.
Tandaan na ang itatala mo ay ang mga konseptong may kaugnayan sa araling nakapaloob
dito. Kopyahin ang pormat sa ibaba at isulat sa iyong kuwaderno.
Nang dahil sa araling tinalakay ng modyul na ito, mapauunlad ko ang kakayahan
ko sa … (Pangatwiranan ang iyong sagot)

14
Makatutulong sa akin ang mga kaalamang aking natutuhan sa modyul na ito
dahil… (Pangatwiranan ang iyong sagot)

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. PANUTO:
Mababasa sa loob ng kahon ang mga nilalaman ng isang liham-
pangnegosyo. Suriin ito nang mabuti at sumulat ng isang liham gamit ang mga
nilalaman na nasa kahon. Kopyahin ang pormat na nasa ibaba (sa titik B).

15
ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.
3 Anonas Road, Potrero Lungsod
Malabon

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay


na nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.

Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng


pagtawad.
Lubos na sumasainyo, Ginoo/Binibini:

Republika ng Pilipinas Tanggapan


ng Pangulo ENGRACIA F. FLORES
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Kawaksing Pampangasiwaan II 16 Nobyembre 2006

B. Panuto: Makikita sa ibaba ang isang halimbawang pormat o istruktura ng isang


liham-pangnegosyo. Isulat sa bawat bilang kung anong bahagi ng liham ang
tinutukoy ayon sa posisyon o kinalalagyan nito.

(1)

(2)

(3)

(4)

16
(5)

(6)

(7)
(8)

You might also like