You are on page 1of 1

Graciano Lopez Jaena. Isa sa ating mga bayani.

Isang repormistang naghahanap ng


pagbabago mula sa bansang mapang-api. Isang matapang at mapusok na orador at man
unulat. Ilan lamang ito sa mga katangian ni Jaena. Ngunit, paano naging bayani a
ng propagandist ito?
Katulad ng ilang mga propagandista, Nagpunta si Jaena sa ibang bansa
, hindi dahil sa upang mag-aral o kung ano man, kundi dahil sa isang mapanglait
na manuscript. Bata pa lamang, natuto na siyang
magsulat ng mga kwento, isa sa kanyang mga ginawa ay naging dahilan ng pagkapaha
mak nito. Nagpaikot si Jaena ng mga sipi ng kanyang Fray Botod, kwentong tungkol
sa isang mapagsamantala at masamang pari. Sa pamamahagi ng mga manuscript na it
o, nagising na lamang si Jaena na pinaghahanap na s ya ng simbahan at ng tao. Napa
hiya ang mga prayle sa publiko dahil sa pagrerepresenta ni Graciano sa mga pari
bilang mataba, ignorante, imoral at mapagsamantala. Marahil, nakita nila ang kan
ilang mga sarili sa obra ni Jaena kaya naman sila nagalit ng husto. Dahil sa pro
blemang ito ni Jaena, umalis s ya ng bansa at pumunta sa Espanya.
Habang nasa ibang bansa, nag-aral s ya ng medisina. Nagustuhan ni Grac
iano ang paligid ng Madrid dahil sa malayang estado ng lugar na ito. Sa mga sama
hang pang-sosyal, iginalang s ya at itinuring bilang isang napakagaling na orador.
Dahil sa pagmamahal sa bayan, parating paksa ng kanyang mga talumpati ay tungko
l sa kalagayan ng Pilipinas. Isa sa pinakamatagumpay nitong talumpati ay naganap
sa selebrasyon ng International Congress of Commercial Geography kung saan may
isang pari, si Padre Ramon Martinez Vigil, ang nagsalita at sinabing pinupuri ni
to ang pagmamalasakit ng mga pari sa mga Indiyo. Dahil sa sinabing ito ni Padre
Vigil, napatindig si Jaena at dinepensahan ang mga Pilipino. Kinabukasan, nagis
ing na lamang ito na isa ng tanyag na orador sa Madrid.
20061218
Noong 1889, naitatag ng mga repormista ang La Solidaridad, kung saan naging edit
or si Graciano. Naging tanyag ang diyaryong ito at talaga naming tinangkilik ng
husto ng mga Pilipino sa Espanya. At noong 1891 sa Barcelona, ipinaimprenta ni J
aena ang kanyang mga koleksyon ng talumpati na pinamagatang Discursos y Articulo
s Varios.
Si Jaena ay isang mapusok at napakagaling na orador at kahit na mga kastila ay n
apapahanga nito sa galing ng pamamaraan ng paggamit n ya ng wika. Sa kanyang mga t
alumpati at sa mga salitang ginagamit, nahikayat ang mga tagapakinig at napaniwa
la sa lahat ng mga sinasabi nito.
Ang kilalang orador na ito ay hindi maingat, tambayan ang mga kapihan at hinahay
aang ang mga kaibigan ang gumastos para sa kanya. Sinabing parati raw itong kuma
kain ng sardinas gamit ang mga daliri at basta basta na lamang ipinupunas ang mg
a ito sa damit. Isang beses, binilhan ni Mariano Ponce si Jaena ng damit upang m
ay maisuot itong bago at malinis, ngunit, isinangla lamang ni Jaena ang mga dami
t at patuloy pa ring isinuot ang mala-basahan n yang kasuotan. Enero 20, 1896, nam
atay ang dakilang orador ng dahil sa tuberkolosis. Ngunit, hanggang ngayon, nana
natili pa rin sya sa puso ng bawat Pilipino sa porma ng kanyang pagiging bayani.

You might also like