You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

PARTIDO STATE UNIVERSITY


Camarines Sur

CARAMOAN CAMPUS

MODYUL X
PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG DEMOKRASYA 1986

Name of Student: Shieralyn Iglesia BSHM 1A Week No.: Linggo 16-17


Course Code: LIT1 Name of Faculty: Amar T. Dela Cruz
Course Title: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:


 Mailarawan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng bagong
demokrasya;  Matalakay ang kalagayan ng mga panitikan sa panahon
ng bagong demokrasya; at  Makapagbigay ng sariling pagsasalaysay
sa mga piling akda sa panahong ito.

II. ARALIN

A. Kaligirang Kasaysayan

 Muling nabawi ng mga mamayang Pilipino ang tunay na kalayaan.

 Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25, 1986, namayani
ang People Power Revolution (EDSA Revolution o February Revolution).

 Sa pagpapatibay na ginawa ng administrasyon ni Cory Aquino sa pamamagitan ng


pagratipika ng Konstitusyon noong Pebrero, 1987, itinalaga ang Filipino bilang wikang
pambansa at lingua franca.

B. Ang Kalagayan ng Panitikan sa Panahong Ito

Sa panahong ito, may makikita nang pagbabago sa mga balita at palabas sa telebisyon na
ginagamit ang wikang Filipino. Mababakas din ang pagbabago sa pelikula, sa mga tula, maikling
kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, awiting Pilipino, at sa mga pahayagan; at maging sa mga
programa sa telebisyon.

C. Mga Panulaang Pilipino

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng


tunay na damdamin ng mga makata, ang kanilang mga tuwirang pagpuri sa mga
nanunungkulang nakagagawa ng kabutihan sa bayan at panunuligsa naman sa mga tiwali ang
gawa.

Himala ni Bathala ni
Francisco Soc
Rodrigo

Page 1 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala


Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala
Yaong mga pangyayaring hindi inakala
Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng
paglaya Para sa ‘ting inalipin at inaping
Inang Bansa!

At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa sa
kanilang mga puso ay mababakas na nag-uumapaw. Walang pakundangan nilang naipahayag
ngayon ang kanilang nais ipahayag.

Lumaya Ang Media


(Hango sa Taliba, Abril 16, 1986)

Noong dineklara ni Apo Ferdinand


Noong setenta’y-dos (1972) ang Batas Militar
Kinontrol ang media’t mga pahayagan
Hindi tinulutang siya’y mapintasan
At pati ang “rumor mongering” ay bawal.

Ngayong diktadura’y nilansag ni Cory


Ang lahat ng Media’y malaya at libre
Na mangagsipuna kahit umatake
Sa mga minister, opisyal, kawani
At maging sa Bise at sa Presidente.

Bawasan Ang Amortisasyon


(Taliba, Mayo 12, 1986)

Dahil sa gabundok na laki ng utang


Na minana natin kay Apo Ferdinand
Ang salaping sana’y dapat na
ilaan Sa pangangailangan nitong
Inang Bayan
Ay nagagamit lang sa panghulog sa utang.

Kailangang ihanap ng wastong solusyon


Ang problemang ito ng naaping nasyon
Mapaliit sana ang amortisasyon
Na ibinayad natin taun-taon
Upang may matirang kuwartang pamproduksiyon.

Page 2 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

D. Ang Awiting Pilipino

May mga awiting Pilipino na naririnig sa panahong ito, at habang ito ay inaawit sa telebisyon,
ipinakikita naman ang mga makasaysayang tagpong naganap sa sambayanang Pilipino na
hinangaan ng sandaigdigan.

 Magkaisa – Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Peña

 Handog ng Pilipino sa Mundo – Jim Paredes (https://www.youtube.com/watch?


v=ooGtSV7UafI)

Ang binuhay na awit na “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar mula sa panulat nina Jose Corazon de
Jesus (liriko) at Constancio de Guzman (musika) ay ang pangunahing pumapailanlang sa mga
radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan din nito noong nakaraang matahimik na
rebolusyon, iminungkahi sa “Constitutional Committee” na gawin itong pangalawang
pambansang awit ng Pilipinas.

E. Ang Sanaysay

Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa nakamit na
bagong kalayaan.

 Pag-ibig Laban sa Tangke – Teresita Sayo

 Bukas na Liham – Jocelyn M. David

 Susi sa Ganap na Kalayaan – Manuel T. Salva Cruz

 Dikta ng Dayuhan – Romulo Alenio Caralipio


F. Ang Mga Programa sa Radyo at Telebisyon

Maririnig na nakakapagpahayag na ng mga tunay na niloloob nang walang takot o pangamba


ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.

Ang DZRH na isang istasyon ng radyo rito sa ating bansa ay tumataguyod ng:

 Programang “Kabayan” – Ang mga tao ay nabibigyan ng kalayaang magsalita at magbigay


ng kanilang opinyon o kuru-kuro.

 “People Power” – Isang pagsasadula sa apat na araw na matahimik na rebolusyong


naganap sa ating bansa.

Dulang katatawanang (sitcom) ipinalabas sa telebisyon:

 Chicks to Chicks – ipinalabas sa IBC noong 1979 hanggang 1987 (naging Chika Chika
Chicks noong 1987 hanggang 1991 na ipinalabas sa ABS-CBN).

 Eh Kasi, Babae! – ito’y ipinalabas din sa IBC.

 Sa Baryo Balimbing

G. Ang Mga Pahayagan at Iba Pang Babasahin

Maraming bagong pahayagan ang nagsulputan sa panahong ito:

Page 3 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

 Malaya – kilala ang pahayagan sa pagiging isa sa mga pahayagan na nakipaglaban laban sa
pagkapangulo ni Ferdinand Marcos.

 Philippine Daily Inquirer – itinatag sa mga huling araw ng rehimen ng diktador ng Pilipinas
na si Ferdinand Marcos, na naging isa sa mga unang pribadong pahayagan na naitatag sa
ilalim ng rehimeng Marcos.

 Masa

 Philippine Daily Mirror

 Veritas

 Pilipino Star Ngayon – tinatag ilang buwan matapos ang EDSA People Power Revolution
na pinabagsak ang diktador na si Ferdinand Marcos at itinulak si Corazon Aquino sa
pagkapangulo ng Pilipinas.

 The Philippine Star – ito ay isa sa maraming pahayagan sa Pilipinas na itinatag pagkatapos
ng 1986 People Power Revolution.

H. Iba Pang Manunulat

Halos di mabilang sa dami ang mga dati at baguhang manunulat na nakapag-ambag ng malaki
sa panitikang Filipino sa panahong ito:

 Ponciano Pineda – isang manunulat, guro, linggwista, at abugado. Tinaguriang "Ama ng


Komisyon sa Wikang Filipino" para sa kanyang promosyon na magtatag ng isang
komisyon batay sa Seksyon 9 ng ating Konstitusyon.  Isagani Cruz

 Edgardo Reyes – bukod sa pagiging may-akda ng libro, isa rin siyang tagasulat ng senaryo
(screenwriter) at nobelista.

 Domingo Landicho – isang manunulat at akademiko.

 Ruth Mabanglo

 Lydia Gonzales
I. Ang Timpalak-Palanca

Ang taunang pagbibigay gantimpala ng Timpalak-Palanca sa mga pinakamahusay na akda sa


larangan ng dula, tula, maikling kuwento, at sanaysay ay patuloy pa rin. Ang pagbibigay-gawad
para sa panahong ito ay ginanap sa Manila Peninsula Hotel noong ika–4 ng Setyembre, 1986 sa
harap ng Pangulong Corazon Aquino bilang panauhing tagapagsalita.

Maikling kuwento:

Unang gantimpala: “Ang Damo sa Fort Bonifacio” by Cyrus P. Borja

Pangalawang gantimpala: “Syeyring” by Jun Cruz Reyes

Pangatlong gantimpala: “Talahib” by Edgardo B. Maranan

Page 4 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

Tula:

Unang gantimpala: “Panahon ng Pagpuksa at Iba pang Pakikidigma” by Teo Antonio

Pangalawang gantimpala: “Mga Himaymay ng Paglalamay” by Ariel Dim. Borlongan

Pangatlong gantimpala: “Syeyring at iba pang Tula” by Jun Cruz Reyes

Sanaysay:

Unang gantimpala: “Si Edgardo M. Reyes: Ang Manunulat, Kanyang Akda at Panahon” by
Rogelio Mangahas

Pangalawang gantimpala: “Ang Tiyanak sa Landas ni Rio Alma” by Fidel Rillo, Jr.

Pangatlong gantimpala: “Ilang Talang Luma Buhat sa Talaarawan ng Isang May Nunal sa
Talampakan” by Jun Cruz Reyes

One-Act Play:

Unang gantimpala: “Ang mga Tattoo ni Emmanuel Resureccion” by Reynaldo A. Duque

Pangalawang gantimpala: “Haplos ng Dahas” by Roberto Jose De Guzman

Pangatlong gantimpala: “Alimuom” by Reuel Molina Aguila; at “Sa Huling Gabi ng Palabas” by
Rolando Dela Cruz

Full-length Play:

Unang gantimpala: “Bayan Mo” by Bienvenido Noriega Jr.

Pangalawang gantimpala: “Juan dela Cruz, New York City” by Lito


Casaje Pangatlong gantimpala: “Ang Hepe” by Rene O. Villanueva

Modyul 10: Panitikan sa Panahon ng Bagong Demokrasya 1986


Name and Course: Shieralyn Iglesia 1A

III. GAWAIN

Basahin ang akdang “Lumaya Ang Media” at ito’y suriin. Magbigay ng pangkalahatang opinyon
at pag-unawa sa nasabing tula. (20pts)
Sa tulang nabasa ko, sinasabi doon sa unang talata, na noong dineklara ni Apo Ferdinand ang Batas Militar, hindi
pinapayagang magbigay ng opinion ang media ukol sa kung ano man ang mga isyu sa gobyerno. Kinontrol nila
ang media at ang pahayagan dahil ayaw nilang masira o madungisan ang kanilang pangalan. Kaya wala tayong

Page 5 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

kaalam alam kung anon a ang nangyayari sa ating bansa. Pero nang si Cory na ang naging Pangulo, binigyang
kalayaan na ang media, libre na ang magpahayag, magbigay opinion o umatake sa minester, opisyal o politiko o
kahit sa pangalawang pangulo at sa pangulo. Dahil dito malayang nakakapagbigay pahayag ang medya sa kung
ano man ang gusto nilang ipahiwatig o bigyang opinyon ukol sa mga isyung kanilang nakikita o sa mga isyung
nangyayari sa ating bansa. Mas dito natin nalalaman kung ano na ang tunay na nangyayari sa ilalim ng
pangangasiwa ng pangulo. Mas naliliwanagan ang mga tao sa totoong nangyayari sa ating bansa. At maaring
mapakinggan ang bawat pahayag ng sambayanang Pilipino . Maaari silang makialam sa mga nangyayari sa ating
bansa. Mas mapapadali ang pagpaunlad at pagpalago ng bansa kung napapakinggan ng lahat ang boses ng
bawat Pilipino.

IV. PAGTATASA

1.Talakayin ang kalagayan ng panitikang Filipino nang panahong ng Bagong Demokrasya


(10pts).
Sa panahong ito makikita ang pagbabago sa mga balita at palabas sa telebisyon na ginagamit ang wikang Pilipino .
. Mababakas din ang pagbabago sa pelikula, sa mga tula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, awiting
Pilipino, at sa mga pahayagan; at maging sa mga programa sa telebisyon. Mapapansin natin na ang mga pelikula
na nagpapahayag sa pamahalaan ay binigyang kalayaan na. pati ang mga kantang tungkol sa pamahalaan ay
pinahihintulutan na.
Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na
damdamin ng mga makata, ang kanilang mga tuwirang pagpuri sa mga nanunungkulang nakagagawa
ng kabutihan sa bayan at panunuligsa naman sa mga tiwali ang gawa.
At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa sa kanilang
mga puso ay mababakas na nag-uumapaw. Walang pakundangan nilang naipahayag ngayon ang
kanilang nais ipahayag.
May mga awiting Pilipino na naririnig sa panahong ito, at habang ito ay inaawit sa telebisyon, ipinakikita
naman ang mga makasaysayang tagpong naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan ng
sandaigdigan. Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa

Page 6 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

nakamit na bagong kalayaan.


Sa mga programa, radio at telebisyon naririnig na ang mga boses at totoong tinig ng walang takot o
pangamba. Hindi na matatakot ang mga tagapagsalita sa radio at tagapagsalita sa radio at ang mga
lumalabas sa telebisyon. Dahil nga binigyan na ni Cory ng kalayaan na makapagpahayag sa media
kahit ito man ay kuntra pa sa pangulo o sa pangalawang pangulo o sa iba pang opisyal ng bawat
barangay. Mas naipapahiwatig nila ang gusto nilang maging opinyon sa kung ano man ang nangyayari
sa pamahalaan..
Sa mga pahayagan at iba pang mga basahin, maraming mga bagong pahayagan ang nagsulputan sa
panahong ito, narito ang Malaya na kung saan kilala sa pagiging isa sa mga pahayagan na
nakipaglaban sa pagkapangulo ni Ferdinand Marcos, Philippine daily inquirer na itinatag sa mga huling
araw ng rehimen ng dektador ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos, na naging isa sa mga unang
pribadong pahayagan na naitatag sa ilalim ng rehimeng Marcos, nariyan din ang Masa, Philippine Daily
Mirror, Veritas, Pilipino Star Ngayon na kung saan itinatag ilang buwan matapos ang EDSA People
Power Revolution na pinabagsak ang dektador na si Ferdinand Marcos at itinulak si Corazon Aquino sa
pagkapangulo ng Pilipinas, at ang The Philippine Star na kung saan ito ay isa sa maraming pahayagan
sa Pilipinas na itinatag pagkatapos ng 1986 People Power Revolution.
Nandito rin ang Timpalak-Palanca ang taunang pagbibigay gantimpala ng Timpalak-Palanca sa
mga pinakamahusay na akda sa larangan ng dula, tula, maikling kuwento, at sanaysay ay
patuloy pa rin. Ang pagbibigay-gawad para sa panahong ito ay ginanap sa Manila Peninsula
Hotel noong ika–4 ng Setyembre, 1986 sa harap ng Pangulong Corazon Aquino bilang
panauhing tagapagsalita.

2.Sa inyong sariling opinyon, ano ang naging dahilan kung bakit naipapahayag na ng mga
manunulat ang kanilang saloobin na walang takot? (10pts)

Sa panahong ito nagkaroon ng People’s Power at itinulak si Corazon Aquino na lumaban sa pagkapangulo.
At nang si Cory Aquino na ang naging pangulo, binigyan niya ng kalayaan ang mga medya at
pahayagan . kaya naipapahayag na ng mga manunulat ang kanilang mga saloobin ng walang takot.
Binigyan na sila ng karapatang magpahayag ng sarili nilang mga hinain.

Page 7 of 8
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Camarines Sur

V. IMINUMUNGKAHING SANGGUNIAN

Santiago, E. M., Kahayon, A. H., and Limdico, M. P. (1989). Panitikang Filipino: kasaysayan at
pag-unlad: pangkolehiyo. National Book Store.

Semorlan, T. P., Fernandez, E. C., Marino Felina Cañ ̃ ete, and Semorlan, A. P. (2014). Ang
panitikan at kulturang Pilipino. C & E Pub.

***WAKAS***

Page 8 of 8

You might also like