You are on page 1of 4

SPECIAL FILIPINO CLASS Level 2 PANITIKAN (Literature) KAHULUGAN NG PANITIKAN (Definition of Literature): Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay,

lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba. IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO (Influences of Literature): 1. Banal na Kasulatan nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano 2. Koran (Arabia) Bibliya ng mga Muslim 3. Iliad at Odyssey ni Homer (Gresya) siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya 4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya 5. Divina Comedia - ni Dante (Italya) nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano 6. Aklat ng mga Araw - ni Confucious (Tsina) naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang Insik 7. Aklat ng mga Patay (Ehipto) kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto. 8. Counterburry Tales ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang pananampalataya 9. El Cid Campeador (Espanya) nagpapahayag ng kanilang mga alamat, paguugali at kasaysayan 10. Uncle Toms Cabin si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN (Purposes in Studying Literature) 1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman ng kaisipan. 2. Upang alaming tayoy may marangal na tradisyong katulad ng ibang lahi. 3. Upang matalos ang mga kapintasang at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang itoy matuwid. 4. Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga itoy lalong mapapayaman. 5. Sapagkat tayoy mga Pilipino, kailangang tayoy magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN: (Importance of Studying Literature)

1. Malalaman ng mga tao ang kanilang sariling kalinangan at kasayasayan.


2. Makikita nila ang kanilang sariling kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali. 3. Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at nagiging matibay at matatg ang kanilang pagkilala sa kanilang lahi. 4. Malalaman ang kahalagahan nng sariling wika sa paglalarawan ng makabagong karanasan, pangarap, paniniwala at gawaing pang-araw araw

Dalawang Anyo ng Panitikan 1. Tuluyan (Prose) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. Halimbawa: ALAMAT (Legend) isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook at katawagan. MITOLOHIYA (Mythology) - malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa. Ito ay mahabang salaysay tungkol sa pinagmulan ng santinakpan ng tao, ng mga diyos at diyosa at ng mga mahiwagang nilikha, gayundin naman, tungkol sa buhay ng mga bayani ng ibat ibang pamayanan. PARABULA(Parable) - isang uri ng salaysay na may kabuluhang aral na tinutukoy ng mga pangyayari. Hango ito sa Bibliya na nagbibigay ng aral na pang-ispiritwal. DULA (Play) - isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Itoy tinatampukan ng mga tauahan. Itoy nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto ay maraming tagpo. NOBELA (Novel) - isang mahabang salaysay na mahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari ritoy hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop ng mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tao. TALAMBUHAY (Biography) - ang salitang ito ay pinagtambal na mga salitang talaan ng buhay, samaktawid ay nauukol sa kasaysayan o kabuhayan ng isang tao o biography. Ang pagsasaysay tungkol sa taong pinapaksa ay maaaaring isagawa ng ibang tao o kayay ng may katawan na rin. ANEKDOTA (Anecdote) - isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang, o patalambuhay na pangyayari na hango sa tunay na buhay. BALITA (News) - isang paglalahad ng mga pang-araw araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, paaralan, sa mga sakuna, sa industriya , sa agham at sa mga ibat ibang paksa sa buong bansa at sa ibayong dagat man. SANAYSAY (Essay) isang akdang pampanitikanng naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Itoy makatwirang paghahanay ng kasipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at hakahaka. TALUMPATI (Speech)- isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handing magsipakinig. MAIKLING KUWENTO (Short Story) - anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay

2. Patula (Poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang


binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. MGA URI NG TULA (Kinds of Poetry): 1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin (Lyric Poetrty)- Nagtataglay ito ng mga karanasan , guniguni, kaisipan at mga pangarap na maaaring nadama ng may akda o ng ibang tao.

Mga Uri ng Tulang Liriko (Kinds of Lyric Poetry): a) Dalit - nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya sa buhay b) Soneto - laging nagtataglay ito ng aral sa buhay, 14 na taludtod at ang mga nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kaalaman at likas na pagkatao. c) Elehiya - ang nilalaman nito ay may kinalaman sa alaala ng isang namatay; guniguni tungkol sa kamatayan; pananangis at pananaghoy. d) Oda - masigla ang nilalaman, pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao. Walang katuyakan ang bilang ng pantig at saknong sa bawat taludtod. e)Awit madamdamin ang nilalaman nito sa dahilang ang karaniwang pinapaksa ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, kaligayahan 2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) Naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig at pagkabigo, tagumpay mula sa kahirapan, kagitingan at katapangan ng mga bayani sa pakikidigma. 3. Tulang Patnigan hal. Duplo , Karagatan at Balagtasan 4. Tulang Dula o Pangtanghalan isang dula na binibigkas nang patula ang diyalogo Iba Pang Akdang Panulaan : BUGTONG (Riddle)matalinghagang parirala may sukat at tugma. Kailangan ang bilis at talino sa pagsagot sa tinutukoy na bagay. Nasasalamin din ditto ang katauhan n gating mga ninuno. SALAWIKAIN (Proverb) - patulang mga taludtod na nagbibigay aral. isang butil ng karunungan hango sa karanasan ng mga matatanda kinapapalooban ng mga payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng kaugalian. KASABIHAN (Sayings) hindi gumagamit ng talinghaga, ang kilos, gawi at ugali ng tao ang nasasalamin BULONG - ginagamait itong pasintabi o paumanhin sa mga lamang-lupa. Nasaslamin ditto ang paggalang at pangamba sa mga hindi nakikitang espiritu. HAIKU tulang may 17 pantig DIAMANTE - isang payak na tula na hugis diamnte, may limang taludtod. Unang linya - isulat ang isang salita tungkol sa inyong paksa Ikalawa - magbigay ng dalawang pang-uri naglalarawan sa paksa Ikatlo - magbigay ng tatlong pandiwa para sa paksa Ikaapat - magbigay ng isang maikling parirala maiuugnay sa paksa Ikalima - magbigay ng isang salitang kasingkahulugan ng salita sa unang linya o maaaring ulitin Lupa Mayaman , nagbibigay ng buhay Nilalason, inaabuso , inuubos Paano ang mundo Kalikasan TANAGA ito ay may iisang saknong lamang, may apat na taludtod at may pitong pantig bawat isa. Naghahayag ito ng aral at pilosopiyang ginagamit Hal.

na halimbawa ng mga matatanda sa mga kabataan. matandang tulang Tagalog na binubuo ng apat na taludtod. Ito ay may sukat na pipituhing pantig, may tugma at nagtataglay ng kariktan at talinghaga. Hal. Pag-ibig Busilak na damdamin Sa puso nanggaling Kapayapaang hated Lunas to sa daigdig.

TULANG PAMBATA - ginagamit sa pagliliban lalung-lalo na ng mga bata noon. Hal. Sipit namimilipit gintot pilak namumulaklak sa tabi ng dagat.

Mga Awiting Bayan (Folk Songs) tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya,gawain o trabaho ng mga taong naninrahan sa isang pook. Uri ng Awiting Bayan (Kinds of Folk Songs: 1. Soliranin (Rowing Song) awit sa pamamangka ng mga Tagalog . 2. Talindaw (Boat Song) - awit ng pamamangka 3. Diona ( Nuptial or Courtship Song) - awit sa panliligaw o kasal 4. Oyayi (Lullaby Song) - awit ng pampatulog sa bata o panghele 5. Dalit ( Hymns) awit ng pagpaparangal sa Maykapal 6. Kumintang (War or Battle Song) - awit sa pakikidigma 7. Sambotani - (Victory Song) - awit sa pagtatagumpay 8. Kundiman (Love Song) awit ng pag-ibig 9. Hilirao o Pamatbat - awit pang-inuman 10. Indolanin o Kutang-kutang - awit panlasangan

You might also like