You are on page 1of 7

PANPIL- General Education

KABANATA 3 Pag-unlad ng Panitikan – Pahapyaw na Pagtatalakay

Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa dumating ang mga Kastila ditto sa Pilipinas.
Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan n gating lahi, mga kwentong bayan, alamat, epiko,
katahing bayan, salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan, at iba pa.

Gayundin, nag-aangkin din ang ating mga ninuno ng sariling baybayin o alpabeto na kaiba sa
kasalukuyang alpabeto Romanong dala rito ng mga Kastila. Ito ay ang katutubong alpabetong binubuo
ng labimpitong titik na hawig sa mga ginagamit ng mga Indonesya o ng mga Malayo-Polineyo. Makikita
sa ibaba ang naturang alpabeto na may tatlong patinig at labing-apat na katinig.

Ang bawat katinig ay may tunog na “a.” Kapag ang isang katinig naman ay may tuldok sa itaas, ang tunog
na “a” ay nagiging “i” o “e” ngunit kapag ang tuldok ay nalalagay sa ibaba ng katinig, ang bigkas ng
katinig ay nagkakaroon nan g “o” o “u.”

Halimbawa: Makikita rito na ang “x” sa hulihan ng isang katinig ay nagpapawala sa tunog ng patinig na
“a”, at ang malaking X sa katapusan ng isang pangungusap ay nagbibigay ng kahulugang katapusan o
kaya ay katumbas ng tuldok.

Ang baybayin ay nangangahulugan sa Ingles na “spelling.” Sa Filipino, kung ano ang bigkas ay siyang
baybay nito na dapat isulat. Kung kaya itong alibata ay isang paraan ng pagsulat na kung saan dapat
baybayin ang titik. Tinataya na ang mga baybayin mula sa alibata ay nagmula pa sa lahing Malay tulad ng
bansang Vietnam at Cambodia. Kung kaya ang alibata ay isang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang
Pilipino na dapat tawaging Baybayin bago pa man dumating ang mga Kastila.
Ang mga talang pampanitikan ng matatandang Pilipino ay sinunog ng mga unang prayle na lumunsad sa
Pilipinas sa matuwid na iyon ay likha ng diyablo. Upang mapalaganap agad ang panananampalatayang
Katoliko ay sinunog nga ng mga prayle ang mga manuskritong Tagalog na nasusulat sa matandang
baybayin sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Kabilang sa mga di nasunog ang mg akantahing bayan sapagkat ang mga ito ay halos nagpasalin-salin
lamang sa bibig ng tao. Ang mga ginamit na sulatin ng ating mga ninuno ay ang mga biyas ng kawayan,
talukap ng bunga o niyog at sa mga dahon at balat ng mga punongkahoy. Ang mga panulat na ginagamit
ay matutulis na kawayan o dulo ng kahoy lanseta o anumang patalim, matutulis na bato, bakal o atbp.

Ang mga unang Kastilang manananakop sa Pilipinas ay nagpatotoong an gating mga ninuno ay ang biyas
ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at sa mga daho ng balat ng mga punongkahoy. Ang mga panulat
na ginagamit ay matutulis na kawayan o dulo ng kahoy, lanseta o anumang patalim, matutulis na bato o
bakal atbp.

Ang mga unang Kastilang nananakop sa Pilipinas ay nagpatotoong an gating mga ninuno ay mahilig sa
mga tula, awit, kwento, bugtong, bulong, at palaisipan na magpahanggang ngayon ay nagdudulot sa atin
ng kasiyahan.

Ang mga unang nanirahan sa ating pulo ay mga negritong nakilala sa tawag na ita, ayta, agta o beluga.
Sila ay may kalinangan bagamat walang pamahalaan, walang panulat, walang sining at walang siyensiya
pero sanay sa paggamit ng busog at pana sa paghahahanap ng pagkain. Marami-rami ring dayuhan ditto
na nag-iwan ng impluwensiya sa ating kultura at panitikan. Ang gma dayuhang ito ay ang mga
Indonesyo, Manggugusi, Bumbay, Arabe, Persa na siyang nagpalaganap ng Mahomatismo ditto sa ating
pulo. Ang mga Malay ay may malalaking impluwensiya sa ating panitikan. Sa kanila natin nakuha ang
unang alpabetong tinatawag sa Alibata. Sa kanilang lahi nagmula ang mga Bisaya, Bikol, Tagalog,
Kapampangan, Pangasinan, at Iloko. Ilan sa mga alamat natin ang impluwenisyang Kambodya. Ang mga
Intsik ay nagpamana sa atin ng ating talasalitaan.

Sa pamamagitan ng pandarayuhang ito at pakikipagkalakalan natin sa mga bansang nabanggit,


napaunlad, napayaman, at nalinang an gating mga sariling kultura at panitikan hanggang sa ang mga ito
ay nagkaroon ng pagkakakataong maisulat nang dumating ang panahong maunlad na ang kalinangan ng
bawat pulo at bayan sa Pilipinas.

Ang mga unang tumira sa kapuluang Pilipinas noong kapanahunan ng mga Alamat, bagamat masasabing
hindi tahasang gala, ay walang permanenteng tahanan. Nagsitigil sila sa isang pook nang pangkat-
pangkat na may sariling pamahalaang kasundo o kaaway ng mga kalapit-pangkat.

Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nag-iingat at ngapapahayag ay ang mga apo
(matanda) na karaniwang puno ng barangay o pinakapari ng kanilang relihiyon. SInasamba nila ang
kalikasa, araw, o punungkahoy at mga kababalaghang gawa ng mga mabubuti at masasamang espiritu
na tinatawag nilang “anito.”

Ang panitikan noon ay binubuo ng bulong na pangmahiya (incantations), kwentong-bayan (folktale),


mito (mythology), at alamat (legend) na karamihan ay batay sa panananampalataya o pamahiin.
Panahong Kolonyal

Noong 1521, dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang layunin nila’y di lamang pananakop bagkus
mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga
konkistador ang mga prayleng misyonerong dumating sa Pilipinas. Ang mga paring ito’y nag-aral ng
wikain sa Pilipinas na nagging daan ng mabilis na pagsakop sa puso’t isipan ng mga Pilipino. Ginamit ng
mga Kastila sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng abakadang Alibat o Baybayin. Nagdulot
ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na bumasa at sumulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Kastila
dahil na rin sa pagkakakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, sa Bisaya, at sa Luzon.

Nagsagawa ng mga paananaliksik o pag-aaral ang ilang misyonerong iskolar. TInipon nila at binuo muli
ang matatandang panitikang pasalita o pasulat, saka pinasukan ng mga diwang Katolisismo. Malaking
pagbababago ang naganap sa panitikan ng Pilipinas. Ito’y nagkaroon ng tuwiran at di-tuwirang
pagbabago sa paksa: Tuwiran, halimbawa sa mga aklat na nalimbag gaya ng katesismo. Sa di-tuwiran
naman, ang mga talambuhay hinggil sa Santo o Nobena, mahabang salaysay at mahahahabang
kwentong may paksang kabanalan at panrelihiyon. Ipinaloob sa panitikan ang etika at moralidad.

Ang mga misyonerong paring Dominiko naman ay nagdala ng limbagan at ginamit nila ito sa paglilimbag
ng mga aklat at pulyeto tungkol sa wika sa relihiyon.

Ayon kay Dr. Eufronio M. Alip, isang mananalaysay at edukado na Pilipino, may limang daang iba’t ibang
aklat at babasahin ang nalimbag ng Limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas. Ang limbagang ito ang
kinikilalalang kauna-unahang limbagan sa Pilipinas.

Katangian ng Panitikan

Tatlong anyo ng panitikan ang lumaganap noong panahon ng mga Kastila. Ito’y patula, tuluyan at dula.
Sa patula: berso, awiting bayan, dalit, dasal, pasyon, at awit at korido. Sa tuluyan: nobena o
talambuhay ng mga santo, mahahahabang salaysay at kwento. Ang mga dula ay inantas sa tatlo:
dulang panlansangan: pangangaluwa, tibag, panunuluyan at salubong. Ang mga dulang pantahanan:
pamanhikan, panubong, duplo, karagatan, at huego de prenda. Ginamit lahat ng anyo ng panitikan ang
Kristiyanismobilang paksa sa panahon ng Kastila.

Propaganda at Himagsikan

Mabilis ang paglaganap ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng Kastila. Ang katutubong panitikan
ng mga Pilipino ay nabihisan ng kulturang Kastila at paksaing panrelihiyon. Mahigpit na gumapos ito sa
puso’t diwa ng mga unang Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso sa kapangyarihan ng mga
nandayuhan.

Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong may isip at mulat sa katotohanan ay hindi matanggap ang
kawalan ng karapatan at kalayaan ng kanyang mga kalahi. Matatag at maingat na ginagamit nila ang
sandata ng panulat sa unti-unting paggising, pagmumulat, at paghahantad ng mga makabuluhang
impormasyon at kalagayan ng mga Pilipino sa sariling bansa. Sumilang sa mga panitikan ang damdamin
ng pagtutol at ang diwang makabayan ang nangingibabaw. Naging tahanan ng mga babasahing
propaganda ng mga Pilipino anf iba’t ibang pahayagan sa loob at labas tulad ng Diaryong Tagalog sa
Maynila, La Solidaridad sa Espanya at ibang mga pulyeto at aklat.

Hindi lamang sa panulat nagsikap ang mga propagandista bagkus gumamit din sila ng mga dulang
panlansangan at pangtanghalan tulad ng aninong gumagalaw, karilyo, sarsuwela, at balagtasan na ang
tanging paksa’y pagkamakabansa at pagpapapahalaga sa kalayaan at karapatan sa sariling bayan.

Natuklasan ng mga Kastila ang ganitong hangarin ng mga Pilipino kaya lalong naghigpit ang Censura
Permanente ng mga Kastila kaya pinaghanap ang mga propagandistang manunulat. Ang tatlong paring
sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ay pinabitay ng mga Kastila sa pamamagitan ng
‘garote’ sa salang pamumuno sa mga propagandista at paglabag sa batas ng mga Kastila. Sa ganitong
pangyayari, sumiklab ang pulitikal at literaturang paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang tinuligsa ang
mga Kastila mula sa mga panrelihiyong akda tungkol sa mga pantanghalang pampanitikan at lubusang
binuo ang mga panitikang makabayan at pagmamahal sa Inang Bayan.

Katangian ng Panitikan

Nanatili ang mga anyo ng Panitikan mula sa patula hanggang sa tuluyan sa panahon ng propaganda at
himagsika. Ang tanging nagbago sa panitikan sa panahong nabanggit ay ang layunin ng mga manunulat
sa pagbubuo ng bawat akdang pampanitikan at mga paksaing ginamit nila. Nasusulat ang mga akda
noong panahong ito ng mga Kastila at mga Tagalog.

Naglalayon ang bawat akda sa panahon ng propaganda’t himagsikan na pukawin at lubusang mamulat
ang mga Pilipino sa katotohanan; ang makilala ng balana ang kaabusuhang gunawa ng mga dayuhang
nananakupan sa sarriling bayang Pilipinas at ang maling paniniwala sa relihiyon at mga namumuno nito.
Nais nilang ihasik sa bawat Pilipino ang damdamin at pagmamamalasakit ng isang tunay na Pilipinong
makabayan, makatao, at tunay na maka-Diyos sa anumang larangan ng buhay. Kaya bawat akdang
pampanitikan at mga pagtatanghal noon ay kababakasan ng pagkamakabayan at pagmamamahal sa
Inang Bayan. Ang kaloobang mapanghimagsik ng mga Pilipino ay nagatungan ng mga akdang nabanggit
sa unahan at ito ang nagbunsod sa Himagsikan at sa pagkakabuo ng di-nagtagal na Republika ng Pilipinas
sa Malolos.

Nanguna sa mga makabayang Pilipino na sumulat ng mga akdang pampanitikan sina Jose Rizal, Marcelo
H, Del Pilar, Graciano Lopez Jaena. Sila ang kinilalang pinakataluktok ng mga propagandista. Ang paksang
pagtutuligsa at paglaban sa mga Kastila ay natunghayan din sa mga akda nina Padre Jose Burgos, Pedro
Paterno, Emilio Jacinto, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Antonio Luna, at Jose Palma.

Panahon ng Amerikano

Nagkaroon ng kaganapan ang pangamba ng maraming Pilipino na may isang malakas na bansa ang
sasakop sa Pilipinas sa nararamdaman nilang patuloy na panghina ng lakas ng pamahalaang Kastila dito
at sa iba pang nasasakupan nilang bayan. Pulu-pulutong ang himagsikan sa iba’t ibang panig ng kapuluan
at nangyayari sa iba’t ibang panahon. Ginagamit ang sandata at panulat sa pagbabagsak ng
kapangyarihan may 365 taon ding lumupig at lumingkis sa sambayanang Pilipino. Lalong tumalim ang
dila at sumugat ang mga magkasabay na paghahamon ng mga maghihimagsik ng sandata at panulat lalo
na nang maramdaman nilang di makakakabangon ang tinaguriang Inang Bayan ng Pilipinas ang Espanya.
Mayo 1, 1898 nang dumaong ang dalawang pwersa nang magbalik si Hen. Emilio Aguinaldo mula sa
HongKong nang itatag niya ang Pamahalaang Rebolusyonaryo.

Lalong naaba ang kalagayan ng mga Pilipino nang hindi man lamang sila nagkaroon ng puwang sa
kasunduang ginawa sa Paris noong Agosto 13, 1898, na lubusang pagpapaubaya ng Espanya sa lahat ng
kanyang karapatan sa Pilipinas sa bansang Amerika sa halagang $20,000,000.00. Malabis itong tinutulan
ng mga Pilipino kaya’t muling ginawang sandata ang lakas, wika, at panitikan. Nagpatuloy ang
pagtutuligsa ng mga dati at bagong silang na manunulat at nagging palasak ang paksang natutungkol sa
nasyonalismo at kalayaan.

Sa kabila ng paggamit ng lakas ng Amerika upang mapasuko ang mga manghihimagsik ay pinag-aralan
din nila ang sanhi ng paghihimagsik ng mga katutubo laban sa nakaraang pamahalaan. Likas sa mga
Pilipino ang pagiging palaaral at umunlad sa pamamagitan ng edukasyon kaya’t agad nilang binago ang
Sistema nito. Ipinagamit ang wikang Ingles sa lahat ng antas ng edukasyon at nagbukas ng mga paaralan
sa lalong liblib na pook. Ginagamit ang military sa pagtuturo kung kaya’t tinagurian silang “dough boy
teachers.” Nagpadala rito si President Roosevelt ng mga bihasang guro na tinatawag naming Thomasites
na hango sa sinakyan nilang barkong USS Thomas.

Ang wikang Kastila ay unti-unting nananamlay sa pagpasok ng bagong wika, ang Ingles. Dahil dito’y
napadali ang daloy ng kaisipan at kaunlaran at ang epekto ng impluwensiyang pangkalinangan ay
nakapagpatighaw sa kalooban ng mga Pilipino upang kalabanin ang bagong kapangyarihang kolonyal.
Mababanaag sa ating panitikan sa panahong ito ang pagpasok ng bagong kultura na di- naglao’y
lubusang lumukob sa katauhan ng higit na nakararaming Pilipino.

Katangian ng Panitikan

1. Namayani ang diwang makabayan o nasyonalismo. Ang unang dekada ng pananakop ay karugtong
ng panahong propaganda at himagsikan. Naroon pa rin ang hangarin ng maraming manunulat na
maitaboy ang mga manananakop at makapagtatag ng sariling pamahalaan sa ilalim ng nag-iisang
bandila, ang sa Pilipinas. Bagama’t di gaanong nakasugat ng malalim ang mga akda, di gaya ng mga
sinulat nila Rizal, Del Pilar, at Jaena sapagkat nadama ng mga ito ang kalayaang biyaya ng demokrasya
gaya ng kalayaan sa pagsulat ng pananalita.

2. Maramdamin ang mga manunulat na dulot ng nakaraan karanasan. Madarama sa mga tula ang
damdaming pagkabigo, paghihimagsik, pagpupumiglas na makalaya at hangaring pakikiisa.

3. Mababakas pa rin ang kawalan ng karunungan sa larangan ng kabihasnan likha ng nakaraang


pamahalaan. Ang panatisismo na panananampalataya ay naroon pa rin, takot sa halip na panananalig.
Namayani ang bulag na pagsunod sa matatandang paniniwala, pamahiin ang umiiral sa halip na matibay
na panananalig sa Dakilang Lumikha.

4. Nadama ang pagpasok ng panahon ng Romantisismo sa sumunod na dekada na noo’y siyang


namalasak sa Europa at Amerika. Unti-unting napawi kahit hindi lubusan ang diwa ng paghihimagsik at
sa halip ay namamayani ang damdaming pag-ibig sa lahat ng sangay ng panitikan. Naroon pa rin ang
hangarin ng paglaya ngunit sumilong sa mga bagwis ng demokrasya. Wikang Kastila at Tagalog ang
nagsatitik ng mga akdang hitik sa bagong karanasan, pagyayakap sa bagong ideolohiya at bagong
teknolohiya.

5. Napangkat sa tatlo ang mga manunulat noon:

a. Wikang Kastila ang ginagamit ng mga sumunod sa yapak ni Rizal, Del Pilar, at Jaena (mga
propagandista).

b. Tagalog ang ginamit ng mga nanalig na higit na mauunawaan ang akda kung dadaloy sa ugat ng
wikang kinagisnan.

k. Ingles ang ginagamit ng mga makabagong manunulat upang subukin ang sarili sa Wikang
Internasyonal.

Panahon ng Hapon

Ang kainitan ng panitikan Pilipino mula noong 1935-1941 ay biglang nanlamig sa pagdating ng mga
Hapones. Ang kalayaan sa pagsulat ay nahalinhan ng takot. Sino ba ang makakasulat o magsusulat sa
panahong ang hanap ng mga tao ay kaligtasaan sa kamay ng mga Hapones na balita sa kalupitan?
Nagsara ang mga palimbagan maging Ingles at Tagalog. Subalit pagkalipas ng ilang buwan, pagkatapos
pumasok ng mga Hapones, pinahihintulutan ding buksang muli ang lingguhang magasing Liwayway sa
pangangasiwa ni Kin-ichi Ishikawa, isang Hapones na may malawak na kabatiran sa layunin at tunguhin
ng panitikan. Sumunod na ring binuksan ang pahayagan Taliba sa labis na kagalakan ng manunulat. Ang
panulaan sa panahong ito’y nagkaroon ng karagdagang anyo- ang malayang taludturan o “free verse.”
Lumabas rin ang ilang tulang Tagalog na nahahawig sa “haiku” o hokku ng mga Hapones.

Ang “haiku” ay higit na maikli kaysa sa tanaga. Binubuo ito ng 17 pantig na ikinakalat sa tatlong taludtod
na 5-7-5. Ang tanga’y nabuhay na muli. Ito ay may apat na taludtod na ang bawat taludtod ay may
pitong pantig.

Katangian ng Panitikan

1. Naging paksain ang mga katutubong ugali sa bukid at pakikopagsapalaran sa lungsod bunga ng
pagpapalaganap ng simulain dinala rito ng Hapon na ang Asyano ay para sa Asya.

2. Nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong manunulat na pumaimbulog sa larangan ng panitikan,


sumulat ng kahit na anong paksa maliban sa pulitika at sasang-ayon sa panuntunan ng censor- Ang
Manila Shimbun-sha

3. Naging Malaya ang lahat ng manunulat sap unto ng porma, teknik ng pagsulat at anyo bagama’t
nagging maingat sa pagsanggi sa pagmamamalabis ng bagong nandayuhan.
4. Ginawang tagapa-agdong buhay lamang ang pagsulat kung kaya’t karamihan sa mga akda ay huwad
lamang at kapos sa lalim ng tunay na pagpapakahulugan sa buhay gayon din sa makatas na daloy ng
pananagalog.

5. Bagama’t may mangilan-ngilang akdang nakalusot sa sensor na naglalarawan ng tunay na kalagayan


sa buhay ng panahong iyon, ang mga katanungan walang katapat na kasagutan tungkol sa patuloy na
paglalambong ng kanilang hinaharap ay naroon pa rin.

6. Muling pinabuksan ang Sunday Tribune Magazine noong 1943. Naglathala ng mga tula, kuwento at
mga unang lathalain sa Niponggo. Ang mga paksain ay pawang pumupuri sa kadakilaan ng mga Hapones.

7. Pinahihintulutang buksan ang mga pahayagan na sumang-ayon sa panuntunan ng censor gaya ng


Liwayway, Taliba, Philippine Review, FIlipiniana, Shim Sieti, Bagong Araw-New Day, at Pillars.

You might also like