You are on page 1of 1

Kwentong Pangkasarian sa mga

Kwentong Pambata
Genaro R. Gojo Cruz

Discipline: Panitikan, Sining, Kultura

Abstract:
Ang panitikang pambata ang madalas na nakakaligtaang uri ng panitikan. Nakakaligtaan

dahil kakaunting kritiko ang naglaan ng panahon at isip upang suriin ito. Kadalasan ang

pagsusuri ay nagtatapos lamang sa tanong na kung ang kwento ba ay nagbibigay-aral o

hindi sa mga bata. Hindi sapat ang mga pagsusuri ukol sa panitikang pambata upang makita

ang kalagayan nito sa kasalukuyan.

Itinuturing ang panitikang pambata bilang batis ng kaalaman at ng kabutihang-asal. Nagiging

instrumento tuloy ng matatanda o ng lipunan ang panitikang pambata upang hubugin ang

bata ayon sa kanilang pamantayan. Sa bawat kwentong binabasa ng mga bata, wala silang

kamalaymalay na naipapasa na sa kanila ang gender roles na kailangan nilang gampanan.

Pumapaloob sila sa sistemang patriyarkal at sa mga de-kahong representasyon ng pagiging

babae at lalaki.

Hanggang kailan iiwasan ng panitikang pambata o ng mga manunulat ang maseselang

paksa tulad ng isyu sa kasarian, ng pagiging gay o lesbian? Ng pagsasama ng dalawang

lalaki o babae? Hanggang kailan bubugbugin ang mga bata ng mga kwentong malayo na sa

kanilang nararanasan? Hanggang kailan ituturing ang panitikang pambata na tagapaghubog

sa halip na tagapagmulat? Sisikapin ng papel na ito na maipakita ang representasyon ng

kasarian sa mga kwentong pambata.

You might also like