You are on page 1of 8

Kalagayan ng Maikling Kwento sa Panahon ng Kastila

Nina:
Garan, Desserie Mae E.
Mateo, Lester Arhden

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
Ang pag-aaral patungkol sa Kalagayan ng Maikling Kwento sa Panahon
ng Kastila ay layuning mailahad ang katuturan at ang impluwensya nito sa
Panitikang Filipino.
Layunin din ng pamamahayag na ito ang mas mabigyang pansin ang
sariling panitikan sa Pilipinas. Ito rin ay upang mas mapaunlad pa ang maikling
kwento.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral ay isinagawa upang malaman ang kalagayan ng maikling
kwento sa panahon ng Kastila. Humanap ang mga mananaliksik ng mga
impormasyong mas dapat bigyang pansin upang maging matagumpay ang
pamamahayag. Anumang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at
makakatulong sa sumusunod:
Sa mga Tagapamahala:
Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga namumuno o
tagapamahala upang mapag-ibayo pa ang kaalamang mayroon sila na
makatutulong kung maibabahagi nila sa mga mag-aaral at guro.

Sa mga Guro:
Ito ay makatutulong sa pag-unlad ng kaalaman at kasanayan ng mga guro
tungkol sa panitikang Filipino partikular sa Maikling Kwento
Sa mga Mag-aaral:
Isa sa mga pundasyon ng tagumpay ay ang pagpapahalaga sa pag-aaral.
Malaking tulong ang maidudulot nito sa mga mag-aaral. Mas natututunan nilang
pahalagahan ang Panitikang Maikling kwento. Kapupulutan nila ito ng mga aral o
leksyon na maaaring maging silbing gabay nila sa buhay. Makatutulong din ito sa
pagpapayaman ng kanilang kaisipan patungkol sa mga ibat ibang kwento.
Saklaw ng Pag-aaral
Naglalayon itong alamin kung ano ang mga naging impluwensiya ng
maikling kwento at kung ano ang kahalagahan nito.

Konsepto ng Pag-aaaral

Ano ang
katuturan ng
Maikling
Kwento?

Paano
nakaimpluw
ensya ang
Maikling
Kwento?

Kalagayan
ng Maikling
Kwento sa
Panahon ng
Kastila

ano ang
kahalagahan
ng Maikling
Kwento?

Kabanata 2
KAUGNAY NA PAG-AARAL SA PAGSUSURI NG MGA GRAMATIKA
Kinapapalooban ng kabanatang ito ng mga pagsusuri sa mga kaugnay nap agaaral.

Katuturan ng Maiklling Kwento

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ito
ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming
may kaisahan.

Para naman kay Teodoro Agoncillo, ang maikling kwento ay gumagamit sa


unang panauhan, itoy tungkol sa buhay, matimpi sa paglalarawan at
pagpapahayag ng damdamin at dahop sa malinis na pananagalog.

Sa Internet naman, ang maikling kwento ay tumutukoy sa anyo ng


panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at mangingibabaw na
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan aat nag-iiwan ng isang kakintalan
sa isip ng mga mambabasa.

At ayon naman sa diksyunaryong FILIPINO-FILIPINO, ito ay isang anyo


ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Kalagayan ng Maikling Kwento sa Panahon ng Kastila

Bago pa man dumating ang mga kastila, mayroon tayong abilidad sa


sining at panitikan. At sa pagdatinig ng mga kastila umusbong ang sumusunod:

Kuwentong Bitbit - maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa,


malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala
(Jairuz Menia, 2013(Prezi.com)).
Kakana- sumulpot pagdating ng Espanyol, naglalaman ng mga alamat, at
engkanto, panlibang sa mga bata (Jairuz Menia, 2013(Prezi.com)).
Kwentong tungkol sa buhay ng mga santo at santa- layunin nitong
magpahayag ng kristiyanismo (Sandy Suante (slideshare.com)).
Dagli - tinatawag sa ingles na sketches, naglalahad ng mga sitwasyon hinggil sa
mga tauhan sa kuwento ngunit walang pagunlad sa kanilang istorya, bagkus
puro paglalarawan lamang ang ginagawa dito.
Pasingaw - anyo ng maikling kuwento ngunit hindi buo ang banghay, ang
pangalan ng may akda ay hindi nililimbag dahil karaniwan na ito ay may asawa.

Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Halimbawa nito


ay ang Mabuting Samariano (Sandy Suante (slideshare.com)).

Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Jairuz Menia, sa panahon ng kastila


lumitaw ang isa sa mga kilalang akda o maikling katha na sinulat ni Gat Jose
Rizal na Makamisa.
Lumitaw din dito ang Taliban a sinundan ng Bukang Liwayway

Paglitaw ng pampanitikang kritiko na pinamagatang Kwentong Ginto

Sa panahon ring ito:

1. sumigasig at dumami ang mga manunulat


2. sumigla ang sangay na ito ng panitikan
3. madula ngunit di maligoy
4. naging matimpi sa pagtatalakay ng paksa
5. itinawag itong mga kontemporaryong maikling kuwento

Rekomendasyon:

You might also like